Benito (POV) Batang laki sa ako sa hirap ako ang perfect example ng isang kahig isang tuka. Maaga akong naulila sa buhay kaya mag-isa lang akong nakatira sa aking maliit na bahay. Dahil high school lang ang aking natapos ay paiba-iba ang aking trabaho. Tulad ng waiter sa mga club sa gabi at tagalinis sa club bago magbukas ito. 19 lang ako pero batak ang aking katawan sa trabaho. Minsan kinausap ako ng manager kung pwede daw akong sumayaw. Hindi ako pumayag dahil kahit paano ay mas gustuhin ko ang mapagod sa trabaho kaysa pag piestahan ang aking katawan. Nag-ipon ako ng pera para makapag-aral kahit mga vocational course lang. Maraming mga madrona ang nais akong i table at pag-aralin kapalit ng aking katawan pero hindi ako pumayag. Alam ko na ampon lang ako ng mga kinalakihan ko na magula