THIRD PERSON POV
Malakas na tumawa si Ruth nang mag-pose sa nakakaakit na paraan sa kanyang harapan ang kumareng si Rosanna. Nakasuot lamang ito ng two-piece bikini at isang tapis na itinali sa baywang nito.
Ruth: Hindi ka ba kuntento sa pictorial ninyo ng inaanak ko, mare?
Si Rosanna ay sinagot ang tanong ni Ruth habang tuloy-tuloy pa rin ito sa pagpo-pose sa kanyang harapan.
Rosanna: Naku, mare. Hindi pa kami tapos ni Rochelle sa aming photo shoot. Pinagpahinga ko muna. Aba, dapat na marami akong mapagpiliang pictures na pwede kong i-post sa aking social media account.
Si Ruth ay natatawang umiling kay Rosanna.
Alam ni Ruth na mahilig mag-post ng mga seksing larawan sa social media account nito ang kanyang kumare. Nagtataka nga siya kung bakit hinahayaan lamang ito ng kanyang kumpareng si Armand gayong maraming lalaki ang nahuhumaling sa misis nito.
Hindi lingid sa kaalaman ni Ruth na maraming lalaking umaaligid sa kanyang kumare ngunit sa kanyang pagkakaalam ay wala ni isa sa mga lalaking iyon ang binigyan ng pansin ni Rosanna. Sa katunayan ay sinasabi pa ni Rosanna sa kanya na naiirita ito sa mga lalaking nagpaparamdam dito kahit alam ng mga iyon na may asawa na ito at nagtatrabaho bilang seaman.
Sinasabi na lamang ni Ruth kay Rosanna na huwag nang pansinin ang mga lalaking iyon at kung hindi titigil ang mga iyon sa kakakulit dito ay maaari naman nitong ireklamo ang mga lalaking iyon.
Rosanna: Kailangan 'yong seksing-seksi ako, mare. 'Yong maipagmamalaki ako ni Armand sa kanyang mga katrabaho sa barko. Syempre, ang gusto ko ay maging proud sa akin si kumpare mo.
Tipid na ngumiti si Ruth kay Rosanna.
Naisip ni Ruth na wala naman sigurong masama kung itatanong niya kay Rosanna ang isang bagay na nakapagpapalito sa kanya.
Ruth: Mare, no offense meant, pero okay lang ba kay pareng Armand 'yong ginagawa mong pagpo-post ng photos na sobrang seksi sa social media?
Kumunot ang noo ni Rosanna sa tanong na iyon ni Ruth.
Ruth: I mean, payag ba siya na may ibang taong nakakakita ng mga larawan ng katawan mo online?
Matagal na tumitig si Rosanna kay Ruth at pagkatapos ay parang nag-isip nito bago sinagot ang tanong ng kumare nito.
Rosanna: Alam mo, mare, never ko naitanong 'yan sa asawa ko. Kasi noong unang beses na ginawa ko 'yon, wala namang sinabi si Armand sa akin. Kaya in-assume ko na okay lang sa kanya.
Tumango-tango si Ruth sa harapan ni Rosanna.
Rosanna: Pero ngayong naitanong mo 'yan, napaisip ako. Oo nga. Walang sinasabi si Armand sa akin tungkol sa mga seksing larawang ipino-post ko online pero hindi nga naman assurance 'yon na approved sa kanya 'yong ginagawa ko.
Muling tumitig si Rosanna kay Ruth at mukhang may iniisip ito.
Rosanna: Siguro ay mas mabuting tanungin ko siya next time na mag-uusap kami through video call.
Ngumiti si Ruth kay Rosanna kasabay ng pagtayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama at lumapit sa tabi ng bintana ng kwarto ng cottage na iyon habang nakaharap pa rin sa kanyang kumare.
Ruth: Mas okay 'yan. Concerned lang din naman ako sa iniisip ni kumpare. Minsan kasi ay hindi nagsasalita ang mga lalaki kung hindi sila sang-ayon sa ibang bagay na ginagawa ng partners nila para wala na ring pagtatalunan.
Humalukipkip si Rosanna habang pinapakinggan ang sinasabi ng kumareng Ruth nito.
Ruth: Lalo na kung sa tingin ng mga lalaki ay masaya ang kanilang girlfriends o mga asawa sa ginagawa ng mga ito. Pero tayong mga babae, syempre, dapat sensitive din tayo sa iisipin ng mga partner natin.
Sa tantiya ni Ruth ay sumasang-ayon na sa kanyang mga sinasabi si Rosanna dahil tumatango-tango na ito sa kanyang harapan.
Ruth: And vice versa dapat 'yon. Dapat sensitive din ang mga lalaki sa iisipin ng mga partner nila kapag sila naman ang nakaisip na gumawa ng isang bagay na pwedeng questionable sa mga mata ng ibang tao.
Pagkatapos magsalita ni Ruth ay pumapalakpak na lumakad si Rosanna palapit sa kanya sa tabi ng bintana na kanyang ikinatawa.
Rosanna: Grabe, mare. Thank you for the insight, ah. Ganyan siguro kayo ni pareng Von. Laging pinag-uusapan ang lahat ng bagay.
Ngumuso si Rosanna at biglang nalungkot ang mukha nito bago tumingin sa madilim na tanawin sa labas ng bintana.
Rosanna: Kami kasi ni pareng Armand mo ay bihirang makapag-usap tungkol sa iba't ibang bagay dahil madalas siyang nagmamadali sa tuwing mag-uusap kami sa video call.
Sandaling nilingon ni Rosanna si Ruth bago muling ibinalik ang paningin sa labas ng bintana ng kwarto.
Rosanna: Kung uuwi naman siya rito sa bansa ay bihira kaming makapag-usap dahil halos maubos ang oras nila ni Rochelle sa pagba-bonding. Palaging bumabawi ng oras at panahon ang aking asawa sa inaanak mo sa tuwing bababa siya ng barko.
Nakakaunawang tumango si Ruth habang nakatingin kay Rosanna na malungkot ang mga matang nakatanaw sa dagat.
Ruth: Naiintindihan ko, Rosanna.
Maya-maya ay biglang nagbago ang mood ni Rosanna at nakangiti na itong lumingon kay Ruth.
Rosanna: Buti pa kayo ni pareng Von, solong-solo ninyo ang oras ng isa't isa. Palagi siguro kayong may lambingan moments ni kumpare.
Pabiro pang hinampas ni Rosanna ang kaliwang braso ni Ruth matapos sabihin iyon.
Si Ruth ay ngumiti lamang kay Rosanna. Alam niya sa kanyang sarili na palaging may oras para sa kanya ang asawang si Von. Minsan pa nga ay siya pa ang nagpapaalala rito kung may dapat ba itong gawin o tapusin na may kinalaman sa trabaho sa pagmamay-ari nitong hardware store dahil hanggang may pagkakataon ay itutuon ni Von ang atensyon nito sa kanya.
Rosanna: Pangiti-ngiti lang 'yang si mareng Ruth pero araw-araw may dilig 'yan.
Natatawang nanlaki ang mga mata ni Ruth kay Rosanna at pabiro rin niyang hinampas sa braso ang kanyang kumare.
Ruth: Bibig mo talaga, mare. Baka maeskandalo sila rito?
Si Rosanna ay tawa nang tawa habang tumitingin sa paligid sa labas ng bintana.
Rosanna: Bakit? Ano ba ang problema sa bibig ko? Puhunan ko kaya 'to kaya napangasawa ko si Armand. Magaling 'tong humigop.
Sa sinabing iyon ni Rosanna ay sabay silang nagtawana ni Ruth.
Rosanna: Dapat kasi ikaw na lang ang mag-picture sa akin para professional ang dating ng mga larawan. Photographer ka kaya, mare.
Ngumiti si Ruth kay Rosanna at umiling.
Ruth: Sabi ko naman sa 'yo ay hindi ko gustong ako ang kumukuha ng larawan sa mga taong malalapit sa akin, hindi ba?
Ngumuso si Rosanna at tumango-tango sa harapan ni Ruth.
Rosanna: Alam ko naman 'yon. Pero hindi mo ba gustong mag-pose ako sa harapan mo, mare?
Muling nag-pose ng kaakit-akit si Rosanna sa harapan ni Ruth na ikinatawa nilang pareho at maya-maya lamang ay pareho na silang nakangiting nakatingin sa dagat sa labas ng bintana habang ninanamnam ang hanging nagmumula sa dalampasigan.
---------
Nakahalukipkip at nakasimangot ang mukha ni Betsy habang nagbibihis ang kanyang boyfriend na si Orly sa kanyang harapan. Katatapos lamang nilang mag-shower mula sa pagna-night swimming sa dagat at ngayon ay naroon na sila sa loob ng kwarto ng cottage na kinuha ng ina ni Orly na si Ruth para sa kanilang dalawang magkasintahan.
Orly: Babe, bakit parang nag-iba yata 'yong mood mo habang naglalakad-lakad tayong dalawa kanina? Tapos parang hindi ka rin nag-enjoy habang naliligo tayo sa dagat. Is there any problem?
Pinaningkitan ng mga mata ni Betsy si Orly at pagkatapos ay umingos.
Si Orly ay malalim na nagbuntung-hininga at umiling. Pagkatapos nitong magbihis ng damit ay tinabihan nito sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama si Betsy at inakbayan.
Orly: Mukhang nagtatampo yata ang babe ko, ah. Ano ba ang nagawa ko? Would you like to tell me, hmmm?
Marahas na inalis ni Betsy ang kamay ni Orly na nakaakbay sa kanyang balikat at mabilis siyang lumayo rito.
Betsy: Huwag mo akong lalapitan!
Napakunot ang noo ni Orly sa nakikita nitong inis sa mukha ng girlfriend nito nang mga oras na iyon.
Orly: What's happening, babe? Is this some kind of a prank?
Lalong naningkit ang mga mata ni Betsy dahil mukhang wala talagang ideya ang kanyang boyfriend kung bakit nagmamaktol siya na parang isang bata ngayon.
Nais mang sabihin ni Betsy ang dahilan ngunit hindi niya gustong ibaba ang kanyang pride at nahihiya siyang aminin ang katotohanan kung bakit siya umaakto ng ganoon sa harapan ni Orly.
Hindi sana gustong sumama ni Betsy sa overnight stay na ito sa isang beach resort dahil nagbabaka-sakali siyang masosolo niya ang pinagnanasaang stepfather ng kanyang boyfriend na nagpaiwan sa ancestral house ng angkan nito. Ngunit nang malaman niya ang tungkol sa nakaraan ng kanyang boyfriend at ng anak ng kumare ng ina nito ay parang may kung anong naramdamang kakaiba si Betsy na hindi niya gustong pangalanan.
Napakunot ang noo ni Betsy nang makita niya sa garden na nakikipagtawanan ang kanyang boyfriend sa kumare ng ina nito. Hindi niya alam na close pala si Orly kay Rosanna.
Pasimpleng lumapit si Betsy kina Orly at Rosanna para pakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.
Orly: Kayo talaga, Tita Rosanna, napakapalabiro niyo po. Minsan hindi ko na alam kung kailan kayo nagbibiro o kung kailan kayo seryoso.
Napataas ang isang kilay ni Betsy nang makitang hinampas ng kamay ni Rosanna ang braso ng kanyang boyfriend.
Rosanna: Uy! Mukhang may napapadalas sa gym, ah.
Dalawang kilay na ni Betsy ang nakataas nang makitang pinisil-pisil pa ni Rosanna ang medyo may kalakihan nang muscle ni Orly sa braso.
Nakita ni Betsy na tumatawa-tawa lang si Orly habang pinipisil ni Rosanna ang muscle nito sa braso. Naisip niya na baka close lang talaga ang kanyang boyfriend sa kumare ng ina nito.
Rosanna: Parang karne 'tong muscle mo, Orly, ah.
Sa sinabing iyon ni Rosanna ay sabay silang nagtawanan ni Orly habang si Betsy ay nakatago pa rin sa likod ng matataas na mga halaman.
Rosanna: Mga ilang buwan pa at paniguradong magiging magkasingkatawan na kayo ng stepfather mo.
Inalis na ni Rosanna ang kamay nito mula sa pagkakapisil sa muscle sa braso ni Orly habang si Orly naman ay napakamot ang ulo.
Orly: Mukhang marami pa akong kakaining bigas para maging magkasingkatawan na kami ni Tito Von.
Si Rosanna ay matamis na ngumiti kay Orly.
Rosanna: 'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh. Humble ka lang. Kaya sa lahat ng mga lalaking naugnay kay Rochelle, ikaw lang ang nagustuhan ko. Kasi humble ka maliban pa sa sweet boyfriend ka rin. Tapos magalang ka pa. Marespeto.
Mahinang napasinghap si Betsy nang marinig ang sinabing iyon ni Rosanna.
Walang ideya si Betsy na naging girlfriend ng kanyang boyfriend si Rochelle. Ang akala niya ay siya ang kauna-unahang naging girlfriend ng lalaki.
Orly: Matagal na po 'yon, Tita Rosanna. Pareho na po kaming nakapag-move on ni Rochelle.
Nakatalikod si Orly mula sa pinagtataguan ni Betsy kaya hindi makita ng babae ang emosyong bumabalot sa mukha ng kanyang boyfriend habang sinasabi iyon.
Rosanna: Alam ko naman 'yon. Pero minsan hindi ko naiiwasang manghinayang kasi perfect boyfriend ka na, eh.
Nakita ni Betsy na napakamot sa batok nito ang kanyang boyfriend matapos iyong sabihin ni Rosanna.
Rosanna: Totoo 'yon, Orly. Actually, kung wala akong asawa, gusto kitang maging boyfriend.
Nanlaki ang mga mata ni Betsy sa sinabing iyon ni Rosanna at kahit hindi niya nakikita ang reaksyon ni Orly ay sigurado siyang nagulat din ito sa sinabi ng kumare ng ina nito.
Orly: Tita Rosanna, hindi ko po alam kung ano ang aking sasabihin. Flattering po siguro pero respeto na lang po sana sa girlfriend ko.
Wala sa loob na napangiti si Betsy nang marinig ang sinabi ni Orly.
Hindi alam ni Betsy pero parang may kung ano siyang naramdaman sa sinabing iyon ni Orly. Nirerespeto nito ang kanilang relasyon samantalang siya ay palaging sinasabi sa kanyang sarili na hindi niya ito mahal at ginagamit lamang ito para sa perks na nakukuha niya mula rito. Maliban doon ay pinagnanasaan pa niya ang stepfather ng kanyang boyfriend.
Rosanna: Uy! Ano ka ba, Orly? Joke lang 'yon. It's a prank!
Tumatawang hinampas ni Rosanna ang kaliwang braso ni Orly habang si Orly ay muling napakamot sa batok nito.
Orly: Tita Rosanna talaga. Puro po kayo kalokohan.
Sa puntong iyon ay unti-unti nang naglakad si Betsy paatras pabalik sa loob ng ancestral house habang iniisip pa rin ang kanyang natuklasang dating relasyon ni Orly kay Rochelle.
Kaya naman gulat na gulat si Orly kanina nang bigla na lamang naisipan ni Betsy na sumama sa beach resort na iyon. Hindi alam ni Betsy pero ang ideyang pwedeng makapagsolo sina Orly at Rochelle sa beach resort ay hindi nagugustuhan ng kanyang puso.
At heto si Betsy ngayon kasama ang kanyang boyfriend sa loob ng kwarto ng isang cottage.
Kanina nang maglakad-lakad sila ni Orly sa tabi ng dalampasigan ay nakita ni Betsy na nagkatinginan ang kanyang boyfriend at si Rochelle na nakaupo sa buhanginan habang siya at ang kanyang boyfriend ay magka-holding hands. Bigla na lamang ay parang nakaramdam ng ngitngit si Betsy sa kanyang puso kaya hanggang ngayon ay nagsusungit pa rin siya sa harapan ni Orly.
Hindi gustong aminin ni Betsy kay Orly na kaya masama ang kanyang loob ngayon ay dahil nagngingitngit ang kanyang kalooban matapos masaksihan ang pagtititigan nina Orly at Rochelle sa dalampasigan kanina. Wala siyang balak na ibaba ang kanyang pride para lamang kay Orly.
Isa pa ay magtataka si Orly kung bakit nagngingitngit si Betsy sa pagtititigan nilang dalawa ni Rochelle gayong kahit kailan ay hindi pa naikwento ni Orly sa kanya ang tungkol sa ex-girlfriend nito. At mapapahiya lamang si Betsy kung ipapaalam niya kay Orly na pinakinggan niya ang pag-uusap nito at ni Rosanna kanina.
Kaya naman hindi sasabihin ni Betsy kay Orly ang dahilan kung bakit nagmamaktol siya sa harapan nito ngayon.
Betsy: Wala ako sa mood na makipag-usap ngayon, Orly. Kaya, please lang, stop asking me.
Pagkatapos sabihin iyon ay agad na pumasok si Betsy sa loob ng bathroom na nasa loob ng kanilang cottage ni Orly.
Si Orly ay nakakunot ang noo habang nakatitig sa nakasaradong pintuan ng banyo.
Orly: Argh! Orly Sabiera, what is it this time?
Napahilamos ng kamay sa mukha si Orly matapos kausapin ang sarili.
----------
itutuloy...