bc

Ang Sarap Ni Ninong

book_age18+
411
FOLLOW
5.6K
READ
drama
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Si VON REVERENDOS, ang ninong na pinagpapantasyahan ng karamihan. Biktima ng isang kasalanan ng nakaraan.

Sa kasalukuyang panahon, paano niya maitatama ang maling nangyari ilang taon na ang nakalilipas?

----------

This work contains themes of cheating and violent death that may be considered profane, vulgar, or offensive to some readers and/or inappropriate for children. Reader discretion is advised.

The thoughts, actions, and/or beliefs of characters in this story do not portray the thoughts, actions, and/or beliefs of the author.

This story is all fiction and in accordance with the wide imagination of the author. The names of the characters, places, and each scene, if there is any resemblance to the real events, are unintentional.

chap-preview
Free preview
PROLOGO
THIRD PERSON POV Mabibilis ang mga hakbang ni Melencio patungo sa bahay ni Juliana, ang babaeng sinisinta nito. Kailangan nitong magmadali. Oras ang kalaban sa pagkakataong iyon. Nang makarating si Melencio sa destinasyon nito ay agad na hinanap nito ang pakay. Nakita nito si Juliana na nagpapahinga sa hardin nito. Saglit na nakalimutan ni Melencio ang dahilan ng pagpunta sa bahay ni Juliana rahil sa nakikitang kagandahan ng babae. Ilang sandaling tinitigan ni Melencio si Juliana hanggang sa maramdaman ng babae na tila may taong nakamasid dito. Nilingon ni Juliana ang direksyon na kinatatayuan ni Melencio at kumunot ang noo nito pagkatapos. Juliana: Ano ang ginagawa mo rito, Melencio? Mula sa nakabukas na pintuan ng bahay ng pamilya ni Juliana ay sumungaw ang pinsan ni Juliana na si Minerva. Kuryusidad ang nasa mga mata nito habang nakatunghay sa lalaking dumating. Kahit na masakit para kay Melencio ay ipinaalam pa rin nito kay Juliana ang natuklasan tungkol sa dating kasintahan nito. Melencio: Na-narinig kong mag-magtatanan daw ang dati mong kasintahan na si Alejandro at si Kristina. Nagulat si Juliana sa natuklasan at napatakip sa bibig nito gamit ang kanang palad. Una ay hindi alam ni Juliana na may relasyon pala ang dating kasintahan na si Alejandro at ang kababatang si Kristina. Pangalawa ay nakatakda nang ikasal si Alejandro kay Concepcion na siyang naging dahilan kung bakit pinutol ng lalaki ang relasyon nilang dalawa, ngunit hindi naman pala magpapakasal si Alejandro kay Concepcion at makikipagtanan ang lalaki kay Kristina. Si Minerva ay hindi namalayang unti-unti na palang tumutulo ang mga luha nito sa magkabilang pisngi habang nakikinig sa usapan ng pinsan nitong si Juliana at ni Melencio. Juliana: Hi-hindi maaaring gawin sa akin ito ni Alejandro, Melencio. Tu-tuluyan na siyang lalayo sa akin ga-gayong buo na ang aking desisyon na ma-maging kerida niya oras na makasal siya kay Concepcion. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ni Juliana. Nasasaktan si Melencio sa nakikitang pighati sa mukha ng babaeng iniibig dahil lamang sa isang lalaki. Si Minerva ay wala sa loob na hinimas ang tiyan nito habang lumuluha at bumulong sa hangin. Minerva: Mag-magkakaanak na kami ni Alejandro. Hi-hindi niya maaaring gawin sa akin ito pagkatapos na may mangyari sa amin. Sa malaking bahay ng pamilya ni Concepcion ay tumatangis ang dalaga matapos mabasa ang liham na natanggap mula kay Alejandro. Nakatakdang ikasal sina Alejandro at Concepcion sa susunod na linggo ngunit ayon sa liham na ipinadala ni Alejandro ay umaatras ang lalaki sa kasunduan. Nabanggit din sa sulat ni Alejandro na lalayo na ang lalaki kasama ang babaeng totoong iniibig. Concepcion: Hi-hindi maaaring gawin sa akin ito ni Alejandro. Ma-mapapahiya ako sa buong nayon. Hi-hindi lamang ako kundi maging ang aking mga magulang. Hi-hindi siya maaaring basta na lamang umalis. Sa isang dako ng nayon ay nakatayo si Alejandro sa tabi ng isang poste at halatang may hinihintay doon. Iyon ang tagpuan nila ng kanyang kasintahang si Kristina. Napagdesisyunan nina Alejandro at Kristina na magtanan at manirahan sa malayong lugar. Agad na gumawa ng isang liham si Alejandro para ipaalam sa kanyang nobyang si Concepcion na siya ay umaatras na sa kasunduan na maikasal silang dalawa. Alam niyang itatakwil siya ng kanyang mga magulang oras na malaman ng mga ito na nakipagtanan siya kay Kristina. Ilang minuto pa ay may naaaninag na si Alejandro na babaeng papalapit sa kanya. Nagulat siya nang makitang hindi si Kristina ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon kundi ang kaibigan nitong si Trinidad. Alejandro: Trinidad? A-ano ang ginagawa mo rito? Iginala ni Alejandro ang paningin ngunit wala sa paligid si Kristina. Trinidad: Alejandro, alam ko ang balak ninyong pagtatanan ng aking kaibigang si Kristina. Ngunit ikinalulungkot kong sabihin na hindi makararating si Kristina rito sa inyong tagpuan. Nabigla si Alejandro sa narinig na sinabi ni Trinidad. Alejandro: A-ano ang ibig mong sabihin? Hindi sinagot ni Trinidad ang tanong ni Alejandro. Bagkus ay ikinulong ni Trinidad sa dalawang palad nito ang mukha ng lalaki na siyang ikinagulat ni Alejandro. Trinidad: Ako, ako ang itanan mo, Alejandro. Sasama ako sa iyo kahit saan. Kayang-kaya kitang mahalin sa paraang gusto mo. Ako ang babaeng nararapat sa iyo. Bigla ay hinalikan ni Trinidad ang mga labi ni Alejandro. Sa gulat ay hindi alam ng lalaki kung ano ang gagawin. Hinayaan niya ang babaeng halikan ang kanyang mga labi sa gitna ng madilim na lugar na iyon. Sa di-kalayuan ay kitang-kita ni Kristina ang magkadikit na mukha ng kasintahang si Alejandro at ng matalik na kaibigang si Trinidad. Nakasisiguro itong naghahalikan sina Alejandro at Trinidad. Hindi namamalayan ni Kristina na unti-unti nang naglalandas sa magkabilang pisngi ang mga luhang hindi nito alam kung paano pipigilin. Kristina: Taksil. Traydor. Ginamit mo lang ako. Hindi mo ako minahal. May diin sa bawat salitang binibitiwan ni Kristina. Nilisan ni Kristina ang lugar na iyon na umiiyak at masamang-masama ang loob. Hindi nito akalaing lolokohin ito ng kasintahan at magtataksil kasama ang babaeng itinuring na nitong kapatid. Hindi na nakita ni Kristina kung paanong itinulak ni Alejandro palayo si Trinidad mula sa pagkakahalik sa lalaki. Pinunasan ni Alejandro ang kanyang mga labing hinalikan ni Trinidad. Mapang-uyam na tinitigan ang babae at dinuraan ito sa mukha. Nabigla si Trinidad sa ginawang pagdura ni Alejandro sa mukha nito. Alejandro: Ganyan ka na ba talaga kababa na kahit ang kasintahan ng sarili mong kaibigan ay aagawin mo? Kung iniisip mong mamahalin kita tulad ng aking pagmamahal kay Kristina, mag-isip-isip kang muli, Trinidad. Walang magmamahal sa mababang babaeng katulad mo. Hindi ka na malinis. Nakakadiri at nakakasuka ka. Nanlalaki ang mga mata ni Trinidad sa naririnig nitong mga salita mula kay Alejandro. Nasasaktan ito. Hindi napansin ni Trinidad na umiiyak na pala ito sa harapan ng lalaking minamahal. Nakangisi lamang si Alejandro kay Trinidad at naroon pa rin sa mga mata ng lalaki ang pang-uuyam para sa babae. Nang gabing iyon ay limang babae ang nasaktan at lumuha rahil kay Alejandro. Isa sa limang babaeng iyon ay umusal ng orasyon sa isipan nito. Isang sumpa na dadanasin ni Alejandro at ng kanyang lahi sa mga susunod na henerasyon. Sumpang makakamit ng mga lalaking magiging miyembro ng kanyang angkan. Tumingala si Alejandro sa kalangitan. Nagsisimula nang bumuhos ang ulan. Tila nakikisabay ang bawat buhos ng ulan sa mga luhang pumapatak mula sa mga mata nina Concepcion, Juliana, Kristina, Minerva, at Trinidad. ----------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
976.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

The Real About My Husband

read
25.0K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
10.3K
bc

Lady Boss

read
2.0K
bc

Wife For A Year

read
45.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook