THIRD PERSON POV
Makikita ang pag-asa sa mukha ng mga nilalang na sina Concepcion, Juliana, at Minerva habang sila ay nakatunghay sa kawalan sa loob ng kadilimang bumabalot sa kanilang kinalalagyan.
Si Kristina ay dismayado sa naging pasya ng kanyang mga kasamang nilalang kaya naman naroon siya sa isang sulok ng kadilimang iyon habang inaarok ng kanyang isipan kung ano na ang maaaring maganap ngayong si Trinidad ay nasa loob na ng katawan ng lipi nitong si Angel.
Concepcion: Naging matagumpay ang pagsanib ni Trinidad sa katawan ng kanyang lipi.
Dahan-dahang humarap si Concepcion sa katabing si Juliana.
Concepcion: Nawa'y maging matagumpay din siya sa paggapi ng kahuli-hulihang lipi ni Alejandro sa mundo ng mga tao.
Taas-noong ngumiti si Juliana at ipinagsalikop ang dalawang kamay nito.
Juliana: Ang bawat lipi natin ay sinubukan na ang kanilang makakaya upang mapasuko ang lipi ni Alejandro. Ngunit silang lahat ay nabigong magapi ang lalaking iyon.
Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Juliana nang magkasunod nitong sulyapan sina Concepcion at Minerva.
Juliana: Kaya naman humantong tayo sa isang kasunduan. At iyon ay ang sumanib ang isa sa atin sa kanyang lipi nang sa gayon ay matulungan ang liping iyon na gawin kung anuman ang siyang nararapat.
Muling itinuon ni Juliana ang mga mata nito sa kawalan.
Juliana: Ginawa lamang natin kung ano ang sa atin ay makabubuti.
Si Minerva ay mabagal na pumalakpak habang nakatunghay sa pinsang si Juliana.
Minerva: Siyang tunay, mi prima.
Lumingon si Minerva kay Concepcion at magkasabay nilang nginitian ang isa't isa.
Minerva: Ako'y mapapanatag na ngayong si Trinidad ay muli nang nakapasok sa mundo ng mga tao. Nawa'y walang maging suliranin sa kanyang pagpapasuko sa natitirang lipi ni Alejandro.
Si Juliana ay nilingon ang pinsang si Minerva at nakangiting umiling.
Juliana: Ako'y hindi nag-aalinlangan na magiging matagumpay ang ating kapwa nilalang na si Trinidad. Diyata't si Trinidad ang siyang may pinakamalakas na loob sa ating lima.
Sa tinurang iyon ni Juliana ay sabay na tumawa sina Concepcion at Minerva.
Minerva: Hindi ba't sa labis na katapangan ni Trinidad ay nagawa pa nitong ibaba ang dignidad at nagmakaawa kay Alejandro na ibigay nito rito ang pag-ibig na para kay Kristina?
Ang inakalang birong iyon ni Minerva ay hindi naging kaaya-aya sa pandinig ng mga kasama nitong nilalang na sina Concepcion at Juliana.
Si Kristina ay agad ding napalingon sa pag-uumpukan nina Concepcion, Juliana, at Minerva.
Juliana: Ano ang iyong hangarin at kailangan mong muling ipaalala sa amin ang tungkol sa masalimuot na gabing iyon?
Matiim na nakatitig sa mga mata ni Minerva si Juliana.
Juliana: Higit sa kaninuman ay ikaw, prima, ang nakababatid kung gaano ako nanaghoy nang gabing iyon dahil sa paghihirap na aking naramdaman nang matuklasang tuluyan nang hindi ko masisilayan ang aking si Alejandro.
Si Minerva ay nagyuko ng ulo at nagsisisi na ginawang biro ang tungkol sa ginawang pagmamakaawa ni Trinidad kay Alejandro para lamang ito ang mahalin ng lalaki.
Minerva: Maging ako ay tumangis nang gabing iyon, prima.
Sa mahinang tinig ng boses ay tinuran iyon ni Minerva.
Umangat ang ulo ni Minerva at nakipagtitigan sa pinsan nitong si Juliana.
Minerva: Hindi lamang ikaw ang siyang nagdusa sa biglaang paglisan ni Alejandro, Juliana.
Nanliit ang mga mata ni Juliana habang nakatuon ang buong atensyon nito kay Minerva bago muling narinig ang tinig ng boses nito sa loob ng kadilimang iyon.
Juliana: Tayo'y magkaiba, prima. Ikaw ay hindi handang maging kerida ni Alejandro.
Marahas na tumalikod si Juliana at tumingala sa kawalan.
Juliana: Samantalang ako, buo na ang aking loob na pababain ang aking dignidad alang-alang sa lalaking aking pinakamamahal.
Muling nagbalik sa gunita ni Juliana ang mga masasaya at masasalimuot na alaalang pinagsaluhan nilang dalawa ni Alejandro.
Juliana: Kaya kong isakripisyo ang aking malinis na imahe para lamang kay Alejandro, Minerva.
Sa mga binitiwang salitang iyon ni Juliana ay parang gustong mag-aklas ni Minerva.
Habang nakatunghay sa likod ni Juliana ay hindi napigilan ni Minerva na ipahayag ang sarili nitong hinaing.
Minerva: Ikaw ay maghunus-dili sa iyong mga tinuturan, Juliana. Ika'y saksi ng aking pinagdaanang paghihirap at kahihiyan nang aking ipagdalang-tao ang aming supling ni Alejandro.
Marahang nilingon ni Juliana ang kalahing si Minerva.
Minerva: Ilang gabi, ilang linggo, at ilang buwan akong nanalangin na sana ay magbalik si Alejandro kahit pa ako'y may hinanakit sa kanya upang huwag lamang ako at ang aming supling na malagay sa kahihiyan.
Malungkot na yumuko si Minerva kasabay nang paggunita sa mga panahong umasa itong babalik si Alejandro para rito at sa kanilang anak.
Minerva: Aking pinagtiisan ang mapanghusgang pagtingin sa akin ng lipunan. Sila'y hindi pa nakuntento at kung anu-anong masasakit na mga salita pa ang sa akin ay ibinato.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Juliana ang animo'y mga tubig sa paligid ng mga mata ni Minerva.
Minerva: Ngayon mo sa akin ipagmalaki na ikaw lamang ang handang magsakripisyo para kay Alejandro. Ngayon mo ipagsigawang tanging ikaw lamang ang naghirap sa biglaang pag-alis ni Alejandro sa ating bayan.
Si Juliana ay nanatiling tahimik lamang habang nakatunghay kay Minerva.
Concepcion: Silencio!
Ikinagulat nina Juliana at Minerva ang biglaang pagsigaw na iyon ni Concepcion.
Concepcion: Kayo ay walang mga kahihiyan!
Matalim ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin ni Concepcion sa magpinsang Juliana at Minerva matapos itong magtaas ng tinig ng boses sa dalawang nilalang na nasa harapan nito.
Concepcion: Kung kayo'y magpalamangan ng inyong mga paghihirap sa pagkawala ni Alejandro ay parang wala rito ang aking presensya.
Bumaba na ang tinig ng boses ni Concepcion ngunit madiin ang pagbitiw nito sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.
Concepcion: Animo'y kayo'y nagmamalaki pa sa inyong mga nagawang pagkakasala.
Sina Juliana at Minerva ay nakatitig lamang kay Concepcion ngunit mababakas sa mukha ng mga ito ang pagkapahiya.
Concepcion: Ako'y nakatakda nang ikasal kay Alejandro nang mga panahong iyon.
Sa puntong iyon ay iniwas na ng magpinsang Juliana at Minerva ang kanilang paningin mula sa mapanumbat na mga titig ni Concepcion.
Concepcion: Ngunit ano ang inyong ginawa sa inyong kapwa babae?
Hindi maikakaila ang panghuhusga sa tinig ng boses ni Concepcion habang palipat-lipat ang mga titig nito sa magpinsang Juliana at Minerva.
Concepcion: Ikaw, Juliana. Tila ika'y nagmamalaki pang handa kang maging kalunya ni Alejandro noon kung natuloy lamang ang aming pag-iisang-dibdib.
Animo'y nag-aapoy ang mga mata ni Concepcion at anumang oras ay masusunog si Juliana.
Concepcion: Kaya maraming pamilya ang nawawasak nang dahil sa mga babaeng katulad mong handang maging kerida.
Animo'y isang punyal na naglalandas sa kaliwang dibdib ni Juliana ang mapanakit na mga salitang iyon mula kay Concepcion.
Ilang sandali pa ay bumaling naman sa direksyon ni Minerva ang atensyon ni Concepcion.
Concepcion: At ikaw naman, Minerva. Animo'y babaeng hindi makabasag-pinggan. Iyon pala'y ang kulo ay nasa loob.
Hinagod ng mga mata ni Concepcion ang kabuuan ni Minerva.
Concepcion: Dinaig mo pa ang iyong prima sa kababaan ng dignidad.
Mariing pumikit si Minerva dahil batid nito sa sarili na ang mga winikang salita ni Concepcion ay pawang katotohanan.
Concepcion: Pinahintulutan mong may maganap sa pagitan ninyong dalawa ni Alejandro kahit batid mong kaming dalawa ay nakatakda nang ikasal.
Naramdaman ni Minerva ang pagdaan ng mga butil ng luha sa pagitan ng mga talukap ng nakapikit nitong mga mata matapos ipamukha rito ni Concepcion ang ginawa nitong kasalanan noon.
Concepcion: Ikaw ay isang makasalanang babae, Minerva. Pecaminosa!
Kasabay nang muling pagtaas ng tinig ng boses ni Concepcion ay ang tuluyan nang paghagulgol ni Minerva.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa tatlong nilalang na sina Concepcion, Juliana, at Minerva. Ang kaninang masaya nilang pag-uusap ay nauwi sa pagsusumbatan.
Si Concepcion ay tumalikod at naglakad palayo mula sa magpinsang Juliana at Minerva. Hindi nito nais na ipakita sa magpinsan ang pamamasa ng sarili nitong mga mata.
Kahit sabihin ni Concepcion na galit ito kay Alejandro magpasahanggang-ngayon ay hindi kailanman nabura ng galit na iyon ang nararamdaman nitong pag-ibig para kay Alejandro.
Nang lisanin ni Alejandro ang kanilang bayan noon ay pakiramdam ni Concepcion ay dinala ni Alejandro ang puso ng babae sa pag-alis nito. Hindi na muli pang nagmahal ng ibang lalaki si Concepcion at maging ang lalaking ipinakasal dito ng mga magulang ay hindi nito natutunang mahalin.
Si Juliana ay halos mawala sa huwisyo nang unti-unti na nitong mapagtanto na hindi na muli pang babalik si Alejandro sa kanilang bayan. Halos ikasawi nito ang labis na kalungkutan.
Maaaring may galit sa puso ni Juliana para kay Alejandro at sumang-ayon ang babae na patawan ng sumpa ni Concepcion si Alejandro maging ang buong lipi ng lalaki ngunit kahit kailan ay hindi nawala sa puso ni Juliana ang pagmamahal para sa lalaking unang inibig.
Nanatili sa puso ni Juliana si Alejandro kahit na may nakadagang galit sa lalaking iyon sa puso ng babae.
Si Minerva ay hindi inalintana ang pangmamata ng mga tao rito nang magsimula nang lumaki ang tiyan nito at wala itong maipakilalang ama ng dinadala nito sa mga taong nakakakilala rito.
Naramdaman ni Minerva na pinabayaan ito ni Alejandro sa isang responsibilidad na sa tingin nito ay silang dalawa dapat ang umaako. Nagdulot iyon ng pagkasuklam para kay Alejandro sa puso ni Minerva.
Gayon pa man ay hindi nabawasan ang pagmamahal ni Minerva para kay Alejandro at ang katotohanang iyon ang nagpapahirap sa kalooban ni Minerva.
Sina Concepcion, Juliana, at Minerva ay magkakaparehong umiibig pa rin kay Alejandro. Ngunit kasabay din niyon ay ang nararamdaman nilang matinding galit para sa lalaki.
Dahil sa labis na pagmamahal para kay Alejandro nina Concepcion, Juliana, at Minerva, kasama na rin sina Kristina at Trinidad, kaya labis na kalungkutan at galit ang idinulot sa kani-kanilang mga puso ng biglaang paglisan ni Alejandro sa kanilang lugar noon.
Iyon ang nagtulak sa limang babae para humantong sila sa kasunduang patawan ng sumpa si Alejandro at ang magiging lipi nito.
Si Concepcion ang umusal ng sumpa para kay Alejandro ngunit bigla na lamang binaligtad ni Kristina ang sumpa na labis na ikinagalit nina Concepcion, Juliana, Minerva, at Trinidad.
Dahil sa pagbaligtad ng sumpa na isinagawa ni Kristina kaya naman ilang taon nang nahihirapan ang limang nilalang na makatawid patungo sa kabilang buhay.
Patuloy na nagmamatigas sina Concepcion, Juliana, Minerva, at Trinidad na huwag sundin ang iniusal ni Kristina na pagbaligtad sa sumpang iniusal ni Concepcion.
Pinaiiral nina Concepcion, Juliana, Minerva, at Trinidad ang galit na nararamdaman nila para kay Alejandro kaya naman mas nagiging mahirap para sa kanila ang makatawid sa kabilang buhay. Hindi sila natutuwa sa ideyang ang makatatapos lamang ng sumpa ay ang tunay na pag-ibig.
Para kina Concepcion, Juliana, Minerva, at Trinidad ay walang karapatan ang sinuman mula sa lipi ni Alejandro ang magkaroon ng masayang buhay kasama ang babaeng itinakda para rito.
Natutuwa nga sina Concepcion, Juliana, Minerva, at Trinidad na hindi nabiyayaan ng anak ang huling lipi ni Alejandro sa mundo ng mga tao dahil ang ibig sabihin niyon ay oras na mawala na si Von ay tapos na rin ang paglaganap ng lahi ni Alejandro sa mundo at sabay-sabay nang makatatawid sa kabilang buhay sina Concepcion, Juliana, Minerva, Trinidad, at Kristina.
Tahimik pa rin sa iba't ibang sulok sa loob ng kadilimang iyon sina Concepcion, Juliana, at Minerva. Walang kamalay-malay ang mga ito na habang nagsusumbatan silang tatlo kanina ay nagsisimula na rin si Kristina na isagawa ang kanyang plano.
Mahinang bumulong sa hangin si Kristina habang palipat-lipat ang kanyang titig sa likod nina Concepcion, Juliana, at Minerva.
Kristina: Tanging tunay na pag-ibig ang makatatapos sa sumpa na aking iniusal.
----------
Nag-aalala si Von habang pinagmamasdan ang inaanak na si Angel na wala pa ring malay sa ibabaw ng kama sa loob ng kwartong inookupa nito sa loob ng ancestral house ng kanyang angkan.
Nang lumabas si Von mula sa kwartong inookupa nila ng kanyang asawang si Ruth dahil sa hindi na niya matiis ang pagkauhaw ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang walang malay na nakahiga sa sahig sa labas ng kanyang kwarto ang inaanak na si Angel.
Agad na binuhat ni Von ang kanyang inaanak patungo sa kwarto nito at hanggang ngayon nga ay wala pa rin itong malay.
Pinagmamasdan pa rin ni Von si Angel nang magulat siya sa dalawang bisig na pumalibot sa kanyang baywang. Napasinghap siya nang maramdamang marahang kinagat ng taong nakayakap sa kanya ang kanyang kanang tainga.
Alam ni Von kung sino ang taong nakayakap sa kanya dahil tatlong tao lang naman silang naiwan doon sa ancestral house dahil nagpunta sa isang beach resort ang kanyang asawa kasama ang kanilang kumareng si Rosanna at ang anak nitong si Rochelle. Kasama rin naman ito ang anak ng kanyang misis na si Orly at ang girlfriend nitong si Betsy.
At dahil nga nakahiga sa ibabaw ng kama sa harapan ni Von ang inaanak na si Angel ngayon, kaya naman sigurado si Von kung sino ang taong mapangahas na yumakap sa kanya.
Walang iba kundi ang kaibigan ng asawa ni Von na si Megan.
Von: Ano ba itong ginagawa mo, Megan? Nandito lang ang inaanak ko.
Kasabay ng pagprotesta ni Von ay ang pagtanggal niya ng mga bisig ni Megan mula sa pagkakayakap sa kanya.
Agad na hinarap ni Von si Megan.
Von: Hindi na maaaring maulit ang nangyari kagabi, Megan. Isang pagkakamali iyon.
Ngumisi lamang si Megan kay Von at ganoon na lamang ang pagkabigla ni Von nang biglang tanggalin ni Megan mula sa pagkakatali ang suot nitong bathrobe at ilaglag sa paanan nito ang robang iyon.
Halos manlaki ang mga mata ni Von nang makita ang hubo't hubad na katawan ni Megan sa kanyang harapan.
At malakas na napasinghap si Von nang maramdamang pumitik ang kanyang matigas na alaga.
Huwag. Huwag ngayon.
----------
itutuloy...