KABANATA 14

2159 Words
THIRD PERSON POV Ilang beses nang tumitirik ang mga mata ni Rochelle habang kinukuhanan ng larawan ang kanyang inang si Rosanna. Bawat lugar na puntahan nito sa loob ng beach resort na iyon ay dapat na nakabuntot si Rochelle dito para kuhanan ito ng larawan sa iba't ibang klase ng pose na ginagawa nito. Ang beach resort na napiling puntahan ng magkumareng Ruth at Rosanna ay hindi kalayuan sa ancestral house ng angkan ni Von. Doon mag-o-overnight sleep ang magkumare kasama ang anak ni Ruth na si Orly at ang girlfriend nitong si Betsy. Si Rochelle ay uuwi rin pagkatapos niyang kuhanan ng napakaraming larawan ang kanyang ina. Marami-rami rin ang taong naroon sa resort nang gabing iyon. Ang iba ay isang buong pamilya samantalang ang iba naman ay grupo ng mga magkakaibigan at hindi mawawala ang mga magkasintahan. Kumuha ng dalawang cottages sina Ruth at Rosanna para sa kanilang overnight sleep sa beach resort na iyon. Isa para sa kanilang dalawang magkumare at isa para sa magkasintahang Betsy at Orly. Alam ni Ruth na hindi nito dapat pinapayagang matulog sa iisang kwarto ang anak nitong si Orly at ang girlfriend nito ngunit nasa tamang edad na ang anak nito at may tiwala ito sa anak na hindi gagawa si Orly ng isang bagay na ikasasama ng loob ng ina. May tiwala si Ruth kay Orly na alam nito ang mga limitasyon nito. Kaya naman kahit sa ancestral house ng angkan ng asawa ni Ruth ay magkasama rin sa iisang kwarto sina Orly at Betsy. Sadyang malaki ang tiwala nito sa anak na lalaki. Maya-maya ay nagulat si Rochelle nang biglang tanggalin ng kanyang ina ang tapis na nakatali sa baywang nito kanina at ngayon ay kitang-kita na ng mga taong nasa beach resort na iyon ang seksing katawan ng kanyang ina habang nagpo-pose ito sa kanyang harapan. Nang tumingin si Rochelle sa paligid ay may mga nakita siyang lalaking nakatitig ng malagkit sa katawan ng kanyang ina. Parang gustong mainis ni Rochelle sa kanyang ina nang mga oras na iyon dahil kung umasta ito sa isang pampublikong lugar ay parang wala pa itong asawa't anak. May dumaang grupo ng limang binatang lalaki sa harapan ni Rochelle at nakita niyang nakatingin ang mga ito sa kanyang ina. Sumipol pa ang tatlo sa mga iyon na halos ikapula ng buong mukha ni Rochelle dahil sa galit. At mas dumoble pa ang inis ni Rochelle nang makitang parang kinikilig pa ang kanyang ina sa ibinibigay na atensyon ng mga lalaking iyon dito. Narinig pa ni Rochelle ang mga ibinubulong ng mga binatang iyon nang lumakad na ang mga ito palayo sa kanilang mag-ina. "Yummy naman niyon. Parang gusto kong papakin." "Ganoong sugar mommy ang gusto ko." "Tingin ko kaya niyon tayong lima." "Kapag hindi ako nakapagpigil hihilahin ko 'yon sa cottage natin." "Pagtulungan nating lima. Game?" Nang lingunin ni Rochelle ang limang lalaki ay huminto na pala ang mga ito sa paglalakad at pare-parehong nakalingon ang mga ito sa kanyang ina. Nang tingnan ni Rochelle ang kanyang ina ay nakita niyang nakikipagtitigan ito sa isang lalaking nakaupo sa isang beach hut at may katabing bata. Pakiramdam ni Rochelle ay anak ng lalaki iyong batang lalaki. Nang tingnan ni Rochelle ang kaliwang palasingsingan ng lalaki ay nakita niyang may gold wedding band na nakasuot doon. Maya-maya ay may dumating na babae at tinawag nito ang batang lalaki at ang lalaking kung makatitig sa ina ni Rochelle ay para itong isang katakam-takam na karne. Bago pa sumunod ang lalaki sa babaeng walang dudang misis nito ay humabol pa ito ng titig sa ina ni Rochelle at pasimpleng pinasadahan ng dila ang ibabang labi. Halos madurog ang hawak na digital single-lens reflex camera ni Rochelle dahil sa diin ng kanyang pagkakahawak doon nang makitang kumindat ang kanyang ina sa lalaki na halata namang may asawa na rin katulad ng kanyang ina. Parang gustong manibugho ni Rochelle sa kanyang ina dahil nakikipaglandian ito sa ibang lalaki habang ang kanyang ama ay nagpapakahirap na magtrabaho sa barko para lamang masuportahan ang mga pangangailangan nilang mag-ina lalong-lalo na ang mga luho ng kanyang ina. Ang mas ikinakasama pa ng loob ni Rochelle ay hindi nahihiya ang kanyang inang makipaglandian sa ibang lalaki sa kanyang mismong harapan. At sa isang may asawang tao pa talaga nakikipaglandian ang ina ni Rochelle habang nasa isang pampublikong lugar. Nang muling bumalik ang atensyon ni Rosanna kay Rochelle ay nakita niyang kumunot ang noo nito nang tingnan siya. Rosanna: Rochelle, anak, okay ka lang? Bakit namumula ang mukha mo? Gusto sanang ipagpasalamat ni Rochelle na gabi na at hindi na makikita ng kanyang ina ang galit sa kanyang mga mata ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagkairita nang ma-realize na marami nga palang ilaw sa paligid ng beach resort. Rochelle: Uhm, baka sa sobrang pagod lang po, Ma? Kanina pa po kasi kayo nagpapa-picture. Baka gusto niyo po munang magpahinga? Ngumuso si Rosanna nang marinig ang sinabi ng anak ngunit maya-maya ay pumayag din. Rosanna: Sige. Rest muna tayo. Pero huwag mo akong tatakasan, ah. Mamaya bumalik ka na sa ancestral house, lagot ka talaga sa akin. Puntahan ko muna si Ruth sa cottage namin. Tumango lamang si Rochelle sa kanyang ina dahil hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya rito dahil sa pakikipaglandiang ginawa nito sa ibang lalaki. Pinanood ni Rochelle ang muling pagtatali ni Rosanna sa tapis sa baywang nito at maya-maya ay lumakad na patungo sa cottage nito at ng kanyang Ninang Ruth. Bata pa lamang si Rochelle ay marami na siyang naririnig tungkol sa kanyang ina. Mula sa kanilang kapitbahay hanggang sa mga magulang ng kanyang mga kaklase. Pare-pareho lamang ang sinasabi ng mga taong iyon at iyon ay ang pagiging sobrang malapit ng kanyang ina sa iba't ibang kalalakihan. Ngunit hindi iyon pinapansin ni Rochelle at sinasabi na lamang sa kanyang sarili na sadyang palakaibigan lamang ang kanyang ina lalo na sa mga kakilala nitong lalaki. Lalo pa nga at palakwento ang kanyang ina at masayahing tao. At habang lumalaki si Rochelle ay hindi niya pa rin binibigyan ng malisya ang mga bagay na napapansin niya sa kanyang ina. Katulad na lamang nang madalas na pagpunta ni Rosanna sa katapat na malaking bahay ng kanilang tinitirhan sa tuwing wala ang misis ng lalaking may-ari ng bahay. Ang sabi kay Rochelle ng kanyang ina ay minsan daw ay may ipinapakisuyo rito ang misis ng kapitbahay nilang lalaki kaya nagpupunta ang kanyang ina sa bahay ng mga ito. Ilang beses ding nakita ni Rochelle na palabas ng kanilang bahay ang kanyang Tito Jethro kapag nakakauwi na siya galing ng school. Ang sabi ng kanyang ina ay madalas na may iniuutos ang kanyang ama sa bunso nitong kapatid na dalhin sa kanilang bahay kaya huwag dapat siyang magtaka kung palagi niyang naaabutan sa kanilang bahay ang kapatid ng kanyang ama. May isang beses din na iyong delivery boy ng mga gallon container ng mineral water ay naabutan ni Rochelle na palabas ng kwarto ng kanyang ina at wala itong suot na pang-itaas at pawis na pawis. Ang sabi ni Rosanna ay ipinakisuyo nito sa delivery boy ang pundidong ilaw sa loob ng kwarto nito at ng kanyang ama. Hindi na lamang pinansin ni Rochelle ang nakakalokong pagngisi sa kanya ng delivery boy habang nagsasalita ang kanyang ina at ang pasimple nitong pagkurot sa tagiliran ng kanyang ina nang ihatid na ni Rosanna palabas ng bahay ang delivery boy. Nang mag-College si Rochelle ay hindi miminsang inihahatid sa kanilang bahay ang kanyang ina ng kanilang mga binatang kapitbahay gamit ang motorsiklo ng mga ito. Ang sabi ng kanyang ina ay palagi itong sinuswerte dahil may mga nakakasalubong itong mga kapitbahay nila sa mga pinupuntahan nitong lugar at isinasabay na itong pauwi. Minsan pa ay may inaabot si Rosanna sa mga kapitbahay nilang binata pagkatapos itong maihatid. At ang madalas marinig ni Rochelle na sinasabi ng kanyang ina sa mga binata nilang kapitbahay ay, "Sa susunod na lang ulit". At iba-iba ang isinasagot dito ng ng mga kalalakihan. "Sige lang. Text ka lang." "Timing ka lang. Kapag wala girlfriend ko sa bahay." "Basta ikaw ang taya." Ganoon ang mga naririnig ni Rochelle na isinasagot ng mga lalaking naghahatid sa kanyang ina sa kanilang bahay. Lahat iyon ay ipinagsawalang-bahala ni Rochelle kahit nang minsang makita niyang lumabas mula sa kanilang banyo ang matalik na kaibigan ng kanyang ama at nakatapis lamang ito ng tuwalya. Halatang bagong-ligo ito. Ayon sa matalik na kaibigan ng ama ni Rochelle ay hindi pa rin daw napapaayos ng misis nito ang sirang gripo sa banyo ng mga ito kaya nakiusap muna ito sa kanyang ina na makiligo sa kanila. Tumango na lamang si Rochelle sa best friend ng kanyang ama kahit gusto niyang maghinala sa totoong dahilan kung bakit ito naroon sa kanilang bahay. Ngunit ngayon nang makita ni Rochelle sa kanyang mismong harapan kung paanong makipaglandian ang kanyang ina sa ibang lalaki at may asawa pa ay gustong magalit ni Rochelle sa kanyang sarili dahil ilang taon siyang nagbigay ng benefit of the doubt sa kanyang ina at hindi man lamang nagduda rito. Ngayon ay sigurado na si Rochelle na totoo ang mga balitang kumakalat tungkol sa kanyang ina. Na kung sinu-sinong lalaki ang tumitikim sa kanyang ina. Parang gustong maiyak ni Rochelle dahil sa kanyang nararamdamang sama ng loob para sa kanyang ina at sa awa para sa kanyang ama. Sa tingin ni Rochelle ay parang naging kasabwat pa siya ng kanyang ina sa panloloko nito sa kanyang ama dahil ilang beses siyang nagpakabulag sa tiwalang mayroon siya para sa kanyang ina. Parang gustong saktan ni Rochelle ang sarili lalo na nang mapagtanto niyang wala siyang ipinagkaiba sa kanyang ina dahil kung ang kanyang ina ay isang manlolokong babae, siya naman ay isang babaeng gustong manira ng isang pamilya. Ang ginagawang pang-aakit ni Rochelle sa kanyang Ninong Von na isang taong kasal na ay isang patunay na wala siyang ipinagkaiba sa kanyang ina na isang anay na sumisira ng isang pamilya. Parang biglang gustong pagsisihan ni Rochelle ang kanyang ginawang pang-aakit kay Von. Dahil sa may kasintahan si Rochelle na lagpas dalawampu ang tanda sa kanya at inaalagaan siya nitong mabuti kaya naman naengganyo siyang tumikim pa ng ibang lalaki na nasa ganoon ding edad. Hindi alam ni Rochelle ngunit nang maisip niya iyon dati ay parang may kumiliti sa kanyang hiyas na mas nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para humanap ng lalaking kaedad ng kanyang kasintahang si Ricardo. At ang naisip ngang akitin ni Rochelle ay walang iba kundi ang kanyang Ninong Von na matalik na kaibigan ni Ricardo at kasosyo rin nito sa kanilang hardware store kung saan nagtatrabaho si Rochelle bilang isang secretary. Parang gusto nang itigil ni Rochelle ang kanyang pang-aakit kay Von at mag-focus na lamang sa kanilang relasyon ni Ricardo. Mas mabuti iyon kaysa masira pa niya ang magandang samahan nito at ng asawa nito. Nakalupagi sa may buhanginan sa tabi ng dagat si Rochelle habang iniisip ang tungkol sa kanyang ina nang mapansin niya ang magkasintahang Betsy at Orly sa di-kalayuan at magka-holding hands ang mga ito. Nagtataka si Rochelle kung bakit bigla na lang sumama si Betsy sa beach resort na iyon matapos nitong sabihin kanina na hindi nito gustong sumama sa kanila. Hindi gustong mag-assume ni Rochelle ngunit parang may ideya na siya kung bakit nang palabas na sila ng ancestral house ay bigla na lamang humabol si Betsy at sinabing sasama ito sa resort. Naisip ni Rochelle na siguro ay biglang kinabahan si Betsy sa ideyang maaaring mapagsolo silang dalawa ni Orly sa beach resort na ito kaya bigla na lamang nitong naisipang sumama sa kanila. Ngunit naisip din ni Rochelle na posible lamang iyon kung sinabi na ni Orly kay Betsy ang tungkol sa kanilang dalawa. Ang tungkol sa kanilang naging relasyon noon. Nakita ni Rochelle na parang may ikinukwento si Betsy kay Orly habang naglalakad ang mga ito sa dalampasigan. Marahil ay naramdaman ng lalaki na may nakatingin dito kaya lumingon ito sa direksyon ni Rochelle. Nagulat pa si Rochelle nang magtama ang kanilang mga mata ni Orly. Gusto sana niyang iwasan ang mga titig na iyon ni Orly kung hindi lamang siya magmumukhang apektado pa rin dito. Kaya tumango at ngumiti na lamang si Rochelle kay Orly. Gumanti rin naman ng ngiti sa kanya ang lalaki. Maya-maya ay napansin ni Betsy na wala rito ang atensyon ng kasintahan nitong si Orly at nang makita nito kung sino ang hinahayon ng mga mata ng lalaki ay ganoon na lamang ang paniningkit ng mga mata ni Betsy kay Rochelle. Kitang-kita ni Rochelle ang hindi maipintang mukha ni Betsy sa di-kalayuan habang nakatingin sa kanya kaya naman sigurado na siya na alam na nito ang tungkol sa nakaraan nilang dalawa ni Orly. Take care of Orly, Betsy. Huwag mo siyang pababayaan. Iyon ang sinasabi ni Rochelle sa kanyang isipan habang masama pa ring nakatitig sa kanya ang girlfriend ni Orly. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD