Episode 3

1434 Words
"Kapag 'di pa natin sila ni report uulit-ulitin lang nila ang gawing ito. Hindi man sa'yo sa ibang studyante pa." galit na wika ni Jigger dahil nakiki-usap si Kinsley na isekreto na lang daw nila ang nangyari dahil ayaw daw nitong ipatawag ang lola n'ya. Nag lalakad na sila palayo sa lugar na pinagdalahan rito. "Matanda na ang lola ko, hirap na s'yang mag lakad 88 years old na s'ya baka kapag nalaman n'ya ang nangyari na to. Magalit s'ya at hindi n'ya kayanin." na iiyak na wika ni Kinsley napabuga naman ng hangin si Jigger na kinuha ang sweatshirt na hawak lang nito. "Mabuti pa isuot mo na lang muna ito kung gusto mong itago itong nangyari tingin ko kailangan mo munang itago ang apelido ko sa likod ng P,E uniform ko." ani Jigger na saka pa lang na aalala ni Kinsley na may apelido nga pala ang bawat likod ng P.E uniform kaya naman dali-dali na isinuot ni Kinsley ang sweatshirt bago inayos ang pag kaka ponytail ng buhok. "Dala ko ang P.E uniform ko sa locker ko, lalabahan ko na muna itong uniform mo bago ko balik sa'yo." hindi na ito nag pahatid sa kanya nakakasama lang ng loob dahil hindi man lang ito nag thank you sa kanya. Napabuga na lang ng hangin si Jigger na dinukot ang phone para sana tawagan ang mga kapatid dahil may plano s'yang gawin para mapatalsik ang grupo ni Pigaroa sa school. Ngunit nag ring iyon at hindi naka register ang globe number. Kinancel n'ya iyon dahil hnidi naman s;'ya basta nasagot ng tawag na hindi naka save sa phonebook n'ya. Mag didial na lang sana s'ya ng mag pop up naman sa taas ng screen n'ya ang isang message. "Thank you dahil dumating ka, kung 'di ka siguro dumating baka tumalon na lang ako sa building dito sa school. I'm Kinsley Florez.' dali-dali na muli n'yang dinial ang number nito na tumawag pero hindi na ito nasagot kaya napamura na lang s'ya saka nag mamadali na lang na isinave ang cellphone number ng dalaga na nag send pa ng malaking emojies na naka smiling face. - - - - - - -- - - "Have you heard the news? nagka rambolan pala ang Montenegro sibling saka ang grupo nila Cristopher Pigaroa kahapon wala man lang nakakita." natigilan sa pagkain ng lunch si Kinsley sa naririnig mula sa kabilang mesa. "Nasa hospital daw si Jigger kasi nagkaroon ng neck sprain kaya hindi s'ya naka pasok." "Haizt! Wala na talagang magawang matino ang grupo ni Pigaroa na yun at ang mga Montenegro brothers pa ang bingga nila." "Naku sinabi mo pa at na titiyak ko ng expulsion yan sa mga bullies na yun buti nga sa kanila." "Buti kung expulsion lang paano kung maki-alam ang mga Lagdameo na Mama nila Jigs for sure pati negosyo ng pamilya ng mga bullies na yun mag goodbye." "sure na yan! Mga pangit na nga ang yayabang pa sa wakas matatapos na ang pag hari-harian nila dito. Hindi lang sila pinapatulan hindi pa sila na dala ng bugbugin sila nung elemtary student. Mga nag pahinga lang ngayon nanaman sila nag hasik ng dilim. Buti nga talaga sa kanila. ********* Dahan-dahan na ibinaba ni Kinsley ang mansanas sa harapan ng vip room ni Jigger mula sa labas ng pinto dinig n'ya ang tawanan ng mga lalaki sa luob. Pinag uusapan ng mga ito ang grupo ni Pigaroa na sinet-up lang pala ng mga ito para mag mukhang nakipag riot ang mga ito para pag takpan ang nangyari sa kanya. Hindi n'ya alam kung bakit mabait sa kanya si Jigger pero na hihiya talaga s'ya rito. Nasaktan pa tuloy ito para lang iligtas s'ya. "Ms. Ley, kailangan na po natin umuwi hinahanap na po kayo ng lola n'yo." wika ng driver n'ya na nasa likuran n'ya. Mula sa bag inilabas na din n'ya ang nakatuping mga damit nitong ipinahiram sa kanya. Basta na lang n'ya inilapag ang mga iyon sa sahig saka dinaganan ng apple bago tumalikod. "May crush ka ba dun sa freshmen na yun ano?" tudyo naman ni Trigger sa kapatid. "Wala no! Na aawa lang ako sa kanya para kasing out of this world s'ya para s'yang autism na pinipilit lang na maging normal. Kayo ba hindi na aawa sa kanya." tanong ni Jigger sa mga kapatid. "siguro kung nakita din namin on act baka gawin din namin ang ginawa mo pero come to think of it paano mo nalaman na naroon sila e bihira ang napunta sa lugar na yun kundi yung mga lovers lang na cheap at di kayang bumayad ng motel." ani Cloud. "Unless hinahanap talaga n'ya si Disney Princess." biro naman ni Jansen. "Coincidence lang na nag lalakad ako at may nakita ako sapatos kaya naisip kong pu____." "Sus! puwede ba, kelan ka pa nag pakalat-kalat sa campus e lagi kang tulog pag hindi sa music room sa classroom tapos bigla naligaw ka sa 4th year department." nagulat naman silang lahat ng biglang bumukas ang pinto at ang pasaway na si Cloud bigla na nahila ang kumot at itinakip sa buong mukha n'ya ng bigla s'yang pumikit. "Ayos ahh! dun pala sa nurse station dinig ko na ang mga boses n'yo ano kayo nasa palengke." galit na wika ni Daniella na pinag kukurot ang anak sa nippl*s ng mga ito na kanya-kanyang daingan. "Jasper tumawag ka sa nurse information paki-sabi na tegi na ang pasyente at dalahin na sa morgue para ma embalsamo.' "Mommy." reklamo bigla ni Jigger ng alisin ang kumot na nakatakip sa mukha. "Oh! Buhay ka pala." "Si Cloud ang nagtakip nitong kumot sa akin me." "Puro kayo kalokohan pati ako napapagalitan na ni papa." "Ngayon lang naman ito Mommy, promise hindi na mauulit." pangako ni Jigger. "Talagang hindi na aawa lang ako dun sa batang babaeng sinasabi mo kaya naki-alam na ako." "Nakaka awa po talag_____ Papa saan n'yo nakita yan?" bulalas ni Jigger ng makita ang P.E uniform sa paanan ng kama at mabilis pa sa alas kuwatro na nahablot ni Jigger kay Trigger ang apple na kakagatin na sana nito. "Nasa labas dinampot ko lang." Mabilis sana na baba si Jigger ng mabilis na naitulak ng ina pabalik sa kama. "Mom." "Yung totoo, tumulong ka lang ba talaga dahil na awa ka o may gusto ka dun sa babaeng sinasabi mo." "Syempre na awa ako freshman lang s'ya Mom at parang may autism s'ya kaya pinag titiripan s'ya sa school." "Siguraduhin mo lang Jigger at kayong apat ha, umayos kayo bawal ang girlfriend oras na malaman ko na nag gigirlfriend kayo ipapatattoo ko sa mga tit* n'yo ang panagalan ko." nag tawanan naman ang mga anak na lalaki. "Oi! Ikaw Cloud wag kang tatawa-tawa, nasa dugong nanalaytay sa'yo ang pagiging palikero kaya kahit hindi kita anak pangalan ko pa rin ipapatattoo ko dyan sa pututoy mo." natawa naman muli ang mga ito. "Hindi ako nag bibiro kaya wag kayong tumawa tingnan ko lang kung may babaeng lumuhod sa inyo kapag nakita ang pangalan ko sa mga tit* n'yo." "Mommy! nakakahya hinaan mo po naman ang boses mo." reklamo ni Jasper. "At anong nakakahiya. Be proud dahil biruin n'yo at age 15 ang lalaki na ng mga taguro n'yo manang-mana kayo sa ama n'ya na sagana sa laki." "OMG! Mommy." ani Jansen naman na nasapo ang noo. "Bakit ba? Kuya diba dapat proud sila dahil kasya sa jumbo hotdog nila ang pangalan ng mommy nila." napailng naman si Gab sa asawa. "Puro ka talaga kalokohan Daniella." "Totoo lang ang sinasabi ko kaya subukan n'yo talaga makabuntis at mag jowa ng maaga. patattoo-an ko ang mga taguro n'yo tingnan ko lang kung di tumabingi ang mga tayo ng mga yan. Na iiintindihan n'yo ba ako." tanong pa ni Dany na walang sumagot. "Aba talaga ginagalit n'yo ako." "Opo Mommy, walang mag gigirlfriend sa amin ng maaga at hindi namin kayo bibigyan ng apo agad-agad." ani Jasper na pinakamangay sa quadroplets. "good! Bantayan mo ang mga kapatid mo Jasper ha, sumbong mo sa akin kapag meron isa sa mga yan ang umaararo na ng babae, at gagamasan ko muna ang mga talahiban n'yo." nagkatawanan na lang silang lahat sa pinag sasabi ng kuwela nilang ina na lagi na laging ang higpit ng bilin na bawal ang girlfrends hanggat hindi pa daw sila tapos ng college. Kaya naman walang may lakas ng loob na sumalungat sa ina dahil baka totohanin nito ang lahat ng banta. 100% pa naman loka-loka ang ina nila kaya kahit ang papa nilang kinatatakutan ng lahat ng empleyado tiklop sa Mommy nila oras na mag salita na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD