Episode 4

1605 Words
"Alam mo konti na lang iisipin namin may crush ka na sa freshman na yun." ani Jasper ng mapansin si Jigger na panay ang lingon sa paligid. "Wala, syempre ang O-Oa n'yo naman gusto ko lang sana s'yang makita kung okay lang ba s'ya?" "Sus! kunwari ka pa halata ka naman." ani Trigger. "Ayan na si Disney Princess." turo pa ni Cloud sa likuran ni Jigger na parang may spring na lumingon na tinawanan naman ng lahat. "Hi! Disney Princess." kaway naman ni Trigger na ginaya ng mga kakambal ni Jigger at Cloud na hindi naman pinansin ni Jigger dahil tiyak pinag titripan lang s'ya ng mga ito. Pero nagulat ni Jigger ng makitang lumampas nga sa puwesto nila si Kinsley na usual nakasuot nanaman ang headphone sa tenga nito. "Damn! Sa kanya mo pala binigay yung headphone... Sige! Tumangi ka pa." ani Jansen ng mapansin ang suot na headphone ng dalagita na dumaan. "Na awa lang ako sa kanya, wag nga kayong puro malisya. Bahala na nga kayo d'yan papasok na ako." ani Jigger na nag mamadali ng tumayo at iniwan na ang mga kapatid na tinutudyo s'ya. Kahapon pa s'ya pasa ng pasa ng mga inspirational quotes kay Kinsley or kaya naman emojies pero kahit isang reply wala ito at nakakainis lang talaga. Ngayon lang may babaeng uminorge sa kanya. Pero s'yempre hindi na s'ya nagtataka dahil ibang-iba naman si Kinsley sa mga babaeng kilala n'ya kaya hindi s'ya umaasa na makuha agad n'ya ang attention nito. ******* Natigilan si Jigger ng nasa huling baitang na s'ya ng hagdanan paakyat sa tambayan n'ya sa taas ng rooftop ng sophomore building ng makita si Kinsley na natutulog sa sira-sirang upuan na naroon na pinag dugtong-dutong. Kailan pa kaya doon ang dalagita at mukhang mukhang napahimbing na sa pagtulog. Naka P.E uniform ito habang ang sarili nitong braso ang ginamit na unan ng sariling ulo. Napangiti si Jigger na dahan-dahan na lumapit rito saka bahagyang yumuko na itinukod ang dalawang kamay sa tuhod para titigan ito ng malapitan. Ang amo talaga ng mukha nito bumagay sa shape ng mukha nito ang pagiging heart shape, ang pupula pa ng labi nito na natural na natural lang, halatang may lahi ang dalagita at natitiyak n'ya na pag nag dalaga lalo itong gaganda. Muntik ng mapatalon sa gulat si Jigger ng biglang mag dilat ng mata si Kinsley kaya napalayo agad s'ya at nag patay malisya na kunwari may binubugay na kung ano. Bumangon naman ang dalaga na tumingin sa kanya salubong ang kilay. "May dadapo kasi sa'yong bubuyog kaya binugaw ko lang." pag a-alibi pa ni Jigger. "Matalino ka ba?" tanong naman ni Kinsley na this time si Jigger naman ang napakunot ang noo. "Palagay ko." alanganin na sagot nito. Tumayo naman ang dalaga saka lumapit sa mesang sira na naroon saka binuksan ang bag at inilabas ang math book at notebook. " Galing ako kanina sa library pero hindi ko pa rin ma gets kung ano sagot." napangiti si Jigger dahil nag sasalita na ito ng mahaba compare ng mga nakaraan. Magandang senyales iyon na nag gagain na s'ya ng trust para pagkatiwalaan s'ya nito na hindi s'ya masamang tao. Lumapit naman s'ya rito at tiningnan ang math book. "Gusto mo bang turuan kita?" "Okay lang ba?" ngumiti naman si Jigger. "Hindi libre ang serbisyo ko." "Magkano?" "Kiss would be fine." "Wag na pala uuwi na lang ako." ani Kinsley na akmang lilikumin na ang lahat gamit nitong inilabas sa bag. Natatawa naman pinigilan ni Jigger ang dalagita. "ito naman nag bibiro lang masyado mo naman sineryoso." "Biro lang ba yun?" inosenteng tananong ni Kinsley na bahagya naman tinawanan naman na lang ni Jigger na humila ng upuan para sa kanilang dalawa. Palihim naman na napangiti si Jigger habang tinuturuan si Kinsley na tutuk na tutuk na nakikinig sa mga explanation n'ya na sinugarado n'yang maiintindihan nito para hindi ito mahirapan na intindihin. Sa math kasi pag hindi mo na intindihan masyado ang explanation malabo ka ng makasabay kaya marahil na hihirapan itong mag sagot dahil hindi nito naintindihan ang lecture ng teacher. "May sasakyan ako, gusto mo ihatid na kita." sunod-sunod na iling ang sagot ni Kinsley habang nag-aayos ito ng bag. "Lagi ka bang kinakaon ng driver mo?" "Oo saka bawal ako sumakay sa ibang sasakyan, magagalit sa akin ang lola ko." "Puwede kitang tawagan mamaya?" "Bakit?" "Wala lang tsismisan lang tayo." sagot ni Jigger na nakaramdam ng hiya sa kauna-unahang pag kakaon. "Hindi ko alam nag-aaral kasi ako sa bahay, ako na lang ang tatawag sa'yo kapag wala akong ginagawa." tumango naman si Jigger na alam na n'ya ang ibig sabihin. Hindi ito tatawag sa kanya dahil kung tatawag ito hindi nito kailangan mag alibi pa na may ginagawa. ********* "How was school apo?" bati sa kanya ng kanyang lola ng salubungin s'ya nito sa main door na may pa open arms lagi sa tuwing uuwi s'ya galing sa school. Agad naman s'yang malawak na ngumiti at masiglang nag kuwento sa lola n'ya ng tungkol sa school na puro kasinungalingan lang dahil ayaw n'yang mag-alala ito sa kanya. Ang totoo nahihirapan s'yang makipag sabayan sa mga kaklase n'ya na pinipilit naman s'yang maging kaibigan s'ya lang itong masyadong na iilang. Alam kasi n'ya na behind her back pinag-uusapan s'ya ng mga ito at ang iba ay pinagtatawanan s'ya dahil sa pagiging tahimik n'ya na akala ng iba retarded s'ya or autistic. Ang totoo natatakot lang talaga s'yang mag pakita ng affection towards to others pakiramdam kasi n'ya may sumpa s'yang dala at baka mapahamak ang mga ito dahil sa kanya. Kaya ganun na lang s'ya ka reserved na makipag kaibigan tanging si Jigger lang ang hinayaan n'yang makalapit sa kanya ng husto dahil malaki ang utang na loob n'ya rito at nakakahiya naman kung pati ito iiwasan din n'ya. Na expel ang buong grupo ni Pigaroa sa school after ng nangyari patunay lang na hindi simpleng tao ang pamilya ni Jigger. Mabait si Jigger at napakaguwapo sa totoo lang lagi itong laman ng isip n'ya hanggang sa pagtulog at sa kanyang pag gising. May gusto s'ya kay Jigger pero s'yempre hindi n'ya iyon aaminin rito. Hindi naman siguro masama ang mag ka gusto crush lang naman dahil ka ibig-ibig naman kasi talaga ang binatang nag ligtas sa kanya. Araw-araw palihim na gusto gusto n'ya itong makita, masulyapan man lang okay na s'ya buo na ang araw n'ya. Iyon na yata ang tinatawag na 1st love or puppy love basta gusto n'ya itong laging nakikita. Nakatingin si Kinsley sa cellphone n'ya kanina pa s'ya naka higa sa kama n'ya 9pm na ng gabi, gusto n'yang tawagan si Jigger hindi pa s'ya inaantok pero gabi na. Nag nobena pa kasi sila ng Lola n'ya kaya naman gabi na ng matapos sila, napabuga naman ng hangin si Kinsley na bumangon na lang muna saka inihagis sa kama n'ya ang cellphone n'ya at kinuha ang remote control ng TV at nag hanap ng music channel na mapapanood habang nag papa-antok. Nang makakita napangiti si Kinsley na biglang tumayo at gamit ang remote control sinabayan n'ya ang pagkanta with macthing dance step. Heto na naman naririnig Kumakaba-kaba itong dibdib Lagi na lang sinasabi "Pwede ka bang makatabi?" Kahit sandali lang, pweda ba? Sana'y pagbigyan, sige na Mukhang tinamaan yata ako Sana'y pagbigyan, mukhang tinamaan Kapag tumibok ang puso Wala ka nang magagawa kung 'di sundin ito Kapag tumibok ang puso Lagot ka na, siguradong huli ka Sha-ram-da-ra, sham-da-ra sha-ram-da-ra Sha-ram-da-ra, sham-da-ra sha-ra-ram-da-ram-da-ra Sha-ram-da-ra, sham-da-ra, oh ah-ah, ah Araw at gabi, iniisip ka Pinapangarap na mahagkan kita Laging tulala at nakangiti Puso'y 'di mapigil ang pintig Nais kong sabihin, mahal ka Bawat sandali ay miss kita Mukhang tinamaan yata ako Sana'y pagbigyan, mukhang tinamaan Kapag tumibok ang puso Wala ka nang magagawa kung 'di sundin ito Kapag tumibok ang puso Lagot ka na, siguradong huli ka. ****** Halos mag kandadapa si Jigger sa pagtakbo palayo sa mga kapatid at nag kulong sa kuwarto n'ya ng makitang natawag si Kinsley pero kumunot ang noo n'ya ng sagutin n'ya wala naman s'yang narinig na respond sa kabilang linya. Kanina pa s'ya hello ng hello, na ririnig lang n'ya ay ang tunog ng TV na mukhang nag hahanap ng channel si Kinsley. Tingin n'ya accident lang na nadial ang number n'ya ng dalaga or maybe binalak s'yang tawagan hindi na lang tuloy kaya by accident natawagan s'ya nito. Napangiti pa s'ya ng marinig na ang boses nito na ikinataas ng kilay n'ya at talagang napahanga s'ya sa boses nito na maganda pala. Parang ang saya at punong-puno ng happy thought ang boses nito. Tiyak na mahihiya ito kapag nalaman nitong naririnig n'ya itong kumakanta. Napahinga na lang s'ya sa kama n'ya habang nakikinig ritong kumanta. Naka-ilang set off music pa ito ng mamatay ang call mukhang na lowbat na ang dalagita. Kung kelan inaantok na s'ya sarap sana matulog na boses nito ang naririnig n'ya sayang naman. Paano kaya n'ya makukuha ang loob nito dahil honestly he's really into her kahit wala naman itong ginagawang effort para magustuhan n'ya ito. Basta na ramdaman na lang n'ya na he likes her when he first time saw her. Tinamaan ata s'ya ng love at first sight na hindi n'ya akalain na mararamdam n'ya para sa isang ramdom girl na accident lang nilang naka banggaan habang hinahabol ng grupo ni Pigaroa. And he believes in destiny sigurado s'yang sinadya ng langit na pag tagpuin sila and he wanted to give it a try with her. Pag nagkataon si Kinsley ang 1st time official girlfriend n'ya kung papayag ito na mag paligaw at sana pumayag ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD