bc

Hi! Mr. Heartbreaker-SPG-

book_age18+
1.6K
FOLLOW
16.7K
READ
HE
second chance
powerful
boss
bxg
serious
campus
like
intro-logo
Blurb

⚠️Warning matured content‼️‼️ Rated SPG not suitable for young reader‼️‼️ detailed bed scene‼️

Sa love maraming bakit at bakit mahirap mag move-on, sabi nila bago ka maging isang official heartbreaker kailangan dumanas ka muna ng matinding heartache at maging heartbroken. At iyon ang eksaktong nangyari kay Jigger. Now he is officially heartbreaker ng dekada, bakit? Iyon ay dahil minsan na s’yang nag mahal ng sobra at mag-isa n’yang pinilit malampasan ng walang nakakaalam.

At ngayon okay na s’ya bakit pa s’ya nag balik ang babaeng dumurog ng puso n’ya si Kinsley. Ang nag-iisang babaeng hindi n’ya ginustong masaktan. Ngunit bigla na lang itong umalis after sabihin na hindi na s’ya nito mahal at mag papakasal na ito sa ibang lalaki.

Kaya n’ya ba itong patawarin ngayon na muli na silang nag kita after so many years o gustuhin n’ya itong muling makasama pero sa pagkakataon ito, matitikman na nito kung paano mag mahal ang isang heartbreaker.Matutulad ito sa mga babaeng na ngangarap na lang na makasama s’ya habang buhay.

Would Kinsley heal his broken heart or he will broke her heart instead. O sa huli s’ya nanaman ang iiyak dahil ang babaeng binastos n’ya sa kama at dinurog ang puso ay mayroon pa lang matinding dahilan na hindi nito sinabi sa kanya at mas pinili nitong sarilinin na lang. Kaya pa ba n’yang pawiin ang lahat ng sakit na idinulot n’ya o s’ya na ang kusang lalayo para mabawasan na yung sakit na ibinigay n’ya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Nag mamadali ang bawat hakbang ni Ley dahil sa mga senior student na kanina pa s'ya pinag titripan sa canteen pa lang. 1st year high school pa lang s'ya at transferee galing sa Davao City, home-school lang kasi s'ya mula ng grade 4 s'ya dahil sa aksidente na dahilan para ikamatay ng parents n'ya kaya napunta s'ya sa pangangalaga ng lola n'ya na sobrang over-protective sa kanya. Kasama s'yang naaksidente ng mga magulang n'ya pero nagawa s'yang protektahan ng magulang n'ya kaya naka ligtas s'ya pero nagkaroon s'ya ng head injury kaya napilitan na s'yang ipa-home school ng Lola n'ya dahil sa mga medication n'ya at nag karoon din s'ya ng phobia sa malalakas na busina ng sasakyan. Ngunit gusto na n'yang mabago ang buhay n'ya at hindi na habang buhay na mag tago sa loob ng bahay. 1-week na s'yang napasok at laging may headphone na nakakabit sa tenga n'ya para maka-iwas sa malalakas na tunog ng sasakyan na nag dudulot sa kanya ng takot. Ayon sa doctor kailangan n'yang harapin ang takot n'ya kung gusto n'yang mabago ang buhay n'ya. Naging maayos naman ang takbo ng buhay n'ya sa prestigeuos school na pinasukan n'ya na personal na pinili ng lola n'ya. Not until 1 day na pagtripan s'ya ng mga gangster ng school na hindi naman n'ya alam. Inagaw ng mga ito ang headset n'ya na nakakabit sa tenga n'ya habang nag-iintay s'ya ng kaon n'ya. Sa gulat n'ya nasampal n'ya ang lalaking 4th year at nasugatan ito sa pisngi dahil sa diamond ring na suot n'ya, buti na lang saktong dating ng service n'ya kaya agad s'yang nakalayo sa mga ito. Ngunit kinabukasan inabangan naman s'ya ng mga ito at talagang pinag diskitahan ng mga ito ang mga gamit n'ya at wallet n'ya. Tinakot pa s'ya ng mga ito na kapag nag sumbong s'ya susundan s'ya ng mga ito hanggang sa bahay nila at papatayin daw ng mga ito buong pamilya n'ya. Kaya naman na paiyak na lang s'ya at nanahimik na lang. Araw-araw ganun ang ginagawa ng mga ito tinatapon ng mga ito ang gamit n'ya sa basurahan at kinukuha ang baon n'ya. Kapag wala s'yang maibigay pilit na inaagaw ng mga ito ang headset n'ya na ayaw n'yang ibigay. Na ngangako na lang s'ya na bibigyan n'ya ang mga ito kapag na bigyan na ulit s'ya ng allowance. Kaya naman napilitan na s'yang mag sinungaling sa lola n'ya para maka hingi ng pera at nag dadahilan na lang na may project or may bibilihin. Mayaman naman ang pamilya nila at hindi problema ang pera kaya madali makahingi ng pera pero kilala naman s'ya ng mga lola at lolo n'ya na hindi gastador at never s'yang humingi ng pera sa mga ito. Kaya naman paniwalang-paniwala ang mga ito sa tuwing hihingi s'ya ng pera. Pero na kokonsensya na s'ya at wala na din s'yang maisip na dahilan na kasinungalingan kaya ngayon heto s'ya at nag mamadaling tumakas sa grupo ng bullies ng school nila na walang magawang makapag sumbong dahil anak daw kasi ng mga may posisyon sa gobyerno at mayamang angkan sa Pilipinas kaya walang may gustong bumangga. Sa pag maamdali aksidente n'yang nabunggo ang isang lalaking matangkad at pag tingin n'ya rito napansin n'ya ang 5 lalaki na naka yuko sa kanya. Maayos ang suot ng mga itong uniform at base sa guhit ng mga ito sa necktie mga 3th year high school ang mga ito di tulad ng mga lalaking sumusunod sa kanya na pawang mga 4th years student. Lalampasan na sana n'ya ang mga ito pero nakaharapang naman ang 4 sa likuran at wala na space para lumusot s'ya kaya napalingon s'ya sa grupong sumusunod sa kanya na biglang nag hintuan sa pag takbo. At mga napangiti na lang na nagyuko ng mga ulo na sumaludo pa na nag atrasan palayo. Wala tuloy sa loob na napatingala ulit s'ya sa mga ito ng umatras, kung pag babasehan ang ikinilos ng 6 na lalaking naka sunod sa kanya kanina parang ilag ang mga ito sa 5 lalaking nasa harapan n'ya na mukha naman matitino pero nakakatakot ang dating ng mga kaguwapuhan ng mga ito na parang napaka seseryso sa buhay maliban sa 2 na kinindatan pa s'ya. "Binubully ka ba nila?" tanong ng lalaking nasa unahan. Isa-isa n'yang tinitigan ang mga ito saka pinakiramdaman ang sarili kung nakakaramdam ba s'ya ng takot gaya ng nararamdaman n'ya sa 6 na lalaking nakasunod sa kanya kanina. Medyo kabado s'ya kasi intimidating ang dating ng mga ito pero mukha naman matitino. "Pipe at s'ya tara na Kuya Jas, gutom na ako." wika ng isang lalaki na nasa likuran ng lalaking nasa unahan na tinawag nitong Kuya Jas. "Iwasan mo na makabangga sila kung gusto mong makatapos ng high school dito." wika pa ng lalaking nabangga n'ya. Tinapik naman s'ya ng dalawang lalaking sa balikat bago nilampasan habang isa naman at tumingin sa kanya ng deretso bahagya silang nagkatitigan dalawa dahilan para kumabog bigla ang puso n'ya. "Jigs, bilis." sigaw ng isang lalaking kumindat sa kanya kanina. "Coming." sagot pa nito na nilampasan na s'ya saktong lingon naman n'ya saktong lingon din nito na tuluyan ng umikot ng tingn sa kanya habang nag lalakad itong paatras na nakatangin sa kanya. Meron sa isang lalaking ito na kakaiba sa pakiramdam n'ya na hindi n'ya masabi basta pakiramdam n'ya nakakawala ng takot ang kaguwapuhan nito. ********** "Bulaga!" napatili si Ley ng biglang sumulpot ang 6 na lalaki sa daraanan n'ya. Patungo s'ya sa religion room dahil inutusan s'ya ng teacher n'ya na dalahin ang bible na naiwan nito sa classroom nila. "Akala mo siguro natakasan mo na kami ano. Bilis hawakan n'yo." wika ng pinaka leader ng mga ito, hindi na magawa ni Ley na makasigaw dahil tinakpan na ng isang lalaki ang bibg n'ya ng kamay habang sapilitan na s'yang kinakaladkad ng mga ito. May ilang studyante ang naka kita sa kanila habang puwersahan s'yang hinihila ng grupo ng mga 4th HS na lalaki patungo kung saan pero wala ni isang gustong tumulong sa kanya. Ipinasok s'ya ng mga ito sa isang bagong gawang building pero buti na lang nagawa n'yang makawala sa mga ito ng makagat n'ya ang kamay ng lalaking nagtatakip ng bibig n'ya kaya na distract ang naka hawak sa kanya. Kaya naman nakakaripas s'ya ng takbo pero nahablot ng isa ang headphone n'ya na nakasabit sa leeg n'ya. Gusto n'yang balikan iyon pero tiyak na may mangyayaring di maganda sa kanya kaya tumakbo na s'ya pero agad din s'yang hinabol ng 4 na lalaki. Gusto n'yang humingi ng tulong pero kanino e halata naman takot ang mga studyante sa 6 na lalaki kung nangyayari ang bagay na ganito sa loob ng school ibig sabihin wala din magawa ang teacher sa school bullies. Bigla isang grupo ng mga lalaki ang na aalala n'ya kinatatakutan ng 6 na lalaki. Kaya agad na hinahap ng mga mata n'ya ang mga ito at sa 3rd year building na s'ya tumakbo pero hindi n'ya makita ang 5 lalaki at malas pa n'ya dahil dead end na ang hallway na nilikuan n'ya. "Lintik ang bilis mong tumakbo pinagod mo kami. Halika dito ng tamaan ka." wika ng lalaki na lalapit na sana ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isa sa 5 lalaki na hinahanap n'ya. At walang sabi-sabi na yumakap s'ya sa likuran nito na ikinahinto naman ng 4 na lalaking lalapit sa kanya. Wala man lang salitang lumabas sa lalaking niyakap n'ya pero nag pulasan ang 4 na lalaking humahabol sa kanya. Dala ng sobrang pagod sa pag takbo at takot napa-iyak na lang si Ley sa likod ng lalaki na inalis ang kamay n'ya sa nakagapos sa bewang nito saka ito umikot na ikinataas ng tingin n'ya ng bigla nitong itaas ang dalawang kamay at tinakpan ang tenga n'ya and out of nowhere bigla itong kumanta ng isang old love song dahilan para mapahinto s'ya sa pag-iyak at napatitig rito. Ilang minuto din silang nanatiling nakatayo habang kumakanta itong tinatakpan ang tenga n'ya. Then bigla na lang tong tumalikod na hindi na lumingon pa. Napatingin s'ya sa sahig at nakita n'ya ang isang ID na marahil na laglag mula rito. Jigger L. Montenegro 3rd year sampaguita." mahinang basa n'ya sa nakalagay sa ID nito. ********* "Saan ka ba nag suot kanina ng vacant, hinahanap ka namin e." ani Trigger. "natulog sa music room kaso may maingay sa labas kaya na gising ako." ani Jigger. "Ibang klase ka talaga lagi ka na lang inaantok." ani Jansen. "Gusto n'yong mag audition." turo ni Cloud sa poster na nakadikit sa bulletin na nadaanan nila. "Game." ani Trigger. "Bago ka mag game d'yan mag paaalam kaya muna tayo kila Mommy." ani Jigger na hinila na si Trigger at inakbayan. Quadroplet sila pero mag kakaiba ang physical features pero hindi nag kakalayo ang mga hitsura nila, Founder ng school ang Lolo Dylan nila at pinaka malaking stockholder naman ang Lolo Ivo nila ng school. Hindi sila mga bullies pero kinatatakutan sila dahil sa taas ng antas ng pamilya sa lipunan. Wala silang kailangang gawin para katakutan at ewan din ba nila kung bakit iwas na iwas sa kanila ang mga studyante. Na papagbintanagan at napapag isipan tuloy silang school bullies e kung tutuusin wala silang pakialam sa mga kapwa nila studyante. "Payagan kaya tayo?" tnong ni Jansen. "I'm sure naman." sagot ni Trigger. Patungo sila sa gym ng makasalubong naman nila ang grupo nila Pigoroa ang leader ng ganster bullies sa school na iyon. May akbay itong babae at nakaramdam bigla ng pagkapikon si Jigger ng makita ang familiar na headphone na suot ng babaeng akbay ng lalaki. "Saglit lang mga tol may kukunin lang ako." agad na bumukod ng lakad si Jigger para salubungin sila Pigaroa na agad na umiwas ng pathway ng makitang makakasalubong sila. "I need that headphone back." ani Jigger ng humarang s'ya sa daraanan ng mga ito habang naka-umang ang kamay. "Naku boss amo, mahal kasi ang bili ko dito at niregalo ko ito sa girlfriend ko." ani Pigaroa. "How much?" tanong naman ni Jigger na nag labas ng wallet. "Sorry talaga boss chief it's not the price it____." "Should I need to call my father para sabihin na gusto kong bilihin ang share ng papa mo sa company namin." napalunok naman ang lalaki na agad na hinila na ang headphone sa ulo ng babae na hindi pa pumayag at nag hilahan pa. Napamura na lang si Jigger ng biglang naputol at nahati sa dalawa ang headphone. "Damn it!" sigaw ni Jigger na hinabot na ang naturang bagay na naputol na. "Break na tayo tanga ka!" bulalas pa ni Pigaroa na itinulak pa ang babae na napaiyak na lang na tumakbo. "Boss! wag kang mag-aalala may alam akong bili____ "Shut the hell up!" anggil na lang ni Jigger na tinalikuran na ang mga ito at itinago sa bag ang na suot ang sirang headphone at binalikan ang mga kapatid. "What was that all about? Sayo ba yung headphone." "yes!" nakasimangot na sagot na lang ni Jigger.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.8M
bc

The Heartless Alpha

read
1.6M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
515.8K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
612.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
648.5K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
495.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook