Episode 2

1930 Words
Napatingin si Ley sa isang paper bag na inabot ng isang security guard. Paiyak na s'ya habang nag-aabang ng service n'ya. Nakatakip ang dalawang kamay n'ya sa tenga n'ya at pinag titingnan na s'ya ng ibang studyante. Nahihiya na s'ya pero hindi na pa man nadating ang kaon n'ya. Kinakabahan na s'ya pag-uwi paano kapag hindi n'ya kinaya ang takot habang na biyahe. Kanina pa nasakit ang ulo n'ya dahil sa stress kakaisip paano pag-uwi n'ya wala ang headphone n'ya. Baka atakihin s'ya ng phobia na na ayon sa doctor na posibleng mauwi sa heart attack kapag hindi n'ya na overcome. Wala pa man isang buwan s'ya na nag aaral sa outside world kaya hindi naman ganun kadali na mag-adjust. Saglit muna s'yang gumilid para tingnan ang laman ng paper bag at pakiramdam ni Ley nag liwanag bigla ang langit ng makita ang isang maganda at kulay pink na headphone na katulad ng sa kanyang nakuha ng mga bullies kaibahan lang pink iyon at white naman yung nawala sa kanya. May isang papel dun na naka ipit resibo ng headphone na may naka sulat sa likod. "Meet me up sa 2nd year building roof top, bring my ID." unti-unti na sumilay ang ngiti ni Ley na nag mamadaling inalis n'ya sa box ang headphone at isinilid sa bag ang pinag lagyan at nag mamadaling isinuot sa ulo at inilagay sa tenga saka nag mamadaling isenet sa cellphone na dinukot sa bulsa. Saka pa lang nakahinga si Kinsley ng marinig ang musis na tumugtog. Napangiti naman si Jigger habang pinapanood ang dalagita na ngayon lang n'ya nakitang ngumiti. At ang ganda pala talaga nito ang cute ng dalawa nitong dimple sa gilid ng mga labi, nene pa ito pero tiyak n'ya na kapag nag dalaga ito gaganda itong tiyak. Halata din anti-socialize ito. Sampol na makabaggaan ito ng Kuya Jas n'ya madalas ng tamaan ng mata n'ya itong nag lalakad na mag-isa. Umiiwas ito sa mga studyante na parang ayaw nitong makipag interact na parang natatakot ito sa mga taong nasa paligid. No wonder kaya ito napili nila Pigaroa na ibully dahil nga ang wierd nitong kumilos. Kaya talagang nagulat s'ya kanina ng bigla itong yumakap sa kanya at ewan ba n'ya pero nakaramdam s'ya ng sakit ng maramdaman na umiyak ito. Damang-dama n'ya ang takot sa yakap nito napansin din agad n'ya na wala ang headphone nito na laging nakasabit sa batok nito sa tuwing makikita ito. Tingin n'ya may problema sa dalagita at ang headphone nito ang nakakatulong rito para kumalma na kinuha pala nila Pigaroa. Kaya out of nowhere kinantahan n'ya to habang tinatakpan ang tenga, buti na lang P.E activities kaninang umaga ng 3rd year student sa quadrangle at wala s'ya sa mood na umattend dahil inilipat lang sila sa ibang teacher kaya tinamad na s'yang bumaba. Nang makitang dumating ang kaon ng dalagita agad na n'ya binuhay ang makina ng kotse n'ya. Naiwan sa mall ang mga kapatid n'ya kung saan nag-uusap-usap silang mag kikita ang text lang s'ya sa mga to na may babalikan lang sa school at intayin na lang s'ya. Nang maka-alis ang sasakyan ng dalagita na nalaman n'yang Kinsley Florez pala ang pangalan at freshmen student. Huminga ng malalim si Jigger na sumunod na din lumabas sa sasakyan ng mga ito na lumabas ng gate. - - - - - - - - - - - Kabado si Ley na nag papalinga-linga ng makarating sa roof top ng 2nd year building pero puro sirang mga upuan ang naroon at mga white board na maayos naman nakasalansan dun. Niloloko lang ba s'ya ni Jigger at nag pauto naman s'ya pero binigyan s'ya nito ng bagong headphone kaya siguro naman hindi ito masamang tao. "Psst! Psst! Kins." napalingon s'ya ng marinig ang isang boses na nag tatawag kaya napalingon s'ya ng makita ang hinahanap na lalaki na nasa likuran lang pala n'ya sa taas ng pinaka pinto ng rooftop. Nakalawit ang paa nito sa may tapat ng pinto habang naka tukod naman ang braso sa railing ng taas na bahaging yun. "Akyat ka dito." utos pa nito pero mabilis s'yang umiling at mula sa bag inilabas n'ya ang ID nito saka iniumang rito. "Natatakot ka ba sa akin na baka gawan kita ng masama?" mabilis naman umiling si Ley. "Pipe ka ba?" "Hindi." ngumiti naman si Jigger ng marinig ang boses ng dalagita. "Ang ganda pala ng boses mo bakit itinatago mo." "Wala naman akong dapat sabihin e." "May pa audition ang glee club sa next month marunong ka bang kumanta?" tumango naman si Ley. "Talaga I love singing." hindi naman tumugon si Kinsley. "Iwan mo na lang d'yan sa sahig yang ID ko, sinadya ko yang ilaglag para lapitan mo ulit ako." natigilan sa pag yuko si Kinsley dahil sa sinabi ni Jigger. "Kapag ginulo ka pa ni Pigaroa yun HS bully, call me." anito saka may inihagis itong maliit na papel na nag landing sa paanan n'ya ng damputn n'ya napangiti pa si Kinsley ng makita ang wallet size picture nito na may sulat ng cellphone number. "Keep doing that." "Alin?" "Smiling, ang ganda mo kasi." parang na hihiya naman nag yuko ng ulo si Ley na ibinaba na sa sahig ang ID ni Jigger. "kapag hindi ka na takot sa akin nandito lang ako palagi, dito ako tumatambay kapag wala akong magawa sa baba. Kapag hindi mo ako nakitang kasama ng mga kapatid ko nandito lang ako. At by the way walang nakaka alam ng hide-out kong ito kaya can you keep it secret." wika pa nito. "Hindi ako takot sa'yo, kulay puti lang kasi ang uniform ko baka madumihan ako." tumawa naman si Jigger sa narinig na explanation nito. Oo nga naman, overall white kasi ang uniform ng mga studyanteng babae dun na parang mga nurse ang kaibahana lang ay flitted skirt ng mga ito na hanggang tuhod at may belt na kulay green habang sa laylayan ng palda may linining din na kulay green na nag papakita kung anong year level ng isang studyanteng babae. "Call me okay." bilin pa ni Jigger ng mag paalam na si Kinsley na hindi na n'ya na pilit na mag stay pero at least nagsalita na ito. Nang marinig na n'ya ang bell tumayo na si Jigger at bumaba na ng makipot na hagdanan para maka-akyat dun bago kinuha na ang Id na iniwan ni Kinsley sa sahig saka lumabas na pero napa-awang ang bibig ni Jigger ng aksidente n'yang masipa ang isang bagay na tinamaan ng paa n'ya at makitang mansanan pala iyon na marahil iniwan ng dalagita roon. Gumulong iyon pababa ng hagdan kaya nag mamadali na si Jigger na hinabol ang mansanas na gumulong saka sinimot iyon na after punanas sa pants agad na kinagat ni Jigger sabay ngiti bago sisipol-sipol pang bumaba. - - - - -- - - - Kumunot ang noo ni Jigger ng hindi makita si Kinsley, ganitong oras nadaan ito para tumawid patungo naman sa canteen pero bakit kaya wala ang dalagita? hindi kaya ito pumasok dapat pala hiningi na n'ya ang number nito dahil parang nag hhintay s'ya sa patak ng ulan sa tag-araw kung iintayin n'ya si Kinsley na mag text or tumawag sa kanya. "Psst! Freshmen." tawag n'ya sa isang binatilyo na dumaan na natatandaan n'ya na nanapansin n'ya na kasama ito ni Kinsley ng minsan na may dalahin ang mga ito sa faculty na mga notes. "Po?" sagot naman nito "Pumasok ba si Kinsley?" "Opo," "Asan s'ya?" "Hindi ko po alam pero sa Art building po s'ya inutusan." napatango naman si Jigger na napalingon sa building na binanggit nito. Bigla s'yang nag-alala katabi ng art building ang classroom nila Pigaroa. Agad s'yang nag pasalamat rito saka nag lakad takbo ng lakad patungo sa lugar na pinuntahan ni Kinsley. Paakyat na sana s'ya sa hagdan ng mapansin ang isang sapatos sa isang pathway patungon sa likod ng building. Na alarma s'ya ng makilala ang black shoes, dali-dali s'yang tumalon sa railings pababa at dinampot ang sapatos saka tinalunton ang pathway patungo sa likod ng building kung saan meron mga lumang banyo na hindi na ginagamit at alam n'ya na ginagamit iyon ng ibang studyante para mag make-out or makipag s*x sa mga ka relasyon. Nakarinig s'ya ng mga ingay at tawanan sa loob maging impit na iyak na isang babae. Pakiramdam ni Jigger umakyat lahat ng dugo sa ulo n'ya na dali-daling tumakbo at sinipa ang saradong pindo na aagad na bumalandra. At ganun na lang ang sulak ng galit n'ya ng makita si Kinsley na may busal na panyo habang naka lilis ang skirt nito na saktong hinubunaram na ng suot na cycling na itim wala ng suot na sapatos ang isang paa nito habang pigil ng apat na lalaki ang mga kamay at paa nito habang si Pigaroa ang naka pagitan ng hita nito. Mabilis s'yang naka lapit sa mga ito at isa-isa pinag sisipa at suntok. Nanlaban pa ang mga ito pero dahil sobra ang galit na nararamdaman n'ya wala ni isang naka palag sa mga ito na talagang halos maubos ang hininga n'ya mabasag lang n'ya ang mukha ng 6 na lalaki. Hingal na hingal s'ya ng mapabagsak n'ya ang mga ito pag lingon n'ya nakita n'ya si Kinsley na nasa isang sulok na tahimik na umiiyak. Nakita n'ya ang headphone nitong nakakalat na lang at madumi dinig n'yang may musik na tumutunog roon kaya lalapit sana n'ya rito pero sunod-sunod ang iling nito kasabay ng mga kamay na parang nag susumamo ang mga mata. Napakuyom naman ang mga kamay n'ya. Marahil sobrang takot nito kaya mabilis s'ya lumayo ng isang dipa rito at ipinatong sa maduming lababo na naroon ang headphone saka kinuha ang bag n'ya na dala meron dun na P.E uniform n'ya at sweatshirt na dala na hindi pa n'ya na gagamit dahil hindi s'ya umattend ng P.E. Inilabas n'ya iyon saka ipinatong din dun katabi ng headphone bago isa-isang hinila n'ya palabas ang mga lalaki na walang mga malay na nakabulagta sa sahig. "wait lang." biglang usal ni Kinsley na tumigil na sa pag-iyak pero sisigok-sigok ng si Pigaroa na ang hinila n'ya palabas. Dahan-dahan na lumapit si Kinsley habang hawak n'ya sa dalawang kamay ang lalaki. pakiramdam ni Jigger s'ya ang nasaktan na napangiwi ng walang pakundangan na tinapakan nito ang harapan ni Pigaroa na dinugtungan pa nito ng malakas na sipa. Bago umatra si Kinsley na nag yuko ng ulo. Madumi na ang school uniform nitong puti kaya hindi ito puwedeng lumabas ng ganitong hitsura. "Magbihis ka muna dito lang ako sa labas." "May alcohol ka ba?" nakayukong tanong ni Kinsley. "Nasugatan ka ba?" nag aalalang tanong ni Jigger umiling naman ang dalagita. "Amoy akong laway." nahihiyang pabulong na sagot ni Kinsley. Hindi naman malaman ni Jigger kung magagalit ba, maawa or matatawa. Muntik na itong ma rap** kung di s'ya dumating pero imbis na mag thank you ito dahil sa pag liligtas n'ya rito. Nag hanap pa ito ng alcohol dahil amoy laway. Nag mamadali na lang na kinuha n'ya ang maliit na bottle spray na alcohol saka inabot rito at isang pouch na maliit din na wipes na nasa bag din n'ya saka s'ya umatras para lumabas at makapag bihis ito pero pag sarado n'ya ng pinto muli n'yang narinig ang impit nitong pag-iyak na ikinakuyom n'ya ng kamay na puro na din pala dugo na galing sa mga pag mumukha ng 6 na lalaking ito. Titiyakin n'ya na tapos na ang pag hahari-harian ng mga ito sa school nila at hindi makaka graduate ang mga to sa gagawin n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD