Episode 6

1398 Words
Busy si Kinsley sa pag gagawa ng assignment n'ya sa loob ng classroom ng isang kamay ang sumabunot sa kanya at isubsob s'ya sa mismong mesa n'ya ikinagulat ng mga ka klase n'ya pero wala ni isang gustong tumulong o kahit man lang umawat kay Anthonette na kasama mga tropa nitong 3 babae. "Sinungaling ka tinanong kita kung kilala mo ba si Jigger e ano to?" anito na kulang na lang iduldol sa mukha n'ya ang cellphone na hawak kung saan naroon ang larawan nila ni Jigger habang suot n'ya ang P.E uniform ni Jigger bago pa n'ya naisuot ang sweatshirt. Nag lalakad sila sa pathway nauuna si Jigger ng bahagya habang s'ya ay nasa likuran nito. "Ano itatanggi mo pa rin ba ha! Ipinasuot sa'yo ni Jigger ang damit n'ya so ibig sabihin your more than friends dahil hindi ugali ni Jigger na mag pahiram ng gamit n'ya." hinila s'ya nito sa buhok para magkaharap naman sila, napahawak naman s'ya sa kamay nito na nasa buhok n'ya. "Yung totoo ikaw ba ang kinakawayan ni Jigger kahapon sa gym? Ikaw din ba ang ka text n'ya?" tanong pa nito. "Hindi." pag sisinungaling n'ya. "Hindi ka nag kakamali." sagot naman ng isang babae na tumaw. "Sinagad mo ang gigil ko sa buong taon na ito, pinag mukha mo akong tangang babae ka! Siguro pinag tatawanan mo ako behind my back." "Kung girlfriend ka talaga ni Jigger bakit hindi si Jigger ang tanungin mo? Wala akong paki-alam sa'yo at kung ano relas____." natigil ang sasabihin ni Kinsley ng dumating ang teacher nila hampasin nito ng stick ang mesa na sabay-sabay nilang ikinalingon. "Anong ginagawa n'yo sa building ng freshmen Ms. Jimenez?" "Ah wala po ma'am sinilip ko lang ang pinsan ko Ma'am." ani Antonette na hinimas pa ang buhok n'ya saka ito dumistansya saka na paalam na lumabas. "Makinig kayong lahat! Hindi porket mga freshmen student lang kayo hahayaan n'yo na may mga kapwa studyanteng aapi sa inyo, pare-parehas ang mga magulang n'yo na nag babayad ng mahal para sa tuition fee n'yo para makapag aral ng maayos sa magandang eskuwelahan. Maaring nakaka-angat ang ibang studyante sa inyo pero hindi ibig sabihin nun mag papailalim kayo sa kanila at hahayaan n'yo apihin kayo. Matuto kayong lumaban para sa sarili n'yo kung hindi n'yo kaya magtulungan kayo, kapag pinakita n'yo na mahina kayo at takot kayo paglalaruan lang kayo ng mga studyanteng nakakaangat. Naiintindihan n'yo ba ang sinabi ko." sigaw pa ng ginang. ********** "Jigger." napalingon naman si Jigger ng may tumawag sa kanya na saktong baba n'ya ng trunk ng kotse n'ya sa likod ng kunin n'ya ang varsity bag n'ya. May laro ulit sila ngayon para naman sa elimination round para sa lalaro ng championship sa friday. "Can we talk?" tanong pa nito napatingin nman si Jigger sa tatlong babaeng kasama nito. "Alone." dugtong pa ni Antonette saka sinenyasan ang mga kaibigan nito na umalis. "What about?" "May relasyon ba kayo nung freshman student na yun?" kumunot ang noo ni Jigger pero medyo nag worried s'ya sa kalagayan ni Kinsley. Mukhang kasalanan pa yata n'ya kung mabubully nanaman ito. "Sino?" "Hmmp! I saw you yesterday, akala ko ako ang kinakawayan mo then I realized na hindi pala ng hawakan mo ang phone mo at magtext. Then I saw this girl sa likuran namin na may ka text din then all of a sudden bigla ginanahan kang mag laro, now tell me may mali ba sa iniisip ko?" gustong humanga ni Jigger sa takbo ng isip mo Anthonette, iba din puwede na itong maging detective ang lakas mang hula. "Kailangan ko bang mag-explain?" "Ano bang gusto mo, I'm trying my best para magustuhan mo ako pero bakit parang kulang pa rin." pagak naman na tumawa si Jigger. "Simple dahil hindi kita gusto at tungkol sa tanong mo kanina hindi ko kilala ang babaeng sinasabi mo?" "Kasama mo s'ya the other day, wearing your P.E uniform." "Ahhhh! So, iyon pala ang pinag puputok ng butse mo." "We been together since we we're kids pero kahit minsan hindi mo ako pinahiram ng gamit mo." "Dahil wala naman dahilan para pahiramin kita, at wala din dahilan na mag paliwanag ako sa'yo. Ipinahingi ko na sa kanya ang P.E uniform na yun dahil hindi ko ugali na mag pahiram ng gamit ko. Naka bili na ako ng bago kaya puwede ba tigilan mo na ako at tigilan mo na din ang pag aasume na girlfriend kita dahil hindi mangyayari yun." ani Jigger na nilampasan na ito na sakto naman 4 na kotse mula sa kotse n'ya natanaw n'ya si Kinsley na paparating na mukhang pauwi na ito dahil half-day lang naman ang mga hini participant. Napatingin s'ya rito pero alam n'yang nakasunod sa kanya ng tingin si Anthonette kaya hindi n'ya ito puwedeng batiin. Tumingin na lang s'ya rito pero nagulat s'ya ng bigla itong umikot pabalik na halatang iniwasan s'ya na parang gusto n'yang mainis. Alam n'yang sinabi n'ya na iwasan nito ang grupo ni Tonet pero hindi n'ya sinabi na iwasan s'ya nito. Dinukot n'ya ang earpods n'ya at tinawagan ang dalaga na ilang ring bago nito sinagot. "What was that?" tanong n'ya kay Kinsley. "Kasunod mo si Anthonet." "So? Hindi ko naman hahayaan na makalapit s'ya sayo." "She already did." "What? Sinaktan ka ba n'ya?" "Hindi." pag sisinungaling na lang n'ya. "Yun totoo?" "Hindi nga pero binalaan n'ya ako na wag kitang lalapitan." "At susunod ka naman?" tanong naman ni Jigger. "Kailangan ba hindi?" balik tanong naman ni Kinsley. "I have 30 minutes bago ang play game ko mag kita tayo sa rooftop." "Uuwi na ako." "Basta iintayin kita." ani Jigger saka ini-off ang phone saka lumiko na sa kaliwa habang deretso naman si Kinsley ng lakad habang naka suot pa din sa ulo nito ang headphone. ***** Napatayo naman si Jigger ng makita ang ulo ni Kinsley na paakyat sa hide-out n'ya, nag mamadaling tumayo si Jigger at inalalayan itong maka-akyat naka uniform ito kaya na hirapan itong umakyat sa ladder. Meron na lang s'yang 10 minutes bago matapos ang usapan nila ni Kinsley. "Hindi agad ako naka sunod kasi naka bantay sa akin ang grupo ni Anthonette." "Sapat na ang 10 minutes sa sasabihin ko kaya makinig ka sana at sana pag-isipan mo. Walang pilitan ang sagot pero sana be considerate." kumunot naman ang noo ni Kinsley na babawiin na sana ang kamay na hawak ni Jigger ng hindi nito bitawan. Kaya napatingin s'ya rito. "I like no..ahmmm." sunod-sunod itong umiling bago deretsong tumingin sa mga mata ni Kinsley, "I fallen in love with you." napalunok naman si Kinsley at hindi alam ang isasagot. "Kung tatanungin mo kung bakit, hindi ko rin alam basta ikaw na lang lagi ang laman ng isip ko bago matulog o sa pag gising ko. Hindi ka na nawala. Kung may iba pang dahilan kung bakit ko na raramdam iyon hindi ko na alam kung ano ang tawag dahil malinaw sa isip ko na I'm in love with you." Bigla kinabahan si Kinsley na pilit na bumitaw rito. "Please pag-isipan mo muna alam kong nagulat ka pero sana naman pag-isipan mo muna." wika pa ni Jigger. "Mauna ka ng umalis dito na muna ako. Tapos na ang 10 minutes mo." taboy ni Kinsley. "Hindi kita puwedeng iwan mag-isa dito baka mahirapan kang bumaba. Baka mahulog ka okay lang sana kung sa akin ka mahuhulog." biro pa nito. "Joke ba yun." "Bumaba na lang muna tayong dalawa then mauuna na lang ako umalis sumunod ka na lang." suggestion pa ni Jigger na sinang-ayunan naman ni Kinsley. "Wag kang titingin, babastedin talaga kita." bilin pa ni Kinsley habang pababa ng hagdan habang nasa ibaba na si Jigger. "Oo promise.' sagot naman nito na yumuko kaya bumaba na si Kinsley pero medyo napasinghap pa s'ya ng medyo sumala ang paa n'ya. Agad naman na patingala si Jigger pero agad din yumuko ng matanaw ang ilalim ng palda ni Kinsley bagamat naka cycling naman ang dalaga. "Ano okay ka lang ba d'yan?" patay malisya na tanong JIgger. "Oo, basta wag kang titingin." bilin pa ni Kinsley. "Ano bang makikita ko kapag tumingala ako." "Langit natural." sagot naman ni Kinsley. "Langit ba talaga?" "Oo, asul na kalangitan wag ka lang titingin sa ilalim ng palda ko kung ayaw mong makakita ng star habang tirik pa ang araw." bilin pa ni Kinsley na malakas na lang na tinawanan ni Jigger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD