Episode 7

1264 Words
Natigilan si Jigger ng may malaglag na pink na papel sa ilalim ng mesa n'ya ng hilahin n'ya ang book n'ya. Dinampot n'ya iyon na deretso na sana n'yang itatapon ng hablutin iyon ni Trigger. "Trigger ano ba?" inis na wika ni Jigger na pilit na inaagaw sa kapatid ang isang love letter na karaniwan na nilang natatanggap sa mga admirer nila sapol ng bata sila. Noon natutuwa pa s'yang mag basa ng mga letter na galing sa mga babae pero ng mag binata na sila tamad na tamad na silang mag basa. Yung iba tinatago pa ng Mommy nila na tuwang-tuwa kapag marami silang inuuwing letter, wag daw nilang itatapon dahil proof lang daw yun ng gandang lalaki nila. Pero ng mag binata na sila deretso basurahan na lahat ng love letter at alam yun ng mga girls sa campus pero still wala pa rin sawa ang mga itong mag padala ng love letter. "Dearest Jigger, Hindi alam kung paano sasabihin sa'yo ng harapan ang nararamdaman ko dahil na hihiya ako pero hindi ko na mapigilan ang t***k ng puso ko na tanging ikaw ang laman. You make me smile every single day and you make my life complete. Hihintayin kita sa parking mamaya around 3pm kung okay lang kung hindi naman okay lang din pero mag-iintay ako. Love Kinsley." napamura at napaungol naman si Trigger na inabot naman ni Jansen ang sulat na sapilitan ng inaagaw ni Jigger sa mga kapatid habang pinapanood na sila ng mga kaklase nila na nag aagawan sa isang sulat. Nang maagaw na yun ni Jigger napunit na yun saka inis na pinag susuntok ng bahagyang malakas sa braso ang dalawang makulit nilang kapatid habang ang kuya Jasper nila ay nakapangalumbaba lang na nanonood sa kanila. "May date si Jigs, kay Disney Princess." wika ni Jansen. "Anong date, s'yempre hindi ako pupunta bakit naman ako pupunta dun." "Kasi the feeling is mutual." turan naman ni Trigger. "Tumahik ka nga." pasimpleng tumingin si Jigger sa 2 kaibaigan ni Thonette na naka tingin sa kanila delikado baka mag sumbong ang mga ito kay Anthonette na nasa kabilang classroom lang. Tiyak na baka lapitan nanaman ng mga ito si Kinsley pero bakit kaya dinaan pa ni Kinsley sa love letter ang sasabihin nito kung makiki pagkita lang din pala sa kanya. ********** "Hello! Where are you?" "Nasa religion room." "Magkita tayo sa rooftop." "Hindi puwede eh! Kailangan kong umuwi ng maaga ngayon may sakit ang lola ko. Wala kaming teacher para mamaya kaya maaga daw kaming pauuwiin." paliwanag ni Kinsley. "So, hindi galing sa'yo ang love letter?" "Ha?" "May nag lagay ng love letter sa ilalim ng mesa ko. Isend ko sa'yo via messenger anong account mo sa F.B." matagal hindi naka sagot si Kinsley. "Hello are still there?" "Wala akong F.B hindi ako marunong gumawa." nahihiya pang sagot ni Kinsley na ikinangiti ni Jigger na bumuga na lang ng hangin. "Hayaan mo na kung 'di rin pala galing sa'yo." "Anong nakalagay sa sulat." "That you love me and you wanted to be with me." "Bakit ko naman sasabihin pa yun sa sulat kung kaya ko naman sabihin sa personal." napakagat bigla sa labi si Kinsley saka napangiwi. Daig pa n'ya ang kusang umamin at sinagot na si Jigger sa isinagot n'ya. "That's exact what I thought." turan naman ni Jigger na abot tenga na ang ngiti. "Sige na babye na nandito na si Ms. Lourdes." tukoy ni Kinsley sa religion teacher nila saka dala-dali na inalis ang headphone sa tenga at isinabit na sa leeg. Nilalaro ni Jigger sa daliri ang susi ng kotse habang kasabay ang mga kapatid pauwi. Kanina pa s'ya ayaw tigilan ng mga itong tuksuhin kay Kinsley. Wag na daw s'yang pakipot sunggaban na daw n'ya habang bata at inosente pa, ipakilala na daw agad n'ya sa pamilya nila para daw mapatattoo an na s'ya ng ina nila sa pututoy ng pangalan ng mapapangasawa nila. Pag dating sa parking nakita n'ya si Anthonette na mukhang pauwi na rin kumaway pa ito sa kanya pero hindi s'ya gumanti ng kaway rito. Ngayon may hinala na s'ya kung sino nag padala ng love letter sa kanya, tingin n'ya si Anthonette yun para siguro subukan kung papatulan n'ya ang love letter ni Kinsley. Buti na lang nakakausap na n'ya thru phone si Kinsley kung nagkataon papatulan talaga n'ya ang love letter. Pero hindi s'ya kinilig sa love letter kanina kasi hindi naman s'ya ang eksaktong naka basa punit na ng mabawi n'ya pero may kinilig pa s'ya sa sinabi ni Kinsley sa phone na hindi man direktang pag-amin pero malinaw na sa kanya ang ibig sabihin. - - - - - - - - "Bakit mo ako iginawa hindi naman ako marunong gumamit n'yan e." ani Kinsley ng magkita sila sa rooftop at ipinakita n'ya rito ang ginawa n'yang F.B account para rito. "Naka private naman ito so hindi ka ma sesearch ng kahit sino or tayong dalawa lang ang makakaalam na may F.B account ka." 'Sigurado ka?" "Oo promise, give me your phone." inabot naman ni Kinsley ang phone sa binata. Pinanood na lang naman ni Kinsley ng tahimik si Jigger habang kinakalikot nito ang phone n'ya. Ilang sandali pa para na itong nag iinterview ng lahat ng tungkol sa personal n'yang buhay na sinasagot naman n'ya gaya ng birthday date, birthday place, kung ano mga favorite n'ya at kung ano ano pa na kailangan daw yun sa pag gawa ng account. "Oi! Wag mong tingnan yan." pigil naman ni Kinsley ng nag s-scroll na si Jigger sa photos n'ya. "Kukuha lang ako ng isang picture mo." "Ito na lang wag ka ng mag hanap ng kung ano-ano d'yan baka may makita ka d'yan na kung ano." natatawang turan ni Kinsly na bantay na bantay sa pag scroll ni Jigger. "Bakit may bold ka dito ano?" "Wala no! Basta bilisan mo na." isang picture na medyo na ka side view ang kinuha ni Jigger at inilagay nito. "Ano yan? Kadiri naman." natatawang wika ni Kinsley ng makita na puro bulaklak ang cover photo n'ya. 'Bakit babae ka, women loves flowers ayaw mo ba?" natatawang tanong ni Jigger. "Hindi lahat yung mga cartoon character na lang yun nandyan sa gallery ko." ani Kinsley na inagaw ang phone n'ya rito para hanapin ang cartoon character na sinabi. Panay naman ang slide n'ya habang hinahanap ang tinutukoy na picture. "Ano yan teka lang may nakita ko." tatawa-tawang bulalas ni Jigger ng may tamaan ng mata habang nag s-slide si Kinsley. "Huy! Jigs." bulalas ni Kinsley ng agawin nito ang phone n'ya at mabilis na tumayo at itinaas habang hinahanap yun nakita nitong picture. Hiyang-hiya naman si Kinsley ng makita ni Jigger ang mga sarili nitong picture na puro stolen shot na halatang i-zinoom lang ang camera para lang makunan s'ya ng malapitan. "Hahaha! huli ka may crush ka sa akin ano?" "Wala no! Akina na yan, uuwi na ako." pilit na hinihila ni Kinsley ang braso ni Jigger para makuha ang phone n'ya. "Jigs naman." "Aminin mo muna na may crush ka sa akin." "Hindi kita crush ano." "E bakit may mga picture ako sa gallery mo kung wala kang crush sa akin." "Wala akong crush sa'yo kasi mahal kita." ani Kinsley sabay talon para maabot ang cellphone pero dahil nabigla si Jigger hindi nito inasahan ang pag talon n'ya at napahawak sa braso dahilan para ma out of balance at sabay silang bumagsak sa sahig ni Jigger pero hindi pa yun ang mas nakaka gulat ang mag nakakagulat ay ng lumapat ang labi ni Kinsley sa labi ni Jigger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD