Episode 5

1149 Words
Tahimik lang na nonood si Kinsley sa play off sa basketball sa gym ng school nila. Nagtext kasi si Jigger na baka daw gusto n'yang manood ng basketball game nito sa gym para sa P.E festival ng school nila. Dapat pauwi na s'ya dahil wala naman s'yang gagawin sa school dahil hindi naman s'ya nakipag participate sa school program nila. Ngunit na isip n'ya na subukan na mag paalam sa lola n'ya na pinayagan naman s'ya agad. Tumawag na lang daw s'ya sa driver n'ya kapag mag papasundo na s'ya, natuwa pa ang lola n'ya dahil sumali daw s'ya sa mga event ng school nila. Sinabi pa nito na high school daw ang pinaka masayang buhay ng isang teenager kaya i-enjoyed daw n'ya habang bata pa s'ya. Sa pinakatulong aisle s'ya pumuwesto sa hindi s'ya masyadong mapupuna ng maraming studyanteng na nonood. 2nd quarter na ng dumating s'ya, sa labas pa lang dinig mo na ang sigawan ng mga studyante na akala n'ya kung anong sinisigaw pero halos fans pala ang magkakapatid ang naroon. Ngayon lang n'ya nalaman na quadroplets pala sila Jigger at ang mga lalaking kasama nito na nakabanggan n'ya noon. Habang ang isang kasama ng mga ito na nakilala n'yang Cloud ang pangalan ay sophomore pa lang pala habang junior naman sila Jigger. Puro pangalan lang ng limang lalaki ang naririnig n'ya pero pinaka lamang na sigaw ng pangalan ay Cloud. Mukhang may fan clubs si Cloud sa school nila garabe makasigaw ang mga kababaehan. Junior vs sophomore ang magkalaban kaya kalaban ng 4 ang isang kaibigan ng mga ito. Nang sumigaw ng time-out ang kupunan ng sophomore pabalik naman sila Jigger sa puwesto ng mga ito na napatingin sa gawi n'ya. Gusto sana n'yang mag taas ng kamay para kawayan ito pero nahihiya naman s'ya pero napangiwi s'ya ng bigla itong ngumiti at kumaway. Hindi s'ya sigurado kung s'ya ba ang nginingitian nito at kinakawayan meron kasing isang grupo ng mga kababaihan 4 na baitang ang layo sa bench na kina-kaupuan n'ya ang mga kilig na kilig. At 'di s'ya sigurado sa narinig na sinabi na boyfriend ng isa si Jigger. Girlfriend kaya talaga nito ang isang sa 4 na babaeng nasa unahan n'ya kasi parang wala naman babaeng kasama ang 5 mag kakaibigan sa tuwing nakikita n'ya ang mga ito sa campus. 'Sagutin mo na s'ya girl, wag ka ng masyadong pakipot baka sa iba pa yan mapunta kapag puro pakipot ka sige ka ikaw din." wika ng isang babae. "Hindi s'ya titingin sa iba, kilala ko si Jigger choosy yan pag dating sa babae. Elementary pa lang kami wala na yang ibang naging kaibigan na babae kundi ako lang at na titiyak ko na kami din ang end game sa huli." so, kababata pala ni Jigger ang babaeng nag sasalita na mukhang ka batch ng binata. Hindi n'ya makita ang hitsura nito dahil nakatalikod pero maganda ang hubog ng katawan nito base sa fit ng uniform nito sa katawan. Napatingi s'ya sa cellphone na hawak n'ya ng tumunog iyon at nakitang si jigger ang nag text. "Akala ko hindi ka na makakapanood." text ni Jigger na agad naman n'yang nireplyan. "Nakakahiya naman kasi sa'yo kung hindi ako makakapunta." "Thank you kahit napipilitan ka lang." "Hndi naman ako na pipilitan lang gusto din kitang maglaro kung marunong ka ba mag basketball." "Magaling ako sa lahat ng bagay, kaya watch and learn lahat ng shoot ko para sa'yo." "Na nonood din ang girlfriend mo pero bakit ganyan ka mag text sa akin?" patay malisyang tanong ni Kinsley gusto lang n'yang malaman kung totoo ang narinig n'ya. Nakita pa n'yang tumingala sa gawi n'ya si Jigger na kinawayan naman ng 4 na babae na hindi pinansin ng binata na gustong tawanan ni Kinsley. "Iwasan mo ang 4 na babaeng yan hanggat maari, mga mean girls sila ng campus. Yung babaeng mahaba ang buhok na naka ponytails that was Antonette s'ya ang leader ng grupo na yan yung 3 babae hindi ko kilala. Hindi ko s'ya girlfriend at mas lalong hindi ko magiging girlfriend. Liligawan kita pero hindi ang isang yan." muntik ng malaglag sa upuan si Kinsley sa huling text ni Jigger saka napatingin sa binata na tumakbo na pabalik sa loob ng arena na itinaas pa ang kamay ng lingunin ulit ang gawi n'ya. Gustong mag titili ni Kinsley at magtatalon ng sunod-sunod na maishoot ni Jigger ang lahat ng 3 points shot nito. Sunod-sunod na puntos ang ginawa nito para sa team kaya yung kanina na lamang na 7 ng kalaban ngayon ang team na ni Jigger ang lamang ng 12 points at kita na kung sino ang panalo. Kahit ang commantator nagulat din sa pinakitang dedication ni Jigger sa laro na kanina daw ay hindi man lang maka shoot ang binata pero bakit daw ngayon daig pa daw nitong naka-inom ng energy booster. "Huy! Pa scorin mo naman kami team tayo baka nalilimutan mo, masyado ka naman nag pakitang gilas kay Disney princess." biro ni Jansen sa kapatid ng natakbo na sila sa kabilang side. "Disney princess ka d'yan hindi naman s'ya na nood." patay malisyang ani Jigger. ''Asus! Napaka indinial mo talaga, kanina pa namin s'ya nakita ano. Yang klase ng ngiti mo lumalabas lang yan kapag nasa paligid si Disney Princess." ani Trigger. "Tumigil na kayo ayan na si Cloud, tiyak na hindi yan papayag na matalo sila ng malaki ang lamang bilisan n'yo." ani Jasper sa mga kapatid. ******** 'Hoy! Ikaw." napalingon naman si Kinsley habang nag lalakad ng palabas ng arena after matapos ang game nila Jigger at gaya ng inaasahan nanalo ang team nila Jigger bumaba lang ng 3 ang lamang ng mga ito dahil talagang trumabaho ng husto si Cloud para sa team nito. "Ako ba?" turo pa ni Kinsley sa sasarili habang papalapit ang mga babae. "Bakit maliban ba sa ating 5 may ibang tao pa ba rito?" mataray na tanong nito na hindi na lang n'ya sinagot. "Kilala mo ba si Jigger?" tanong pa nito, na alala n'ya bigla ang sinabi ni Jigger s kanya na iwasan daw n'ya ang grupo ng mga ito. "Hindi pero alam ko s'yang yung kaninang Best player." "sigurado kang hindi mo s'ya kilala." umiling naman si Kinsley. "Kailangan ba kilala ko s'ya?" "Hindi at hindi ko rin gusto na mag kakilala kayo. Freshmen ka lang kaya wag kang pakalat-kalat sa paningin ko kung ayaw mong sumakit ang ulo sa amin. Kung gusto mong makatapos ng tahimik dito sa campus, alamin mo ang lugar mo." wika pa nito na humakbang na para lampasan s'ya at sagiin pa s'ya sa balikat. "Boyfriend ko si Jgger at ayoko ng may kaagaw sa atensyon n'ya." wika pa nito bago siya tuluyan na iniwan. Tahimik na lang s'yang napasunod ng tingin sa grupo ng mga ito na ang isa ay binatukan pa s'ya na hindi na lang n'ya pinansin gaya ng utos ni Jgger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD