CHAPTER 3

1739 Words
Napaharap ito sa gilid buhat sa malakas na sampal na aking ipinalipad sa kanyang pisngi, "Walang hiya ka!" I sarcastically chuckled, "How dare you even think that I will need to stay with you in the first place," "I don't know who you are, and I don't care kung may impluwensya ka sa mga pulis," "You may have fooled others into your story. But you cannot fool me. To me, you're only a piece of s**t! Pinapatagal mo lang ito para makakuha ka ng mas maraming pera!" "I will never stay with a delusional, obsessed and pervert asshole like you!" Hawak pa nito ang kanyang pisngi na mapula pa dahil sa lakas ng natamong sampal. Humarap ito sa akin at bakas sa kanyang mga mata ang magkahalong galit at sama ng loob. Buong lakas ko itong itinulak at agad na tumayo mula sa kama. Sa unang pagkakataon ay nahigitan ko ang lakas nito na tila natigilan pa at hindi man lang ako nagawang supilin. Dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto habang nakayapak pa rin. Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang elegante at malawak na pasimano patungo sa hagdanan. Patakbo akong bumaba sa hagdan hanggang sa tuluyang makababa sa living area. Mula roo'y tinakbo ko papunta sa main door at agad itong binuksan. Pagkabukas ng pinto ay sandali akong natigilan nang makita ang mga armadong lalaki na nagbabantay sa labas. Tinapangan ko ang tingin at diretsong tumakbo patungo sa gate. Ngunit agad din akong sinupil ng mga ito, "Bitawan nyo ko!" patuloy kong hinahampas ang mga matikas na brasong nakapulupot sa aking maliit na baywang "Ma'am, pasensya na po pero mahigpit ang bilin sa amin na bawal kayong lumabas," "I don't care sa kung sino ang nagbilin sa inyo, let me go!!!" patuloy kong kinawag ang katawan upang makaalis "Ma'am, pasensya na po--" "Let her go!" isang malalim at malakas na boses ang aming narinig mula sa loob ng bahay. Napalingon kami kung saan ito nanggaling at natagpuan ang lalaking iyon na nakatayo sa may pasimano ng hagdan at seryosong nakatanaw sa amin Natigilan ang mga tauhan nito kaya naman mapwersa kong tinabig ang mga bisig na nakayakap sa akin, "Bitawan nyo nga ako!" Agad na akong tumakbo at lumabas ng gate. Tila muli akong nakahinga nang maluwag nang makatakas sa baliw na lalaking iyon. Hindi na ako masyadong nag isip pa at tinahak ang direksyong una kong napansin. Ang mahalaga ay makaalis na ako sa lugar na ito. Mabilis akong tumakbo papalayo sa lalaking iyon. Habang tinatahak ko ang sementadong daan ay puro matataas na puno ang aking nadadaanan sa paligid. Umaasa akong may makakasalubong na sasakyan ngunit wala. Matapos ang ilang minutong pagtakbo ay wala pa rin akong nakitang ni isang bahay o sasakyan. Patuloy pa rin akong tumakbo ngunit tila walang katapusan ang daang aking tinatahak. Ni bakas ng gate o labasan ay wala akong matanaw. "Ouch!" napaluha ako sa hapdi ng natamong sugat mula sa pagkakadapa. Kumalat ang mapulang dugo sa aking maputing tuhod. Sa kauna unahang pagkakataon ay nasugatan ang malaporselana kong kutis. "Aaaah!!!" Hindi ko na napigilan pa ang sumigaw at pumalahaw sa iyak. Bukod sa iniindang hapdi ay halu halong galit, inis, takot, kawalan ng pag asa at awa sa sarili ang aking nadarama. Humalo na ang aking luha sa dugo ng aking sugat bunga ng patuloy na pag iyak. Bakit naging bangungot ang espesyal sanang araw na ito? Nasaan na ba si Chase? Kailan ba sya darating upang sagipin ako? Hinahanap nya ba ako? Kamusta na ang mga magulang ko? Nag aalala ba sila sa akin? Maililigtas pa ba ako? Sa gitna ng aking pagiyak ay ang uhaw at gutom na nadarama. Unti unting nanghihina ang aking katawan kasabay ang unti unting paghila sa akin ng antok at hilo Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng pamilyar na paligid. Inilibot ko ang paningin at napagtantong ako'y nasa silid na sinubukan kong takasan kanina. Bumalik sa aking kamalayan ang mga alaala at ang masakit na realidad. Sana ay panaginip na lamang ito. "Ma'am, gising na po pala kayo. Tamang tama, kumain muna kayo," sambit ng isang babaeng kakapasok sa silid. May tulak itong tray na may lamang pagkain at inumin. Tumigil ito sa tabi ng aking kama at lumapit sa akin upang ako ay tulungang makaupo. Naglagay ito ng mga unan sa aking likod at isinandal ako sa headboard ng kama. Sinunod nitong inayos ang wooden bed tray at ipinatong sa aking kama at ipinwesto sa ibabaw ng aking mga hita. Naghain ito ng mga kubyertos at inilagay ang mangkok na may lamang wonton soup. Sunod na inihain ay ang kanin at mga ulam na bistek, lumpiang shanghai, isang kopita ng ice cream at isang baso ng tubig "Ma'am, kain na po kayo," Sa itsura pa lang ay katakam takam na ang mga nakahaing pagkain. Ngunit sa tuwing naiisip ko na galing ito sa lalaking iyon ay nawawalan ako ng gana. Iniwas ko ang tingin mula sa nakahaing pagkain, "Ayoko nyan," "Uh, ma'am, pasensya na po. Hindi nyo po ba gusto ang luto? Sabihin nyo lang po kung ano ang gusto nyong kainin at ipaghahanda ulit namin kayo," Tila kinurot ako ng konsensya. Wala naman akong problema sa pagkain at ayokong magsayang nito. Talagang naiinis lang ako sa lalaling iyon "Uh, hindi naman sa ganoon. Wala lang talaga akong gana," "Ma'am, pakiusap pilitin ninyong kumain. Bilin po ng doktor na kailangan ay makakain kayo dahil hinimatay kayo kanina dahil sa dehydration at gutom," "Sana nga ay hindi na ako gumising kaysa sa manatili ako kasama ang lalaking iyon," "Ma'am, hindi naman po sa nanghihimasok ako. Ngunit kung may problema po kayo ni Sir ay isantabi nyo muna. Ang mahalaga ngayon ay alagaan ninyo ang sarili. Kailangan ninyo ng lakas," Tama ang sinabi ng nito. Una sa lahat ay dapat kong tulungan ang sarili. Kailangan kong isantabi ang pride at inis sa lalaking iyon. I need to have a strong body so I can have a strong mind to clearly figure out my plan. Kinuha ko ang kubyertos at nagsimulang kumain. Hindi na ako nakausap ng babae dahil tahimik at sunud sunod kong isinubo ang mga nakahain. Sinandali ko lang itong ubusin. Hindi ko maitatanggi na masasarap ang lahat ng pagkain! "Salamat sa paghahanda ng aking dinner," tugon ko matapos uminom ng tubig "Walang anuman Ma'am. Tiyak ay matutuwa si Sir, naubos ninyo lahat!" Hindi ko naiwasang umirap. Napangiti na lamang ang babae, "Ma'am, ligpitin ko lang ang mga ito at babalik ako upang ihanda ang inyong pampaligo," Matapos nga ang ilang sandali ay bumalik ito bitbit ang isang paper bag. Mula sa cabinet ay kumuha ito ng bath and face towels at bath robe. Pagkatapos ay inihanda na nito ang bath tub, "Tulungan ko na kayong maligo, Ma'am," "Kaya ko nang mag isa. Salamat," Tumango ito, "Sige po Ma'am. Tawagin nyo na lang po ako kapag tapos na kayo. Maghihintay na lang po ako sa labas ng kwarto," Dumiretso na ako sa loob ng banyo at naghubad ng damit. Inilublob ko ang hubad na katawan sa maligamgam na tubig. Napapikit ako sa sarap na idinudulot ng init nito sa akin. Nakakarelax at sandali kong nakalimutan ang mga problema. Nang imulat ko ang aking mga mata ay pinagmasdan ko ang magarang banyo. Lahat ng muwebles at gamit ay mamahalin. Sino ba talaga sya? Saan sya nakakuha ng ganoon kalaking pera upang magmay ari ng ganitong magarang bahay? Di kaya lider sya ng sindikato? Siguro ay marami itong ilegal na gawain o kaya naman ay kinidnap na mga mayayamang tao at kumuha ng napakalaking ransom money. Ngunit base sa nangyari kanina ay mukhang hawak nya ang mga pulis. Kailangan kong pag isipang mabuti ang aking plano. Nang matapos akong magbabad ay nagtungo na ako upang linisin ang katawan at magshower. Nang matapos ay isinuot ko ang pajamas na nakahanda sa ibabaw ng kama at nag ayos ng sarili Lumapit ako sa pinto at binuksan ito upang papasukin ang kasambahay na umaalalay sa akin. "Ma'am, anong gusto ninyong inumin?" "Uh, gatas na lang," "Sige po, ipaghahanda ko kayo," Matapos ang ilang sandali ay bumalik na ito bitbit ang tray na may lamang isang basong gatas at plato ng cookies. "May kailangan pa po kayo Ma'am?" "Wala naman. Salamat pala dito sa cookies. By the way, samahan mo muna ako dito," Nakaupo ako sa kama habang sya'y nakaupo sa seating area. Pagkatapos kong sumimsim ng gatas ay tinanong ko ito, "Matagal ka na bang nagtatrabaho dito?" "Opo," "Ano bang trabaho ng amo mo? Dito ba talaga sya nakatira?" "Uh, Ma'am hindi ko po alam ang tungkol sa trabaho ni Sir. Madalang din po syang tumitigil dito," "May mga dinala na ba sya dito?" "Ay naku Ma'am, wala po! Kayo lang po ang inuwi nya dito. Sa tuwing umuuwi sya noon dito ay sya lang mag isa," Napataas ang aking kilay. Kung ganoon, ako ang una nyang kinidnap? O baka naman sa ibang lugar nya dinala ang iba nyang mga kinidnap? "Ano bang pagkakakilala mo sa iyong amo?" "Tahimik po sya Ma'am. Mukha lang syang suplado at matapang pero mabait sya at matulungin," "Kanina nga po ay sobra syang nag alala sa inyo. Agad po syang nagpatawag ng doktor upang tignan ang inyong kalagayan," dagdag nito "Sya pa nga po ang nagluto ng mga pagkaing inihain ko sa inyo," Muling napataas ang aking kilay, "Sya ang nagluto?!" Parang gusto kong iluwa ang aking mga kinain "Opo Ma'am. Kaya po h'wag na kayong magalit kay Sir. Mahal na mahal nya kayo. Wala po syang ibang babae, tanging kayo lang ang inuwi nya dito," may halong kilig pa sa boses nito "Ano?!" Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Mahal? Bakit biglang napunta dito ang usapan?! Ano bang pinalalabas na cover up story ng lalaking iyon? Napasinghap naman ito, "Ay pasensya na po. Nadala lang po ako," "Sige po Ma'am, magpahinga na po kayo," paalam nito Tumango ako. Nang matapos kong ubusin ang cookies at inumin ang gatas ay nahiga na rin ako. Tila sasabog ang aking utak sa kakaisip kung sino ba talaga ang lalaking ito at ano ang kanyang pakay pati na kung paano ako makakatakas. Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag ng araw mula sa bintana, "Good morning Ma'am," "Morning," inaantok kong sambit "Narito na ang inyong almusal at nakahanda na ang inyong damit. Ang bilin po sa akin ni Sir ay kailangan ninyong makapag ayos agad dahil maaga kayong aalis,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD