bc

The Runaway Bride

book_age18+
226
FOLLOW
4.2K
READ
heir/heiress
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

It was a special day for Anastasia. It was her wedding day. Finally, she will tie the knot with the love of her life. But what if her special day turns into a nightmare? Paano kung sa halip na sa simbahan ay ihatid sya sa panibagong buhay ng isang taong hindi nya kilala? Paano nya matatakasan ang isang pagkakamaling kanyang ginawa? Paano kung ang kanyang puso mismo ang maglinlang sa kanya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Look at our beautiful bride!" Isang malapad na ngiti at mukhang puno ng kasiyahan ang nakikita ko sa salamin. Bagamat simple at light make up lamang ang ginawa ng aking kaibigang baklang make up artist ay pinalutang nito ang aking natural na kagandahan. Hindi naman ako sobrang ganda, hindi rin naman pangit; ngunit siguro nga ay tama ang sinasabi nila na kapag masaya ang puso ng babae ay lalong blooming at glowing ang mukha nito. "Thank you, Donita!" tugon ko "Anything for you, my dear. So happy you're finally getting married!" wika nito habang bahagyang pinisil ang aking magkabilang balikat at nakangiting bumeso sa aking pisngi Lalong tumamis ang ngiting nakikita ko sa aking repleksyon sa salamin. Yes, finally I am going to wed the man of my dreams. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Magkahalong saya, kaba at excitement. It's like having butterflies in my stomach! Bagamat halu halo ang aking emosyon, ako'y tiyak na walang pagsidlan ang sayang aking nararamdaman. Despite the instances where I doubt my worth, despite the feelings of not being good enough, and despite all my heartaches, finally something went right in my constant journey of proving myself. Habang isinusuot ni Donita sa aking mga tainga ang diamond and pearl dangling earrings ay pinagmasdan ko ang aking hotel room na napapalibutan ng mga marangyang bagay. Everything is elegant and sparkling! Napuno ng mga puting rosas ang aking kwarto. Naroon din ang aking wedding gown na nakasuot sa isang mannequin. Isa itong off shoulder white tulle A-line wedding gown na gawa ng isang sikat na designer hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Bukod dito ay ang aking designer shoes at mga mamahaling alahas. "My darling Anastasia, you look stunning!" sabay palakpak pa ng bakla matapos akong tulungan nito at ng isang assistant na isuot sa akin ang gown. "Ikaw na Madame! Lalong magkakandarapa sa inyo si Sir Chase!" wika ng aking assistant Napangiti na lamang ako, "I know. Chase loves me and I love him too," Simula pagkabata ay malapit na kami ni Chase. Magkaibigan ang aming mga magulang kaya kapwa kaming lumaki mula sa mga prominenteng pamilya. Childhood sweethearts ang tawag sa amin ng aming pamilya at mga malalapit na kaibigan kaya hindi na sila nagulat noong naging kami ng college. Kapwa kaming nag aral ng kolehiyo sa ibang bansa kaya naman mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Apart from his good looks and physique, he is kind, sweet and smart. Kaya hindi na nakapagtataka kung kainggitan ako ng aking mga kaibigan. As they say, I am lucky. And yes, I am fortunate to have a lover and a confidante. Alam ni Chase ang aking mga saloobin at pangarap. Karamay ko sya sa tuwing ako'y masaya at sa tuwing pakiramdam ko'y kulang pa rin ako. "Bes!!!" Dire diretsong sumugod si Madi at mahigpit akong niyakap, "Congrats!" "Thank you, Bes," "Ang ganda naman ng bride, lalo nang sasama ang pakiramdam ni Lauren!" sabay ang maldita nitong tawa "Madi, tigilan mo na yan. Kaibigan ko pa rin si Lauren," "Well, ikaw kaibigan ang turing mo sa kanya. Pero ganun ba ang turing nya sa 'yo? Halata namang inggit na inggit sa 'yo ang babaeng 'yon. She secretly competes against you!" "Madi," "Fine," sabay taas nito ng mga kamay bilang pagsuko Naupo muna ako sa love seat ng aking hotel room upang sumimsim ng tsaa habang naglakad naman si Madi patungo sa bintana. Suot nito ang isang A line tulle chiffon bridesmade dress. Sinenyasan ko muna ang make up artist at ang aking assistant na lumabas muna upang masolo muna namin ng kaibigan ang hotel room habang inaantay ang senyas ng wedding organizer para pumunta na sa simbahan. "Bes, did you enjoy your last singlehood night?" she giggled Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi pero nahirapan ako dahil sa kalasingan. "Hindi mo pinatulan yung hunk sa party natin but I saw you flirting with a hot guy!" may halo pang tili sa boses nito "Hot guy?" "Sus, kunware pa si Bes. Ang saya saya mo nga habang magkausap kayo sa bar. Remember, we went out our VIP room dahil bored ka naman dun sa hunk and we decided to party in the bar!" I know we partied a lot. And drunk a lot. Pero flirting with another guy? Hindi ko talaga matandaan! "I can't remember, Bes. Maybe I was so drunk last night that I couldn't even remember how I got to this hotel," "Really? Well, anyways, medyo blurred na rin yung memory ko. But the guy you were flirting with was hot," "Stop it Madi! Ikakasal na ako!" Tumawa lamang ito, "Oh, speaking of hot, bago ba ang driver mo?" "I don't know," "Driver mo ba yun?" sabay turo sa malayo, "Ang gwapo!" lumingon ito sa akin kasama ang abot tainga nitong ngiti "Huh? Patingin nga," tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit kay Madi. Awtomatikong lumapat sa kanyang balikat ang aking kamay at sinundan ng tingin ang kanyang tinuturo Naroon sa parking lot ang isang Rolls Royce na bridal car. Malapit dito ay isang nakatayong lalaki suot ang isang suit. Nakatalikod ito sa amin at nakatingin sa malayo na tila may malalim na iniisip. Bagamat hindi ko makita ang kanyang mukha ay matangkad at matikas ang pigura nito. May hawak itong sigarilyo habang nakaangat ang isang paa at nakapatong sa katabing pasimano. Matapos nitong humithit ay tinapon nito ang sigarilyo sa sahig at ibinaba ang kanyang nakataas na paa upang durugin ang sigarilyo. Marahil ay ito nga ang aking driver. Honestly, wala naman akong pakialam sa kung sino ang dinedeploy ng agency upang magmaneho para sa akin dahil alam kong dumaan sila sa masusing screening. Ngunit nakapagtataka at bigla nilang pinalitan ang dati kong driver "Sus, alin dyan ang gwapo, nakatalikod naman," wika ko. Palingon na sya sa aming direksyon ngunit hindi ko na ito hinintay at bagkus ay tumalikod na pabalik sa aking love seat. Habang naglalakad ay natigilan naman ako sa tili ni Madi, "Omg!!! He's looking at me! Ang gwapo talaga!" Napailing na lang ako at didiretso na sana papunta sa aking upuan nang hilahin ni Madi ang aking braso, "Hoy, bitawan mo nga ako!" "Bes! Tingan mo! Tingnan mo! Ang gwapo!" at nagtatalon pa ang haliparot na ito Napabuntong hininga na lamang ako at nagpaubaya sa kaibigan. Nang makalapit na ulit ako sa bintana ay sya namang muling pagtalikod nito. "Ang suplada mo kasi kaya ayan tuloy, tumalikod na si Pogi," "Don't worry, I'm not interested anyway," mas lalo ko pang sinupladahan ang aking tono kaya pareho na lang kaming natawa Habang kami'y nagkukulitan ay isang katok mula sa pinto ang aming narinig, "Come in," sambit ko "Madame," nakangiting sambit ng aking assistant habang bitbit ang isang bouquet ng rosas. Naglakad ito papasok at inilagay ito sa table, sa gitna ng mga puting rosas "Salamat," tugon ko. Tumango ito at umalis na Lumapit ako at kinuha ang card, "To my lovely soon to be wife. Can't wait to spend my forever with you. I love you," "Awww, sana all! Ang sweet naman," may halong kilig sa boses ni Madi. Hindi ko napigilan ang halakhak sa sobrang kilig. Natigil ang aming hagikgik nang biglang pumasok sa kwarto ang aking ina... at kasama si Lauren "Mom," nakangiti kong sambit at nagmano. Nanatili lamang itong seryoso "Tita, mano po," nagmano din si Madi "Congratulations on your wedding day," ani Lauren "Salamat," tugon ko "Bakit parang galing sa ilong yung bati mo Lauren?" sabat ni Madi na agad ko namang sinaway I saw Lauren roll her eyes. Tulad ni Chase ay magkababata rin kami nito. Magkaibigan rin ang aming mga pamilya. I would say we are friends but we are not close. Pilit ko mang itanggi ang sinabi ni Madi ngunit hindi talaga kami malapit ni Lauren sa isa't isa. Simula pagkabata ay madalas kami ang pinagkukumpara hanggang ngayon. "Bakit hindi pa nakasuot ang belo mo?" "Mom, may ilang minuto pa naman po bago ang kasal. Para sana makagalaw muna po ako ng komportable habang hinihintay ang wedding organizer," "Tapos kapag dumating na ang wedding organizer saka ka magmamadaling isuot ang wedding veil?!" "Hindi naman po. Fifteen minutes po before pumunta rito ang wedding organizer ay isusuot ko na ang belo, nakastandby naman po si Donita--" "Oh my goodness, Anastasia! Kailan ka ba matututo? How irresponsible! Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagfail ang nilaunch mong business line!" "Bakit hindi mo gayahin si Lauren. Successful sa kanyang business! Kung hindi pa dahil kay Chase, hindi ko na alam kung may mararating ka pa," "Sobra naman kayo Tita, walang mararating kaagad? Pwede namang hindi talaga linya ng best friend ko ang business. May kanya kanya pong intelligence ang bawat isa," sabat ni Madi "You shut up, hindi kita kinakausap!" "Mawalang galang na po, but I will not shut up, I will speak what's in my mind," "Madi, tama na," awat ko sa kaibigan. Pilit kong pinipigilan ang namumuong luha sa aking mga mata "Anastasia, paalisin mo na yang kaibigan mo sa harapan ko!" "Bes, pasensya na," "It's alright, Bes. Let me know if you need anything, ok?" Tumango ako "Tita, I think it's better if we get outside muna? I'll get you some tea to cool down," hawak ni Lauren ang balikat ng aking ina at hinihimas ito upang pakalmahin Biglang kumalma ang ekspresyon ni Mom habang inabot nya ang isang kamay ni Lauren, "Thanks Hija. We'll have some tea later, let me just talk to this woman," "Alright Tita, I will wait for you then at the church," Sa kanilang asta ay tila sila ang mag ina. Kinaya kong tiisin lahat ng pagkukumpara ni Mom sa akin kay Lauren. Kaya kong lunukin sa tuwing ipinapamukha nyang mas magaling si Lauren kaysa sa akin. Pero tila sinasaksak ang aking puso sa tuwing ipinaparamdam nya ang pagmamahal ng isang ina sa ibang tao sa halip na sa akin na tunay nyang anak. Woman? Ni hindi man lang nya ako matawag na anak. Bakit ang dali lang para sa kanya na ituring akong ibang tao? May ganito ba talagang ina? Ano ba ang diperensya ko at hindi nya ako magawang mahalin? Nang makaalis na si Lauren ay muling bumaling sa akin si Mom. Unti unting nawala ang matamis na ngiting iginawad nito kay Lauren at napalitan ng ismid habang nakatingin sa akin Tuluyan nang pumatak ang kanina ko pang pinipigilang luha "Akala mo ba maaawa ako sa 'yo dahil sa pag iyak iyak mo? Yan ba ang natutunan mo, ang maging drama queen?" "I am only getting more disappointed of you," "Mom," kumalat na ang make up sa aking mata dahil sa pag luha "Ni hindi mo man lang ako magawang icongratulate sa araw ng aking kasal," "Lahat naman ginawa ko na para maging proud kayo ni Dad," "Am I still not enough for you?" tuluyan nang nabasag ang aking boses Umiwas ito ng tingin, "Enough of your drama, Anastasia. Fix yourself at baka masabunutan lang kita!" Napaupo ako sa paghagulgol habang naglakad na palabas ng kwarto ang aking ina. Ilang sandali pa ay dumating sina Donita at ang aking assistant upang ayusin ang nasira kong make up at ilagay ang aking belo Ilang sandali ay dumating na ang wedding coordinator hudyat na kailangan na naming pumunta sa simbahan "My darling, just forget what happened. You are the most beautiful bride for today," pag aalo sa akin ni Donita Tumango ako, "Salamat," Huminga ako nang malalim at pilit na itinago ng aking ngiti ang sugat sa aking puso. Pinagbuksan ako ng pinto ng wedding coordinator upang makalabas na ng hotel room. Habang hawak hawak ng wedding coordinator ang trail ng aking gown at nakaalalay naman sa akin sina Donita at ang aking assistant, ay naglakad na kami patungo sa sasakyang naghihintay sa amin sa labas. Halos lahat ng aming nakasalubong ay napapatingin sa akin. "Ang ganda ng bride," wika ng isa. "Diba sya yung anak ng sikat na business tycoon? Ang ganda," wika naman ng isa. I walked confidently and with grace. Sa aking itsura ay walang makakahalata sa sama ng loob na aking dinaramdam. Nang makalabas na kami ng hotel ay natagpuan ko ang Rolls Royce na naghihintay sa akin. Sa labas nito ay nakatayo ang driver na nakita namin ni Madi kanina Tulad ng una kong napansin, matangkad at makisig nga ang pangangatawan nito. Tama si Madi, may itsura nga ito. Tila pamilyar ang kanyang mukha kaya pilit kong inaalala kung saan ko sya nakita. Ngunit nahihirapan akong maalala. Malalim at nangungusap ang kanyang mga mata. Mahaba ang mga pilik mata nito. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang labi. Bagamat mas gusto ko ang malinis na mukha tulad ni Chase, may kakaibang charm na naidadagdag ang mga munting tumutubong balbas sa kanyang mukha. Habang pinagmamasdan ang kanyang mukha ay nahuli ako nito nang magtama ang aming mga mata. Sa kanyang tingin ay tila kilalang kilala nya ako kaya naman agad akong umiwas dahil sa pagkailang Agad na akong dumiretso upang pumasok sa loob ng sasakyan. Hinawakan nito ang aking kamay upang alalayan ako ngunit agad ko ring inalis. Hindi ko maintindihan ngunit hindi ko gusto ang aking pakiramdam. Or maybe this is just part of my wedding jitters. Isinara na nito ang pinto at umikot sa kabilang banda upang umupo sa driver's seat. Pagkasara nito ng pinto ay nagsimula na itong magmaneho Sumakay naman sina Donita at ang dalawa sa isa pang sasakyan at nakasunod sa amin. Kapwa kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Sa rear mirror ay pinagmamasdan ko ang kanyang mga pamilyar na mata. It feels like we already met before but I really can't remember! Muli ay nahuli na naman ako nito nang tumingin ito sa salamin "Do you want to say something?" tanong nito Hindi ako sumagot at bagkus ay tumingin sa bintana ng kotse. Matapos ang ilang sandali ay muli nitong binasag ang nakakabinging katahimikan, "Are you really sure you want to get married?" Napataas ang isa kong kilay, "Sorry?" "Magpapakasal ka ba talaga sa lalaking iyon?" "Excuse me, it's none of your business," sabay irap. Masyado namang feeling close ang lalaking ito "Ang suplada naman," he chuckled For the second time, I rolled my eyes. Hindi na ako kumibo at dinedma na lang ang pakialamerong lalaking ito. Nakikita ko na ang simbahan at malapit na kaming lumiko patungo rito nang biglang lumiko sa kabila ang aming sasakyan "Wait! Dapat sa kabila ka lumiko! Nandoon ang simbahan!" Ngunit tila wala itong narinig at bagkus ay mas lalo pang idiniin ang gas pedal habang patuloy na tinatahak ang kasalukuyang daan "Saan mo ko dadalhin, gago ka! Ibaba mo ako!" abut abot ang takot sa aking dibdib "Sinabi nang ibaba mo ako!" inihampas ko sa kanyang mukha ang aking bouquet. Bahagya syang nadistract kaya gumewang ang aming sasakyan ngunit agad ding nakabawi "Hayop ka, ibaba mo ako!" sinunggaban ko sya upang agawin ang manibela. "Stop it, Anastasia!" Gumegewang gewang ang aming sasakyan habang kami'y nag aagawan "How did you know my name?! And how dare you call me Anastasia!" Ngunit sadyang mas malakas sya kaya agad nyang naialis ang aking kamay. Sinubukan ko syang kagatin sa braso kaya muli ay nadistract sya sa pagmamaneho "Aray! Tigilan mo na yan Anastasia!" inangat nya ang malayang kamay mula sa manibela at gamit ito ay itinulak ang aking ilong pataas kaya naman kusang bumitaw ang aking bibig mula sa pagkakakagat sa kanyang braso hanggang sa itinulak ang aking mukha palayo kaya napaupo ako sa aking upuan "Ouch!" napahawak ako sa aking ilong dahil sa sakit dulot ng malakas nyang pwersa "Ano bang kailangan mo?! Pera? Magkano ang kailangan mo? Ibalik mo na ako sa aking kasal!" "I don't need your money," seryoso nitong tugon "Then why are you doing this?!" Hindi ito tumugon. Akma kong kinapa ang aking celphone upang tumawag ng saklolo ngunit napagtanto kong nasa clutch bag ito ng aking assistant! Napahawak ako sa aking mukha at humagulgol, "Bakit ba ang malas ng araw na ito!" Natigil na lang ako sa pag iyak nang mabilis na nagpaliko liko ang aming sasakyan. Tila nakikipaglaro kami ng patintero habang mabilis na lumulusot sa mga sasakyan. Lumingon ako at natagpuan ang mga sasakyang humahabol sa amin upang saklolohan ako. Muling nabuhay ang aking loob, "Do you know me?! Sa tingin mo ba makakalagpas ka sa mga pulis? Sa impluwensya ng pamilya ko, mabubulok ka sa kulungan!" "Hindi ka makakatakas sa mga humahabol sa atin. Kung may utak ka, hindi mo na itutuloy kung ano ang balak mo sa akin!" Imbes na tumugon ay lalo pa nitong binilisan ang patakbo. Panay ang aking lingon sa likod; tila sineswerte pa yata ang lalaking ito dahil naipit pa sa mga tumatawid ang mga sasakyang humahabol sa amin. Nawawalan na ako ng pag asa kaya akma ko nang bubuksan ang pinto ng sasakyan upang tumalon palabas. "Stop it, Anastasia!" saway nya. Ngunit wala akong balak na sundin sya "Ah! Ouch!" mabilis nitong iniliko ang sasakyan sa matalim na kurbada kaya hindi ko na nabuksan pa ang pinto at bagkus ay tumama na lamang ako sa kabilang banda ng kotse "Are you alright? May masakit ba sa 'yo?" "Ha! Ibang klase ka talaga! Concerned ka pa, samantalang ikaw naman ang may kasalanan ng lahat!" "Hold on tight," mariin nitong utos "No way--" Mariin nitong idiniin ang pedal at unti unting pumalo ang speedometer sa pinakamabilis nitong numero habang tinatahak namin ang intersection na dalawang segundo na lamang ay magpupula na. Sa kabilang banda ay ang truck na alinmang oras ay aandar na at maaari kaming mabundol kung itutuloy namin ang pagtawid "Oh no! Oh my gosh! Ah!" tila lalabas na ang aking puso dahil sa abut abot na kaba. Tila isang pikit mata sa bilis ng mga pangyayari. Nakalagpas kami sa intersection habang nabundol ng truck ang kotseng humahabol sa amin. Bumangga naman sa likod ng kotse ang mga kasama rin nitong sasakyan na humahabol sa amin Tulala ako habang iniisip ang mga nangyari. Tuluyan na akong nawalan ng pag asa ngayong hindi na nakahabol ang mga kotseng sasaklolo sana sa akin. Muli ay napahagulgol na ako. Ilang sandali ay nagsalita ito, "Kung ako sa 'yo, ititigil ko na yan. You have no choice but to stay with me," "Stay with you? You freaking bullshit!" hahampasin ko na ito nang hawakan nito ang aking mga pulsuhan. Sa lakas nya at higpit ng kanyang hawak ay agad nya itong naibaba at hindi ko maialis. Sandaling binitawan ng kanyang malayang kamay ang manibela at hinugot ang isang tela at mabilis na isinalpak sa aking ilong habang ang aking ulo ay napasandal sa ulunan ng passenger seat sa harap, kaya naman naidiin nito ang panyo sa aking mukha Pilit akong kumawala ngunit unti unting nanghina ang aking katawan kaya binitawan na ng isa nyang kamay ang aking braso at agad na ibinalik sa manibela. Ang isa naman nitong kamay ay nakahawak pa rin sa telang nakapatong sa aking ilong. Tila umikot ang aking paligid hanggang sa unti unti na akong kinain ng antok

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook