CHAPTER 2

2845 Words
Despite all that has happened, I am here walking gracefully with my beautiful white gown while holding my bouquet. As I walk down the aisle filled with flowers and seeing the sweetest smiles from our families and friends, I can't help but beam with smile especially when I saw the man of my life. Balewala lahat ng mga pinagdaanan ko kanina nang makita ko ang kanyang mukha. Seryoso itong nakatingin sa akin habang hinihintay akong makarating sa harap ng altar. Bagamat mas malinaw kong napagmasdan ang kanyang mukha nang makalapit na sa kanya ay tila malabo sa akin ang ibig iparating ng kanyang mga mata "Is there something wrong, Babe?" sabay ang mabining haplos sa kanyang mukha. Ngunit hindi ito kumibo "Don't worry, everything will be fine," dagdag ko "Shall we go?" Inabot ng aking kamay ang kanyang braso upang sana ay umabrisyete bago kami magtungo sa altar. Ngunit natigilan ako nang hindi ito tuminag "Babe?" sinubukan kong hulihin ang kanyang mga mata ngunit umiwas ito ng tingin at nanatili pa ring tahimik Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi nang bumaling ito sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay tila hindi ko kilala ang taong nasa aking harapan. His eyes are as cold as ice. "I'm sorry Anastasia. I can't do this," "What do you mean?" Gulung gulo ang aking isip at tila sasabog ang aking puso sa narinig "I can't marry you," His words were like an ice that pierced through my heart. Napailing ako at hindi makapaniwala sa mga naririnig, "Why are you telling this to me?" "Babe," hinawakan ng aking mga kamay ang kanyang mga pisngi, "Please, tell me this is not true. We're already here, ikakasal na tayo. You just told me that you can't wait to spend your forever with me! Ano bang problema?" "I'm in love with someone else," muli ay iniwas nito ang kanyang tingin Mula sa kanyang likod ay may mga kamay ng babae na yumakap sa kanyang baywang. Unti unting bumitaw ang aking mga kamay mula sa kanyang pisngi pagkakita dito. Inabot nya ang mga kamay ng babae na pagkaraos ay bumitaw sa pagkakayakap. Tumabi sa kanya ang babae habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Nag unahan sa pagbagsak ang aking mga luha nang makita kung sino ang ipinalit nya sa akin "Lauren?" Nagbigay ito ng isang sarkastikong ngiti, "Truth hurts, Anastasia. But this is the truth. Your mom and your fiance don't love you. They want me over you. Because you're never enough. You will never win against me," "Walang hiya ka!" akma ko itong sasampalin ngunit agad kinuha ni Chase ang aking pulsuhan, "Stop it!" galit nitong sambit "Chase?" Paulit ulit na sinasaksak ang aking puso. Sa loob ng maraming taon naming pinagsamahan ay ngayon ko lamang nakita ang kanyang galit na anyo. "M-mahal mo ba sya?" basag na ang aking boses dahil sa pag iyak "Oo, mahal ko si Lauren," Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya, "How dare you do this to me?! Ako ang fiancee mo! Magpapakasal na tayo! Bakit ninyo ako niloko?!" puno ng sakit ang aking paghahulgol "I'm sorry Anastasia. We're over," umalis na ito kasama si Lauren palabas ng simbahan "Chase!" hinabol ko ito at niyakap, "Please, don't leave me!" patuloy ang aking pag iyak. Ngunit inalis lamang nito ang aking mga kamay mula sa pagkakayakap at dumiretso na sila paalis "Chase!" napaupo ako habang patuloy ang paghagulgol "Anastasia!" Isang malakas na tinig ang gumising sa akin. Basa ang aking mga mata mula sa pag iyak. Agad kong nakita ang mga pamilyar nyang nangungusap na mga mata. "Uminom ka muna," binuksan nito ang takip ng hawak na bottled water at inabot sa akin Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Sa unang tingin ay aakalain mong totoo ang kanyang pagmamalasakit ngunit agad kong pinigilan ang sarili na malinlang. Bagamat gumaan ang loob ko dahil masamang panaginip lamang ang nangyari sa amin ni Chase ay hindi ko pa rin maitatanggi ang kasalukuyan kong sitwasyon. Alam kong mahal ako ni Chase at hindi nya ako magagawang ipagpalit sa ibang babae. Ngunit hindi ko kakayanin kung mawawalay sya sa akin. Kailangan kong makaalis dito. Kailangan kong makabalik sa kanya. Sana ay naging panaginip na lang rin ito. Ang lalaking nasa harapan ko ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi dahil sa kanya, masaya na sana kami ni Chase sa aming espesyal na araw Agad kong iniwas ang aking mukha, "Ayoko," "Anastasia, you need to drink some water. Please," muli nitong alok "Sinabi na ngang ayoko!" akma ko sanang tatabigin ang kamay nito ngunit namalayan kong nakaposas na pala ang aking mga kamay. "Let go of me!", kinawag ko ang aking katawan kaya naman natabig ang bottled water at natapon ang ilang tubig sa kanyang damit Napabuntong hininga ito at tinakpan na ang bottled water bago itabi. Kumuha ito ng panyo at ipinunas sa nabasang parte ng kanyang suit Bumaling ako sa kabila at tumalikod sa kanya "Kumain ka muna," pilit nitong pinapakalma ang kanyang tono I sarcastically chuckled while I turned to him "You still have the guts to offer me food?" "I don't need that crap! I don't want to see you! I hate you!" Pagkatapos na pagkatapos nito ay sya namang pagtunog ng malakas na kalam ng aking tyan. Narinig ko pa ang tawang agad nyang pinigilan Agad akong pinamulahan sa sobrang pagkapahiya. Muli ay agad akong tumalikod sa kanya ngunit hinuli nito ang aking mukha, "Go eat this crap," sarkastiko nitong tugon Agad nitong pinisil ang aking pisngi at isinubo ang kutsarang may lamang fried rice. Hindi na ako nakatanggi pa dahil sinamantala nito ang aking nakaawang na bibig dulot ng pagkakapisil nito sa aking pisngi. Bukod dito, nakakahiya mang aminin, gutom na gutom na rin ako at paborito ko pang fried rice at siomai ang ipinapakain nya sa akin! Kapwa kaming nasa passenger seat sa likod ng sasakyan. Kapwa rin kaming tahimik habang sinusubuan nya ako ng pagkain hanggang sa maubos ko ito. Pagkatapos nito ay inalalayan nya ako upang makainom ng tubig mula sa bote. Bakit ang haba ng pasensya nya? Bakit iba sya mula sa tipikal na napapanood kong kidnapper? Ni minsan ay hindi nya ako pisikal na sinaktan o pinagsabihan ng masakit na salita. Sino ba sya? Kung hindi pera, ano ang kailangan nya? Gulung gulo ang aking isip hanggang sa mapagtanto ko ang realidad. Kung akala nya ay malilinlang nya ako sa pagiging bait baitan at kunwaring pagiging concerned nya ay nagkakamali sya. Alam ko namang pinapatagal nya lang ito para makakuha ng mas malaking halaga ng pera. Kaya kailangan kong maging marunong. Kailangan makaisip ako ng paraan upang makatakas dito. Pagkainom ko ng tubig ay kumuha ito ng paper napkin at inilapit sa aking labi. Hindi ko inaasahang gagawin nya ito kaya naman bahagya akong napaigtad. Natigilan rin ito habang nagtama ang aming mga mata. Mula sa aking mga mata ay bumaba ang kanyang paningin sa aking mga labi na hindi ko namalayang bahagya na palang nakaawang. Nakita kong umalon ang lalamunan nito at seryosong tumingin sa aking mga mata. I can't stand his intense stares kaya agad akong umiwas ng tingin. Sandali itong umiwas at muling bumaling sa akin, "Let me just wipe this," at pinunasan nya ang aking mga labi Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Gulung gulo ang isip at kalooban ko. Maybe this is because of my stressful situation. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon. Kailangan kong makatakas. "I need to pee," sambit ko "Sige, sasamahan kita sa restroom," "What?" awtomatikong tumaas ang isa kong kilay "I can't pee with you!" I rolled my eyes in irritation "Fine. Tiisin mo yang ihi mo," matigas nitong sabi "Fine! Payag na akong samahan mo ako, pero hanggang sa pila lang. Ako na lang ang papasok sa loob. I still have my right to privacy!" Nanatili lamang itong tahimik na tila nag iisip, "Please, let me pee. Kahit ngayon lang, tanggalin mo muna itong posas ko, please," nagmamakaawa kong sabi habang inilapit sa kanya ang mga nakaposas kong kamay Napahilamos ito ng mukha. May kinuha ito sa kanyang bulsa habang inabot nya ang aking mga kamay. Gamit ang hawak nyang susi ay tinanggal nya ang aking posas. Agad kong iginalaw ang mga nakalaya kong kamay, "Thank you," nakangiti kong sambit "Let's go," agad nitong hinawakan ang aking kamay at inalalayang makalabas ng sasakyan. Nakahawak pa rin ito sa akin habang kami'y naglalakad sa mega gas station, "Bitawan mo na ang kamay ko," angal ko Ngunit binalewala nya lamang ito at diretso sa paglalakad. Halos lahat ng mga makasalubong namin ay napapatingin sa amin. "Best wishes!" bati pa ng isa, Agad na nanlaki ang aking mga mata, "No, we're not married!" Agad akong bumaling sa aking kasama at natagpuan ito na nangingiti, "What's funny?" Hindi ito kumibo at bagkus ay mas lalo pang ngumiti, "Sinabi nang bitawan mo ako! Pinagkakamalan na tayong mag asawa!" singhal ko Huminto ito at bumaling sa akin, "Mamili ka, hahawakan ko ang kamay mo o ibabalik ko ang posas mo?" Napahilamos ako ng mukha sa sobrang irita, "Fine! Bilisan mo, dalhin mo na ako sa ladies washroom!" Sa sobrang inis ay ako na ang nanguna sa paglalakad habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay Pagkarating namin ay sinalubong kami ng pila, "Pambihira," sabay hawak ko sa aking ulo, "I really need to pee," kahit may iba akong balak ay tila sasabog na ang aking pantog "Miss," tukoy nito sa dalagang nasa aming unahan. "Would you mind kung mauna muna ang asawa ko sa restroom? Ihing ihi na kasi sya," Asawa? Agad kong pinandilatan ang lalaking ito, "What did you just say?!" Ngunit binalewala lang ako nito "Sure," nakangiting tugon ng babae. Tinapik nito ang kasama, "Bes, paunahin muna natin si Ate ha, ihing ihi na raw kasi," Tumingin sa amin ang isa pang babae, "Sure," sabay tukoy sa espasyo sa unahan nila "Thank you, ladies!" sambit ko habang naglakad na kami sa unahan ng magkaibigan "No problem! Ang swerte mo naman, mahal na mahal ka ni Kuya Pogi pati dito sinamahan ka pa!" may halong kilig sa tono ng kaibigan ng babae "Sana all! Kailan kaya ako makakatagpo ng lalaking tulad mo, Pogi!" dagdag pa nito Tuwang tuwa naman ang loko at kunwari pang nahihiya. Inilagay nya ang kamay sa likod ng kanyang ulo habang bahagyang tumatawa. Masyado namang nagmafeeling! Che! Nang nakangiti itong tumingin sa akin ay agad ko itong inirapan Nang makalabas na ang naunang mag restroom ay agad na akong bumitaw sa pagkakahawak at pumasok na sa loob. Simula na upang isagawa ang aking plano. Agad kong nilock ang pinto. Binuksan ko muna ang faucet at hinayaang lumagaslas ang tubig. Pagkaraan ay dumiretso na ako sa toilet upang umihi. Pagkatapos kong punasan ang aking sensitibong parte ay nagflush na ako ng toilet. Agad kong pinagmasdan ang nakabukas na bintana ng restroom. Isa itong awning window kaya madali akong makakatakas mula rito. Inalis ko ang aking panyapak at ang aking belo pati na ang mahabang trail upang magkasya ako sa bintana. Isinara ko ang toilet at tumuntong dito upang maabot ko ang bintana. Itinali ko sa bakal ng bintana ang isang dulo ng aking wedding trail at inihagis sa labas. Mula sa aking kinatutuntungan ay pinilit kong ilusot ang sarili palabas ng masikip na bintana "Anastasia, are you alright?" sunud sunod ang katok sa pinto Tagaktak na ang aking pawis dahil sa init at pagmamadaling mailusot ang aking katawan sa masikip na bintana. Abut abot ang aking kaba lalo na't sunud sunod ang malalakas na katok ng lalaking iyon sa pinto. Pagkaraan ng ilang sandali ay tuluyan ko nang nailabas ang aking mga hita at paa. Mahigpit ang aking kapit sa nakasabit na tela kaya nakababa ako nang maayos. Pagkababa ay nagmadali na akong tumakbo upang makaalis sa lugar na ito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero bahala na. Ang mahalaga ay makatakas ako sa lalaking iyon. Tinakbo ko ang kahabaan ng likuran ng building hanggang sa mapadpad ako sa open space kung saan naroon ang mga nagtitinda ng pasalubong at restaurants sa mega gas station na ito. Napasandal ako sa pader at sinilip nang mabuti kung naroon ba ang lalaki. Nang masigurong wala ito ay agad akong naglakad at nakipagsabayan sa agos ng mga tao. Halos lahat ng aking makasalubong ay napapatingin dahil sa aking damit at aking paglalakad nang nakaapak. Ngunit binalewala ko ito at sandaling nagtago sa isa sa mga poste. Pinagmasdan ko ang kalawakan ng expressway at nanlambot dahil sa kawalan ng pag asa. Paano ba ako makakahingi ng tulong dito? Hanggang sa makita ko ang booth ng mga pulis na nakaistasyon malapit sa gas station. Agad akong tumakbo upang humingi ng tulong sa mga pulis "Chief! Chief!" kumakaway ako habang papalapit sa mga pulis. Tumayo ang isa sa mga ito, "Madame, ok lang po ba kayo?" Nang makalapit na sa kanya ay agad kong hinuli ang kanyang mga kamay, "Tulungan nyo po ako, I was kidnapped!" "Sino po ang dumukot sa inyo?" "Anastasia!" isang malakas na tinig ang nagpataas ng aking mga balahibo Tumayo ang ibang mga pulis at sumaludo sa kanya, "Good afternoon Sir!" Inalis ng pulis ang kanyang kamay mula sa aking pagkakahawak at sumaludo din. "Anastasia," muli ay tinawag ako ng malalim nyang boses Kasabay ng pagbaba ng aking mga kamay ay ang pagbagsak ng aking mga luha "Madame, sino po ang dumukot sa inyo?" tanong ulit ng pulis "Chief, I think there is some misunderstanding here. She's my wife," sabay ang mahigpit na hawak nito sa aking balikat at inilapit ako sa kanya "My wife, patawarin mo ako kanina. H'wag ka nang magalit sa akin, babawi ako sa ating honeymoon mamaya," Napangiti ang pulis, "Congratulations, Sir! Bagong kasal pala kayo. Best wishes!" Nanatili akong tahimik na humihikbi. Nawala ang kaunti kong pag asa dahil kahit paulit ulit kong sabihin na sya ang dumukot sa akin, tiyak ay hindi nila ako paniniwalaan dahil sa aming itsura at dahil sila ay nasa ilalim ng kanyang impluwensya. Tahimik lamang ito habang kami'y naglalakad pabalik sa sasakyan ngunit sa higpit ng pagkakahawak nya sa aking kamay ay halatang galit ito. Pagkabukas ng pinto ay agad nya akong ipinasok sa loob ng sasakyan at isinara ang pinto. Gayundin ay pumasok na sya upang umupo sa driver's seat at nagsimulang magmaneho. Wala pa rin itong imik at mabilis na pinaandar ang sasakyan habang ako'y walang tigil sa pag iyak. Nang imulat ko ang aking namumugtong mga mata ay papasok ang aming sasakyan sa isang gate. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa labis na pag iyak. Malawak ang harap ng malaking bahay. Puti ang kulay ng kabuuan nito at mayroong floor to ceiling glass walls sa living at dining area kaya napaka moderno ng ayos nito. Huminto ang aming sasakyan sa harap ng patio. Agad itong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Hinila nito ang aking kamay hanggang sa makalabas ako ng sasakyan. Tulad kanina ay napaka seryoso ng anyo nito at hindi pa rin kumikibo, "Nasan na tayo?!" Hindi ito sumagot at bagkus ay dire diretso lamang papasok ng bahay habang hila hila nya ang aking kamay. Malawak ang living at dining areas ng bahay na napaka moderno rin ng ayos. Pagkalagpas dito ay dumiretso kami paakyat ng hagdan Abut abot ang aking kaba habang iniisip kung ano ang balak nyang gawin sa akin. "Bitawan mo ako!" hinila ko ang aking kamay upang makawala ngunit mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa aking pulsuhan. Nang papalapit na kami sa pinto ng kwarto ay lalo akong kinabhan, "Anong gagawin mo?! Bitawan mo ko!" sinubukan kong kumawala ngunit para lamang akong papel dahil sa bilis ng pagbuhat nya sa akin. Patuloy kong kinawag ang aking mga hita at hinampas ang kanyang likod gamit ang aking braso, ngunit sadyang mas malakas sya Marahas ang pagbukas nya ng pinto hanggang sa kami'y makapasok. Nang makalapit na kami sa kama ay padarag nya akong binagsak. Agad kong inangat ang sarili upang makaupo "Anong balak mo sa akin, ha?! Pervert!" Sumampa ito sa kama at lumapit sa akin "A-anong gagawin mo?!" tinapangan ko ang aking tono kahit tila sasabog ang aking puso sa labis na kaba Hinuli ng isa nyang kamay ang aking magkabilang pisngi at muli akong ibinagsak sa kama. Magkahalong galit at sakit ng kalooban ang napapaloob sa kanyang mga mata, "I tried to be patient with you. I trusted you. But you disappointed me!" "Paano kung napahamak ka?! Paano kung may masamang loob ang nagsamantala sa yo?!" bakas ang galit sa tono nito I chuckled sarcastically at tinapatan ang galit nyang tingin, "Look who's talking! Hindi ba't pinahamak mo na ako?! Hindi ba't ikaw ang masamang tao?!" "Disappointed you?!" muli akong tumawa "Why are you projecting to me your wrong actions?! Between the two of us, I should be the one who is disappointed!" Muli nitong pinisil ang magkabila kong pisngi, "You can try to escape, but I will always find you. Listen to me, from now on, you have no choice but to stay with me,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD