Agad akong napabalikwas mula sa aking paghiga, "Aalis? S-saan daw kami pupunta?!"
"Ma'am, pasensya na po, wala pong binanggit si Sir. Ang bilin lamang nya ay pakainin ko kayo at tulungan kayong mag ayos,"
Abut abot ang kaba sa aking dibdib. Ano ang binabalak ng lalaking iyon? Saan na naman nya ako dadalhin? Sa Aparri? Sa Sulu? Abroad?!
Napasabunot ako sa aking buhok. Alam ko na kailangan kong makaisip ng plano upang makatakas, pero bakit inuunahan ako ng lalaking iyon?! He's getting ahead of me! I feel like I am pressed on time. Paano kung saang lupalop nya ako dalhin? Paano kung hindi na ako makabalik sa amin?
"Ma'am, okay lang po ba kayo?"
Umiling ako, "I'm not okay. This is not okay!"
Bumangon ako sa kama at agad na lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at tumingin nang direkta sa kanyang mga mata, "Look, kung ano man ang sinasabi sa 'yo ng amo mo, lahat ng iyon ay kasinungalingan. I am kidnapped,"
"Ma'am?" taka nitong tanong
"Oo, I am kidnapped by your boss. I shouldn't be here. Please help me,"
"P-pero Ma'am," umiling ito
"Please, tulungan mo akong tumakas. Your boss is a delusional and obsessed man! He's a criminal!"
"Ma'am, kumalma po kayo. Nagkakamali po kayo," muli nitong pag iling
"Pakiusap..." niyugyog ko ang kanyang mga kamay na aking hawak, "Bibigyan kita ng pera! Mas malaki pa sa ipinapasahod nya sa yo. Kailangan kong makaalis dito,"
"Ma'am, pasensya na po. Hindi ko po kayang gawin ang ipinapagawa ninyo,"
"Mabait po si Sir. Hindi nya magagawa ang mga sinasabi ninyo,"
Napabuntong hininga na lamang ako at padarag na binitawan ang kanyang kamay,
"This is bullshit! You are all freaking asshole!" nilimas ko at ibinato sa sahig ang lahat ng mga nakahaing pagkain kaya nabulabog ang katahimikan ng umaga sa tunog ng mga nabasag na pinggan
"Ma'am! Pakiusap, tama na po!" napaatras ang katulong habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mga tainga
"No! I will not stop!" Ibinato ko ang lahat ng aking makita sa kwarto tulad ng vase at iba pang babasagin habang patuloy ang pag iyak ng katulong.
"Ma'am, kumalma po kayo. Itigil nyo na po ito," sambit nito habang umiiyak
"Pagsisisihan mong sinunod mo ang baliw mong amo!" Sa pagkakataong ito ay tila ako ang mawawalan ng bait dahil sa labis na desperasyon. Lumapit ako dito at akmang sasampalin nang may pumigil sa aking braso,
"Let go of me!" sigaw ko sa lalaking iyon
"Ako nang bahala dito. Iwan mo muna kami," seryoso nitong sambit sa katulong habang nakatingin sa akin ang kanyang mga seryosong mata
"Opo Sir," tugon ng babae habang patuloy pa rin ito sa pagluha bago umalis
"Ano bang problema mo Anastasia?" habang hawak pa rin nito ang aking braso
"Ikaw ang problema ko!" galit kong sigaw sabay ang padarag na pag alis ng aking braso mula sa kanyang pagkakahawak.
"Magkano ba para palayain mo na ako?!"
"I don't need your money," malamig nitong tugon
"Impokrito! I don't want to waste time with this nonsense talk! Just tell me how much money do you want!"
"Kung pera ang gusto ko, kulang pa ang pera ng pamilya mo kumpara sa meron ako,"
Napaawang ang aking labi, "How dare you insult me and my family!"
"So stop your nonsense tantrum,"
"I knew it," mas pinagalit ko ang aking tingin sa kanya. Agad dumapo ang aking kamay sa butones ng aking pajama at inisa isa itong binuksan at itinapon hanggang sa tumambad sa kanya ang hubad kong pang itaas na katawan.
Bahagya itong natigilan sa aking ginagawa.
"What are you doing?!"
Hindi ako kumibo at hinubad nang tuluyan ang aking pang ibaba. Bagamat abut abot ang aking kaba ay pinilit kong patatagin ang kalooban kung ito ang paraan para makalaya ako. Tanging ang pag******e ko ang natatakpan ng manipis na tela.
"Ito ba?! Ito ba ang gusto mo?! O ayan na! Pagsawaan mo!"
Hindi ito kumilos at bagkus ay seryoso lamang na nakatingin sa akin
"Ano pang hinihintay mo? Hindi ba't manyak ka! A delusional and obsessed maniac!"
Sa halip na lumapit sa akin ay lumapit ito sa cabinet at kinuha ang nakasampay na bathrobe. Lumapit ito sa akin at seryosong tumingin sa aking mga mata,
"Magbihis ka na. I don't want to waste my time with your tantrum,"
Tila naestatwa ako habang isinampay nito ang roba sa aking balikat upang takpan ang aking hubad na katawan Pagkaraan ay tumalikod na ito at umalis na ng kwarto
Nag unahan sa pagbagsak ang aking mga luha kasabay ng pagbagsak ng aking mga tuhod. Isiniksik ko ang mukha sa paanan ng kama habang patuloy ang pag iyak. Halu halong galit, awa at hiya sa sarili, at kawalan ng pag asa ang aking nadarama.
Habang tumatagal ako dito ay tila unti unting nauubos ang aking pag asa.
Isang araw na akong dinukot ngunit bakit tila walang tumatawag sa amin. Sa yaman at impluwensya ng aking pamilya ay dapat natunton na ako. Ganoon ba katinik magtago ang lalaking ito? Ganoon ba kalakas ang impluwensya nya sa mga pulis? Hinahanap ba nila ako? Hinahanap ba ako ni Chase?
Nanatili akong nakalupasay sa sahig habang nakatulala sa pagod mula sa pag iyak. Pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok ang katulong sa kwarto. Napatingin ako rito at naging alerto dahil baka saktan ako nito.
Ngunit napahiya ako dahil tahimik lamang nitong nilinis ang mga basag na pinggan pati na ang mga pagkain na aking itinapon kanina. Nang malikom nito ang kalat sa kanyang pandakot ay pinadaanan nito ng vacuum cleaner ang carpeted na sahig hanggang sa masigurong wala nang natirang kalat.
Lumabas ito bitbit ang vacuum cleaner at pandakot. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik ito at lumapit sa akin. Napatingin ako dito,
"Ma'am, tara na po. Tulungan ko na po kayong isuot ang inyong damit,"
Hindi ako nakaimik sa sobrang pagkapahiya. Tila kinakain ako ng aking konsensya habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Nagpaubaya na ako rito hanggang sa inalalayan ako nitong makaupo sa isang upuan.
Kinuha nito ang isang bestida na nakasampay pati na ang isang brassiere. Tinulungan ako nito na suutin ang mga ito. Pagkatapos ay iniharap naman nya ako sa may salamin at sinuklayan.
Tila ibang tao ang nakikita ko sa repleksyon. Kung noong araw ng aking kasal ay puno ng saya at tamis ang aking ngiti ay sya namang lungkot ng mukhang nakikita ko ngayon. Unti unting lumabo ang aking repleksyon dahil sa namumuo kong luha na nag unahan na sa pagbagsak,
"Ma'am, tama na po. H'wag na kayong umiyak,"
"Pasensya ka na kanina," sambit ko habang umiiyak. Sa tindi ng mga halu halong emosyon na aking nadarama ay tanging pag iyak na lamang ang kaya kong gawin. Hindi ako masamang tao. Alam ng aking pamilya at mga malapit na kaibigan na hindi ako malupit sa mga naninilbihan sa amin. Nagawa ko lamang ang mga iyon kanina dahil sa desperasyon.
Napaluha rin ang katulong at pinunasan ang kanyang nabasang mga mata, "H'wag nyo na pong isipin 'yon Ma'am. Hindi ko man lubusang maintindihan ang problema ninyo ni Sir, alam kong mabuti kayo,"
Kumuha ito ng face tissue mula sa kahon na nakapatong sa vanity table at pinunasan ang aking mga luha, "Ma'am, tama na po sa pag iyak. Ang ganda nyo po lalo na kapag nakangiti,"
Tumango ako. Nang matapos na kaming mag ayos ay inihatid na ako nito palabas ng bahay. Naroon pa rin ang mga armadong lalaking nakita ko kahapon. Pagkalabas ng gate ay naroon ang sasakyan at ang lalaking iyon na naghihintay sa akin. Tulad sa loob ng bakuran ay may mga armadong lalaki na nagbabantay rin sa labas.
Nang idapo ko ang tingin sa lalaki ay natagpuan ko ang kanyang nag aalalang mukha. Hindi ko na ito pinagbigyan pang magsalita bagkus ay dumiretso na ako patungo sa pinto ng backseat,
"Ay Ma'am, dito daw po kayo sa harap, sa tabi po ni Sir,"
Kung kanina ay nakonsensya ako dahil sa pag away dito ay tila gusto ko naman itong kutusan ngayon. Bakit ba hindi nya maintindihan na ayaw kong makasama ang baliw nyang amo?!
Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod. Kahit umupo man ako sa likod ay kasama ko pa rin ang lalaking iyon. Isa pa, pagod na ako.
Agad na lumapit ang lalaki at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkasakay ko ay isinara na rin nito ang pinto. Nakita kong nagbilin pa ito nang sandali sa katulong at sumakay na rin sa driver's seat ng sasakyan.
I could see from my peripheral vision ang panaka nakang pagtingin nya sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Nagulat na lamang ako nang lumapit ito sa akin. Sa gulat ay napaharap ako dito at lalong nanlaki ang aking mga mata nang halos isang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga mukha habang nagtama ang aming mga mata. I could see more closely his deep eyes and smell the mix of mint and cigarrette in his breath.
Halatang bahagya rin itong natigilan at dumapo ang paningin pababa. Bigla ko na lang napagtanto na bahagyang nakaawang na naman ang aking mga labi kaya agad at mariin ko itong isinara. Inalis rin nito ang paningin sa aking mga labi at bagkus ay inabot ang seatbelt at isinuot sa akin. Pagkaraan ay agad din itong lumayo at bumalik sa kanyang upuan.
Pareho kaming tahimik habang ito'y nagmamaneho. Isinandal ko ang ulo sa may bintana ng sasakyan at ipinikit ang mga mata. Ilang sandali ay nagsalita ito,
"May sandwich dito. Sabihin mo kung gusto mong kumain,"
Hindi ako kumibo at pinanindigan ang pagtutulug tulugan. Gutom ako dahil wala pang kinaing almusal ngunit ayokong kainin ang pagkain na kanyang ginawa.
Pagkamulat ng aking mga mata ay sinalubong ako ng isang magandang tanawin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kanina. Tinatahak namin ang sementadong daan na napaliligiran ng asul na dagat. Ang sinag ng araw na tumatama sa tubig ay nagdudulot ng animo'y mga kristal sa dagat. Bukod dito ay nakapaligid ang mga matataas na puno ng niyog at makukulay na flora sa aming dinaraanan
"Malapit na tayo, doon na tayo mananghalian,"
Mula sa pagtingin sa bintana ay bumaling ako dito. Nakasuot ito ng shades habang nakatuon ang pansin sa daan. Ngayon ko lang din napansin ang simple ngunit mamahalin nitong shirt at relos na bumagay sa kabuuan nyang itsura. Kaya aakalain mong isa syang modelo sa mga magasin.
Mula sa daan ay saglit itong bumaling sa akin. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi, "Enjoying the view, huh?"
Agad akong pinamulahan. Bakit nga ba pinag aksayahan ko pa itong tignan?! Awtomatiko akong umirap at bumaling sa kabila. Tumawa ito kaya lalo na naman akong nairita
Ilang sandali pa ay tinahak na ng aming sasakyan ang malawak na kabukiran. Sementado ang daan at sa paligid nito ay ang malalawak na palayan. Mayroon ding mga bahay na nakatayo dito. Patuloy naming tinahak ang daan hanggang sa makarating kami sa isang malawak na lupain na nakabakod at may nakabukas na malaking gate. Tulad ng aming dinaanan ay napaliligiran ang lugar ng mga malalaking puno na nagbibigay ng lilim habang ang mga halaman at flora ay nagpapasigla sa paligid. Sa malayo ay may nakikita akong malaking bahay at tila mayroong piging dahil sa gayak nito.
Patuloy ang pag andar ng aming sasakyan hanggang sa nakarating na kami sa harap ng bahay. Tulad ng aking natanaw ay tila may pyesta dahil sa mga dekorasyon sa labas at mga bisita na pinagsasaluhan ang mga nakahandang putahe.
Inihinto nito ang sasakyan at lumabas. Umikot ito sa kabilang banda at pinagbuksan ako ng pinto. Inabot nito ang aking kamay upang alalayan akong makababa ngunit hindi iniwasan ko ito. Pagkaapak ko sa sahig ay agad na akong tumayo at nagsimulang maglakad palayo sa kanya nang hindi sinasadyang matapilok ako,
"Ah!" muntik na akong bumagsak sa lupa ngunit agad nitong sinalo ang aking maliit na baywang. Sa bilis ng pangyayari ay natagpuan ko na lamang ang sarili na nakakulong sa kanyang mga bisig. Tila malulunod ako sa kanyang mga nangungusap na mata na nakatingin sa akin. Halos tumalon ang aking puso dahil sa lakas at bilis ng t***k nito. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.
"Kuya Adam!" tila bigla akong natauhan at agad na kumawala sa kanyang yakap. Patakbong lumapit sa amin ang babae
"Isabela!" masaya nitong tugon at niyakap ang babae. Adam pala ang pangalan nya.
Pagkaraan ay bumaling sa akin si Isabela,
"Ate Anastasia!" sabay ang mahigpit na yakap nito sa akin. Pagkaraan ay bumitaw ito, "Salamat at matiwasay kayong nakarating dito ni Kuya. Tara, kumain na tayo," yaya nito. Hawak hawak pa rin nito ang aking kamay habang papunta kami sa bahay.
Gawa ito sa mahogany at amakan. Mayroon itong dalawang palapag at base sa itsura ay malaki ang bahay. Mayroon itong maaliwalas na terrace kung saan nakahain ang mga putahe. Sa labas naman ng bahay ay may mga tent at mesa kung saan kumakain ang mga bisita. Bagamat matindi ang sikat ng araw ay maaliwalas ang kapaligiran dahil sa mga puno at halaman.
Habang palapit ay mas lalo akong natatakam sa amoy ng mga putahe. Ang bawat naming kasalubong ay mga nakatingin at nakangiti sa amin.
"Adam! Congratulations!" bati ng isa
"Ang gwapo at ganda naman ng mga batang ito, bagay na bagay kayo!"
"Salamat," nakangiting tugon ni Adam. Tila naging Mr Congeniality ang lalaking ito dahil halos lahat ay kakilala nya
"Kaganda mo naman Hija, welcome!" sambit ng isang bisita
Naguguluhan man ay tumango na lang ako bilang respeto.
Nang makapasok na kami sa bahay ay may lumapit sa amin na matandang babae na nakangiti sa amin,
"Ma," sambit ni Adam at yumakap dito
"Anak," tugon ng matandang babae at yumakap din pabalik kay Adam
Pagkaraan ay bumaling ito sa akin kasabay ang matamis nitong ngiti
"Ma," sambit ni Adam at inakbayan ako, "Si Anastasia, asawa ko po,"
Agad na nanlaki ang aking mga mata at napatingin sa kanya. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?!
"Anak," sabay ang mahigpit na yakap sa akin ng matanda. Tila naestatwa naman ako habang pinoproseso ang mga nangyayari
"Ang saya ko at nakita na kita sa wakas. Welcome sa ating pamilya,"
Umiling ako, "N-nagkakamali po kayo. Hindi po kami mag asawa! Kinidnap nya po ako!"
Bahagyang natigilan ang matanda,
"Si Ate Anastasia pala mapagbiro!" sabat ni Isabela at mukhang naaaliw pa
"Hindi! Hindi po ako nagsisinungaling! Hindi po kami mag asawa!"
"Uh pasensya na Ma, kailangan muna naming magpahinga," sabat ni Adam
Napatingin ang matanda dito at bumaling sa akin, "Hija, kumain muna tayo. Namumutla ka,"
"Totoo ang sinasabi ko! H-hindi ko sya asawa!" buong lakas akong umiiling at pinaglalabanan ang panghihina na aking nararamdaman. Labis ang mga nangyayari na tila nauubusan ako ng lakas upang iproseso ito. Tila umiikot ang aking paningin hanggang sa unti unti akong kinain ng karimlan.