CHAPTER 10

2669 Words
Maaga akong gumising kinabukasan. Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili ay agad akong kumuha ng walis at basahan bago magtungo sa bagong gawang bahay kubo. Mukhang tulog pa ang matandang babae at si Isabela. Si Adam ay wala na sa sofa, marahil ay nangisda na ito kasama si Philo o kaya naman ay nagtrabaho sa bukid Balak kong linisin ang bahay kubo habang maaga pa at bago ito lagyan ng mga gamit. Hindi ko maintindihan ngunit may saya at pananabik sa aking kalooban. Siguro ay dahil minsan akong nangarap na manirahan sa isang simpleng bahay kubo. Bagamat alam kong panandalian lamang ito, hindi naman siguro masama kung ienjoy ko na lang itong aming bagong gawang bahay bago ako bumalik sa aking kinagisnang buhay. Magbubukang liwayway pa lamang nang ako'y umalis. Muli akong sinalubong ng preskong hangin at banayad na liwanag ng araw habang naglalakad patungo sa aming bahay. Sa katahimikan ng paligid ay rinig ang musika buhat sa mga huni ng ibon. Tila nagsasayaw naman ang mga palay sa kumpas ng hangin. Nang makalapit na ay laking gulat ko nang matagpuan si Adam na may ginagawa sa may gilid ng bahay. Bahagya rin itong natigilan nang mapansin ang aking presensya, "Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa," tanong nito "Maglilinis ako ng bahay. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" "Gumagawa ako ng ating mesa at mga upuan. Ako nang bahalang maglinis, bumalik ka na muna sa bahay at magpahinga," "Bakit ba palagi mo akong dinidiktahan kung anong dapat kong gawin? Bahay ko rin ito kaya gagawin ko kung anong gusto ko!" mariin kong tugon "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Anastasia. Mapapagod ka lang hangga't hindi pa maayos itong bahay," "Ewan ko sa yo," sabay ang likas kong pag irap at dumiretso na upang maglinis. Kapwa kaming naging abala sa aming mga ginagawa kaya hindi ko namalayan ang oras na lumipas. Nakakapagod pala ito ngunit hindi ko alintana dahil masaya ako sa ginagawa "Mag almusal muna tayo," Patapos na ako sa aking paglalampaso ng sahig nang niyaya ako nitong mag almusal. Dahil yata sa aking mga ginawa ay ramdam ko na rin ang gutom. Hindi na ako nag inarte pa at sumunod na sa kanya. Pagkalabas ko patungo sa aming terrace ay naroon na ang mesa at mga pahabang upuan na kanyang ginawa. Natagpuan ko ang mga nakahaing pandesal, pritong itlog at ginisang corned beef. Isama pa ang dalawang tasa ng kape. "Pasensya na at ito lang ang ating almusal. Minadali ko na ring magluto para makakain na tayo," "Ok lang, basta may corned beef solved na ako," sabay ang dampot ko ng pandesal at ipinalaman dito ang ginisang corned beef Bahagya itong tumawa, "Mas gusto mo na yata ang corned beef kesa sa oatmeal mo," "Minsan lang naman," ngunit naalala kong sa mga lumipas na araw ay puro kanin at ulam ang aking kinakain, "Kulang isang buwan na lang naman and babalik na rin ako sa aking normal routine," bawi ko Natagpuan ko ang mga nangungusap nitong mata na nakatingin sa akin. Tila punung puno ito ng emosyon na nais nyang sabihin sa akin "Why?" tanong ko Umiling ito at tumingin sa malayo, "Wala naman. At least may nagustuhan kang pagkain kahit sa maikling pananatili mo rito," Bumaling ito sa akin, "Pwede ka namang kumain nyan kahit pagbalik mo sa inyo. At least maaalala mo ang iyong naging buhay probinsya," I slightly chuckled while I looked at the mountain afar from our terrace, "Hindi siguro," Bumaling rin ako dito, "Don't get me wrong, I like this place. And the people too... except you. I am still mad at you for causing trouble in my life," "Tahimik dito at simple ang pamumuhay. Pero iba ang buhay na kinagisnan ko. Kapag nakabalik na ako sa amin, I'll return to my normal routine and duties and I'll forget about this," "Besides, my fiance does want me to have the same lifestyle, including food choices similar to him," "Ganoon mo ba sya kamahal at kaya mong kalimutan ang mga bagay na gusto mo para sa kanya?" mahina nitong tanong habang iniwas ang tingin sa akin Kung tutuusin ay madali lang itong sagutin ng aking isip ngunit bakit hindi ko ito agad maisatinig? Bakit tila may kumurot sa aking puso? Bakit biglang bumabalik ang sakit ng puso na matagal ko nang kinalimutan? Napalunok ako at pinilit na iwaksi ang nararamdaman, "Of course, mahal ko sya. We were supposed to get married!" Tahimik lang itong tumango at agad na ininom ang kape, "Mauna na ako, ubusin mo na yan," seryoso nitong sambit habang agad na tumayo at tumalikod sa akin "Uh, busog ka na ba? Nakaka dalawang pandesal ka pa lang," Paalis na ito nang dumating si Isabela, "Hello Ate at Kuya! Wow, breakfast together!" "Anong ginagawa mo dito, Isabela? Nag almusal na ba kayo ni Mama?" "Kuya naman, ang sungit mo talaga. Tinamad akong magluto kaya dito na ako makiki almusal. Si Mama naman kumain na ng pandesal at dumiretso sa bayan," "Ate, okay lang ba?" tanong nito sa akin Napangiti naman ako, "Sige lang, kumain ka na muna," alok ko "Thank you Ate!" "Maiwan ko na muna kayo. Doon na muna kayo sa bahay at mamimili lang ako ng mga gamit para dito," "Sasama kami ni Isabela," "Oo nga Kuya," "Manatili na lamang kayo rito," mariin nitong sabi "No way! Mas alam naming mga babae ang mga gamit na bibilhin dito sa bahay. Kaya we will go with you whether you like it or not," mas tinapangan ko ang tingin dito Napahilamos ito ng mukha at nagbuntong hininga na tila sumusuko, "Fine, go ahead," "Grabe, kay Ate Anastasia lang pala tumitiklop si Kuya!" ani Isabela Pilit kong pinipigilan ang ngiting pilit na kumakawala sa aking mga labi habang pinagmamasdan si Adam. Tila naging isang bata ito na sumuko na dahil pinagtulungan ng mga kalaro. Umiiling pa ito at nang dumapo ang mga maamo nitong mata sa akin ay tila gusto pang umapela, "Ano?" muli ko itong tinarayan at pinandilatan ng mata habang pinipigilang matawa Napabuntong hininga na lamang ito, "Wala. Sumunod kayo sa akin sa sasakyan," Agad na kaming sumunod dito sa sasakyan. Naupo ako sa tabi ng driver's seat habang si Isabela ay nasa back seat. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakarating na kami sa bayan. Ipinark ni Adam ang sasakyan sa harap ng isang malaking tindahan "Ate Anastasia, ito yung sikat na department store dito sa bayan. Syempre, mas maganda, malaki at branded ang mga tinda sa mga malls sa Manila, pero kumpleto naman dito," ani ni Isabela habang naglalakad kami papasok sa gusali. Malayo nga ito kumpara sa mga malalaking malls na aking kinagisnan. Mas simple ang kaanyuan nito at nahahawig sa grocery store. Pagpasok sa loob ay matatagpuan na ang mga cashier stations. Pagkalagpas dito ay may seksyon ng mga lokal na pampaganda at panlinis ng katawan o kaya naman ay yari sa China. Naglakad pa kami paloob hanggang sa matagpuan namin ang seksyon ng mga gamit sa bahay. Nakakaaliw at hindi ko maipaliwanag ang saya dahil kahit hindi sila branded, may mga gamit na pulido sa murang halaga. Marami ring mga pagpipilian katulad na lamang ng mga gamit sa pagluluto. Nagtungo kami ni Isabela sa hanay ng mga kawali, kaldero at iba pang gamit sa kusina. "Ate, okay lang ba sa 'yo, dito kasi wala kaming mga Teflon na sikat sa Manila. Ang gamit namin dito ay gawa sa iron o aluminum," nag aalalang sambit ni Isabela "Ate Cristina, why are you using these cookware? Hindi ba mahirap itong gamitin? Why don't you buy non stick pans?" tukoy ko sa mga kawali ni Ate na tipikal na nakikita sa mga palengke. Binisita ko ang aking kapatid sa Paris simula nang binitawan nito ang posisyon sa aming kumpanya upang tahakin ang talagang gusto nyang larangan "Parang hindi yata bagay dito sa apartment mo sa Paris," "Anastasia, h'wag mong maliitin ang mga gamit na yan. Mas masarap kaya ang pagkain na niluluto dyan kesa sa mga non stick pan mo. Kung tutuusin, mas natural ang mga lutuin sa mga simpleng kawaling tulad nyan," "Pero Ate, there are branded and more modern cookware that you can use. Papa still gave you credit card, right? You can afford to buy expensive things!" "Anastasia, lumaki ka kasing spoiled kaya ganyan ka. Pagtanda mo, marerealize mo na hindi sa mga bagay na ganyan masusukat ang tunay na kaligayahan," Tama si Ate Cristina. Aaminin ko, kanina ay duda ako sa mga gamit na aming madadatnan dito sa bayan dahil mumurahin ang mga ito kumpara sa aking kinagisnan. Ngunit hindi ko akalain na naging impokrita ako sa aking saloobin. Sa halip na mangutya ay dapat ko pang ipagpasalamat dahil nabibigyan ng pagkakataon ang aking kapwa na makabili ng mga disenteng gamit sa murang halaga. Pinagmamasdan ko ang ibang mga mamimili dito at bagamat simple, masaya sila. Sa kabila ng pagiging payak ay natagpuan ko ang kasiyahan na hindi ko lubos na naranasan noon. "Ate Anastasia?" hindi ko namalayang nalunod na pala ako sa aking mga iniisip nang muling nagtanong si Isabela "Uh, pasensya na. Magkano ba ang allowance natin? Ganado akong magshopping ngayon ng mga gamit!" nakangiti kong saad Napangiti rin si Isabela, "Aba, oo naman Ate! H'wag kang mag alala, si Kuya naman ang magbabayad, takot lang nun sa yo!" sabay ang hagikgik nito Matapos naming mamili ng mga gamit sa kusina, kwarto at pangdekorasyon sa bahay ay lumapit kami kay Adam na abala sa pamimili ng ibang mga furniture, "Mas gusto ko yung kabinet na maple colored," saad ko "Okay sige, kunin na po namin ito," sambit ni Adam sa nagtitinda "Okay na ba kayo sa mga pinamili ninyo? Bakit ang dami naman yata," "Mga basic necessities lang ito sa bahay at saka ibang pangdecorate para naman mas lalong gumanda. At tsaka, bakit ba mas marunong ka pa sa amin?" muli kong pagtataray "Anastasia, ang ibig kong sabihin--" "Ano?" singhal ko habang tumatawa naman itong aming kasama Hindi na ito nakipagtalo pa, "Akin na," "Oh, bayaran mo na yan," sabay abot ko sa aming basket "Sabi ko nga," tugon nito at dumiretso na sa cashier. Kawawa talaga si Adam sa amin ngayon. Habang pinagmamasdan sya ay pinipigilan kong matawa dahil malayo sa karaniwan nitong anyo na matapang at palaging nasusunod, sya ngayon ang sumusunod sa akin. Mabait din pala minsan ang lalaking ito. Pagkatapos sa department store ay inilagay na nya ang aming mga pinamili sa kanyang sasakyan. Ipinadeliver na lamang namin ang ibang mas malalaking gamit Pauwi na sana kami nang magyaya si Isabela, "Kuya, may masarap na halu halo doon. Bekenemen," "Yan na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong sumama kayo. Sa init na ito talagang mapapagod kayo," "Ang init nga," sabat ko "Sige na Kuya, naiinitan na ang asawa mo," "Pwede bang umuwi na tayo at ipagbibiyak ko na lang kayo ng buko," "Pwede namang ilibre mo na kami ngayon ng halu halo," muli kong sabat Muli itong napabuntong hininga at walang nagawa sa amin ni Isabela, "Kuya, ililibre mo kami?" excited nitong tinig "Tara, doon tayo sa palengke," sambit ni Adam "Yes!" sabay pa kami ni Isabelang pumalakpak "Ate, talagang sa yo lang tumitiklop si Kuya! Alam mo bang nougat ito sa kunat!" Nagtawanan lang kaming dalawa habang tahimik naman si Adam na nagtungo sa karinderyang nagtitinda ng halu halo Agad naman kaming sumunod. Sa totoo lang ay pagod at gutom na rin kami. Isama pa ang uhaw mula sa tindi ng init ng araw "Manang, tatlong pansit, tatlong halu halo at tatlong buko juice," ani ni Adam sa nagtitinda. Pagkalipas ng ilang sandali ay dinala na ng waitress ang aming mga pagkain at inumin. "Salamat," tukoy ko kay Adam Tumango naman ito, "Kumain na tayo," "Namumula ka Kuya. Kilig yarn?" nakakabingo na si Isabela sa pang aasar nito sa kapatid "Isabela, pwede ba kumain ka na," pulang pula na ang mukha nito kaya hindi ko na rin napigilang mapangiti dahil naaaliw ako sa pagkapikon nito Habang kumakain ay muling nagsalita si Isabela, "Kuya, may tyangge na pala dito dahil malapit na ang fiesta. Baka pwede mo kaming payagan ni Ate Anastasia na pumunta sa night market," "Mahirap lumabas sa gabi. Muntik na ngang mapahamak si Anastasia noon," "Hindi naman mangyayari ulit yon, Adam. At magkasama naman kami ni Isabela," Hindi ito kumibo at patuloy lang sa pagkain "Adam?" dagdag ko. Muling nagtama ang aming mga mata at bagamat masungit ang itsura nito ay bakas pa rin ang maamo nitong mga mata "Sasamahan ko kayo pagpunta sa night market," seryoso nitong sambit at ibinalik ang tingin sa kinakaing halu halo "Salamat," nakangiti kong saad. Nang dumapo ang mga mata nito sa akin ay napalunok ito at muling ibinalik ang tingin sa pagkain "Ang saya!" pareho naman kaming natawa kay Isabela Pagkauwi namin sa bahay ay tila may fiesta sa bango ng mga pagkain. "Mga Anak, nandito na pala kayo," ani ng matandang babae Isa isa kaming nagmano, "Namili po kami ng mga gamit para sa bagong bahay," tugon ni Adam "Mabuti at nakapamili na kayo. Heto at nagluluto kami ng simpleng handa para sa blessing ng inyong bahay," Kasama nito ang iba pang mga kababaihan na tumutulong sa pagluluto ng mga putahe "Ang totoo po nyan kumain kami sa palengke kanina, pero sa sarap po ng mga niluluto ay hindi ko po uurungan yan!" tugon ko na nagpatawa sa matandang babae "Oh sya, tulungan na kayo ng mga kasama natin na iligpit ang mga gamit. Pagkaraan ay darating dito ang pari para sa blessing," Nagtulung tulong kami sa pagsasaayos ng mga gamit sa bahay. Ang mga lalaki ang nag ayos ng mga mabibigat na furniture habang kami naman ni Isabela pati na ang ibang babae ang nag ayos ng ibang mga gamit pati na ang mga pangdekorasyon. Nang matapos iayos ang bahay ay dumating na rin ang pari at isinagawa ang blessing. Pagkatapos nito ay nagkaroon kami ng munting salu salo kasama na pati ang mga tumulong at ang aming mga kaibigan tulad sina Philo, Eve at kanilang mga anak. Pagkaraan ng nakakapagod na araw ay narito ako ngayon at nagpapahangin sa aming terrace. Tulad ng nakagawian ay pinagmamasdan ko ang payapang buwan na nagbibigay liwanag sa tahimik na gabi. "Gabi na, hindi ka pa ba magpapahinga," sambit ni Adam at inabot ang mainit na tasa ng tsokolate "Salamat. Gusto ko munang magrelax, it was a busy day. Nakakapagod pero masaya," nakangiti akong bumaling dito "Maganda ka lalo na kapag ngumingiti ka," I chuckled, "Hindi porket nilibre mo ako ng halu halo ay hindi na ako galit sa yo," Bahagya itong natawa, "Alam ko. Pero masaya ako dahil muki kitang nakita na totoong masaya," "Nakita mo ulit? Sino ka ba talaga? Bakit parang kilalang kilala mo ako?" "Hindi na mahalaga iyon," Nais ko pa itong kulitin ngunit alam kong walang patutunguhan dahil hindi rin ito agad na bibigay. Besides, baka niloloko lang ako nito, "Kidding aside, minsan pinangarap kong tumira sa bahay kubo. Yung chill lang, tahimik, masaya kasama ang mga mahal ko sa buhay," hindi ko napigilang isaad "Kaya pala bakas sa yo ang kasiyahan," "Pero alam naman nating dalawa na kunwari lang ito. Pagkatapos ng isang buwan, aalis na ako rito," "Kahit katiting lang... may pag asa bang bumalik ka rito?" "Natutunan ko na hindi lahat ng aking pangarap ay makakamit ko. Minsan na akong nangarap... minsan na akong umasa. Pero hindi lahat natutupad. Hindi lahat ng hinihintay ay bumabalik," Muling nasagi ang sugat sa aking puso na matagal ko nang kinalimutan. Ang lamig ng hangin sa labas ay tila nagbalik sa lamig na aking naramdaman ng maulang hapon na iyon "Paano kung nahuli lang sa pagbalik? Paano kung bumalik na pero hindi mo lang namamalayan," Bumaling ako sa kanya at mula sa liwanag ng buwan napagmasdan ko ang nangungusap nyang mga mata. Tila kapwa kaming sugatan ang mga puso. Hindi ko maintindihan kung bakit bumabalik ang matagal ko nang kinalimutang sugat. Ngunit mas hindi ko maipaliwanag kung bakit nakatagpo ako ng ginhawa na tila kilalang kilala ko ang estrangherong lalaki sa aking harapan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD