Binati ako ng maliwanag na sikat ng araw nang imulat ko ang aking mga mata. Hindi ko akalain na napasarap pala ang aking tulog kaya tinanghali na ako ng gising.
Inilibot ko ang paningin sa aking silid at bagamat naninibago, hindi maiwasang gumuhit ang ngiti sa aking labi lalo na't masarap sa pakiramdam ang gumising sa sariling bahay. Tila kinain ko ang aking mga sinabi dati.
Agad akong umiling at tinigil ang aking pagmumuni muni. Baka masyado lang akong namemesmerize ng countryside living feels. Pilit kong pinapaalalahanan ang sarili na panandalian lamang ito.
Bumangon na ako at agad na lumabas upang maghanda ng almusal. Nang inilibot ko ang paningin sa sala ay wala akong Adam na natagpuan. Talaga bang walang pakialam ang lalaking iyon? Basta basta na lang umaalis nang walang paalam?
Dumiretso na lamang ako sa kusina at natagpuan ang magkatakip na plato sa mesa. Naroon din ang thermos na mayroong laman. Nang alisin ko ang nakatakip na plato ay naroon ang sinangag na kanin na may kasamang itlog at daing na bangus
Tila naantig ang aking damdamin. Ni minsan ay hindi ako nagawang ipaghanda ng almusal ni Chase. Sanay akong pinagsisilbihan ng mga katulong na nagtatrabaho sa amin, ngunit ang pagsilbihan ng isang hindi ko kilala? Ganito ba ang pakiramdam ng pagsilbihan ng asawa?
Agad kong winaksi ang nararamdaman, "Anong akala nya, madadala nya ako sa pagluluto ng almusal?"
Sandali akong natigilan. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako naiinis? Bakit ba ginagawa kong big deal? Eh ganito naman talaga ang setup namin. Wala naman akong pake sa kanya!
Muli akong umiling at binalewala ang aking naguguluhang kalooban. Nagdesisyon na lang akong mag almusal.
Pagkatapos maglinis ng pinagkainan ay naglinis muna ako ng bahay. Nang matapos ay lumabas muna ako upang magpaaraw. Natanaw ko si Isabela na nakikipaghabulan sa mga manok,
"Isabela! Anong ginagawa mo dyan?" tawag ko habang papalapit sa kulungan ng mga manok
"Hay naku Ate, nakakapagod manghuli ng manok!"
"Ay!" tili nito nang sya naman ang habulin nito
Pumasok ako sa kulungan upang tulungan itong manghuli. Wala naman akong karanasan sa panghuhuli ng manok pero bahala na. Nakakita ako ng mga panuka at isinaboy ang ilan sa lupa. Agad na naglapitan dito ang mga manok kaya naman sinamantala ko ito.
Habang dahan dahang lumapit sa isa sa mga ito ay bigla kong naalala ang naramdamang inis kanina. Ganoon ba talaga sya? Aalis nang walang paalam? Akala mo kung sinong suplado! Anong akala nya, hangin lang ako sa bahay? Sino nga ba ang nagsabi sa kanyang pakasalan ako at dalhin dito! Ni hindi ko nga sya kilala! Gumaganti ba sya dahil ako ang nasunod kahapon? Natural, ako ang masusunod dahil ako ang asawa! Pag nakita ko yun, titirisin ko talaga yon!
Kasabay nito ay ang mahigpit kong pagkakahawak sa paa ng manok, "Huli ka, Adam!" Sa higpit ng aking pagkakahuli ay dito ko yata naibuhos ang inis ko
"Ate?" tanong ni Isabela. Bakas dito ang pagtataka
"A-adam yung pangalan ng manok?" pinipigilan nito ang tawa
Tila nahimasmasan naman ako, "Uh," bahagya akong tumawa, "Iniimagine ko lang na manok yung Kuya mo. Ang sarap katayin," Siguro ay pulang pula na ang aking pisngi sa sobrang hiya
"Uy... namimiss mo na agad si Kuya!" sabay hampas sa braso ko
"Eh kung bitawan ko na itong manok,"
"Ikaw naman Ate, nahahawa ka na kay Kuya, ang sungit mo na," natatawa nitong sabi
"Bakit ka ba nanghuhuli ng manok?" pag iiba ko ng usapan
"Nag iisip kasi ako ng lulutuin. Maaga kasing umalis sina Kuya para magtrabaho sa bukid dahil anihan ngayon ng palay,"
"Pandesal at kape lang ang kinain ng mga iyon kanina eh tiyak gutom na rin sila. Nagbilin din nga si Kuya sa akin na silip silipin ka sa bahay ninyo dahil nga tulog ka pa noong umalis sya,"
"So syempre, bilang iyong the best sister in law, nagwalis walis muna ako dyan sa may harap ninyo,"
"Bakit kasi hindi nagpapaalam yang Kuya mo! Eh di sana gumising ako ng maaga para napabaunan ko man lang ng pagkain! Magluluto luto sya ng almusal ko tapos hindi naman pala sya kumain! Anong gusto nyang palabasin?!" maktol ko
"Alam mo Ate, mag usap nga kayo ni Kuya,"
"Tara na nga. May naisip ka na bang luto dito?"
"Wala pa nga eh,"
"May naisip ako. May mga gulay ba kayo?"
Nagpatulong kami sa isa sa mga tauhan upang katayin at linisin ang nahuli kong manok. Nagtungo rin kami sa bahay nina Isabela upang manguha ng maaaring ipangsahog sa pansit canton at shanghai. Nagkasundo kami ni Isabela na tutulungan nya akong magluto ng iminungkahi kong putahe.
Bitbit ang aming mga sahog ay dumiretso na kami sa aming bahay. Tinuruan ako ni Isabela mula sa paghuhugas ng karne at mga gulay hanggang sa paghihiwa ng mga pangsahog. Tinulungan din nya akong ihanda ang mga lumpia na ipiprito mamaya. Kahit nahihirapan dahil ito ang unang beses kong magluto ng putahe ay masaya dahil gusto ko ang aking ginagawa,
"Igisa na natin yung bawang at sibuyas,"
"Tapos, ihulog na natin yung manok,"
Tila nasa cooking show kami habang sinusunod ko ang kanyang mga turo.
"Ay!" tili ko nang matalsikan ako ng mantika habang piniprito ang mga lumpia
"Ate! Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Isabela habang hawak nito ang aking kamay
"Ako na muna ang magprito," alok nito
"Ayos lang part of learning, diba?"
"Sigurado ka?"
"Oo naman, hindi naman ako titiklop sa kaunting paso. Tatapusin ko itong niluluto natin!"
Hindi ko namalayan na tapos na kami sa aming ginagawa. Ang sarap sa pakiramdam na ihain ang aming niluto.
"Mmm, sarap!" sambit ni Isabela nang tikman nito ang pansit at kumuha ng shanghai
"Talaga? Thank you. Patikim nga," nakangiti kong sambit
"Masarap talaga ang luto kapag in love," hirit nito habang hinawakan ang aking baba.
"Anong in love?! Magaling lang talaga akong magluto," sabay ang aking pag irap habang pinipigilan ang aking pagtawa
Samantalang si Isabela ay patuloy pa rin sa pang aasar nito,
"Kikiligin na naman nyan si Kuya lalo na't ipinagluto mo sya!"
"H'wag mong sabihing ako ang nagluto! Ikaw na lang ang magdala nyan sa kanila,"
"Huh?"
"Basta!" sabay ang aking paghalukipkip. Baka mamaya akalain pa ng lalaking iyon na may gusto ako sa kanya. Of course, not! Nakonsensya lang naman ako kanina at naawa lang naman ako sa kanya
"Sige na nga! Pero sasamahan mo ako. Isa pa, hihingi tayo ng pambili mamaya pagpunta natin sa bazaarre,"
Sumang ayon naman ako at naghanda na kami papunta sa bukid. Bitbit ang aming mga bilao at iba pang gamit ay naglakad na kami. Malayo pa lang ay tanaw na namin ang mga magsasakang nag aani ng palay
Nang makarating na kami ni Isabela ay sinalubong kami ng preskong samyo ng hangin. Kasabay nito ang masarap na amoy na nanggagaling sa mga bagong aning palay. Ang malaking puno naman ay nagbibigay ng lilim sa lugar. Mula sa aming kinatatayuan ay tanaw ang malawak na palayan. Inilapag na namin sa mesa ang mga bilao ng pagkain. Inayos rin namin ang mga papel na pinggan pati ang mga kubyertos.
Sakto at tumigil muna sa pagtatrabaho ang mga magsasaka at naglakad na palapit sa aming kinalulugaran. Malayo pa lang ay natanaw ko na si Adam na nakikipag usap sa isang kasama nito. Ilang sandali pa ay tumanaw ito sa aking direksyon kaya muling nagtama ang aming mga mata. Tila nagkabuhul buhol naman ang t***k ng aking dibdib kaya tulad ng dati ay umiwas na lang ako ng tingin at itinuon ang aking pansin sa ginagawa.
"Magandang umaga po, Madame Isabela at Anastasia," bati ng mga magsasaka
"Magandang umaga din po," aming tugon
"Magmeryenda po muna kayo," ani Isabela
"Salamat po," tugon ng mga magsasaka
Muli kong nahuli si Adam na nakatingin sa akin ngunit hindi ko pa rin ito pinansin. Naiinis pa rin ako dito!
Naupo na kami upang pagsaluhan ang pagkain.
"Mmm, ang sarap ng pansit at shanghai. Salamat po!" wika ng isa
Palihim na tumingin sa akin si Isabela kasama ang nakakaloko nitong ngiti,
"Ay totoo po yan! Iba po kasi ang lutong may pagmamahal!" sabay kindat nito
Nanlalaki na ang aking mga mata dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip na naman nito.
"Kuya, anong masasabi mo. Masarap ba?"
Inangat ni Adam ang kanyang paningin sa kapatid at pagkatapos ay muli na naman itong tumingin sa akin, "Masarap,"
Agad akong nakaramdam ng pag iinit ng aking mga pisngi. Sanay akong purihin ng ibang tao sa aking mga accomplishment and I feel proud about it. Pero bakit bigla akong nahihiya ngayon? Bakit ba hindi ko maintindihan ang t***k ng aking dibdib sa tuwing hinuhuli nito ang aking mga mata?!
"Ate, masarap daw!" sabay tulak ni Isabela sa aking braso. Sa tono ng boses nito ay tila kinikilig pa ito.
"Si Madame Anastasia po ba ang nagluto?" tanong ng isa. Pati si Adam ay muling tumingin sa akin na tila nais din nitong malaman
Habang si Isabela naman ay hindi ko mawari kung kinikilig ba o nababaliw na sa hagikgik nito. Gusto kong kuritin ito! Kaasar!
"Uh, mauna na po kami. May pupuntahan pa kami ni Isabela," tumayo na ako
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Adam
"Sa bayan, mamimili muna kami sa tyangge,"
Paalis na ako bago pa ako manliit sa sobrang hiya nang humirit na naman itong si Isabela, "Wait lang Ate, may nakalimutan tayo,"
"Huh? Ano na naman, Isabela?" napipikon kong wika
Muli na naman itong ngumiti, " Kuya, pahingi ng pera,"
Agad na kinuha ni Adam mula sa kanyang bulsa ang pitaka at kumuha ng pera. Inabot nya ito sa kapatid at muling tumingin sa akin, "Mag iingat kayo. Bumalik kayo agad,"
"Opo Kuya. Ang bilis ah, ang sarap kasi ng niluto," sabay kindat sa akin
"Tara na," paalis na ako nang muli na naman itong humirit
"Teka lang Ate! May nakalimutan pa si Kuya,"
"Ano?!" napipikon na talaga ako. Habang ang mga magsasaka ay nagpipigil ng ngiti
"Isabela, ano na naman ba yan?" ani Adam na tila nahahalata na ang aking pagkapikon
"Kuya, yakapin mo naman si Ate! Kaya mainit ang ulo nito, hindi ka nagpapaalam kapag umaalis ka,"
"Isabela!" bumaling ako kay Adam, "Hindi na kailangan! At... hindi yon totoo! Sinusutil ka lang ng kapatid mo. Aalis na kami!" siguro ay para na akong kamatis sa sobrang hiya. Tumalikod na ako upang umalis nang magsalita ito,
"Anastasia,"
Napapikit ako sa sobrang irita at huminga ng malalim. Paglingon ko, "Ano?"
"Pasensya na at hindi ako nakapagpaalam kanina. Ayoko kasing maistorbo ang tulog mo,"
"Anong gusto mong pasalubong mamaya? Pangako, maaga akong uuwi,"
"Bahala ka!" sabay alis ko. Narinig ko pa ang kantyawan ng ibang magsasaka at ni Isabela habang ako'y palayo.
Inaliw ko ang sarili sa masayang tanawin ng mga samu't saring paninda sa tyangge. Sa tuwing naaalala ko ang kahihiyan kanina ay nagpapasalamat ako na sa wakas ay nakatakas muna ako. Pagkatapos sa bukid ay pumunta muna kami ni Isabela sa aming kanya kanyang bahay upang maligo at mag ayos ng sarili bago pumunta dito sa tyangge
"Ate, may nagtitinda ng fruit smoothies doon. Try natin," anyaya ni Isabela
"Ayoko nga," maarte kong sabi
"Ate, galit ka pa ba?," pabebe nitong tugon
"Sabi nang h'wag mong sabihin na ako ang nagluto. Sarap mong sabunutan!,"
Tumawa naman ito, "Bakit ba kasi ang pabebe ninyo ni Kuya! Hindi ko naman matitiis na ako ang kukuha ng credit eh ikaw naman ang gumawa,"
"Hay nako, bumili na nga tayo. Anong gusto mo?"
"Blueberry smoothie,"
"Miss, isa pong strawberry at isang blueberry smoothie please," sambit ko sa nagtitinda. Pagkatapos iabot nito sa amin ang aming mga inumin ay naglibot pa kami sa bazaarre.
Pumasok kami sa isang tindahan ng mga damit. Natanaw ko ang isang dress at itinuro kay Isabela
"Isabela, isukat mo iyon,"
Sumunod naman ito at nang lumabas ito ng fitting area ay napangiti ako,
"Sabi na nga ba, bagay sa yo!"
Bakas din dito ang kasiyahan, "Thank you, Ate,"
"Miss, magkano yung dress?" tanong ko sa nagtitinda
"500 po Ma'am,"
"Wala na bang bawas? Pwedeng 300 na lang?"
"Ma'am, 400 po sagad na,"
"Sige,"
"Ate," sabat ni Isabela
"Ano yun?"
"H'wag na lang kaya. Masyadong mahal,"
"H'wag mo nang isipin iyon," bumaling ako sa tindera, "Miss, kukunin namin iyon,"
"Thank you Ate!" napayakap pa itong aking kasama. Namumula pa ito at ngiting ngiti
"Ikaw talaga, pabebe ka rin,"
"Na-touch lang ako Ate. Wala kasi akong malapit na kaibigan bukod sa yo at kay Eve. Tapos di ko akalain na bibilhan mo ako ng damit,"
"Isipin mo na lang na regalo ko yan sa yo," Kahit alam kong panandalian lamang ang kunwaring pagsasama namin ni Adam ay masasabi kong nagkaroon ako ng tunay na kaibigan kay Isabela. Kahit may issue kami ng kapatid nya ay ipinaramdam nya pa rin sa akin ang tunay na pagmamalasakit. Tulad nya, sya at si Madi lang ang maituturing kong totoo na nakipagkaibigan sa akin.
Pagkatapos magbayad ay inabot ng tindera kay Isabela ang damit na nasa loob ng plastic. Paalis na kami habang may isang grupo ng mga babae ang pumasok sa tindahan.
"Teka lang Ate, isukat mo yung dress na nasa mannequin. Bagay yun sa yo,"
"Sige," tugon ko. Isa itong blue and floral wrap midi dress.
Palapit na ang tindera upang kunin ang damit nang hawakan ito ng isa sa mga babae,
"Isukat ko ito,"
"Ma'am, pasensya na. May ibang magsusukat po nyan,"
Agad na tumaas ang kilay ng kustomer, "Anong may ibang magsusukat? Eh hawak ko na nga itong damit oh!"
"Hindi mo ba ako kilala? Nasan ba yan?"
Tila nagpanting ang aking tainga sa babaeng iyon. Lumapit ako dito,
"Ako yung magsusukat ng damit na yan. Mas nauna naming nakita yan at mas nauna kaming nagsabi sa tindera,"
Tumawa ito nang sarkastiko, "At sino ka naman sa akala mo? Hindi mo ba ako kilala?!"
I presented my b***h face, "Hindi. At wala akong interes na kilalanin ka,"
Pulang pula na ang mukha ng babaeng nasa aking harapan
"Looks like gustung gusto mo yang damit na yan," dagdag ko. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa, "Although I think you won't do justice sa damit, hindi ako makikipag agawan sa yo. Go ahead and wear it. Besides, hindi ako pumapatol sa mga kawawang katulad mo,"
Hindi nakaimik ang babae at ang mga kasama nito. Hindi ko na sya hinintay pang sumagot at umalis na ako. Sumunod naman sa akin si Isabela
"Ate! Winner na winner ka kanina!"
"Sino ba yung gaga na yon?" tanong ko
"Anak yun ni kapitan. Akala mo kung sino, panget naman,"
Binalewala ko na lamang ang nangyari at naglibot pa kami hanggang sa makarating kami sa nagtitinda ng mga cap. Inabot ko ang isang puting cap,
"Magkano po ito?"
"500 po,"
Sa itsura ay mukha nga itong original kaya binili ko na
"Mag cacap ka Ate? Parang panlalaki naman yan,"
"Para ito sa Kuya mo,"
"Sabi ko na nga ba kahit ang sungit mo kay Kuya, mahal mo yun. Sarap daw katayin, baka naman sarap katayin sa pagmamahal!"
"Stop it Isabela! Naaawa lang ako dun,"
"Sabi mo eh. Sya nga pala Ate, sigurado ka? Wala kang binili sa sarili mo,"
"Oo naman. May natira pa tayong 100, san tayo?"
"Ah, alam ko na. May nagtitinda dito ng matatamis na mangga. Magugustuhan mo yun,"
Sumunod naman ako kay Isabela at sakto, iilang mangga na lang ang natitira at kasya sa dala naming pera. Nang kukunin ko na ang mga mangga ay kasabay ng pagdapo ng ibang kamay dito,
"Ikaw na naman?!" wika ng babae kanina
Binalewala ko na lamang ito at nagsalita sa tindera, "Ate, kunin ko na ang mga mangga. Ito ang bayad,"
Tumango ang tindera at kinuha ang aking bayad. Kinuha nito ang mga mangga upang ilagay sa plastic at inabot sa akin
"Akala mo kung sino ka! Ang yabang mo ah!" protesta ng babae
"Porket taga Manila ka, akala mo hindi ako natatakot sa yo?!"
"Kilala kita, naawa lang sa yo si Adam kaya ka nya pinakasalan! Makakahanap pa sya ng ibang babae pero wala nang papatol sa yo!"
Nagpanting ang tainga ko sa langgam na ito
"Ano bang problema mo? Sinisiraan mo ako pero hindi mo tinitignan ang sarili mo?"
"Alam mo bang pwede kitang idemanda sa mga pinagsasasabi mo? Sisirain mo pa ang pangalan ng tatay mo dahil sa pagiging walang modo mo!"
Akma ako nitong sasampalin ngunit agad kong hinuli ang kanyang pulsuhan. Sa sobrang galit ko ay halos durugin ko ang kanyang braso sa diin ng aking pagkakahawak
"Aray...." angal nito
Padarag kong binitawan ang braso nito
"Walang hiya ka!!!" muli itong susugod sa akin ngunit agad akong nakaiwas. Kaya naman sumubsob sya sa mga nakahiwang pakwan sa fruit stand. Narinig ko pang nagtawanan ang mga nakasaksi. Ito namang si Isabela ay binato pa ng kamatis ang ulo nito, "Buti nga sa yo, gaga!"
Galit itong lumingon sa amin
"Sa susunod, kikilalanin mo ang babanggain mo," mariin kong sabi sabay ng aming pag alis
"Anak, h'wag kang mag alala. Kakausapin ko si Kapitan at kailangang malaman ni Adam ang mga pinagsasabi sa iyo ng babaeng iyon,"
Narito kami ni Isabela sa kanilang bahay. Dito kami dumiretso pagkatapos namin sa bazaarre. Nagsumbong si Isabela sa kanyang ina tungkol sa lahat ng mga nangyari habang pinagsasaluhan namin ang mga mangga.
"Oh, Adam nandito ka na pala. May dapat kang malaman tungkol sa nangyari kanina," Lumingon kami ni Isabela upang tignan si Adam na kakarating mula sa bukid. Seryoso ito at bumaling sa akin,
"Anong dapat kong malaman? Ang tungkol sa nangyari sa inyo ng anak ni Kapitan?"
Napaawang ang aking labi sa narinig, "Sya ang nauna, pinrotektahan ko lang ang sarili ko,"
"Anak, si Anastasia ang inatake ng babaeng iyon! Walang kasalanan si Anastasia," sabat ng matandang babae
"Oo Kuya, nakita ko lahat ng nangyari. Kung anuman ang sinabi sa yo ng babaeng iyon, nagsisinungaling sya," dagdag ni Isabela
"Tama na. Mag usap na lang tayo mamaya," seryoso nitong baling sa akin
Nalukot ng aking kamay ang hawak na cap na ibibigay ko sa kanya
"Hindi na kailangan. Kahit ano naman ang sabihin ko hindi na mahalaga. Nagawa mo na akong husgahan agad nang hindi pa ako pinakikinggan," hindi ko na ito inantay pang sumagot at umalis na ako
"Anak!" sigaw ng matandang babae
Nang makalayo na sa bahay ay bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Dumiretso ako sa lugar kung saan dati rin akong nagtago. Pinagmasdan ko ang naghahalong kulay kahel at asul na kalangitan hudyat ng takip silim.
Bukod kay Madi, sya lang ang aking kaibigan na lubos na umuunawa sa akin. Kung dumating sya noon, kamusta na kaya kami ngayon? Siguro, wala ako dito. Siguro hindi ko mararanasan ang nangyari kanina. Siguro mayroon akong mapagsasabihan ng sama ng loob ko ngayon. Siguro ay may magtatanggol sa akin. Tama ba ang sinabi sa akin ng babae kanina kaya iniwan nya rin ako noon?
Patuloy ang agos ng aking luha. Ang dali lang husgahan ako ng iba. Pati mga magulang ko ay itinakwil na ako.
Pagkalipas ng ilang sandali ay napukaw ang aking atensyon sa umupo sa aking tabi,
"Humihingi ako ng patawad sa mga sinabi ko kanina,"
Bahagya akong natigilan. Hindi ko inaasahan ang kanyang mga sinambit,
"Maniwala ka, wala akong intensyon na husgahan ka. Aaminin ko, siguro dahil rin sa pagod kaya uminit din ang ulo ko nang kausapin ako ni kapitan. Pero naniniwala akong hindi mo magagawang manakit ng tao. Ang gusto ko lang naman ay kumalma muna bago kita kausapin,"
Tila kinurot ang aking puso. Ngunit pilit kong itinatago ang nararamdaman.
"Hindi mo na kailangang mag sorry. Kung maiinis ka sa akin, mas maganda. At least mas madali akong makakaalis dito,"
Tumayo na ako at gumayak paalis. Tahimik lamang sumunod si Adam habang naglalakad kami pauwi hanggang sa hapunan. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay nakita ko na itong nakaupo sa kwarto. Marahil ay maliligo na rin ito. Binalewala ko na lamang ito at naupo na sa kama upang magbasa
Pagkatapos maligo ay lumabas na rin ito ng banyo. Laking gulat ko nang lumapit ito sa akin,
"A-anong gagawin mo?"
Tahimik lamang ito at inabot ang aking kamay. Binuksan nito ang hawak na lalagyan ng ointment at pinahid sa aking paso.
Muling naghuramentado ang t***k ng aking puso. Bakit ba ako nagkakaganito? Agad akong tumayo upang lumabas nang hatakin nito ang aking braso. Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng kanyang mga bisig,
"Kahit kainisan ka ng iba, palagi akong narito para maging karamay at kakampi mo. Kahit ilang beses kang lumayo, palagi kong pipiliin na bumalik sa 'yo,"
Kahit anong pigil ay kusang bumagsak ang aking mga luha. Pakiramdam ko'y nabura ang aking pagmamatigas. Tila nakatagpo ng kapayapaan ang aking puso. Hindi ko mawari kung bakit tila matagal na syang kilala ng aking puso.