CHAPTER 6

3657 Words
Halos hindi ako nakatulog ng buong magdamag. Paano si Chase? Paano kung malaman ito ng aking pamilya? Ano ang iisipin nila sa akin? Tiyak ay madidisappoint sila nang husto. Paano kung hiwalayan ako ni Chase? Paano kung itakwil ako ng aking mga magulang dahil sa iskandalong ito?! Nagising ako sa malakas at maingay na tilaok ng mga manok. Pagmulat ng aking mga mata ay sinalubong ako ng liwanag ng sikat ng araw. Napatingin ako sa orasan sa aking side table at napagtantong maaga pa. Napabuntong hininga ako. Ang aga pa ngunit bakit ang ingay na ng mga manok! Masakit pa ang aking ulo mula sa sobrang stress at pag iisip. Napaungol na lang ako at isinubsob ang mukha sa unan dahil sa sobrang irita nang maalala ang aking iskandalo Matapos ang ilang sandali ay nagdesisyon akong bumangon at dumiretso sa banyo upang magsipilyo at maghilamos. Pagkatapos nito ay hinubad ko ang damit at nagbabad ako sa malamig na tubig galing sa rainshower. Umaasa akong kasabay ng pagbagsak ng tubig sa aking katawan ay maging malinaw ang aking pag iisip upang makaisip ng solusyon sa problemang kinasasangkutan ko. Pagkaligo ay nag ayos na ako ng sarili at lumabas ng kwarto. Habang pababa sa hagdan ay naririnig ko na ang ingay ng mga tao sa bahay at ang amoy ng nilulutong pagkain. Pagkababa sa living area ay natagpuan ko si Isabela na nagluluto sa may kusina habang sa veranda naman ay naroon ang mga tao na nakadulog sa hapag kainan. Lumapit ako kay Isabela, "Anong meron?" Bahagya pa itong nagulat, "Ate, gising ka na pala. Good morning! Mag aalmusal na tayo. Kasalo natin ang mga nagtatrabaho dito," "Punta ka na doon Ate para makaupo ka na. Ako nang bahala dito. Malapit na itong maluto," tukoy nito sa sinasangag nyang kanin. "Ang aga nyo palang gumising at mag almusal," Ngumiti ito, "Maaga talaga kami ditong gumigising sa bukid. Naku, baka naingayan ka sa mga manok," nag aalala nitong sambit "Oo, maingay nga sila. Hindi kasi ako sanay gumising nang maaga," "Pasensya ka na Ate. Di bale, matulog ka na lang ulit mamaya pagkatapos ng almusal kung inaantok ka pa," Saktong natapos na rin sya sa niluluto kaya halos magkasunod na kaming pumunta sa veranda. Bitbit ang lalagyan ng sinangag ay ibinuhos nya ito sa dahon ng saging na nakalatag sa ibabaw ng mesa. Kasama nito ay ang iba pang nakahaing pagkain tulad ng mga pritong itlog, longganisa, tuyo at talong. Mayroon ding ginisang corned beef, scrambled eggs at pandesal. Sa isang banda naman ay ang hiniwang hinog na mangga. Mayroon ding mainit na batirol bilang inumin. "Mga anak, maupo na kayo at kumain na tayo," yaya ng matandang babae "Magandang umaga po Madame," bati ng mga nagtatrabaho sa akin. Nakita ko na sila kahapon nang dumating kami dito kaya marahil ay kilala nila ako bilang asawa ng lalaking iyon Tumango ako, "Magandang umaga po," May tatlo pang bakanteng upuan at wala pa ang baliw na lalaking iyon. Ang dalawa ay magkatabi samantalang ang isa ay sa kabilang banda. Akma ko sanang pakiusapan si Isabela na kami na lang ang magtabi sa upuan ngunit nakaikot na ito sa kabila "Adam! Tara na at mag almusal na tayo," tawag ng isa Kakatapos lang nitong magtrabaho sa bukid. Naglakad na ito palapit sa amin at dumaan sa may poso upang maghilamos. Pagkatapos ay kinuha nito ang nakasampay na bimpo upang ipunas sa kanyang basang mukha. Ibinaba nya ito upang punasan kanyang hubad na pang itaas na katawan na basa ng pawis. Kahit sa malayo ay pansin ang matipunong katawan nito. Sa unang tingin ay aakalain mo ito na isang modelo with his sexy shoulders, sculpted chest and firm six pack abs. Dahil low waist ang suot nitong maong na pantalon ay kita rin ang kanyang sexy V line. Sayang lang dahil maluwag naman ang turnilyo ng lalaking ito! Nakapagsuot na ito ng shirt at tumabi na sa aking kinauupuan. Unti unting umiinit na naman ang aking ulo lalo na't tiyak ay amoy pawis ito. Ngunit bahagya akong natigilan. Bakit tila baby powder ang amoy nito? "Good morning Honey," sambit nito The nerve! Sa sobrang inis ay hindi ko napigilang umirap na nahuli naman ng kanyang ina, "Anak, may problema ba?" Agad naman akong pinamulahan dahil sa pagkapahiya, "Uh, wala naman po," Pinagmasdan ko ang mga kasama na masayang nagsasalu salo sa almusal. Naninibago ako sa ingay ng kanilang kwentuhan. Napataas ang isa kong kilay nang makita silang nagkakamay habang kumakain. "Good morning Mom, Dad," bati ko sabay beso sa aking mga magulang. "Good morning my Baby," malambing na tugon ni Dad habang nanatiling tahimik si Mom. Naupo na ako sa aking upuan at kinuha ang napkin at ipinatong sa ibabaw ng aking mga hita. Kinuha ko ang kubyertos at nagsimulang kumain ng nakahain na open faced avocado and egg toast. Mayroon ding nakahain na roasted tomatoes bilang side dish at ang aking paboritong latte bilang inumin. Kabisado na ng aming katulong ang paborito kong almusal. "Is that really what you're going to have for breakfast?" tanong ni Dad "Yes Dad," "Ang konti naman. Why don't you try this fried rice?" Napangiti ako, "Dad, I'm counting my carbs. I'll have rice for lunch," "Counting the carbs? Baka maging stick ka na," "No Dad," nakangiti kong sambit, "Besides, Chase is a buff and I also want to adopt his healthy choices and lifestyle," "Ah, bahala na nga kayo. Para kang Mom mo, palaging on a strict diet," "I don't want to waste my time on your useless argument," sambit ni Mom na nagpatiklop kay Dad "At least Chase is helping your daughter to be more disciplined. Kung wala si Chase, baka naging magkatulad lang kayo ni Christina," "Hon, our daughter just pursued her dreams to become an artist," protesta ni Dad "Artist? How could she even build her wealth! Palibhasa you are weaker than the other tycoons!" "Pwede bang pag usapan na lang natin ito sa ibang pagkakataon, Hon. H'wag sa harap ni Anastasia," "Kausapin mo ang sarili mo. Bueno, I have to go," "Anak? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Hindi ko na namalayan na kinain na pala ako ng mga iniisip hanggang sa narinig ko ang tinig ng matandang babae "Uh," pinoproseso ko pa ang tanong nito. "Hindi mo pa kasi ginagalaw ang pagkain mo," Ngayon ko lang namalayan ang mga pagkaing nasa aking harap na marahil ay inilagay ng baliw na katabi ko, "Pasensya na po. Wala po kasi akong gana," "Uh, ganun ba, gusto mo ipagluto kita, ano bang gusto mong kainin Anak?" "Hindi po kasi ako kumakain ng kanin sa umaga. Pasensya na po," "Kailangan mong kainin kung ano ang nakahain sa harap mo, Anastasia. Wala ka sa inyo kung saan sunud sunuran ang mga tao sa 'yo. Stop being a spoiled brat," seryosong sambit ni Adam Tila nagpanting ang aking mga tainga sa narinig, "Spoiled brat? Wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi mo ako lubos na kilala! Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko. Hindi ito ang buhay na kinagisnan ko! Kung naiinis ka dahil ayokong kumain, sana inisip mo yan bago mo ako dinala dito!" Hinampas nito nang malakas ang mesa na nagpatili kay Isabela "Adam, Anastasia! Pakiusap, ihinto nyo na ang away nyo. Matuto pa rin kayong rumespeto," sambit ng matandang babae "Mauna na po kami Madame. Salamat po sa almusal" tukoy ng mga trabahador sa matandang babae. Agad na silang tumayo at umalis upang magtungo sa bukid "Hep! Awat muna tayo mga Ate at Kuya," sambit ni Isabela na tumayo pa at inangat ang kanyang mga kamay bilang pag awat sa amin "Ate, don't worry," umikot ito patungo sa aking banda, "Akong bahala sa almusal mo, may pupuntahan tayo," Hinawakan nito ang aking kamay at hinila na akong tumayo "Alis na po kami ni Ate," paalam nito sa dalawa. Hawak ang aking kamay ay inakay na ako nito paalis ng bahay. Bagamat hindi ko mawari kung saan kami pupunta ay sumunod na rin ako dito upang makalayo muna sa tensyon namin ng baliw na iyon. Habang naglalakad ay sinalubong kami ng mabining simoy ng hangin buhat sa mga puno na aming nadadaanan. Kahit maliwanag ang sinag ng araw ay masarap pa rin sa pakiramdam dahil sa lilim ng mga puno pati na ang sariwang hangin na nanggagaling sa berde at malawak na palayang aming dinaraanan. Ilang sandali ay nagsalita si Isabela, "Pagpasensyahan mo na si Kuya. Masungit lang 'yun pero mabait naman sya," "Masungit na baliw pa," tugon ko "Ano yun Ate?" "Wala. Kayo ng nanay mo mabait pero yung Kuya mo, hindi," Tumawa ito, "Sus! Ikaw talaga Ate!" sabay hampas sa aking balikat, "Pero love mo naman!" Tumili pa ang gaga I rolled my eyes in disgust ngunit tumawa lang nang tumawa ito. Naalala ko tuloy si Madi. Kung hindi ko lang alam na isa lang ang kapatid ni Madi ay aakalain kong nawawala nyang kapatid si Isabela "Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad," nakalayo na kami sa kanilang bahay at kasalukuyan pa ring dinadaanan ang mga taniman "Pupunta tayo dun sa breakfast cafe ng kaibigan ko sa dagat. May mga vegan options sya at mga smoothie bowls kaya tiyak magugustuhan mo yun!" Tila kinurot ako ng konsensya. Bagamat walang pakialam akong nagwawala sa harapan nila ay ang aking kapakanan pa rin ang iniisip nito "Di mo kailangang gawin ito Isabela," "Walang problema Ate Anastasia. Kabilang ka na sa pamilya natin at gusto kong maging malapit tayong magkaibigan," Tila natigilan ako sa sinabi nito. Karaniwan na sa akin ang makatagpo ng mga taong gustong maging malapit sa akin dahil sa aking pera. Pero kita ko ang pagiging inosente sa kanyang tinig "Bakit mo naman gusto na maging close tayo?" "Ewan ko, pero magaan ang loob ko sa 'yo Ate. Suplada ka lang pero alam ko na mabait ka. Isa pa, mahal ka ni Kuya kaya mahal ka rin namin," Sa pagkakataong iyon ay tila niyakap aking puso. Tila nakatagpo ako ng kaibigan sa kanya. "Hi Eve! Kain kami," masaya nitong bati. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa snack bar sa dalampasigan "Isabela!" sabay kaway ng tinukoy nitong Eve, "May bisita ka yata? Tuloy kayo!" Pareho kaming naupo sa mga stools sa may counter, "Sister-in-law ko," tugon ni Isabela, "Eve, naka diet si Ate kaya I'm sure mag eenjoy sya sa mga pagkain mo," Ngumiti naman ito, "Sure! Do you want smoothie, toast?" "Avocado and egg toast please," "Sure. Ikaw, Isabela?" "Latte na lang," "Okay, I'll prepare your orders," nakangiti nitong sambit habang nagsimulang inihanda ang aming mga order Habang naghihintay ay tumanaw muna ako sa asul na dagat. Payapa at banayad ang alon nito hindi tulad ng magulo kong sitwasyon "Siguro mahirap talagang mag adjust mula sa kinalakihan mo sa syudad," sambit ni Isabela Nanatili akong tahimik. Mas payapa at malinis ang paligid dito kumpara sa syudad ngunit hindi ito ang aking mundo. Hindi ito ang buhay ko. "Pero h'wag ka mag alala, Ate Anastasia. Igagala kita bukas sa town para naman malibang ka," Napangiti na lamang ako. Ilang sandali pa ay dumating na ang aming mga inorder. "Here you go," ani Eve "Thank you," sambit ko at kumagat sa inihanda nyang avocado and egg toast. "Mmm, masarap," kahit naiinis ako sa aking kinalalagyan ay hindi ko napigilang humanga dahil masarap talaga ang kanyang pagkakagawa "Thank you, Anastasia," tugon ni Eve "Yay! Kanina pa bad trip si Ate kaya thank you!" sabat ni Isabela kaya natawa na lang kaming tatlo "This tastes like the ones made in high end cafes. Paano ka napadpad dito?" hindi ko napigilang itanong. Base kasi sa itsura ni Eve ay halatang banyaga ito kaya nakakapagtaka kung ano ang kanyang ginagawa dito Bahagyang natigilan ang magkaibigan "Uh, sorry. I didn't mean anything wrong," "No, it's okay," tugon ni Eve. "Ang totoo nyan, dito kami nakatira ng aking asawa," "Foreigner din?" "Hindi, taga rito talaga sya. Mangingisda sya at nagtuturo ng surfing. Kaibigan sya ng asawa mo. Magkakaibigan kami nina Kuya Adam," "Malayo ito sa Europe pero alam mo, masaya ako dito. Kasama ko ang asawa at mga anak ko and the people are very warm. Kahit simple lang ang buhay namin, kontento ako," "Ayan na ang mga huling isda! Tara, tignan natin," yaya ni Isabela. Agad namang sumunod si Eve kaya nauna na silang dalawa na naglakad palapit sa mga kakarating na mangingisda bitbit ang kanilang mga huli Nagpatira na lamang ako sa kinauupuan. Pinagmasdan ko ang kapaligiran at hindi lubos maisip kung paano nagustuhan ni Eve ang manirahan nang payak sa lugar na ito. Kung tutuusin ay mas maunlad ang kanyang pinanggalingang bansa. Ngunit marahil ay iba iba ang gusto ng tao. Kung para sa akin, bagamat payapa ay hindi ito ang lugar kung saan ko nais tumira. Hindi ito ang mundong aking kinagagalawan. Kailangan ko nang makabalik sa aking kinagisnang lugar sa syudad. Tila sinagot ang aking minimithi nang mapansin ang celphone na nakapatong sa counter. Agad ko itong kinuha at nagtipa ng numero upang tawagan ang aking fiance "Chase, please, answer the phone," naghahalo ang kaba at irita habang sinasamantala ko ang pagkakataon na abala ang dalawang babae ngunit hindi pa sumasagot si Chase. Napabuntong hininga ako nang hindi pa rin sumagot ang aking kasintahan. Nagpasya na akong tawagan si Madi. Matapos ang ilang pagring ay kinuha nito ang phone, "Hello?" "Madi, si Anastasia ito," "Oh my gosh! Bes!" naiimagine ko na ang panlalaki ng mga mata nito "Nasan ka na ba?" tanong nito "I was kidnapped. Tulungan mo ko," sambit ko "Huh? Kidnapped?!" "Oo, I don't know where I am right now pero I need to get out of here," "Bes, ang alam ng lahat dito is nagpakasal ka na sa iba even prior your wedding kay Chase. Kalat na kalat sa balita ang naungkat na registered marriage certificate mo. Kaya ang impresyon ay sinadya mong tumakas sa kasal nyo ni Chase. Ano ba talagang nangyari?" "That's not true! Well... the marriage certificate is not valid! I was intoxicated that night kaya I didn't know what happened. I don't even know that guy! Baliw sya! He kidnapped me to be his wife!" "Is that for real?" "Please Madi, tulungan mo akong makatakas dito," "Sige, sige. Hihingi ako ng tulong kay Dad. Actually, nandito rin sa company event ang parents mo," "Salamat, Madi! Kamusta sina Mom at Dad? Si Chase?" "Actually, naiinis ako dyan sa fiance mo ha. Nung araw na kinidnap ka, yung lawyer nya lang ang nagsasalita na they will follow the due process," "Hindi talaga pumapatol si Chase sa media. He has his lawyer," "I know. Pero for goodness sake! Kahit ano pang balita ang lumabas, you are his fiancee! Kung meron mang dapat na mag alala, sya yun. Pero hindi ko makita!" "Stop it, Madi. Basta tulungan mo na lang akong makatakas," "How bout sina Mom at Dad?" "Your Dad is super worried about you," "How about si Mom?" "Sino yang kausap mo?" nasa malayo ang naririnig kong pamilyar na boses "Uh, Tita," sambit ni Madi sa kabilang linya "Akin na yan!" sigaw ng pamilyar na boses "Madi?" tanong ko "Ang kapal ng mukha mong tumawag pa sa kabila ng lahat ng kahihiyang idinulot mo sa ating pamilya!" sagot ng nasa kabilang linya Tila binuhusan ako ng malamig na tubig, "M-mom?" "Huwag na huwag mo akong matatawag na Mom! Isa kang malaking kahihiyan!" Unti unting nalusaw ang lamig at napalitan ng pag iinit na namumuo sa aking mga mata at pisngi, "Mom, I was kidnapped! Hindi totoo ang mga lumabas sa balita. Maniwala ka," pagmamakaawa ko habang walang tigil ang paghikbi "How dare you make a fool of me!" galit na galit nitong sabi, "Wala ka na ngang naitulong sa negosyo natin, inuna mo pa yang kalandian mo! Ang lakas pa ng loob mong magsinungaling!" Tanging paghikbi na lang ang aking naisagot "Anastasia, ito ang tatandaan mo. Total, pinili mong mag asawa sa isang walang kwenta at hampas lupang lalaki, panindigan mo yan! Simula ngayon, kalimutan mo nang may pamilya ka dahil wala ka nang babalikang pamilya! Bakit kasi naging anak pa kita! Malandi ka!" "Mom! Parang awa mo na, maniwala ka sa akin," patuloy ang aking pagmamakaawa ngunit pinutol na nito ang linya Naibaba ko ang hawak na celphone habang patuloy ang aking panaghoy at walang humpay na pag iyak. Tila sinaksak nang paulit ulit ang aking puso sa sobrang sakit na nararamdaman. Sa labis na sama ng loob ay nagpasya na akong huwag hintayin sina Isabela at Eve. Agad akong tumayo at tumakbo paalis. Hindi ko alam kung saan ako papunta at nanlalabo ang aking mga mata. Tulad ng buhay ko na hindi ko alam kung saan na patungo. Ngunit patuloy lang ako sa pagtakbo. Matapos ang ilang sandali ay dinala ako ng aking mga paa sa isang mataas na lugar. Napalilibutan ito ng mga puno at damo. Malayo ito sa kabuyukan ng dagat at ng mga palayan kaya tila tago ang lugar na ito. Tila nakatagpo ng kapayapaan ang gulung gulo kong kalooban. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinamyo ang preskong hangin na tumatama sa aking mukha. Unti unting bumalik sa aking alaala ang kinagisnan kong buhay, ang mga masasayang alaala simula ng aking pagkabata, si Chase, pati na ang mga masasakit na salita ni Mom. Unti unting nabasa ang aking mga pisngi mula sa pagbagsak ng aking mga luha hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang aking mga tuhod at ako'y humagulgol. Pinagmasdan ko ang paligid at niyakap ang sarili. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay nagbago ang aking buhay. Pakiramdam ko'y ako na lang mag isa. Siguro ay galit si Chase sa akin dahil sa mga balitang kumalat. Pati ang aking pamilya ay itinakwil na ako. Wala akong ibang sisisihin kundi ang aking sarili. Kung hindi sana ako naging pabaya. Kung hindi sana ako nagpakalasing nang husto ng gabing iyon. Sana kasal na ako ngayon sa lalaking mahal ko. Sana kapiling ko pa rin ang aking pamilya. Tama si Mom, I have caused disgrace to our family. I'm really such a failure. Nanatili muna ako sa lugar na ito habang nakaupo sa lilim ng puno. I let the air dry the tears that flowed through my cheeks. Dahil sa pagod ay tila blanko ang aking pagod na isip habang nakatulala at nakatingin sa malayo. Kung hindi ko namalayan ang paglalaban ng kulay kahel, dilaw at biyoleta sa langit ay hindi ko napagtantong palubog na ang araw at halos buong maghapon na pala akong nanatili rito. Hindi ko ininda na nalipasan na ako ng gutom. Ayokong umuwi sa bahay ng baliw na iyon ngunit maaaring delikado kung mananatili ako rito. Nagpasya na akong tumayo at maghanap ng ibang masisilungan. Naglakad ako pabalik sa tabing dagat. Habang naglalakad patungo roon ay sinalubong ako ng masiglang hanay ng mga kainan at tindahan na nakapaligid sa daan. Maraming tao at marami ring mga sasakyan ang nagsasalimbayan. Kumakalam na ang aking sikmura at tila nahihilo na rin ako sa gutom. Ngunit binalewala ko ito at nagpasyang dumiretso na sa dalampasigan. Baka doon na lang ako magpalipas ng gabi. Wala ako sa loob na tumawid ng daan hanggang sa napukaw ako ng malakas na busina ng sasakyan. Bumaling ako sa pinanggalingan ng tunog at nasilaw sa liwanag ng papalapit na sasakyan. "Anastasia!" iminulat ko ang mga mata at natagpuan ang kanyang nag aalalang mga mata. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko mawari kung paano ako nakahandusay ngayon sa kanyang mga bisig "Madam, pasensya na po. Alanganin kasi kayong tumawid," ani ng marahil ay may ari ng sasakyan "Pero hindi ka dapat nagpapatakbo nang mabilis lalo sa ganitong lugar" galit na tono ni Adam "Sir, pasensya na po. Madam, pasensya na ulit," "Are you okay? May masakit ba sa 'yo? You fainted for a while," Hindi ako kumibo. Tinulungan ako nitong bumangon at binuhat patungo sa kanyang sasakyan. Nang maiupo ako nito sa tabi ng driver's seat ay umikot na rin ito at naupo sa loob. Hinampas nito ang manibela, "What's wrong with you, Anastasia!" Nanatili lamang akong tahimik at nakatingin sa bintana ng sasakyan "I have been looking for you the whole day! Paano kung hindi kita nakita? Paano kung napahamak ka? Paano kung nabangga ka ng sasakyan?" "Sana hindi mo na lang ako hinanap. Sana hinayaan mo na lang akong mabangga," "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Bumaling ako sa kanya, "Oo! Itinakwil na ako ng pamilya ko pati ng lalaking mahal ko!" nagsimulang umagos muli ang aking mga luha, "Masaya ka na?" "You called them? Gusto mong tumakas?" "Oo! I wanted to escape this f****d up life!" "Hindi ito ang buhay ko! Hindi kita kilala! Hindi kita mahal! Sana pinatay mo na lang ako kesa sa pinapahirapan mo ako nang ganito!" tuluyan na akong humagulgol Bakas sa kanyang mga mata ang magkahalong galit at sama ng loob. Ibinalik nito ang tingin sa harap at muling hinampas ang manibela. Hindi na ito kumibo at nagsimulang magmaneho Pagkauwi sa bahay ay nadatnan namin ang kanyang ina at si Isabela na kapwa nag aalala "Mga anak, salamat sa Diyos at nakauwi na kayo," lumapit sa amin ang matandang babae at kami'y niyakap "Ayos ka lang ba Hija? May masama bang nangyari sa 'yo?" dagdag nito "Ate Anastasia! Okay ka lang ba?" ani Isabela "Magpapahinga na po ako," malamig kong tugon Parehong tumango ang dalawa at hinayaan na akong dumiretso sa kwarto. Pagkaligo ay nahiga na ako sa kama upang magpahinga. Ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pinto. Nanatili akong nakapikit upang magtulug tulugan. Ilang sandali pa ay naramdaman kong bumigat ang kabilang banda ng kama hudyat na umupo ito. Kasalukuyan akong nakatalikod sa kanya at marahil ay nakatalikod din ito sa akin. Halos mabingi ang kwarto sa katahimikan. Ilang minuto ang lumipas nang iminulat ko ang aking mga mata sa kanyang mga sinabi, "One month. Pakiusap, bigyan mo lang ako ng isang buwan upang ayusin ang mga bagay at papeles pati na kina Mama at Isabela. Pagkatapos ng isang buwan ay palalayain na kita,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD