Magbubukang liwayway nang ako'y magising. Naunahan ko pa ang mga manok sa aga ng pagmulat ng aking mga mata. Marahil sa babaw ng aking tulog kaya napahawak ako sa aking ulo na kumikirot pa. Halos hindi ako nakatulog dahil sa kanyang mga sinabi kagabi.
Pagkasabi nya noon ay umalis na rin sya ng kwarto at naiwan akong mag isa sa silid nang buong gabi. Marahil ay muli syang natulog sa living area.
Totoo ba ang mga sinabi nya? Or is he fooling me around? Ano ang binabalak nya?
"Ugh!" napasabunot ako dahil sa sakit ng aking ulo. That man! Ang lamig ng simoy ng hangin mula sa bintana pero bakit palagi nyang pinapainit ang aking ulo?! Why is he always causing me headaches!
Kung tutuusin ay dapat maging masaya ako dahil sa wakas ay makakalaya na ako mula sa baliw na iyon. Ngunit hindi ko maiwasang magtaka bakit biglang nagbago ang kanyang isip. May iba ba syang binabalak? Paano kung niloloko nya lang ako at wala syang balak na palayain ako?
"Stop it, Anastasia!" saway ko sa sarili. Binitawan na nya ang kanyang mga sinabi kaya dapat ay wala nang bawian. Dapat nyang tuparin iyon. I need to talk to him to finalize things once and for all.
Agad akong bumangon at iniligpit ang aking kama. Pagkatapos nito ay dumiretso na ako sa banyo upang magsipilyo at maghilamos. Matapos mag ayos ng sarili ay nagpasya na akong bumaba upang kausapin ang lalaking iyon
Pagkababa ay nadatnan ko si Isabela na nagluluto sa kusina. Lumabas ako patungo sa veranda at hawak ang aking balabal ay sinalubong ko ang malamig na hangin. Mula rito ay nakita ko ang ilang mga trabahador malapit sa bukid. Lumapit ako sa mga ito upang magbaka sakaling mahanap ang lalaking iyon. Habang naglalakad ay napansin na ako ng isa sa mga nagtatrabaho,
"Magandang umaga po, Madame. Ang aga ninyong nagising. Ano pong maipaglilingkod namin?"
"Magandang umaga po," luminga linga ako sa paligid upang hanapin ang lalaking iyon ngunit hindi ko sya natagpuan, "Si Adam po?"
"Madame, pasensya na. Hindi rin po namin alam kung nasaan si Sir Adam,"
"Madame, h'wag po kayong mag alala. Natural lang sa aming mga lalaki ang magpalamig muna. Kilala namin si Sir Adam, tiyak ay loyal po iyon sa inyo," Napataas naman ang isa kong kilay sa pagsabat ng isa sa mga trabahador
"Nestor, tumigil ka nga! Hindi ka dapat nanghihimasok sa buhay ng ating mga amo!" saway ng kausap ko kanina
"Juan, totoo naman ang sinasabi ko. Halos hindi na nga maipinta ang mukha ni Sir Adam kahapon dahil sa labis na pag aalala! Napagalitan pa nga ni Sir Adam si Ms Isabela dahil bakit daw pinabayaan si Madame Anastasia,"
Napaawang naman ang aking labi dahil sa narinig. Pati si Isabela ay nadamay dahil sa problema namin ng kanyang kapatid.
Iniwan ko na ang dalawang trabahador at agad na bumalik patungo sa kusina. Naroon pa rin si Isabela na abala sa pagluluto ng agahan. Ilang sandali pa ay napansin ako nito habang nanatili lamang akong tahimik na nakatayo,
"Ate, happy morning!," nakangiti nitong sambit, "Hulaan mo kung ano ang niluluto ko,"
"Ano yan?" pati ako ay napangiti na dahil sa itsura nito ay tila proud ito sa niluluto
May kinuha ito sa kitchen cabinet at ibinida sa akin, "I'm preparing oatmeal for you, Ate Anastasia!"
Napaawang naman ang aking labi
"Hindi mo expected noh?" nakangiti pa rin ito, "And syempre, with matching honey and banana by no other than Chef Isa!"
Tila unti unti akong kinain ng konsensya. I realized how selfish I was. Sa kabila ng pagkakadamay nya sa problema namin ng kanyang kapatid ay kapakanan ko pa rin ang kanyang iniisip. Samantalang ako, ni hindi ko man lang sya nagawang batiin kanina at bagkus ay masyadong nakatuon ang aking isip sa paglutas ng aking problema
Tuluyan nang bumagsak ang kanina pang namumuo kong mga luha
"Ate, ok ka lang ba?" nag aalala nitong tanong habang lumapit sa akin
Umiling ako, "Sorry, Isabela. Dahil sa akin napagalitan ka pa ng iyong kuya. Pasensya na,"
Agad akong niyakap nito, "Ate, tahan na," Bahagya nitong inilayo ang mukha upang tignan ang aking mukha,
"Ate Anastasia, okay lang ako. Sanay na ako sa kasungitan ni Kuya at saka naiintindihan ko naman bakit sya nagalit. Pasensya na dahil hindi kita dapat hinahayaang mag isa lalo na't bago ka sa lugar na ito,"
Pinawi ko ang aking luha, "Ang swerte ko at mayroon akong kaibigan na tulad mo,"
Ilang sandali ay biglang tumunog ang tyan ko
"Ikaw talaga Ate!" tumawa ito habang hinampas ang aking braso, "Patawa ka talaga! Tama na nga ang drama at kumain na tayo!"
Natawa din ako, "Ito namang tyan ko wrong timing, kung kailan nag eemote ako. Kumain na nga tayo,"
Habang inihahanda namin ang mga pagkain ay nagtanong ako dito, "Nasan pala ang Kuya mo?"
"Uh, hindi ko alam Ate. Di kaya nasa bukid sya?"
"Wala eh. Tinanong ko na rin yung mga nagtatrabaho sa bukid,"
"Ganun ba, san naman kaya nagpunta yun? Di kaya nangisda,"
"Hayaan mo na muna. Tara at maghain na tayo,"
"Uy, si Ate namimiss na ang asawa nya," may halo pang kilig sa boses nito
"Hindi ah!" awtomatiko akong umirap, "Bakit kasi basta na lang umaalis hindi naman nagpapaalam!"
Bumungisngis na naman si Isabela, "Naku Ate, parehong pareho kayo ni Kuya kahapon,"
Tumilos naman ang aking nguso habang naghahain sa hapag kainan sa veranda. Habang si Isabela ay patuloy pa rin sa pagtawa
"Kuya Juan, tara't mag almusal na tayo! Tawagin nyo na po ang inyong mga kasamahan," natatawang sigaw nito
Pareho na kaming naupo habang sumunod na rin ang kanyang nanay,
"Ma," sabay tayo ni Isabela at nagmano dito.
"Pagpalain ka ng Diyos, Anak," tugon ng matanda
Sumunod na rin ako at tumayo upang magmano nang sandali akong natigilan at hindi mawari ang gagawin. Tila naunahan ako ng hiya nang maalala ang gulong idinulot ko kahapon. Kaya tila idinikit ako sa aking kinatatayuan at napayuko na lamang ako
"Anastasia," tawag ng matandang babae
Nang iangat ko ang paningin ay laking gulat ko nang ikinulong ako nito sa kanyang mga bisig, "Kamusta, Anak,"
Sa halip na sumbat o galit ay isang haplos sa aking sugatang kalooban ang ipinaramdam ng kanyang mahigpit na yakap. Tumango na lamang ako at yumakap pabalik upang pigilan ang aking luha
"Ma, Ate, kain na tayo," yaya ni Isabela. Sumunod na rin ang mga trabahador na dumulog sa hapag kainan
Nang magsimula na kaming kumain ay wala pa rin ang lalaking iyon. Nagtanong ang matandang babae,
"Isabela, nasaan ang iyong Kuya Adam?"
"Hindi ko rin nga alam, Ma. Kanina pa rin sya hinahanap ni Ate,"
"Mga Madame, baka po nangisda si Sir Adam. Narinig ko po kasi ang sasakyan nya kagabi," sambit ng isa sa mga trabahador
"Ganun ba," nag aalalang sambit ng matandang babae
"Ma, pupuntahan namin ni Ate sina Eve mamaya sa dagat. Baka magkasamang nangisda sina Kuya at ang kanyang asawa,"
"Mabuti pa nga. SalamatAnak,"
Ilang sandali ay nagpaalam na ang mga trabahador upang bumalik sa bukid, "Mga Madame, una na po kami. Salamat po ulit sa almusal,"
Naubos ko na ang inilutong oatmeal ni Isabela ngunit dahil sa tindi ng aking gutom ay tila kulang pa. Pinagmasdan ko ang nakahain pang sinangag na kanin pati ang ginisang corned beef at pritong itlog. Hindi ko maintindihan kung labis ang aking gutom ngunit natatakam akong tikman ito. Nahihiya man dahil nag inarte ako noong isang araw ngunit talagang kumakalam pa ang aking tyan,
"Maaari ko po bang tikman yung kanin at corned beef?"
Bahagya pang natigilan ang dalawa hanggang sa nagsalita ang matandang babae, "Anak, huwag ka nang magpaalam! Kumain ka nang kumain,"
Inabot nito ang lalagyan ng kanin at sya mismo ang naglagay sa aking plato. Sumunod ay inilagay nito ang corned beef pati na ang pritong itlog
"Ate Anastasia, h'wag kang mahihiya. Parte ka ng pamilya kaya hindi ka na iba," ani Isabela
"Oo, at Anak, kumain ka nang mabuti. Payat ka at hindi pa nakakain nang maayos nitong nakaraan. H'wag kang magtitiis ng gutom," dagdag ng nanay nito
"Salamat po," tugon ko. Muli akong bumaling sa pagkain at dahil sa gutom ay sunud sunod itong isinubo
"Ate, masarap ba ang luto ko?"
"Oo, masarap talaga,"
"Yay! Mas sasarapan ko pa ang pagluluto,"
Pareho na lang kaming natawa dahil halata kay Isabela na masaya at gusto talaga nito ang pagluluto
"Ma, may lakad po kayo?" tanong nito
"Oo, may aasikasuhin lang ako sa bayan,"
"Ingat po," tugon ko
"Salamat, mga Anak,"
Pagkatapos naming kumain ay umalis na ang matandang babae na inihatid ng isa sa mga trabahador. Samantalang kami ni Isabela ay gumayak na upang pumunta sa dagat.
"Hi Eve!" bati ni Isabela pagkarating namin sa snack bar.
"Hi Isabela! Anastasia!" malapad ang ngiti na tugon nito
"Tara, kain tayo," dagdag nito. Kasalukuyan itong nag aalmusal kasama ang maliliit nitong anak
"Uy wow, ang sarap naman ng milkshake mo. Patikim kami," ani Isabela
"Isabela, nakakahiya naman kay Eve," saway ko
"Ganun ba Ate,"
Napangiti naman si Eve, "Ano ba kayo? Okay lang! Teka sabihan ko ang kasama ko na ipaghanda kayo nitong soya at avocado shake,"
"Eve, pasensya na, wala kaming dalang pambayad ni Isabela. Nakakahiya,"
"Sus! Anastasia, h'wag kang mag alala. Magkakaibigan tayo kaya feel at home ka lang,"
"Salamat," tugon ko
"Yay! Salamat Eve!"
Sinaluhan na namin sina Eve at ang mga anak nito sa counter. Habang hinihintay ang aming milkshake ay nagkwentuhan muna kami
"Ilang taon na ang mga anak mo?" tanong ko
"Itong si Lily, 4 yrs old, si Sebastian naman 2 yrs old,"
Parehong nakatingin at nakangiti sa akin ang mga bata kaya naman hindi ko napigilang mapangiti.
"Say Hi to your Tita Anastasia," wika ni Eve sa kanyang mga Anak
"Hello," malambing kong bati sa mga bata
"Hiii," nahihiyang bati ni Lily habang si Sebastian ay ngiting ngiti at panay ang pagpalakpak
Dumating na ang aming mga milkshake kaya sinimulan na naming sumimsim
"Sya nga pala Eve, nakita nyo si Kuya?"
"Oo, kasama sya ni Philo na mangisda,"
"Ah, okay," tugon ni Isabela, "Sana marami silang huli,"
Napangiti si Eve, "Total magkakasama naman tayo, dito na kayo mananghalian. Bonding na rin natin,"
"Ay gusto ko yan!" wika ni Isabela
"Maaga pa naman kaya pwede tayong maligo sa dagat at magsurfing!" dagdag nito
"Korek ka dyan!" tugon ni Eve
"Ate Anastasia, masaya ito!" sabay yugyog sa aking balikat
Natawa na lang ako, "Hindi talaga ako marunong lumangoy pero mukhang masaya nga ang picnic idea ninyo,"
"Don't worry Ate, you will be in safe hands lalo na't nandyan naman si Kuya. Magaling sumisid yun," sabay ang nakakalokong halakhak nito
"Ha? Ikaw na lang Isabela ang magturo sa akin," wika ko
"Nandyan na sila!" wika ni Eve, "Tara, puntahan natin sila," Ibinilin lamang nito sa kasama ang mga anak at nagtungo na kaming tatlo palapit sa dalampasigan
Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang paparating na bangka. Sakay nito ang isang matangkad at kayumangging lalaki na nakatayo at nakangiting kumakaway. Napansin ko si Eve na nakangiti rin at kumakaway. Marahil ay asawa nya ang lalaking iyon. May mga kasama rin ito hanggang sa napansin ko ang pamilyar na lalaking nakaupo sa may dulo ng bangka. Suot pa rin nito ang kanyang damit kagabi at seryosong nakatingin sa malayo. Aaminin ko, kahit mangisda pa ay mukha pa rin itong modelo.
"Stop it, Anastasia," saway ko sa sarili. Imbes na kung anu ano ang aking napapansin ay dapat ko na itong kausapin nang masinsinan upang tiyakin ang mga sinabi nito kagabi
Napansin kong tinapik ng asawa ni Eve si Adam hanggang sa tumingin ito sa aking direksyon. Tila pareho pa kaming bahagyang natigilan nang magtama ang aming mga mata kahit sa malayo. Agad kong namang iniwas ang aking tingin.
Ilang sandali ay nakadaong na ang kanilang bangka sa dalampasigan. Agad na lumapit si Eve upang salubungin ang asawa habang sumunod naman kami ni Isabela. Nang makalapit na kami ay napansin ko pang muling tinapik ni Philo nang pabiro si Adam bago ito bumaba ng bangka.
"Mahal, salamat at ligtas kayo," sambit ni Eve at niyakap ang asawa
"Kuya! Bakit hindi ka nagsabing mangingisda ka pala! Kanina ka pa hinahanap ni Ate Anastasia! Dapat marami kang uwing isda!" sambit ni Isabela
Pinandilatan ko naman ng mata si Isabela, "Hindi ah!"
Muling bumaling sa akin si Adam at hindi ko mawari bakit biglang bumilis ang t***k ng aking dibdib nang muling magtama ang aming mga mata
"Ano?!" singhal ko dito sabay irap
Pareho namang natatawa ang mag asawa.
"Adam, hindi mo ba ako ipapakilala sa maganda mong asawa?" kantyaw ni Philo
Hindi ko maintindihan kung bakit namula at tila nahiya pa ang baliw na lalaking ito. Malayung malayo sa pagiging seryoso at masungit nito
"Anastasia, si Philo, matalik kong kaibigan,"
"Philo, si Anastasia, asawa ko,"
"Nice to meet you, Anastasia," sabay lahad nito ng kamay
Inabot ko ito, "Same here,"
"Naku Isabela, marami kaming nahuling isda ng iyong Kuya," natatawang sambit ni Philo
"Salamat, mga Kuya!" tugon ni Isabela
"Mahal, nakatabi na ang pangkain natin pati na yung kina Adam, habang ang iba naman ibebenta na ng mga kasama," tukoy ni Philo kay Eve
Napansin ko na nga ang ibang mga mamimiling lumalapit na sa kanilang bangka at inaasikaso ng iba nilang kasamang mangingisda
"Tamang tama, yung pangkain iluto na natin mamaya para pagsalu saluhan natin sa tanghalian," tugon ni Eve
"Mahal, kumain na muna kayo ni Kuya Adam," dagdag nito
Sumunod naman kami pabalik sa snack bar. Pagdating namin ay nakahanda na ang mga pagkain para sa dalawang lalaki.
"Balak sana naming magswimming at magsurfing na mga babae," paalam ni Eve
"O sige, babantayan namin kayo," tugon ni Philo
"Anastasia, h'wag ka na munang magsurf, hindi ka marunong lumangoy," saway ni Adam
"Bakit mo ba ako pinagbabawalan? I will try surfing because I want to! Besides, tuturuan ako ni Isabela,"
"Anastasia, it's unsafe! Hindi ka nga marunong lumangoy. Paano kung tamaan ka ng malakas na alon?"
"Don't be overacting, you're not my Dad! Ang hina lang ng alon,"
"Uh, Kuya Adam, payagan mo na si Anastasia. Aalalayan namin sya ni Isabela," sambit ni Eve
"Bro," tapik ni Philo kay Adam
"Bahala na nga kayo," tila sumuko na ito.