Nang iminulat ko ang aking mga mata ay isang panibagong silid ang sumalubong sa akin. Kaiba sa aking kinalakihang kwarto ay yari ito sa mahogany at amakan. Bagamat native ay maayos naman ito at may kalakihan. Nakahiga ako sa kama na may malambot at makapal na kutson. Sa isang tabi ay may kabinet. Sa kabilang sulok ay may vanity na maaari ring maging working desk.
Simula noong araw ng aking kasal ay natatagpuan ko ang sarili sa iba't ibang lugar sa tuwing iminumulat ko ang aking mga mata. Iba iba man ay iisa pa rin ang katotohanan na wala ako sa piling ng aking pamilya at ng lalaking aking pinakamamahal.
Ibinaling ko ang pansin sa may bintana at pinagmasdan ang madilim na kalangitan. Gabi na pala. Bigla ko tuloy naalala na wala pa akong kinakain sa buong maghapon kaya siguro nanghihina ang pakiramdam ko
Ilang sandali ay narinig ko ang mga katok sa pinto,
"Anak, gising ka na pala. Kumain ka muna," sambit ng matandang babae na pumasok sa kwarto. Kasunod nito si Isabela na hawak ang tray na may lamang pagkain
"Ipinagluto muna kita ng nilaga para makahigop ka ng sabaw," dagdag nito
Umupo ako nang maayos mula sa aking kinahihigaan habang inayos ng matandang babae ang food tray at ipinatong ito sa kama sa ibabaw ng aking mga hita. Kumakalam na ang aking sikmura dahil sa gutom kaya agad kong kinuha ang kubyertos at sinimulang higupin ang mainit na sabaw at kainin ang gulay, baka at ang nakahandang kanin.
Tahimik lamang nila akong pinagmasdan habang sinimot ko ang pagkain
"Ate, ipagkuha pa kita ng kanin? Mayroon pa tayong afritada, nakatabi talaga iyon para sa inyo ni Kuya," ani Isabela
Tumango ako. Wala na akong pakialam kung sabihin nilang gutom na gutom ako. Idadaan ko muna sa kain ang kabiguang nararamdaman ko.
"Sige Anak, ipagkuha mo muna ng pagkain ang iyong Ate," sambit ng matandang babae. Agad na umalis si Isabela upang kumuha ng pagkain sa kusina
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" nag aalala nitong tanong
Muli ay tumango ako. Muling bumalik sa aking kamalayan ang mga nangyari kanina. Sa itsura nya ay mukhang wala syang nalalaman sa kawalang hiyaan na ginagawa ng kanyang anak. Ano bang umaandar sa utak ng lalaking iyon?! Kinidnap nya ako upang palabasing asawa nya?!
Sa tuwing maaalala ko iyon ay lalong sumisidhi ang aking nais na makatakas mula sa baliw na iyon. Ngunit kung patuloy akong maglalaban ay baka mas lalo akong hindi makatakas. Kailangan ay makuha ko ang loob ng kanyang ina at kapatid upang tulungan nila akong makaalis dito
"Ate, heto kumain ka pa," kakabalik ni Isabela at sabay ang pagdulog nito ng mga mangkok na may lamang afritada at kanin.
Muli kong inubos ang nakahain na pagkain hanggang sa ako'y mabusog
"Salamat po," tugon ko
Ngumiti naman ang matanda pati na si Isabela
"Walang anuman, Anak. Sya nga pala, inihanda na namin ang iyong mga gamit. Oh sya, mag ayos ka na para makapagpahinga ka na rin."
Tumango ako. Kahit papaano ay maswerte ako't mabait ang nanay at kapatid ng baliw na iyon.
"Isabela, nasaan na ba si Matt? Tawagin mo na at nang samahan na nya dito si Anastasia,"
"Kahit h'wag na po," agad kong tutol.
"Sus! H'wag ka nang mahiya Ate! Natural lang sa mag asawa na magkasamang matulog," may halo pang kilig sa boses nito habang ito'y lumabas na ng kwarto
"Paano Hija, mauna na ako. H'wag kang mahihiyang magsabi kung mayroon kang kailangan,"
Tumango ako, "Salamat po,"
Ilang sandali ay umalis na rin ito at muli akong naiwang mag isa sa aking silid. Bumangon ako at nagtungo palapit sa kabinet. Pagkabukas noon ay natagpuan ko ang mga nakahanger na damit pati na ang iba pang mga nakatuping inner garments. Mayroon ding mga tuwalya na maaari kong gamitin.
Kumuha ako ng isang tuwalya at ng underwear. Napataas ang isa kong kilay nang makita na deklaseng brand pa ng underwear ang inihanda sa akin.
Dumiretso na ako sa banyo na nasa loob ng aking silid. Bagamat gawa sa native na materyales ang kabuuan ng bahay ay maituturing itong moderno dahil sa mga kagamitan nito tulad na lamang ng modernong banyong ito. Hinubad ko ang damit at nagsimulang magbabad sa rainshower. Pati ang sabon at shampoo ay de klase rin.
Pagkatapos maligo ay tinuyo ko ang basang katawan gamit ang tuwalya. Itinapis ko ito at dumiretso na sa kabinet. Kinuha ko ang isa sa mga nakahanger na damit pambahay at isinuot sa aking katawan. Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng vanity. Malayo ang nakikita ko sa repleksyon mula sa aking nakagisnan tulad na lamang ng aking suot. Isa itong makulay at mahabang bestida na yari sa koton at walang manggas na kaiba sa karaniwan kong pambahay na two piece lounge bra at shorts sa lungsod.
Habang nagsusuklay ay napukaw ang aking pansin sa iniluwal ng pinto. Pagkapasok sa silid ay isinara nito ang pinto
"Anong ginagawa mo dito? Ako lang ang matutulog dito," sambit ko
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Hindi ko kailangan ng pangangamusta mo. Don't tell me matutulog ka kasama ko? Umalis ka dito!"
"Anastasia, please. Pagod na akong makipagtalo,"
"Ha! Sana inisip mo yan bago mo ako dinukot!"
"Ano tong palabas na ginawa mo? Dinukot mo ako para maging asawa mo?! Ni hindi nga kita kilala!" dagdag ko
"Bakit mo ito ginawa? Anong pakay mo!" sabay duro sa kanyang dibdib
"Tulad ng sinabi ko noon, you have no choice but to stay with me,"
"No! Hindi mo ako asawa! Stop even thinking na papatulan kita!"
"Hindi ka ba naaawa sa nanay at kapatid mo? You are fooling them! Cover up mo ito para hindi ka nila paghinalaan sa mga krimen na ginagawa mo!" dagdag ko
"Stop it, Anastasia!" sabay ang padarag na pagbagsak nito ng isang folder na may lamang papeles
"Basahin mo yang papeles," utos nito
Dinampot ko ang folder at binuksan upang basahin ang nakalaman sa papeles. Biglang nanlaki ang aking mga mata. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig
"You are my legal wife, Anastasia. Sa mata ng batas, legal tayong mag asawa," seryoso nitong sambit
Tila umurong ang aking dila habang pinoproseso ang nakapaloob sa marriage certificate na nasa aking harapan. Paano ito nangyari? Paano ako kinasal sa ibang lalaki na hindi ko kilala at isang araw pa bago ang kasal namin ni Chase?!
"Kaya ngayon mo sabihin na kinidnap kita. I am not a kidnapper. I am just getting what is legally mine,"
"This is not true! This is fake!" protesta ko
"How could it even be possible?! Pineke mo ito!" dagdag ko
"Honey, nakapirma ka sa papeles na yan,"
"No! Baka nilasing mo ako! Or you drugged me! Th- this is not valid! And don't you ever call me honey!"
"Bes, did you enjoy your last singlehood night?"
"Hindi mo pinatulan yung hunk sa party natin but I saw you flirting with a hot guy!"
"Sus, kunware pa si Bes. Ang saya saya mo nga habang magkausap kayo sa bar. Remember, we went out our VIP room dahil bored ka naman dun sa hunk and we decided to party in the bar!"
Bumalik sa aking alaala ang mga sinabi ni Madi
"I-ikaw?!"
Nanatili lamang itong nakatingin sa akin. Sa totoo lang ay hirap na hirap akong alalahanin ang mga nangyari ng gabing iyon ngunit base sa mga sinabi ni Madi, maaaring sya ang kasama ko ng pagkakataong iyon
"This is not valid!" Pinunit ko ang marriage certificate at hinayaang bumagsak ang folder sa sahig
"I was intoxicated that night! Sinamantala mo lang ang kalasingan ko para papirmahin ako sa isang bagay without my consent! Idedemanda kita!"
"You can say whatever you want. But you are my wife and I am your husband," lumapit ito sa kama at kumuha ng unan. Naglakad na ito upang buksan ang pinto, "Sa labas na ako matutulog. Good night"
"Bullshit!" sigaw ko. Ngunit naglakad na ito palabas at isinara ang pinto. Napahilamos ako ng mukha habang napabuntong hininga dahil sa inis.
Maya maya pa ay napasinghal na ako dahil sa irita
"Bakit ang tanga tanga mo, Anastasia!"