Halos lahat sa bukid ay abala sa paghahanda para sa pista kinabukasan. Tila pinagbigyan naman ang mga tao dahil maganda ang panahon ngayon.
Bakas ang sigla at kasiyahan sa mga tao. Ang mga nagtatrabaho sa bukid kasama si Adam ay masigasig sa pagkakabit ng tent kung saan idaraos ang handaan para sa mga bisita bukas. Inilagay din nila ang mga mesa at upuan at ginayakan ang mga ito ng malinis na puting tela. Upang mas lalong mabuhay ang lugar ay nagkabit sila ng mga banderitas.
Ang iba naman ay naglagay ng arko sa bandang entrada ng lugar. Gawa ito sa kawayan na ginayakan gamit ang mga inayos na dahon nito. Inayos din nila ang mga halaman sa may hardin upang mas pagandahin ang lugar.
Kami naman ni Isabela ay abala sa paglilinis ng bahay. Nagpunta si Mama sa palengke at sya mismo ang mamimili ng mga ilalahok sa handa.
Inuna muna naming linisin ni Isabela ang aming bahay ni Adam dahil nagpadala rin si Mama ng mga bagong pinggan, kubyertos at kurtina para sa aming mag asawa. Kung tutuusin ay madali naming natapos ni Isabela ang ginagawa dahil pinapanatili kong malinis ang bahay kaya halos nagpalit lamang kami ng mga linenware. Sinunod naming linisin ang kanilang bahay nina Mama. Tulad sa amin ay halos hindi naman kami nahirapang maglinis at bagkus ay nagpalit lamang ng mga bagong linenware at nilinis ang mga nakatagong espesyal na dinnerware.
Nakakatakam ang amoy ng nilulutong mga minatamis. Nanunulungan kasi ang ilan sa mga asawang babae ng mga tauhan nina Mama sa kusina.
"Magmerienda muna kayo. Tikman nyo itong biko at leche flan," yaya ni Manang Cleofe
"Salamat po. Saluhan nyo po kami," tugon namin at hindi nag atubiling tikman ang bagong lutong minatamis
"Mmmm, ang sarap po nito!" wika ni Isabela
"Ang sarap nga po, pwede po bang makahingi pa," hindi ko napigilang sambit kaya natawa naman sina Manang Cleofe
Matapos naming magmeryenda ay dumiretso na kami sa may poso upang maglaba. Natagpuan na namin doon si Eve kasama ang iba pang mga babae,
"Eve, pasensya ka na't nahuli kami. Tinikman pa kasi namin ang mga nilutong minatamis," ani Isabela. Napag usapan kasi naming tatlo na bilang paghahanda sa pista ay magpapalit kami ng mga bagong linenware at sabay sabay na maglaba ng mga maruruming garments. Narito rin sa labahan ang mga maybahay ng mga magsasaka.
"Heto, pinagbaon ka namin. Tikman mo muna," sambit ko. Bumaling rin ako sa ibang mga babae, "Saluhan nyo po kami, marami po kaming dinalang mga minatamis,"
"Mukhang masarap nga. Thank you Anastasia, Isabela," tugon ni Eve. Nagpasalamat rin ang mga babae.
Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain na sinamahan pa ng kwentuhan habang kami'y naglalaba. Isinama ko na rin sa aking mga nilabhan ang aking maruruming damit pati na ang kay Adam.
Si Adam ang naglalaba ng aming mga maruruming damit maliban na lamang sa aking underwear ngunit ngayon ay nagpasya akong ipaglaba na rin sya dahil kakagaling nya lang din sa lagnat. Dahil ito ang unang beses kong maglaba ay tinulungan din ako ng mga kaibigan. Kahit pagod ay masaya ako dahil mayroon akong na accomplish ngayong umaga.
"Madame Anastasia, may naghahanap po sa inyo," lumapit ang isa sa mga maybahay ng magsasaka. Nakasunod sa kanya ang pamilyar na itim na kotse at tumigil sa aming harapan.
Agad akong napatayo nang makita ang bumaba mula sa sasakyan,
"Charles,"
"Ma'am,"
Tumigil ito sa aking harapan habang seryosong nakatingin sa akin. Magkahalong saya at lungkot ang aking naramdaman pagkakita sa dati kong bodyguard. Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil malayo sa nakasanayan nitong elegante kong itsura at pananamit, ay nakasuot lamang ako ngayon ng simpleng daster at tsinelas. Pinunasan ko ang mga bula sa aking kamay at ipinagpag ang mga ito. Saka ako naglakad palapit sa kanya,
"Kamusta na. B-buti nakarating ka. Kamusta na sina Mom and Dad?," sambit ko
"Mabuti naman po sila. Kamusta na po kayo?"
"M-mabuti naman. H-hindi na ba sila galit sa akin?" hinawakan ko ang isa nitong kamay, "Susunduin mo na ako pauwi, diba?" naluluha kong tanong
"Ma'am, pasensya na. Hindi po ako naparito upang sunduin kayo pauwi,"
Unti unting bumitaw ang aking kamay mula sa kanya
"Pinapunta po ako rito ng Dad ninyo upang tiyakin kung nasa mabuti kayong kalagayan. Pinapaabot nya ito sa inyo,"
Inabot ng isa nyang kamay ang itinago nitong bouquet ng mga rosas. Kinuha ko ito at binasa ang mensahe sa maliit na card,
"Anastasia, you will always be Dad's little girl. I love you, Anak,"
"Ma'am, mahigpit po ang bilin ni Chairman na isikreto muna ito. Sya lamang sa pamilya ang nakakaalam ng inyong kinaroroonan,"
Tuluy tuloy ang agos ng aking luha habang nakatitig sa sulat kamay ng aking ama
Bakas sa mga mukha ng board of directors ang pagkadismaya sa kanilang nakita. Nag iinit ang magkabila kong pisngi dahil sa labis na pagkapahiya. Pati ang aking team ay hindi makapaniwala sa nangyari. Paano nangyari ito? Hindi ito ang pinagpaguran namin ng aking team! Sino ang nagsabotahe sa aking presentation?
"Mr Chairman, I am sorry but this is BS. What is this crap?!" sambit ng ama ni Lauren na vice president for Finance
"M-mr Chairman and the board, I apologize for what happened but this is not what I and my team worked on. My presentation was sabotaged!"
"Oh, what an excuse. How will your apology address our time that you wasted! You don't deserve to be the vice president for Sales!"
Hinimok nito ang mga ibang myembro ng board upang bumoto na tanggalin ako sa board.
"Mr Chairman," pagpapatuloy nito, "I know a more competent that could handle this... no other than Ms Lauren Taylor, my daughter and the assistant vice president for Finance!"
Pinagmasdan ko ang ibang mga myembro ng board na sumasang ayon habang ang ilan ay hindi,
"Come on, Mr Taylor, are you using this opportunity to promote your daughter?!" ani ng VP for Internal controls
"Bakit hindi na lang tayo magbotohan, Mr Chairman?" panghahamon ni Mr Taylor
"As the Chairman of the board and as you are all aware, as the father of Anastasia, I will inhibit myself from the vote to avoid any conflict of interest. I always believe in our foundation of ethics and fair practice... I hope we all uphold this philosophy in our decisions,"
Hati ang boto ng board at dalawang boto na lang ang hinihintay. Sa aking ina at sa VP for HR
"I vote for Lauren," ani ni Mom. Nais kong umiyak nang marinig ito mula mismo sa aking ina. Alam kong nasa trabaho kami at hindi mananaig porket anak nila ako... pero, bakit hindi man lang nya ako bigyan ng pagkakataon upang ako'y makapagpaliwanag at dumaan sa tamang proseso ng imbestigasyon?
Isang boto na lamang ang hinihintay at nakadepende rito kung sino ang magwawagi
"Ms Castillo, what is your vote?" tanong ni Mr Taylor
"I will vote to give Anastasia and her team a chance,"
"We cannot penalize her employment and deprive her of the opportunity to be heard and undergo the due process just because of this incident. Tandaan natin, sa loob ng ilang taong pagtatrabaho ni Anastasia sa kompanya, may mga mabubuti itong kontribusyon. H'wag sana nating balewalain iyon dahil lamang sa insidenteng ito na hindi pa nga natin natitiyak kung sya nga ba ang may kasalanan,"
"From HR perspective, we will initiate the investigation regarding this matter,"
Agad na nagsitayo at pumalakpak ang aking team na nasa likod, "Thank you Ms Castillo! We are proud employees dahil pinatunayan ninyo ni Chairman ang ethics at values ng kompanya!"
Biglang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang mga luha, "Thank you, thank you for giving me another chance,"
"This is impractical! This is BS!" galit na sabi ni Mr Taylor sabay ang paghampas nito ng mesa
"Mr Taylor, isa pang pagmumura mo ay papatawan na kita ng disciplinary action!" ani ni Ms Castillo
"Team, let's adjourn this meeting. Ms Castillo, go ahead and start the investigation," ani Chairman
"Anastasia, I need an updated version of the proposal by end of today," mariin nitong bilin sa akin
"Yes Mr Chairman, I will give it to you before end of day,"
Wala na kaming inaksayang oras at agad naming trinabaho muli ng team ang proposal. Maaaring sinabotahe ang aming presentation ngunit hindi nila masisira ang aming ideya. Kaya naman madali namin itong nagawang muli,
"Team, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat at humihingi ako ng dispensa sa nangyari,"
"Kahit hindi ko ginusto, responsibilidad ko bilang inyong leader at bilang presentor na siguruhing secured ang ating files. Hindi ko sana kayo napagod dahil sa rework. Pasensya na,"
"Ma'am Anastasia, h'wag po kayong mag alala. Naniniwala kami na hindi nyo kasalanan ang nangyari kanina. Lalong hindi kami papayag na maging boss yung trying hard na si Lauren Taylor, noh!" ani ng isa na sinang ayunan ng lahat
"Team, salamat sa inyong suporta. The success of our team is because of all your contributions. I am just here to guide you. Kaya kung hindi man na ako ang maging boss ninyo in the future, I know na magiging successful ang team na ito,"
Dumiretso na ako sa office ni Chairman upang isumite ang aming proposal,
"Sir, here is our proposal,"
"Maupo ka Hija,"
Seryoso nitong binasa ang dokumento, "Excellent work. Good job to your team and to you. Apart from your team's work, this is also because of your guidance and mentorship,"
Mangiyak ngiyak ako nang marinig si Chairman sa kabila ng nangyari, "Thank you Chairman for giving us another chance. I'm sorry Dad, I failed you and Mom kanina," tuluyan na akong humagulgol
Agad ako nitong niyakap, "Tahan na. I know wala kang kasalanan kanina,"
Sandali akong bumitaw sa yakap, "Dad, hindi ko alam kung paano sinabotahe ang presentation ko. Pero dapat mas naging responsable ako,"
"I already talked to our IT department and asked that they start to backup all the files ng mga empleyado so that this will not happen again,"
Tumango ito, "Good. H'wag mo nang masyadong isipin ang nangyari kanina sa boardroom. HR is already investigating,"
"Always remember that you will always be Dad's little girl,"
"P-pakisabi kay Dad na mahal ko sila ni Mama. Humihingi rin ako ng patawad sa lahat," sambit ko habang humihikbi
"Makakarating, Ma'am Anastasia,"
Agad kong pinunasan ang aking mga luha, "Sandali Charles, may ipapaabot ako sa iyo,"
Agad akong nagtungo sa bahay nina Mama upang humingi ng minatamis. Sinamahan din ako ni Isabela,
"Ma, hihingi po sana ako ng minatamis, para po sa aking mga magulang," naroon na si Mama at nagpaalam ako rito. Nagmano rin dito si Charles
"Anastasia, Anak, hindi ka na dapat magpaalam. Heto," nag ayos ito ng tatlong llanera ng leche flan at ube halaya
"Charles, magbaon ka rin Hijo,"
"Maraming salamat po, Ma'am," tugon nito
"Ma'am Anastasia, makakarating ito kay Chairman,"
"Salamat. Charles, may tanong ako,"
"Ano po iyon?"
"Paano nalaman ni Dad ang kinaroroonan ko?"
"Nag usap po sila ni Sir Adam noong nakaraang araw. Humingi ng appointment ang inyong asawa upang makausap si Chairman,"
"Aalis na po ako, Ma'am,"
Bahagya pa akong natigilan dahil sa nalaman. Ngunit agad akong nakabawi at tumango sa kanya
Nang makaalis na ito ay bigla kong naalala ang aking labada. Agad akong gumayak pabalik at natagpuan sina Isabela at Eve na nagsasampay na kasama ang ibang mga babae
"Isabela, Eve, pasensya na,"
"Don't worry Ate Anastasia! We got this!" ani Isabela
"Salamat,"
Sabay sabay kaming bumalik sa bahay nina Isabela upang magpahinga. Habang naglalakad pabalik ay nakita ko ang mga kasama ni Adam na nagpapahinga at nagmemeryenda malapit sa tent
"Isabela, Eve, daan lang muna ako sa tent. Tatanungin ko lang kung nasaan si Adam,"
"Ayiee, namimiss na si Kuya! Tiyak mangangamatis na naman si Kuya sa kilig kapag nalaman nyang ipinaglaba mo sya,"
"Isabela, stop it!" napipikon kong tugon habang tawa nang tawa naman sila
"Madame Anastasia, magandang umaga po," bati ng mga magsasaka
"Magandang umaga po. Si Adam?"
"Nagpunta po yata sa may bandang bukid,"
"Salamat po," nagtungo ako malapit sa himpilan ng mga nagsasaka sa may bukid. Balak kong personal na magpasalamat kay Adam. Habang papunta ay nakita ko na ito na tila may kausap.
Habang palapit ay tuluyan kong nakita ang kausal nitong natatakpan ng puno. Nanlaki ang aking mga mata nang matagpuan si Amanda na niyakap si Adam
Agad na akong tumalikod at umalis. Habang naglalakad ay unti unti kong naramdaman ang hapdi. Hindi ko maintindihan na tila paulit ulit na sinaksak ang aking dibdib. Hindi ko namalayan ang pag agos ng aking mga luha