Sa halip na pumunta sa bahay nina Mama kung saan naghihintay sina Isabela at Eve ay dumiretso ako sa aming bahay. Agad kong pinunasan ang aking mga luha at nagtungo sa banyo upang maligo. Pinilit kong burahin ang nararamdaman habang patuloy ang pagbagsak ng tubig sa aking katawan.
Nang matapos ay naghanda ako ng tsaa upang pakalmahin ang sarili. Tahimik akong nakaupo sa may dining area habang sumisimsim ng mainit na tsaa.
"Ate Anastasia!"
Tumatakbo palapit si Isabela kasama si Eve. Ngunit napatayo ako nang makita ang babaeng kasama nila
"Madi,"
"Bes!!!" ibinaba nito ang bitbit na maleta at tumakbo palapit sa akin
Ibinaba ko ang hawak na tasa sa mesa. Unti unti akong humakbang. Pinoproseso ko pa ang mga nangyayari ngunit tiyak akong nag uumapaw sa saya ang aking puso. Agad akong tumakbo upang salubungin ang matalik na kaibigan
"Madi!" pareho kaming napaiyak habang mahigpit na magkayakap. Ilang sandali kaming nanatili sa ganitong posisyon habang walang tigil ang aming paghikbi dahil sa labis na kasiyahan. Pakiramdam ko'y nakatagpo ako ng kakampi sa kabila ng sama ng loob na aking nararamdaman
Sandali itong bumitaw at kapwa namin pinunasan ang aming mga luha,
"Bes, kamusta ka na?! Namiss kita nang sobra,"
"Mabuti naman. Sobrang saya ko, namiss din kita sobra," nakangiti na ako matapos ang maramdamin naming pagkikita
"Naku, ano ba yan, nahawa na ako sa pagiging drama queen mo," tugon nito
Pinagmasdan ako nito at nanatiling tahimik nang sandali,
"B-bakit? Mukha na ba akong losyang?" sambit ko. Siguro ay naninibago ito sa aking porma na malayo sa aming kinalakihan
Ngumiti ito, "Alam mo, tumaba ka,"
Agad naman akong naconscious. Maingat ako sa aking timbang dahil mas gusto ni Chase na manatili akong payat. Ngunit tila nakalimutan ko ito dahil malaya kong nakakain ang mga simple ngunit masarap at masustansyang pagkain dito
"Dapat yata mag diet na ulit ako,"
"Ano ka ba?! Bagay nga sa yo! Kesa naman noon na para kang tikling!"
Napataas ang isa kong kilay, "Tikling?! Model body ako noon! Besides, yun ang gusto ni Chase!"
"Whatever. Ipapaalala ko lang sa 'yo, you are now Mrs Adam Alfonzo. Mas maganda ka ngayon!"
Muling sumilay ang nakakaloko nitong ngiti, "In fairness, hiyang ka kay Papa Adam!" sabay ang paghagikgik nito at hinampas pa ang aking braso.
Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng ito!
"Sya nga pala," lumapit ako kina Isabela at Eve na tahimik na nakangiti sa isang tabi
"Madi, si Isabela, ang hipag ko. Si Eve naman, kaibigan namin,"
Bumaling ako sa mga babae, "Isabela, Eve, si Madi. Best friend ko,"
"Hello, mga hitad!" masiglang bati ni Madi at niyakap ang dalawa
Napansin kong bahagyang nabigla ang dalawa ngunit nakabawi din,
"Nice to meet you, Madi," tugon ni Eve
"Hello, Ate Madi!" sambit ni Isabela
"Bes, bawasan mo kasi ang pagiging babaeng bakla mo, nabibigla tuloy sila," sambit ko
"Ate Anastasia, okay lang sa amin!" sambit ni Isabela na nagniningning ang mga mata, "Di ba Eve?"
"Oo naman," masiglang sambit ni Eve
"O, ano ka ngayon dyan?" nakakalokong tugon ni Madi, "Nauna ko nang na-meet si Tita kanina. Pati nga si Tita natuwa sa Beshy mo!"
"Alam mo, Isabela, para kitang nakakabatang kapatid. Feeling ko, magkakasundo tayo sa mga kalokohan,"
Sabay na natawa ang tatlo. Pinagmasdan ko sina Isabela at Madi at napasuklay na lamang ako ng buhok dahil sa itsura nila ay mukhang totoo nga ang sinabi ni Madi
"Paano ka nga pala nakarating dito?" tanong ko
"Anastasia," sambit ng isang pamilyar na boses
"Hi, Papa Adam!" masiglang bati ni Madi
"Bes, bumisita sa opisina si Papa Adam and he invited me sa fiesta dito sa lugar ninyo, at syempre, para magkita na rin tayo!"
Kahit alam kong nag effort si Adam upang patawarin ako ni Papa at magkita kami ng aking matalik na kaibigan ay mas nangingibabaw ang aking sama ng loob. Pinilit ko itong hindi pansinin kahit alam kong nariyan sya
"Anastasia, hinahanap mo raw ako kanina? Pumunta ako kina Mama pero wala ka,"
Nanatili akong seryoso at tahimik. Habang bakas sa mukha ng tatlong babae na naguguluhan sa aking inaasta. Pati si Madi ay tinaasan na ako ng kilay
"Masama ba ang pakiramdam mo?" lumapit ito at banayad na hinawakan ang aking kamay. Ngunit agad ko itong tinabig. Bahagya itong natigilan,
"M-may problema ba?" nag aalalang tanong nito
Bumaling ako dito at nang makita ang kanyang mukha ay lalo kong tinapangan ang aking tingin dahil sa inis. Naiinis ako sa kanya at sa sarili ko! Naiinis ako dahil sinungaling sya! Pero mas naiinis ako dahil kahit na alam kong wala akong pakialam ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing kasama nya si Amanda!
"Ah, eh, Bes... kasama kong nagpunta rito ang mga kaibigan ni Adam pati na ang mga Campbell," pagbabasag ni Madi sa tensyon
"Salamat Madi," tugon ni Adam,
"Salamat sa pagbisita. Please meet my wife, Anastasia," turing nito sa mga kaibigan
Muling bumaling sa akin si Adam,
"Anastasia, mga kaibigan ko,"
"Adam, salamat sa pag imbita sa amin para na rin makita namin ang iyong Mama, sina Anastasia at Isabela pati na ang ating mga kaibigang sina Eve at Philos," sambit ng isa sa kanila
Lumapit sa akin ang isang matangkad na lalaki kasama ang marahil ay kanyang asawa. Nang mahimasmasan ako ay napagtanto kong sila ang mag asawang Campbell na may ari ng Empire Tower
Nakangiting inilahad ng lalaki ang kanyang kamay,
"Anastasia, Matt Campbell. Nice to meet you,"
Tumango ako at nakipagkamay tulad ng nakasanayan kong gawin noong nasa kompanya,
"Nice to meet you, Mr Campbell. Anastasia Whitman from Whitman Land. I heard about Empire Tower's construction projects from the recent business summit,"
Ngumiti ito, "Same here. Isa sa mga major developers ang inyong kompanya,"
"Please meet my wife, Elle,"
Grasyosa si Mrs Campbell na yumakap pa sa akin, "My pleasure to meet you Anastasia,"
"Thank you," nakangiti kong tugon
Sumunod na lumapit rin ang isang matangkad na lalaki
"Anastasia, welcome to our brotherhood. Caleb Rockefeller. I'm glad to meet you,"
"Same here, thank you," tugon ko
Ipinakilala rin nito ang kasamang babae, "Meet my fiancee, Kate at ang kaibigan namin, si Tessa"
"Hi Anastasia," tulad ni Elle ay mainit rin ang naging pagbati nila sa akin at nakipagkamay
"Hello lovely lady," bati ng isa pa nilang kaibigan. Inabot nito ang aking kamay at hinalikan
"William," seryosong sambit ni Adam
"Cool ka lang Bro," itinaas nito ang kamay at pilyong ngumiti. Malayo kina Adam ay mukha itong mapaglaro at pilyo. Ngunit nangungusap ang mga biloy nito sa tuwing ngumingiti
"Masyadong malihim itong si Adam, kaya pala hindi sya nakasama doon sa opening ng bagong resort ni Caleb ay dahil wedding day nyo pala,"
"Anyway, I am fortunate to meet you, my lovely lady. We are here to support you. And you can always let me know if you need anything," dagdag nito
"William, will you stop being epal," sabat ni Madi
"Oh, come on Madi," ani William
"Magkakilala kayo?" tanong ko
"Yeah, that epal and I are friends,"
"O, baka mag away pa kayo. Hi, Isabela! Kamusta na," bati ni Matt. Niyakap rin ni Elle si Isabela
"Okay naman, Kuya Matt and Ate Elle!"
"Mananghalian muna tayo kina Philos at Eve," anyaya ni Adam
"Eve, kinausap ko na rin si Philos,"
"Oo naman Kuya Adam. Welcome kayo sa restaurant,"
"Oh, tamang tama, makikita rin natin si Philos. Kamusta na sya?" wika ni Caleb
"Maayos naman," tugon ni Eve
Iniwan muna namin sa loob ng bahay ang mga gamit ni Madi. Pagkatapos ay gumayak na ang lahat pabalik sa kani kanilang sasakyan.
Habang naglalakad kami ay tumatakbo palapit si Amanda,
"Adam!"
"Huh?"
"Saan kayo pupunta?"
"Manananghalian kami sa restaurant,"
"Pwede bang sumama sa inyo? Wala kasi akong kasama,"
"Pero Amanda--"
"Sige na, Adam. Magkababata naman tayo and I know you care for me. Sabay ako sa 'yo ah," dire diretso itong nagtungo sa tabi ng driver's seat ng sasakyan ni Adam
Agad naman akong siniko ni Madi, "Huy! Ano ba? Sabunutan mo na,"
Lumapit si Adam sa driver's seat upang pakiusapan si Amanda na umalis,
"Hindi na kailangan. Kayo na ang sumakay dyan," wika ko
"Pero Ate," protesta ni Isabela
"No, Anastasia. You will go with me," ani Adam
Tama na. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko dahil alam ko namang ako ang sagabal sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung kanino ako makikisakay pero bahala na
"Uh, it's okay Adam. Sa amin na sasabay si Anastasia," ani Elle.
Wala nang nagawa si Adam at dumiretso na ako sa sasakyan nina Elle. Habang bumabyahe ay tahimik lamang ako sa backseat,
"Okay ka lang ba dyan, Anastasia? You need anything?" ani Elle
"I'm okay,"
Halos sunud sunod lang kaming nakarating sa restaurant nina Eve at Philos. Masaya kaming sinalubong ng una,
"Nakahanda na ang pananghalian," ani nito
Namili na ng upuan ang lahat upang dumulog sa hapag kainan. Napansin kong nag iwan ng bakanteng upuan si Adam sa pagitan nya at ni Caleb.
"Anastasia, ipinagreserba na kita ng upuan," sambit nito
Ngunit hindi ko ito pinansin at bagkus ay pinili kong maupo sa dulo katabi ni Madi.
"Huy, anong ginagawa mo dito? Doon ka sa tabi ng asawa mo maupo! At baka may haliparot na tumabi doon!"
Tama nga si Madi dahil ginamit itong pagkakataon ni Amanda upang maupo sa tabi ni Adam. Ngunit kung akala nya'y muli syang mananaig ay mukhang nagkamali ito
"Kuya, tabi ako sa yo ha," mabilis na sumingit si Isabela. Wala nang nagawa si Amanda kundi umupo sa isa pang bakanteng upuan
Kapwa nahuli kong nangingiti sina Elle at Kate dahil sa pagkapahiya ni Amanda. Aaminin ko, sikretong nagdiriwang ang aking kalooban
Pinilit kong libangin ang sarili sa pakikipagkwentuhan kay Madi. Habang abala ang lahat sa pagkain at kwentuhan ay mahina itong nagwika,
"Bes, ano bang problema nyo ni Papa Adam? Kanina pa ako nanggigigil sa epal na Amandang yan ha,"
"Wala naman kaming problema. At saka, kalokohan lang yang kasal kasalang nangyari sa amin kaya wala akong pakialam sa kanilang dalawa,"
"In two weeks, babalik na ako sa Manila and we'll start the annulment," pagkabitaw nito ay hindi ko maintindihan ang bahagyang kirot sa aking dibdib. Pinilit ko itong winaksi at bagkus ay itinuon ang pansin sa aking kinakain
"Well, may plano ka na pala. Pero bakit malungkot ang beshy ko?"
I chuckled, "Malungkot? Of course not! In two weeks I'll be returning to my normal life and I'll come back to Chase. Isn't obvious that I'm happy?!"
"Nakangiti ka nga pero hindi mo maitatago na malungkot ang mga mata mo,"
Hindi ako nakakibo. Nang mapadpad ang aking paningin kay Adam ay natagpuan ko itong nakatingin sa akin. Agad kong iniwas ang tingin at muling itinuon ang pansin sa kinakain
Ilang sandali pa ay iniabot sa amin ni Matt ang isang plato ng binalatang laman ng alimango,
"Anastasia, pinapabigay ni Adam. Kumain raw kayo ni Madi ng alimango,"
"Ay ang thoughtful naman. Thank you Papa Adam!" parinig ni Madi
Nahuli kong nakatingin pa rin sa akin si Adam ngunit binalewala ko ito.
"Huy, kainin mo ito," ani Madi
"Ayoko nyan, busog na ako," sabay ang aking pagsimsim ng mango shake
Matapos naming kumain ay gumayak na ang lahat pauwi. Babalik na muna sa resort na kanilang tinutuluyan ang mga kaibigan ni Adam at muling bibisita kinabukasan sa araw ng fiesta.
Nakasunod ako sa mag asawang Campbell,
"Love, naiihi ako. Pwede bang bantayan mo muna ako sa restroom," ani Elle
"Oo naman, Love,"
"Anastasia, pasensya ka na. Naiihi na kasi ako,"
"No worries, Elle. Hintayin ko na kayo dito,"
"Anastasia, sa sasakyan mo na kami hintayin para makapagpahinga ka rin. Ito ang susi,"
"Okay, thanks Matt," dumiretso na ako sa kanilang sasakyan at matapos istart ang kotse ay naupo na ako sa backseat
Mula sa loob ay nakita ko na ang ibang mga sasakyan na nakaalis na kasama ang kay Adam. Tulad kanina ay naupo pa rin sa tabi ng driver's seat si Amanda
Ilang sandali pa bumukas na ang pinto ng driver's seat at pumasok na ito sa loob
"Nasan si Elle?---"
Natigilan ako nang lumingon ito,
"What are you doing here?!" nanlaki ang aking mga mata nang makitang si Adam ang humawak ng manibela
"Ipagmamaneho ko ang asawa ko pauwi," sabay ang pilyo nitong ngiti
I groaned in disgust, "Magdrive ka mag isa mo. Bababa na ako,"
Binuksan ko ang pinto ng backseat at lumabas ng sasakyan
"Anastasia, mag usap tayo," agad akong hinabol ni Adam at hinawakan ako sa aking braso
"Adam, wala tayong dapat pag usapan!" muli kong tinabig ang kamay nito
"We're not yet done Anastasia," para akong naging papel na mabilis nitong binuhat pabalik ng sasakyan
"Bitawan mo ako!" pilit akong kumakawag ngunit sadyang malakas ito at agad akong naipasok sa tabi ng driver's seat. Nang makaupo na rin ito sa loob ng sasakyan ay agad na itong nagmaneho
Pareho kaming tahimik hanggang sa makauwi. Lalabas na ako ng sasakyan nang pigilan ako nito,
"Anastasia, mag usap tayo. Bakit ka ba nagagalit? A-ano bang problema?"
"Pwede ba, stop acting as if you care for me! Because you don't!"
"Hindi ko alam na sasama si Amanda. Sinubukan kong pakiusapan sya na umalis sa tabi ng driver's seat pero ayaw mo naman. Ano bang ginawa kong hindi mo nagustuhan?"
I sarcastically chuckled, "Adam, h'wag ka nang magsinungaling,"
"Anastasia, please don't be unreasonable---"
"Unreasonable?" bahagya akong natawa, "Oo nga pala, ako naman talaga ang hadlang sa inyong dalawa ni Amanda, hindi ba?!"
"Kaya mo ba ako kinidnap, para bumalik sa 'yo si Amanda? At ngayong nandito na sya, kaya kinausap mo na si Dad at si Madi para makabalik na ako sa amin,"
Ngumiti ako, "Hindi ako tanga. H'wag ka nang magkunwari as if you care! Don't worry, you're actually doing me a favor. Sasabay na ako kay Madi pagbalik nya sa Manila. Kaya h'wag na nating patagalin pa ang annulment. Maghiwalay na tayo!"
"Hindi totoo yan, Anastasia--"
Hindi ko na ito hinintay pang makatapos at bagkus ay bumaba na ako ng sasakyan. Pinunasan ko ang mga butil ng luhang bumagsak mula sa aking mata.
Nang makapasok ako sa silid ay hindi ko natagpuan ang mga gamit ni Madi. Marahil ay dinala nya ito kina Isabela. Nagdala ako ng ilang damit at dumiretso papunta sa bahay nina Mama. Natagpuan ko pa si Adam na naghihintay sa aming sala,
"S-saan ka pupunta,"
"Doon muna ako kina Madi at Isabela," seryoso kong tugon
"Anastasia, mali ang iniisip mo. Wala akong balak---"
"Tama na. H'wag muna tayo mag usap," at dumiretso na ako paalis
Pinilit kong ikubli ang nararamdaman nang makarating sa silid ni Isabela. Natagpuan kong nagkukwentuhan sila ni Madi
"Ate Anastasia!" bati nito
"Dito muna ako magsiesta ha,"
"Bes, nag usap na ba kayo ng asawa mo?"
"Wala naman kaming pag uusapan... Hay, nakakapagod ngayong araw," humiga na ako sa kama ni Isabela, "Tulog na muna ako ha,"
"Ate, okay ka lang ba?"
Lumingon ako sa kanila at pinilit ngumiti, "I'm good. I'm just tired," at tumalikod na ako upang matulog. Habang pinipilit ang sariling makatulog ay unti unting nabasa ng luha ang aking unan hanggang sa kainin na ako ng antok.
Magtatakip silim na nang ako'y magising. Natagpuan ko ang dalawa na nakabihis at nag aayos,
"Saan kayo pupunta?"
"Bes, bumangon ka na at pupunta tayo sa sayawan!" sambit ni Madi
"Oo Ate, ngayon pala ang sayawan sa plaza. Doon na tayo magdinner at party! Nagpaalam na rin ako kina Mama at Kuya,"
Bumangon na nga ako at naghanap ng susuutin. Buti na lang at naibaon ko ang isang summer dress kaya ito ang isinuot ko. Inayusan din ako ni Madi kaya kahit paano ay naikubli ng make up ang aking kalungkutan.
Nang makarating sa sayawan ay sinalubong kami ng masaya at modernong tugtugin at makukulay na ilaw. Maraming mga tao at halos mga kabataan ang naroon. Marami rin ang mga magkasintahan.
Naupo kami sa isang table at umorder ng pagkain at inumin. Excited ang dalawa na sumayaw habang ako nama'y gusto lamang kumain at manood,
"Ate Anastasia, tara, magsayaw muna tayong tatlo!"
"Bes, ano ka ba? H'wag kang KJ! Tara na!"
Pumayag na rin ako at nakipagsayaw sa dalawa. Kahit paano ay gumaan ang aking kalooban. Nang mapagod ay bumalik na muna ako sa aming table habang ang dalawa ay enjoy pa rin sa pagsasayaw.
Habang nanonood sa mga sumasayaw ay panay ang aking pag inom. Kahit sabihin ng aking isip na kung tutuusin ay pabor sa akin ang nangyayari at maaari na akong makabalik sa dating buhay ay hindi ko maintindihan ang sakit ng kalooban na aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay nahulog ako sa sariling bitag.
Nagpatuloy ako sa aking pag inom hanggang sa tuluyan na akong nagpadala sa antok.
Namalayan ko na lang na nakasampa ako sa likod ng isang lalaki
"Shino ka, saan mo ko dadalhin?" tanong ko
Hindi ito kumikibo
"Sh-shino ka nga! Isu...susumbong kita sha asawa ko..."
Agad akong natawa pagkasambit nito, "Sh-sabagay, wala namang pakialam shakin yun,"
"Lasing na lasing ka. Bakit ka ba nagpakalasing nang sobra?" panenermon nito
"Shelebration yun... malapit na ulit akong maging shingle! Yesh!"
"Tama na yan. Uuwi na tayo,"
"Uuwi? Ayokong umuwi! Dalhin mo ko sha byenan ko... wag dun sha asawa ko..."
Hindi ito kumibo at nagpatuloy lamang sa paglalakad habang buhat buhat ako sa kanyang likod. Nang makarating kami sa tila pamilyar na lugar ay muli akong nagwika,
"Teka! Bahay namin yan ah. H'wag mo nga ako dalhin sa asawa ko... dun ako sa byenan ko..."
"Anastasia, h'wag ka nang makulit. Dito ka uuwi sa bahay,"
"Shee! Walang tao sa bahay... hindi na yata makapaghintay, sumama na kay Amanda!"
Muli akong tumawa, "Nagshelebrate na rin sila!"
Ngunit unti unting bumagsak ang aking mga luha hanggang sa tuluyan na akong humikbi, "Masama nga siguro ako. Mga magulang ko, ayaw akong makita... Yung fiance ko, walang pakialam. Pati sya...pinapaalis na ako,"
"Palagi na lang akong iniiwan..."
Wala na akong narinig mula sa aking kasama. Bagkus ay dinala ako nito papasok sa aming bahay at inihiga sa kama. Dahil sa sobrang hilo ay hindi na malinaw sa akin ang mga pangyayari. Matapos ang ilang sandali ay tanging naramdaman ko ay ang mainit at mahigpit na yakap at mabibining mga halik sa aking pisngi. Bumitaw ang brasong nakayakap sa akin ngunit pinigilan ko ito at yumakap ako paharap,
"Please, h'wag mo akong iwan," kasabay ang aking munting paghikbi
"Dito ka lang sa tabi ko....Adam,"