CHAPTER 14

2065 Words
Ang sarap sa pakiramdam ng init na yumayakap sa aking katawan sa kabila ng malamig na panahong dulot ng ulan. Ginigising na ako ng aking isip ngunit ayoko pa. Ang aking diwa ay tila nasa isang magandang panaginip. Ngayon ko lang naranasan ang masarap at payapang tulog. Matapos pagbigyan ang sarili ng ilan pang minuto ay unti unti ko nang iminulat ang aking mga mata. Bagamat inaantok pa ay agad itong nanlaki nang namalayan kong nakasandal ang aking ulo sa dibdib ni Adam habang kami'y mahigpit na magkayakap! Agad akong napabalikwas upang bumangon "Ah!" ngunit agad din akong bumalik sa pagkakahiga nang mabilis ako nitong ikinulong sa kanyang mga bisig. "Maaga pa," nagpakawala ito ng mahinang ungol. Habang ako nama'y nabingi na yata sa lakas ng t***k ng aking dibdib. Para akong timang na hindi makapag isip nang maayos! Inangat ko ang aking mukha at natagpuan ang maamo nitong mukha habang mahimbing na natutulog. Habang pinagmamasdan ang maganda nyang mukha ay napadpad ang aking mga mata sa bahagyang nakaawang nitong mga labi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman at bakit tila pumungay ang aking mga mata at inaakit ng kanyang maninipis na labi. Agad akong nahimasmasan at sinaway ang sarili. Napapikit ako nang mariin at paulit ulit na pinagalitan ang sarili sa aking isip. Umagang umaga pa lang ay kung anu anong kalokohan ang pumapasok sa aking utak! Habang abala sa aking mga iniisip ay tila naging blanko ang lahat sa isang iglap. Nanlaki ang aking mga mata at halos magwala ang t***k ng aking puso nang namalayang naglapat na ang aming mga labi! Bahagya itong gumalaw at mas inilapit ako sa kanya kaya hindi sinasadyang mahalikan ako nito. Ilang sandali akong natigilan at hindi malaman kung ano ang gagawin. Ramdam ko ang malambot nitong mga labi habang naaamoy ko ang mint mula sa kanyang bibig. Mas nawindang pa ako nang bahagya nitong inawang ang bibig at sakupin ang pang ibaba kong labi! Buong lakas ko itong itinulak at mabilis na akong bumangon mula sa aming kinahihigaan. Bagamat nahihilo pa ay sinikap ko nang makaalis mula sa sofa at agad na dumiretso sa kusina. Dinaig ko pa ang tumakbo ng kilometro sa bilis ng t***k ng aking dibdib. Napainom ako ng isang basong tubig at sandaling nagpahinga sa may pasimano. Parehong nag init ang aking magkabilang pisngi. Napailing na lamang ako habang hindi makapaniwala sa nangyari. Sariwa pa sa aking alaala ang pagdampi ng kanyang mga malalambot na labi sa akin. Naiwan pa ang sensasyon ng paggalaw ng kanyang labi at paghalik sa aking ibabang labi. Nang makabawi ay isinantabi ko muna ang aking pagkawindang at muling lumapit dito. Inilapat ko ang aking palad sa noo nito upang tignan kung may sinat pa rin ito "Ang init mo. May lagnat ka," nag aalala kong sambit. Agad na akong tumayo at dumiretso sa silid upang mag ayos ng sarili. Pagkatapos nito ay lumabas na muna ako ng bahay bitbit ang natirang allowance na binigay nya sa akin upang mamili ng lulutuin. Basa pa ang lupa buhat sa kakatapos na ulan. Habang naglalakad ay napukaw ang aking pansin mula sa isang sigaw, "Anastasia!" Nang lumingon ako ay natagpuan ko ang matandang babae at palapit sa akin, "Anak, saan ka papunta? Ang aga pa," "Ma, pupunta po ako ng palengke para mamili ng lulutuin para kay Adam. Masama kasi ang pakiramdam nya," "Ganun ba, naku, h'wag ka nang mamalengke at baka mabasa ka pa ng ulan mamaya. Halika at ipagluluto ko kayo ng almusal," "Pero Ma, nakakahiya na po," "Anak, kung may kailangan ka, h'wag kang mahihiya na lumapit sa akin," "Salamat po, Ma," Tinulungan ako ni Mama sa paghahanda ng pagkain. Sya mismo ang nagluto ng arroz caldo sa aming kusina. Pati si Isabela ay pumunta rin sa bahay upang tumulong. Sa totoo lang ay mapalad ako dahil mabait sina Mama at Isabela. "Luto na ito, Anak maghain ka na," sambit ng matandang babae kay Isabela. Sumunod naman ang huli "Anak, gisingin mo na si Adam," "Opo Ma," tugon ko. Agad akong lumapit kay Adam na mahimbing pa ring natutulog. "Gising na," banayad ko itong tinapik Unti unti nyang minulat ang kanyang mga mata. Tila bahagya pa itong nagulat, "Uh, anong oras na?" "H'wag ka na munang magpunta sa bukid. May lagnat ka pa. Kamusta na ang pakiramdam mo?" "Okay na ako. Kasama na kita eh," sabay ang ngiti nito Awtomatikong umirap ang aking mga mata, "Pasalamat ka at masama ang pakiramdam mo kaya hindi muna kita papatulan. Sandali, dadalhin ko na ang pagkain mo," agad na akong tumayo at bumalik sa kusina Kumuha ako ng isang mangkok at ipinagsandok ng lugaw at nilagang itlog si Adam "Ma, Isabela, nandito pala kayo," sambit ni Adam "Oo Kuya, ipinagluto ka nina Mama at Ate," Tumayo ito at lumapit sa akin, "Tulungan na kita," "Bumalik ka na muna sa sofa. Dadalhin ko itong pagkain mo," "Pero--," "Adam Anak, makinig ka sa asawa mo," sambit ni Mama Wala na itong nagawa kundi sumunod at bumalik sa sofa "Ang tigas ng ulo ni Kuya. Kaya kahapon pa umiinit ang ulo sa 'yo ni Ate Anastasia eh," sabat ni Isabela Inihatid ko na ang pagkain kay Adam at ipinatong ito sa maliit na mesa. "Pagkakain mo, uminom ka ng gamot para bumaba ang lagnat," "Yes ma'am," "Anak, kumain ka na rin," yaya ng matanda sa akin "Mamaya na lang po ako," Naupo ako sa tabi ni Adam sa sofa at hinawakan ang mangkok at kutsara upang subuan ito. Tila bahagya naman itong natigilan, "S-subuan mo ako?" "H'wag ka nang pabebe. Kainin mo na ito," at pinagduldulan ko ang kutsarang may hawak na lugaw. Sumunod na rin ito sa aking utos "Awww, ang sweet naman," sambit ni Isabela habang pansin kong nangingiti ang matandang babae. Pagkatapos kumain ng almusal ay pinainom ko ng gamot si Adam at naglapat ng basang tuwalya sa kanyang noo. Nagpaalam na rin ang mag ina upang bumalik sa kanilang bahay "Ate Anastasia," "Ano yun?" "Love-nat yang kay Kuya. Gagaling yan sa kisspirin at yakapsule," "Isabela, tama na yan!" saway ni Adam "Kunware ka pa Kuya," natatawang sambit ni Isabela "Isabela tama na yan," saway ng matandang babae "Mga Anak, maiwan na namin kayo rito. Tumawag lang kayo pag may kailangan kayo," "Salamat, Ma. Salamat din sa mga pinadala nyong pagkain at gamot," Tumango si Mama at lumabas na sila ni Isabela "Anastasia, kumain ka na," sambit ni Adam "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko "Okay lang. Magpapahinga na muna ako," Tumango ako at dumiretso na sa kusina upang kumain. Pagkatapos ay naligo muna ako bago simulang magluto para sa tanghalian. Nang matapos ang aking nilutong nilagang baka ay inihanda ko na ang kanyang pagkain. Inalis ko ang nakapatong na basang tuwalya sa kanyang noo at sinalat ang kanyang mukha. Nakahinga ako nang maayos nang bumaba na ang temperatura nito. Tumayo muna ako at nagtungo sa silid upang kumuha ng tuyong tuwalya. Pagkabalik ko sa kanyang tabi ay pinunasan ko ang pawis sa kanyang mukha at leeg. "Anastasia," unti unti itong nagising Ngumiti ako, "Magaling ka na. Bumangon ka muna sandali at tiyak basa na ng pawis ang likod mo," Nang makaupo na ito ay muli itong bumaling sa akin, "Ako na lang ang magpunas," "Ako na! Alisin mo na yang tshirt mo," wala sa loob kong sabi Muli na naman itong natigilan, "S-sigurado ka?" Agad namang nag init ang aking mga pisngi, "Ano bang iniisip mo? Pupunasan ko lang yang likod mo!" Nagsisimula na naman akong mairita. Masyadong assuming! Muling gumuhit ang pilyo nitong ngiti. "Bakit ka ngumingiti dyan?!" mataray kong sambit "Wala, wala naman," hinubad na nito ang kanyang pang itaas kaya tumambad sa akin ang matipuno nitong katawan. Agad nag init ang aking mga pisngi, "Bakit nakaharap ka pa! Tumalikod ka na!" I heard him slightly chuckle. Magaling na talaga sya. He's starting to get in my nerves! Tumalikod na nga ito at sinimulan ko nang punasan ang kanyang likod. Napukaw ang aking pansin ng mga peklat sa kanyang likuran, "Napano ang mga ito?" nakakatakot ang mga peklat kaya hindi ko maiwasang mag alala kung anong nangyari sa kanya Nanatili lamang itong tahimik. Hindi ko mawari kung bakit nasasaktan ako. Banayad kong hinawakan ang mga ito "Kung sabihin kong dahil sa 'yo ang mga yan, maniniwala ka ba?" sambit nito habang nakatalikod pa rin sa akin "A-anong ibig mong sabihin?" Lumingon ito sa akin at sa isang iglap ay hinila ako palapit sa kanya. Sinubukan kong kumawala sa kanyang bisig ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang kanyang yakap, "Salamat," isinuksok nya ang kanyang mukha sa sulok ng aking leeg kaya ramdam ko ang dampi ng hangin mula sa kanyang hininga Ilang sandali syang nanatiling tahimik, "Dahil sa 'yo, lumalakas ang loob ko. Hindi na mahalaga ang nakaraan, ang importante, kaya kong harapin ngayon dahil kasama kita," Hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi. Ngunit mas lalong hindi ko malirip ang sakit na nararamdaman ng aking kalooban. Sinubukan ko itong iwaksi dahil baka nalilito lang ako at bumitaw sa kanyang yakap, "Uh, tanghali na. Kumain na tayo," Matapos mananghalian ay sinabihan ko muna si Adam na magpahinga upang makabawi ng lakas. Sumunod naman ito habang nanatili naman akong nakaupo at binantayan ito. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang sarili na nakahiga sa sofa. Madilim na nang magising ako kaya agad akong napabalikwas. Hindi pa ako nakapag init ng pagkain! Nakatulog pala ako kanina. "Luto na itong hapunan," sambit ni Adam "Huh?" "B-bakit ka na nagluto, maayos na ba ang pakiramdam mo?" "Magaling ang nurse ko kaya gumaling ako agad," nakangiti nitong sambit "Nilagnat ka lang, nambola ka na," pagtataray ko. Tumawa lang ito; marahil sa sanay na ito sa aking kasupladahan at katarayan Sabay naming pinagsaluhan ang natirang nilaga sa hapunan. Pagkatapos nito ay sya na ang naghugas ng pinggan at kubyertos, "Ako na lang ang maghugas, baka mabinat ka," "Okay lang. Para araw araw mo akong alagaan," sabay ang pilyo nitong ngiti "Kapag nilagnat ka pa ulit, isasauli na kita sa nanay mo!" Umalis na ako papunta sa aking silid habang natatawa pa rin ito. Pilit kong ikinubli ang itinatago kong ngiti Pagkatapos maglinis ng sarili ay nahiga na ako sa aking kama. Ang sarap magpahinga matapos ang mahabang araw. Ngunit dahil siguro napasarap ang aking tulog noong hapon kaya hindi pa ako dalawin ng antok. Lumabas muna ako ng silid upang uminom ng mainit na tsokolate. Natagpuan ko si Adam na nakahiga na sa sofa. "Doon ka na sa kwarto matulog," sambit ko "Huh?" "Mamili ka, sa labas ng bahay o sa loob ng kwarto?" "Sigurado ka ba? Naninibago ako sa 'yo," "H'wag kang assuming, Adam. Ngayon lang yan dahil kakagaling mo sa lagnat. Bukas dyan ka na ulit sa sofa," Ngumiti ito, "Yes Ma'am, susunod na po," Ilang sandali pa ay sumunod rin ito sa akin sa kusina "Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko "Syempre hindi ko palalagpasin ang gabi gabi nating pag inom," Bahagya akong tumawa, "Ipagtitimpla muna kita," I cleared my throat, "Ngayon lang yan, para maliwanag," Matapos naming inumin ang aming night cap ay dumiretso na rin kami sa silid para magpahinga. Natagpuan kong naglatag ito sa sahig Kinuha ko ang isang unan at inilagay sa gitna ng kama, "Dito ka sa kama mahiga, baka malamigan ka pa. Yung isa mong unan, idagdag na lang natin na pangharang," Tila natigilan pa ito ngunit pinanlakihan ko ito ng mata, "Ayaw mo? Edi sige, dun ka kina Amanda matulog!" Padabog akong humiga patalikod sa kanya at nagtalukbong ng kumot. Mariin kong ipinikit ang mga mata lalo na't naalala ko ang inis sa babaeng iyon Ano bang akala nya, may gusto ako sa kanya? For all I know, I am just being a compassionate human! Pasalamat nga sya at pinagmamalasakitan ko pa sya! What was he thinking? That I am chasing him? Of course not! May payakap yakap pang nalalaman! Kung mas gusto nyang ang babaeng iyong mag asikaso sa kanya, edi pumunta sya sa kanila! Abala ang aking isip at nanggigigil ako sa irita. Ngunit tila huminto ito nang maramdaman ang mga bisig na yumakap sa akin mula sa likod, "Bitawan mo nga ako! Bakit mo inalis yung mga harang!" pilit akong nagpupumiglas ngunit tila idinikit na nito ang kanyang matipunong braso sa aking maliit na baywang. Sa halip na bumitaw ay mas lalo pa nitong inilapit ang sarili sa akin "Don't move, else, I'll kiss you again,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD