CHAPTER 17

3972 Words
Unti unti akong ginigising ng liwanag ng araw mula sa bintana. Ngunit ang init na bumabalot sa akin ay hinihikayat pa rin akong matulog. Alam kong panaginip lamang na inalagaan ako ni Adam nang buong gabi ngunit ayoko pang matapos ang panaginip na ito. Strange as it may seem, nais kong manatili sa kanyang tabi. Nang tuluyang magising ang aking diwa ay unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit agad kong kinusot ang mga ito sa aking natagpuan. Ang kanyang maamong mukha habang mahimbing na natutulog ang sumalubong sa aking paggising. Halos maduling ako sa lapit ng aming mga mukha. Dahil rin sa lapit ay amoy ko ang mint na mula sa kanyang bibig. Tila tumigil ang oras habang pinagmamasdan ko ang kanyang maamong mukha. Kalmado ang umaga ngunit halos magkabuhul buhol ang t***k ng aking puso. Ang aking isip ay nagsasabing kumawala ako mula sa kanyang mga bisig, ngunit iba ang sinasabi ng aking damdamin. Panatag ang aking puso sa tuwing nakapaloob ako sa kanyang mga bisig. Aaminin ko, lihim na masaya ang aking puso dahil kasama ko sya nang buong gabi. Sa tuwing lumalapit sa kanya si Amanda at sa tuwing naiisip kong magkasama sila ay nasasaktan ako. Hindi ko maintindihan ang aking damdamin. The man I am looking at right now is my enemy dahil ginulo nya ang aking maayos na buhay. Ngunit bakit pakiramdam ko'y may kulang sa aking buhay kapag wala sya sa aking tabi? "Anastasia," agad na nag init ang magkabila kong pisngi nang magtama ang aming mga mata. "My beautiful wife's staring at me while I sleep, huh," Lalong nagmistulang kamatis ang aking pisngi nang tumambad ang pilyo nitong ngiti Sa labis kong pagkapahiya ay agad akong nagkaroon ng lakas upang bumangon "Bakit ka dito natulog sa kama?!" masungit kong tugon Sa halip na sumagot ay inangkla lamang nito ang isa nyang siko sa kama at tahimik akong pinagmasdan. Nagpapacharming pa! "Doon ka dapat sa sofa natulog! Pinatulog lang kita noon dito dahil kakagaling mo lang sa lag---" Nanlaki ang aking mga mata nang tuluyan itong bumangon at kinulong ako sa kanyang mga bisig. Nanatili ang aking mga kamay na nakapatong sa aking mga hita habang pareho kaming nakaupo sa kama "Hinding hindi ko gugustuhing umalis ka," sambit nito habang nakasuksok ang mukha nito sa sulok ng aking leeg "Kung ako lang ang masusunod ay mas nanaisin kong manatili ka rito kasama ko. Araw araw ay nananalangin ako na sana ay tumagal pa ang mga araw. Sana tumigil ang oras. Para mas makasama kita nang mas matagal," "Kaya ako nagpunta at kinausap ang iyong ama at si Madi ay upang sumaya ka. Kung sakali mang hindi mo ako mapatawad ay kahit papaano ay may maiwan akong magandang alaala sa 'yo," Pareho kaming tahimik habang sya'y nakayakap sa akin. Ngunit halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng aking puso. Nagtatalo ang aking isip at ang hindi ko maintindihang damdamin. Damdaming matagal ko nang kinalimutan. Damdaming hindi ko naramdaman kay Chase. Bumitaw ito mula sa pagyakap at muling bumaling sa akin, "Mag ayos ka na. Magluluto muna ako ng almusal," Para akong timang na hindi makaimik. Pinoproseso ko pa ang nakalulunod na nararamdaman nang inilapit nito ang mukha at sa isang iglap ay hinalikan ang aking mga labi! "Wh-what was that?!" Sa halip na sumagot ay muli nitong inilapat ang mga labi sa akin, "Tungkol sa sinabi mo kahapon, pasensya na pero hindi ako papayag na sumabay ka kay Madi pauwi sa inyo. Hindi pa tapos ang isang buwang pinag usapan natin," Tumayo na ito at umalis ng kwarto. Samantalang muli akong napahiga at hindi makapaniwala sa nangyari. He just kissed me twice this morning! At bakit hindi man lang ako tumanggi?! Matapos maligo at makapag ayos ng sarili ay pinagsaluhan namin ang almusal na kanyang inihanda. Pagkatapos nito ay dumiretso na kami sa bahay nina Mama. Natagpuan namin ito na nag aalmusal kasama sina Isabela at Madi "Good morning po," lumapit ako kay Mama at nagmano. Sumunod din si Adam "Good morning Isabela, Madi," bati ko "Mga Anak, happy fiesta! Saluhan nyo muna kami sa almusal," "Good morning Ate at Kuya! Oo nga, samahan nyo muna kami dito," ani Isabela "Ma, nag almusal na po kami ni Anastasia sa bahay," "Awww.... sana all talaga may gwapong asawang kasalo sa breakfast. Kaya blooming itong beshy ko eh," ani Madi "Madi! Nakakahiya sa byenan ko!" saway ko Napansin kong bahagyang natigilan sina Mama at Isabela ngunit agad ding nakabawi. Napansin ko ring matamis na ngumiti ang matanda, "Ang sarap sa pakiramdam na tawagin mo akong byenan, Anak. Salamat," "Uh, Ma," nahihiya kong tugon "Oh, kayong dalawa, ano pang hinihintay nyo. Maupo na kayo dito," tukoy ni Madi sa amin ni Adam na syang ikinatawa nina Mama at Isabela "Tikman nyo ang bikong ginawa ko," ani Isabela at dumiretso na nga ito sa kusina Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna si Adam upang magpunta sa bukid. Samantalang naiwan naman kaming mga babae sa bahay. Maaga pa ngunit abala ang lahat sa paghahanda ng mga pagkain. Tumulong muna ako sa paghahanda ng mga inumin. Matapos ang ilang oras ay dumating na ang mga bisita. Dumating din ang mga kaibigan ni Adam pati na rin sina Eve at Philos. Sakto at kararating ni Adam galing sa bukid, "Happy fiesta sa inyo, Anastasia at Adam," bati ni Matt "Salamat," tugon ni Adam, "Doon tayo sa inihanda naming pavilion. Naroon na rin ang mga pagkain," Matapos nilang magmano kay Mama at bumati kay Isabela ay dumiretso na kami sa pavilion. Nagpasya kaming mga babae na magsamasama sa iisang mesa habang ang mga lalaki naman ay nasa kabila. Habang pinagmamasdan sina Adam at ang mga kaibigan nito ay hindi ko maiwasang mapansin ang natural nilang kakisigan. Lahat silang magkakaibigan, bagamat iba iba ang personalidad, ay tila mga modelo dahil sa pagiging magandang lalaki, matatangkad, at taglay na lakas ng alindog. Kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit ang mga babae dito sa handaan, maliban sa kanilang mga asawa at kasintahan, ay hindi maiwasang mapatingin sa kanila. Ang iba ay tila nagpapa cute pa. Tulad na lamang nitong si Amanda na kakarating lang. Ngunit kita sa mga kaibigan ni Adam na tapat sila sa babaeng kanilang mahal. Tulad na lamang ni Matt na kanina ko pa napapansing panay ang sulyap kay Elle. Ganoon din si Caleb kay Kate. "Anastasia, kamusta na?" bati ni Elle "Mabuti naman," tugon ko "I hope you don't mind. Kamusta na kayo ni Adam? Napansin kasi namin na may kaunting tampuhan kayo noong isang araw," sambit nito "Uh, yun ba, nag usap na kami," "Usap lang? Wala bang kiss and yakap?" sabat ni Madi kaya natawa ang aming mga kasama "Hindi naman sa nangingialam ako, Anastasia. Pero bagay na bagay kayong dalawa. At ramdam ko na mahal ninyo ang isa't isa. Kasama na sa buhay mag asawa ang hindi pagkakaunawaan pero ang mahalaga ay hindi ninyo hahayaang manaig ito sa inyong pagmamahal," "Is there really a real love?" natatawa kong tanong "Sorry Elle, I don't intend to dispute you. But I honestly think it's only a false ideology," "The thing is, love isn't always the answer. Love will not sustain the business. It will not always lead you to your priorities. And no matter how much people say they love you, they will leave you when they get tired of you," "By the way, I'm only speaking based on my own opinion. I respect that we have different thoughts," "Uh, masyado na yata tayong nagiging serious. Ang sarap ng menudo, Isabela!" pag iiba ng usapan ni Madi "It's okay, Anastasia. Have you ever loved someone?" muling tanong ni Elle Muling bumalik ang kirot sa aking puso, "Yeah... but that was a long time ago. Look, you may have a happy ending in love, but that's not always the case for everyone," "I already tried to forget it," Tumango ito, "Naiintindihan kita. Baka yung pagmamahal na kinalimutan mo ang sagot para matagpuan mo ang pagmamahal na nakalaan para sa 'yo," sabay ang pagtingin nito sa banda ni Adam "Then how would you know if he's the love of your life?" "Nakakarelate ako sa 'yo Anastasia. Bago ko nakilala si Caleb ay galing din ako sa breakup. My ex cheated on me. So I was skeptical if I will ever find a man who will truly love me," sambit ni Kate "Then Caleb came unexpectedly. Love comes unexpectedly. Pero malalaman ito ng puso mo. There are things that the mind cannot comprehend, but the heart knows. Kailangan mo lang makinig sa binubulong ng iyong puso. Because the heart knows what it wants," dagdag nito Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nina Elle at Kate "Oh, it's party time!" sambit ni Madi "Ladies, may inihanda kami ni Isabela at William na mga games for today," sabay ang pilyo nitong ngiti "Tara na Isabela, let's get the party on!" Nagniningning ang mga mata nina Madi at Isabela habang nagtungo ang mga ito sa harapan. Pati si William ay sumunod sa kanila Pinangunahan nga ng tatlo ang kasiyahan. Inimbita muna nila si Mama para sa isang maikling mensahe sa mga dumalo. Pagkatapos ay tumugtog rin ang musiko sa saliw ng mga OPM hits bilang panimulang programa. Sinundan na ito ng mga palaro para sa mga bata na lubos ikinasaya ng mga kalahok pati na ng kanilang mga magulang. Maayos naman ang mga palarong inorganisa ng tatlo. Ngunit hindi pa rin ako mapalagay lalo na't kilala ko si Madi at ang kanyang pilyang ngiti. "Kung may mga palaro sa bata, syempre meron din sa mga matatanda," ani Madi "So ang susunod nating laro ay para sa mga mag asawa!" Rinig ang kantsawan ng mga bisita "Tinatawagan po namin lahat ng mga mag asawa. Pumunta po kayo dito sa harap," "Maliban na lang kina Elle at Matt dahil buntis po si Elle," Nakita kong tumayo na si Eve, "Anastasia, halika na," yaya nito Umiling ako, "Kayo na lang. Ayoko," Napansin kong tumayo na rin sina Philos at Adam sa kabilang table "Tumayo na si Kuya Adam, tara na Anastasia. Katuwaan lang naman ito," "Tinatawagan ko ang aking Beshy na si Anastasia. H'wag ka nang maarte. Tumayo ka na," sambit ni Madi habang hawak ang mikropono. Natawa tuloy ang aming mga kasama Nag iinit ang aking pisngi dahil sa hiya. Napilitan na akong sumunod kay Eve. Sa isang banda ay nakahilera ang mga plastik na upuan. Pinaupo rito ang mga lalaki kasama si Adam. Habang kaming mga babae ay nanatiling nakatayo. Napansin ko ang mga maliliit na bangko sa tapat ng mga lalaki. Nagtataka ako kung para saan ang mga ito, "So, bawat mag asawa ay bibigyan ni William ng yelo. Ang goal ay paunahang malusaw ang yelo," natatawang sambit ni Madi "Syempre, para mas masaya, ilalagay ang yelo sa pagitan ng mga hita ng ating mga mister. Ang mga misis naman ay kailangang umupo sa bangko sa harap ng kanilang mga mister," "Ang mga misis lang ang bahalang magtunaw ng yelo. Bawal tulungan ni mister!" naririnig ko na ang tawanan ng mga nanonood pati na ng ibang mga kalahok "Bahala na kayong mga misis sumipsip," hindi na napigilan ni Madi na tumawa kasabay ang mga nanonood, "o kung gusto ninyo kagatin nyo na, o himasin ninyo, basta kailangan paunahang malusaw ang yelo!" Gustung gusto ko nang umatras! Kaya pala kanina pa ako kinakabhan sa mga ngiti ni Madi! "Ayoko nang sumali!" protesta ko "H'wag ka ngang KJ Bes!" tugon ni Madi "Sasali na yan! Sasali na yan!" kantsawan ng mga ibang bisita. Si Adam naman at ang iba pang mga mister na kalahok ay tawa lamang nang tawa Pulang pula na ako sa hiya ngunit wala na akong magawa! "Fine! Akin na yan!" kinuha ko ang yelong hawak ni William "Ooohhh.... cool ka lang, Anastasia!" Nakapwesto na kaming lahat at hinihintay ang hudyat ni Madi. "We'll start in 3, 2, 1, go!" Kinalimutan ko na ang hiya at mas nanaig sa akin ang competitive spirit. Wala sa aking loob at sinunggaban ang yelong nasa pagitan ng mga hita ni Adam. Agad kong kinagat paalis ang plastic na balot at isinubo ang parte ng yelo habang hawak ito ng isa kong kamay at ang isa ko namang kamay ay nakapatong sa hita ni Adam Mas naging agresibo pa ako at pinilit kagatin ang yelo "Grabe ka Beshy! Nangangagat si Beshy! Okay ka pa ba dyan Papa Adam?!" Muli na namang nagtawanan ang mga nanonood pati na rin ang ibang mga kalahok. Sandali akong bumitaw at sinigawan si Madi, "Screw you!" Nang bumaling ako kay Adam ay natatawa rin ito. Pinandilatan ko ito ng mata, "Hawakan mo nga itong yelo!" "Uh, sige," agad naman itong tumiklop Pinagmasdan ko ang ibang mga kalahok at nalulusaw na ang mga yelo nila! "Adam, pahiram ng bimpo," Inabot nya naman ito "Hawakan mong maigi yang yelo," "Oo sige," Muli kong sinubo ang yelo at mabilis na hinimas ito nang pataas at pababa gamit ang bimpo. Naririnig kong muling nagtawanan ang mga tao ngunit binalewala ko ito. "Okay ka ba pa, Adam?!" kantsaw ng mga nanonood Sa kagustuhan kong manalo kami ni Adam ay buong husay kong ipinagpatuloy ang pagsubo at paghimas sa yelo "Time's up!" ani Madi Tumayo na kami at nang tignan nina Isabela at William ang mga yelo ng mga kalahok, "Panalo sina Ate Anastasia at Kuya Adam!" Agad akong napatalon sa tuwa, "Wooohoooo!" Si Adam naman ay natatawa lamang habang pinagmamasdan ako. Wala sa aking loob na niyakap ko ito, "We made it! We won!" Naramdaman kong yumakap din ito pabalik, "Congratulations, my wife," Parang hinaplos ang aking puso nang marinig iyon. Hindi ko maintindihan ngunit may parte sa akin na masaya sa tuwing tinatawag nya akong asawa. Ngunit nang mahimasmasan ay agad kong winaksi ang nararamdaman. Masyado lang akong masaya dahil nanalo kami. Agad na akong bumitaw mula sa aming pagyakap, "Congratulations din," Dahil siguro sa adrenaline rush kanina ay hindi ko naramdaman ang pamamanhid ng aking bibig buhat sa labis na lamig ng yelo. Ngunit tila nilusaw ito ng init sa isang iglap. Hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang aking mga pisngi at agad na inilapit ang kanyang mukha upang ako'y halikan. Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan habang unti unting nalulusaw sa init ng kanyang halik. Mariin ang kanyang halik. Para itong apoy na unti unting tinutupok ang nagmamatigas kong kalooban. Parang tumigil ang oras. Mabagal nitong iginalaw ang mga labi at bahagyang kinagat ang pang ilalim kong labi. Sa sandaling ito ay isinantabi ko muna ang pag iisip sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Isinantabi ko muna ang lahat ng aking mga agam agam. Tuluyan na akong bumigay at tumugon ng halik. Hindi ko napigilang magpakawala ng napakahinang ungol na tanging kami lang dalawa ang nakarinig. "Awww... this is sweet victory!" ani Madi at narinig kong nagpalakpakan ang mga taong nasa paligid Unti unti kaming bumitaw sa halik. Nang magtama ang aming mga mata ay napagmasdan ko na punung puno ang mga ito ng emosyon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyari "Hindi na nakapag pigil si Adam!" kantsaw ni William kaya nagtawanan ang lahat Nang matapos ang mga palaro ay nagpaalam muna ako upang magpahinga sa bahay. Nanatili pa sina Isabela, Madi at ang mga kaibigan ni Adam sa pavilion. Napagod yata ako sa laro kaya agad akong nakatulog. Nang magising ako ay hapon na kaya dumiretso ako sa kusina upang tumulong sa paghahanda para mamayang hapunan. Habang gumagawa sa kusina ay hindi ko maiwasang maalala ang pag angkin ng kanyang labi sa akin. Tumigil muna ako sa aking ginagawa at idinampi ang aking mga daliri sa aking labi. Parang kinuryente ang aking mga labi. Chase has kissed me before, but this feels different. Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng t***k ng aking puso. Na para bang sasabog ito dahil sa nag uumapaw na nararamdaman. For goodness sake, I'm not a teenager para kiligin pa nang ganito! Ipinikit ko ang aking mga mata at umiling. "Huy!" Halos mapaigtad naman ako, "Ano ka ba, Madi?!" Pilya itong ngumiti, "H'wag kang mag alala, babalik din si Papa Adam. Ikaw pa, eh ang lakas ng tama nun sa 'yo," "What are you saying?" "Ano ka ba Bes?! Minsan hindi ko alam kung manhid ka ba o tanga ka lang talaga!" "Obvious naman na mahal na mahal ka nya! Kagabi, he fetched you because he was worried about you! He carried you pauwi while you were so drunk! Yung mga tingin nya sa 'yo, yung paghalik nya sa 'yo, those speak a lot of his feelings for you! Ni hindi ko nga nakita ko yun kay Chase," dadag nito "Madi, may usapan na kami ni Adam. Pagkatapos ng isang buwan, iuuwi na nya ako sa amin. We all know that I can't stay here. Yung tungkol naman sa diskusyon natin about love and feelings, sabihin na nating infatuated ako sa kanya. But that's only it! I don't love him! And honestly... I'm thinking to come back with you in Manila," "Are you serious?!" Hindi na ako kumibo at bagkus ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Gulung gulo ang damdamin ko. Kung hahayaan kong manatili ako rito ay parang hinahayaan kong tuluyan na akong mahulog sa isang patibong. Sa patibong ng aking puso. May nakahandang simpleng salu salo sa may pavilion. Imbitado ang mga malalapit naming kaibigan pati ang mga nagtatrabaho sa bukid. Kanina pa lang ay may mga kumakanta na sa videoke. Ngayong sumapit ang gabi ay dumating na ulit ang mga kaibigan ni Adam Hanggang ngayon ay hindi ko pa ito napapansin "Isabela, napansin mo si Adam?" "Uh, kanina Ate bumalik sya dito sa bahay para kamustahin ka. Hindi ba kayo nagkausap?" "H-hindi," "Kumain na muna tayo Ate Anastasia," Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mag alala. Ilang sandali pa ay bumalik na ito. Ngunit dumiretso lamang ito sa mesa ng kanyang mga kaibigan. Ni hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin. Malayo ito sa karaniwan nyang asta. Nakikipag usap ito sa kanyang mga kaibigan ngunit sa halip na kumain ay tanging bote ng beer ang hawak nito. Nakakatatlong bote na ito ng beer. Alam kong umiinom sya ngunit hindi ganito karami. Nagpasya na akong lumapit sa mga nakahandang pagkain at ikinuha sya ng hapunan, "Tama na ang inom. Kumain ka muna," lumapit ako sa kanya at inilapag ang platong may lamang pagkain sa mesa Ngunit sa halip na tumugon ay tila wala itong narinig. Nagpatuloy lamang ito sa pag inom at pagkausap sa kanyang mga kaibigan. Parang ibang tao ang kasalamuha ko. Agad na namula ang aking mga pisngi dahil sa pagkapahiya. Agad itong napansin ni Caleb, "Uh, salamat Anastasia. Ubusin lang ni Matt itong bote at kakain na sya. Di ba Matt?" Ngunit nanatili lamang itong tahimik Agad na akong umalis bilang respeto sa sarili. Ano bang problema nya?! Bakit ba sya nag iinarte?! Kung ayaw nyang kumain edi h'wag! Bumalik ako sa aking upuan at nagpatuloy sa pagkain. Matapos ang ilang sandali ay kinantsawan ni Madi si William, "William, bekenemen! Wala ka bang awit dyan?" Lumapit sa mini stage si William, "Guys, kahit na alam kong ako naman talaga ang pinakagwapo sa mga ito, I'll give chance to others," Muli na namang nagtawanan ang mga babae "I'd like to call on yung pinakamailap sa grupo, magaling syang gitarista at... ang hindi nyo alam, marunong din syang kumanta. No other than Adam," Pinalakpakan ito ng mga kaibigan nya ngunit tumanggi ito "Adam, tumayo ka na dyan. Makikinig ang asawa mo!" ani Elle Sinegundahan pa ito ng mga kaibigan kaya napilitan na rin itong tumayo at lumapit sa harap. Inabot dito ni William ang gitara. Nagsimula nitong itipa ang gitara hanggang sa kinalabit na nito ang mga kord upang gumawa ng musika. Pagkatapos ng ilang nota ay nagsimula itong umawit, Inaamin ko sayo ako'y nagkamali, sana ako'y patawarin Nagsisisi sa nagawang kasalanan ngunit huli nang lahat ako'y nilisan mo Pagmamahalan natin ay biglang naglaho Ngunit ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin Pilitin mang iwasan ka'y hindi ko magawa Dahil ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin Kahit lumipas na ang ating mga panahon Pag-ibig ko sayo ay hindi nagbago Dahil sa ika'y mahal pa rin Tila nasagi ang sugat na akala ko'y matagal nang naghilom. Hindi ko na hinintay pang matapos ang awit at bagkus ay tumayo na ako at umalis. "Ma'am, nakahanda na ang mga gamit ninyo," sambit ng kasambahay "Salamat. Mag aayos na ako mayamaya," Pagkaalis nito ay muli akong bumaling sa bintana. Hindi pa humihinto ang ulan simula ng araw na iyon. Mamaya na ang aming flight papuntang Amerika upang ako'y makalimot at doon mag aral. Ngunit may parte pa rin sa aking naghihintay sa kanya. Sa kabila ng lahat ay umaasa akong babalik sya. Muling umagos ang aking mga luha kasabay ng patak ng mga ulan. Bakit hindi sya dumating? Lahat ba ng pinakita nya sa akin ay hindi totoo? Niloko lang ba nya ako? "Bakit hindi ka pa nag aayos?" Agad kong pinawi ang mga luha "Ma, inuubos ko lang itong gatas at mag aayos na rin po ako," "Sana ay natauhan ka na ngayon sa katangahan mo, Anastasia," "Pasalamat ka pa nga at dadalhin ka pa namin sa Amerika para naman umayos ang buhay mo!" "Anong napala mo sa pagsaway sa amin? Pinaglaban ka ba ng hampas lupang lalaking iyan? Napahamak ka pa dahil pinili mo sya kaysa kay Chase!" "Anastasia, use your head! Not your heart! From now on, stop being stupid!" Patuloy ang pag agos ng aking luha habang ako'y nasa loob ng aming silid. Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin mawala ang sugat mula aking pagmamahal kay Paolo. "Naiintindihan kita. Baka yung pagmamahal na kinalimutan mo ang sagot para matagpuan mo ang pagmamahal na nakalaan para sa 'yo," Gulung gulo ako. Sinasabi ng aking isip na umalis. I have all the reasons to leave. Pero bakit nahihirapan ang aking kalooban? Bakit ako nasasaktan? Halos nabasa ng luha ang aking unan. Buong gabi ay halos hindi ako nakatulog. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nabuong desisyon. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ilang oras din akong nakatulog bagamat hindi kasing himbing tulad ng dati. Ngunit kahit ganoon ay buo na ang aking pasya. Dumiretso ako sa sala upang kausapin si Adam ngunit wala pa rin sya. Ano bang problema ng lalaking iyon?! Nag ayos ako ng sarili at isinuot ang damit na pang alis. Nagsulat muna ako ng mensahe sa isang papel at dumaan kina Isabela upang iwan ito. Matapos magpaalam kina Mama at Isabela ay dumiretso na ako paalis ng bahay. Ilang sandali pa ay nakaabot ako kina Eve "Anastasia, ang aga mo. Kape tayo?" "Uh, pasensya na Eve. Napansin mo ba si Adam?" "Magdamag syang nangisda. Kakarating nya lang kanina, nagmamadali nga sya pauwi sa inyo. Marami syang bitbit na isdang ipapasalubong sa Manila. Hindi ba kayo nagkita?" "H-hindi. Nanggaling din kasi ako sa bukid at hinanap sya. Hindi kasi sya umuwi kagabi. Sige, una na ako ha," "Sige, ingat!" tugon ni Eve Agad akong bumalik sa bahay. Ano bang problema ng lalaking iyon?! Patay talaga sa akin iyon mamaya! Hindi nya ako pinatulog dahil sa pag aalala! Habang naglalakad pabalik ay tanaw ko ang kasalubong na sasakyan nito. Habang palapit sa akin ay huminto ito. Ilang sandali pa ay bumaba ito, "Anastasia," bakas sa mukha nito na tila hindi ito makapaniwala "Oh, bakit ka parang nakakita ng multo?!" masungit kong bungad "Ano bang problema mo, ha?! Bakit hindi ka umuwi kagabi? Kung ayaw mo akong kasama, sana sinabi mo na lang! Edi sana sumama na ako kay Madi---" Sa isang iglap ay ikinulong ako nito sa kanyang mga bisig "Salamat," unti unting nabasa ng mainit na likido ang sulok ng aking leeg "U-umiiyak ka ba?" tanong ko Nanatili lamang itong tahimik. Matapos ang ilang sandali ay nagsalita ito, "Patawarin mo ako, Anastasia. Pakiusap, h'wag kang umalis. Mahal kita,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD