"Ate Anastasia!"
Napukaw ni Isabela ang aking pansin. Hindi ko namalayang naging abala pala ako sa aking mga iniisip
"Nagdala ako ng ulam para hindi ka na magluto mamaya," sambit nito
"Salamat, sige iwan mo muna dyan sa lamesa," tugon ko
Habang isinasalin nito ang ulam mula sa tupperware patungo sa mangkok ay muli itong nagsalita,
"Saan ka galing Ate? Hinahanap ka namin ni Ate Madi kanina bago sila umalis. Kaya binigay ko na lang sa kanya ang iniwan mong sulat,"
"Uh, dumaan ako kina Eve kanina. Hinahanap ko kasi ang Kuya mo,"
"Pasensya ka na Ate Anastasia. Hindi ko nga maintindihan si Kuya, kung saan saan nag aasikot!"
Matapos linisin ang mga gamit ay kinuha ko ang mangkok na may takip at inilagay sa ref
"May naisip ka na bang regalo para sa kanya?"
"Regalo? Bakit?"
"Birthday na ni Kuya sa makalawa," saad nito
Lalong kumirot ang aking puso. Kanina pa gulung gulo ang aking isip lalo na sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina
"Mahal kita,"
Halos magkabuhul buhol ang t***k ng aking puso. Kung maaari lamang ay kumawala na ito sa aking dibdib dahil sa lakas at bilis ng t***k nito.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig ngunit hindi ako pwedeng magkamali. Malinaw pa sa sikat ng araw ang mga salitang kanyang binitiwan.
Muling bumalik ang damdaming matagal ko nang kinalimutan. Muling nasasagi ang sugat ng nakaraan. Ang sugat ng pagmamahal ko kay Paolo. Akala ko ay nakalimot na ako sa tagal ng panahong lumipas. Pero bakit bumabalik pa rin ako sa damdaming ito?
Maayos na ang aking mundo kay Chase. Matagal ko na syang kaibigan at kilala namin ang isa't isa. He was at my side when I was at my lowest. Tinulungan nya akong makabangon habang nag aaral kami sa Amerika. Sya ang lalaking pakakasalan ko.
Pero bakit nayayanig ang mundo ko ngayon? Bakit ako naguguluhan sa mga salitang narinig ko? I know that this is all wrong but why does it feel so right?
Ilang sandali kaming nanatiling tahimik. Pagkaraan ay buong lakas akong bumitaw sa kanyang yakap. Pinilit kong alisin ang anumang nararamdaman at ipakitang hindi ako apektado,
"Marunong akong tumupad sa usapan. Besides wala namang magbabago dahil dalawang linggo na lang naman ay aalis na ako,"
"Magluluto na ako ng almusal," nauna na akong naglakad upang sumakay sa sasakyan
Pareho kaming tahimik hanggang sa kami'y nakauwi sa bahay. Agad kong ginawang abala ang sarili sa kusina. Napapansin ko itong manaka nakang sumusulyap sa akin na tila may gustong sabihin, ngunit pinilit kong ituon ang atensyon sa ginagawa.
Hanggang sa pagkain ay kapwa kaming tahimik. Tila nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang magsasalita,
"Tungkol pala sa sinabi ko kanina," tuluyan na nitong binasag ang katahimikan
"Gusto ko lang malaman mo na---"
Ibinaba ko ang aking mga kubyertos sa pinggan, "H'wag na natin yang pag usapan,"
"Look, everything that we have is only temporary. It doesn't matter what we feel dahil may usapan tayo. We'll eventually return to our normal lives,"
Yumuko ito at mahigpit na hinawakan ang kubyertos. Matapos ang ilang sandali ay inangat nito ang kanyang mukha,
"Lahat ba talaga ng ito ay palabas lang para sa 'yo?"
Tila kinurot ang aking dibdib nang makita ang kanyang mga mata. Ngunit malamig akong tumango
Muli itong yumuko na tila nagpipigil. Pagkaangat nito ng mukha ay namumula ang mga mata nito na tila bakas ang pinipigilang sakit ng kalooban,
"Sa tuwing magkasama tayo, lahat ba ng mga pinakita mo sa akin, lahat ba ng iyon ay hindi totoo?"
Lalong tumindi ang kirot sa aking puso.
Hindi ako kumibo at nilaro lamang ang pagkain gamit ang kubyertos,
"Kung para sa 'yo ay palabas lamang ito, sa akin ay hindi. Totoo ang pagmamahal ko para sa 'yo,"
"Mahirap ba akong mahalin, Anastasia?" tuluyan nang nabasag ang boses nito
Nanatili akong nakayuko, "I have my own life, Adam. Don't expect that I have to love you dahil si Chase ang lalaking pakakasalan ko even before you ruined everything!"
Hinampas nito nang malakas ang mesa, "Tumingin ka sa akin, Anastasia. Minahal mo ba talaga si Chase?"
"Adam, enough of this conversation. Wala na itong patutunguhan," tumayo na ako upang magtungo sa kusina
Ngunit inabot nito ang aking braso at pinaharap sa kanya,
"Bitawan mo ako!" pinilit kong alisin ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak
"Sagutin mo ako, minahal mo ba talaga sya, Anastasia?"
Tulad nang una nya akong tinanong noon ay hindi rin ako agad makasagot. Bakit mas lalo akong nahihirapang sagutin ito? Bakit nagtatalo ang aking isip at puso?
"Oo! Mahal ko sya. Mahal ko si Chase!" unti unting lumuwag ang pagkakahawak nito kaya padarag kong inalis ito. Kasabay ng pagkakabitaw nito ay ang pagbagsak ng kanyang luha
Tatalikod na ako nang pigilan ako nito. Tila naestatwa naman ako nang bigla itong lumuhod sa aking harap at yumakap sa aking mga hita,
"Ano bang kailangan kong gawin para matutunan mo akong mahalin?"
"Para bumalik ka sa akin, Anastasia?"
Unti unting nabasa ang aking daster sa may banda ng aking hita habang tahimik itong humihikbi. Agad kong pinunasan ang aking mga luha,
"Adam, please, tumayo ka na dyan," Pinilit kong alisin ang kanyang pagkakayakap sa aking mga hita at agad na pumasok sa aking silid.
Pagkapasok sa silid ay napaupo ako sa kama at saka humikbi. Hindi ko maintindihan kung bakit tila sinaksak ang aking dibdib. Kahit idinidikta ng aking isip ang bawat salitang binitawan ko ay tila nahihirapan ang aking puso. Pakiramdam ko'y mismong sarili kong puso ang aking nililinlang
Ate? Okay ka lang ba?" muling tanong ni Isabela
"Uh, oo naman,"
"Gusto mo bang pumasyal sa labas?" anyaya ko
Nagpasya kami ni Isabela na magsaing at initin muna ang ulam mula kahapon upang ihanda ang pananghalian ni Mama pagdating nito sa bahay. Pagkatapos ay nagtungo kami sa cafe ni Eve upang doon mananghalian at magdala na rin ng pasalubong na dessert para kay Mama
Habang kumakain ay hindi ko napigilang pumikit at damhin ang sarap ng simoy ng hangin. Pakiramdam ko ay nakahinga ako. Payapa at tahimik ang paligid. Kahit papaano ay nakatagpo ng kapayapaan ang aking puso
"Ate, okay ka lang ba? Parang kanina pa malalim ang iniisip mo,"
"Wala lang ito, Isabela. Gusto ko lang talaga munang magrelax dito sa tabing dagat,"
"Kumain muna kayo ng halo halo," sambit ni Eve dala ang mga pampalamig
"Salamat, Eve," tugon ko
Kahit nagrerelax ay hindi ko maiwasang isipin kung kamusta na ba si Adam. Saan ba sya nagpunta? Kumain na ba sya?
"Uh, Eve, nangisda ba si Adam?"
Bahagya naman itong tumawa, "Napansin ko kanina mo pa hinahanap si Kuya Adam. Nag away na naman ba kayo?"
Hindi ako kumibo
"Anastasia, kasama naman sa buhay mag asawa ang hindi pagkakaunawaan. Hindi naman sa nangingialam ako, pero tama si Elle. Sana makapag usap kayong mabuti ni Kuya Adam. May mga bagay talaga na ayaw ninyo sa isa't isa, pero sa bandang huli sandigan ninyo ang isa't isa,"
Matapos naming kumain kina Eve ay umuwi na kami sa bahay ni Mama. Nagdala rin kami ng pasalubong.
Nauna nang nagpahinga sina Isabela at Mama habang nanatili lamang ako sa sala.
"Anak, bakit hindi ka pa nagpapahinga?"
"Uh, Ma, hindi po kasi ako inaantok,"
"Mukhang malalim ang iniisip mo,"
Ngumiti ako, "Wala lang po ito,"
"Halika at ipapakita ko sa iyo ang album ni Adam para maaliw ka,"
Umupo ito sa aking tabi at kinuha ang isang album. Ipinakita nya ang mga larawan ni Adam mula pagkabata hanggang sa magbinata ito,
"Responsableng bata si Adam. Mataas din ang pangarap. Dahil hindi naman talaga kami mayaman, nagworking student sya sa Manila kahit noong high school pa lang,"
"Matagal ka na nyang ikinukwento sa amin. Nakita ko kung gaano sya naging inspirado dahil sa 'yo,"
"Nakita ko rin kung gaano sya nawasak noong nagkahiwalay kayo,"
"Araw araw nandoon sya sa dagat, hinihintay nya kung kailan ka babalik dito sa Pilipinas,"
"Pero sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang naging inspirasyon nya. Pinagsabay nya ang pagtatrabaho at pag aaral sa kolehiyo hanggang sa magkatrabaho sya. Sya ang sumuporta sa pag aaral ni Isabela hanggang sa makatapos ito. Dahil sa kanyang pagsisikap nakapagtayo sya ng sariling kompanya at binili ang lupaing ito,"
"Salamat, Anak. Dahil sa 'yo nakita ko ulit na sumaya ang aking anak. Alam kong mahal na mahal ka nya, kaya salamat dahil pinili mo sya," sabay ang pagyakap nito sa akin
Hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni Mama. Ngayon lang kami nagkakilala ni Adam kaya paanong hinintay nya akong bumalik? Sino ba talaga sya? Bakit tila matagal na nya akong kilala?
Nang sumapit ang gabi ay hindi pa rin ito umuuwi sa aming bahay. Kinukumbinse ko ang sarili na hayaan sya dahil kung tutuusin ay kasalanan nya ang lahat ng ito. Hindi ko rin maintindihan kung ano bang kwento ang sinabi nya sa kanyang ina at bakit ako ang tinutukoy nitong babaeng inibig ni Adam.
Ngunit may parte sa akin na nag aalala. Kanina pa hati ang aking isip dahil sa pag aalala sa kanya. Hindi ako sanay na hindi sya umuuwi. Gusto kong umuwi sya.
Nagpasya akong lumabas upang hanapin si Adam. Nagpunta ako sa may bukid ngunit wala ito. Nagtungo rin ako sa may bayan ngunit wala rin sya. Hanggang sa nagpasya akong pumunta sa may parte ng dalampasigan na hindi kalayuan sa cafe nila Eve.
Habang naglalakad sa dalampasigan ay natagpuan ko si Adam na naglalakad papunta sa aking direksyon. Bahagya pa itong natigilan nang mapansin ako ngunit nagpatuloy ng paglalakad palapit sa akin,
"A-anong ginagawa mo dito? Gabi na," sambit nito
"Sinusundo ka," tugon ko. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha sa liwanag ng buwan. Bakas dito ang pagod
"Saan ka pupunta?" tanong ko
"Pauwi na sa bahay natin. Pauwi sa 'yo,"
Muling nagkabuhul buhol ang t***k ng aking puso
"Pasensya ka na pala kanina," sambit ko
"I was just so overwhelmed. Ang dami kong iniisip... it's hard for me to process all these things,"
"Ako dapat ang humingi ng tawad, Anastasia. Masyado kong ipinilit ang gusto ko. Dapat mas inintindi kita,"
"No Adam, it's my fault,"
He slightly chuckled, "Hanggang dito ba naman magtatalo pa rin tayo,"
Kusang lumabas ng ngiti sa aking mga labi, "Sorry,"
Sa isang iglap ay ikinulong nya ako sa kanyang mga bisig. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang init ng kanyang yakap sa kabila ng malamig na simoy ng hangin.
Hawak ang dalang baunan ng pagkain ay yumakap ako pabalik. Aaminin ko, napanatag ang aking kalooban habang nakakulong sa kanyang mga bisig. My restless heart settled where it found peace. Not by status, not by money, nor by what other people would say. At this moment, my heart found its happiness in his arms.
Pagkatapos ng ilang sandali ay bumitaw ako sa aming pagkakayakap. Binuksan ko ang dinalang baunan ng pagkain, "Hindi pa ako naghahapunan. Kaya naisip ko, kung tatanggi kang sumama sa akin pauwi, unfair naman sa akin kung hindi pa ako makakakain. Kaya dinala ko na ito para sabay tayong kumain,"
"Dinner by the beach," I slightly chuckled
Bahagya rin itong tumawa
Kapwa kaming naupo sa dalampasigan habang tahimik na pinagsaluhan ang hapunan. Matapos ang ilang sandali ay binasag ko ang katahimikan,
"Kapag umalis na ako, palagi kong aalahanin ang mga pinagsamahan natin dito. You are my enemy but you have been my best friend,"
"Palagi akong maghihintay hanggang sa bumalik ka, Anastasia,"