CHAPTER 13

3373 Words
Madilim pa nang ako'y gumising. Matapos magsipilyo at magsuklay ay agad akong dumiretso sa kusina. Balak kong ipaghanda si Adam ng almusal at ng kanyang baong pagkain kaya sinadya kong gumising nang mas maaga. Habang papunta sa kusina ay natagpuan ko pa itong mahimbing na natutulog sa sofa. Kinuha ko ang lalagyang may lamang liempo mula sa ref at ibinabad na sa tubig. Ibinigay ito sa amin ng nanay ni Adam noong isang araw pa at syang balak kong lutuin ngayon. Habang hinihintay malusaw ang yelo ay naghugas na ako ng bigas sa kaldero upang isaing. Pagkatapos ayusin ang panggatong ay isinalang ko na ang kaldero ng sinaing. Muli kong hinugasan ang karne at hiniwa ito. Naghiwa na rin ako ng bawang at sibuyas. Pagkatapos ay isinalang ko na ang isang kawali sa isa pang lutuan. Isinangkutsa ko muna ang liempo hanggang sa lumabas ang mantika nito. Pagkatapos ay iginisa ko ang bawang at sibuyas sa parehong kawali. Matapos haluin ang karne ay naglagay rin ako ng paminta, toyo at mga pulang sili. Muli ko itong hinalo at inilagay ang isang tasang tubig. Sunod kong inilagay ang suka at hinayaang itong kumulo hanggang sa maluto. "Yung totoo Besh, ikaw ba ang nagluto nito?" ani Madi. Lunch break namin at nasa school cafeteria. Ipinatikim ko sa kanya ang niluto kong pork adobo "Oo nga," natatawa kong tugon "Tinuruan ako ni Paolo, yung friend ko dito sa school" "And your admirer," sabay ang pilya nitong ngiti "May something na ba sa inyo?" dagdag nito "Wala noh," tugon ko "Buti nga nagpakilala na yang secret admirer mo. Paolo Velasco ng Section A. Sayang lang at sa gabi ang classes nya, hindi ko pa tuloy ma-marites. Kung pumasok kaya tayo sa gabi? May picture ka na ba nya?" "Tigilan mo na nga yan, Madi. Isa pa, alam naman natin na kami rin ni Chase ang ma eengage. After high school, we'll study abroad. That's the plan," "Ano yun, short time mo lang sya? Kawawa naman ang tao kung paaasahin mo," "Madi, I have been honest to him na hanggang magkaibigan lang kami," "Eh ang tanong, hanggang kaibigan nga lang ba ang nararamdaman mo sa kanya? Alam mo Besh, may sarili kang isip at puso. Ang hirap naman na pipilitin mong gustuhin yung taong hindi mo naman talaga mahal," "Mabait naman si Chase. He's concerned for me and the family business," "Mmmm, baka family business lang," "Madi, stop it," "Sige nga, yung totoo, sino talaga sa kanila ang laman ng puso mo?" "Adam!" Naging abala ako sa aking mga iniisip hanggang sa mapukaw ang aking pansin at magulat sa bati ni Adam "Uh, pasensya ka na kung nagulat kita. Bakit ang aga mong gumising?" "N-nagluto ako ng ulam," Tila bahagya naman itong natigilan, "Naghanda ka ng pagkain para sa akin?" bakas sa mukha nito ang itinatagong ngiti "Anong pagkain mo? Nagluto na ako para hindi ko na kailangang magluto pa mamaya ng kakainin ko. Isinabay lang kita," pilit kong itinago ang tunay na rason at baka kung ano pa ang isipin nito Ngunit nanatili pa rin itong nakangiti at lumapit sa akin. Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa isang iglap ay namalayan ko na lang ang sarili na nasa loob ng kanyang mga bisig Malamig ang simoy ng hangin mula sa bintana ngunit hinaplos ako ng kanyang mainit at mahigpit na yakap. Sa katahimikan ng umaga ay nagsusumigaw ang lakas at bilis ng t***k ng aking puso. "Salamat," his husky voice sent shivers to my skin Nang makabawi ay agad ko na itong itinulak upang makabitaw ako sa kanyang yakap, "Uh, maaga ang alis mo diba? Baka tanghaliin ka," iniwas ko ang aking tingin. Ngunit nang inangat ko ang aking paningin ay nahuli naman nito ang aking mga mata. Gulong gulo ang aking isip. Gusto kong mainis pero may parte sa akin na gustong malapit ako sa kanya. Ilang sandali pa ay tumango na ito at nagtungo na sa loob ng banyo upang maligo Napasandal ako sa pasimano ng kusina habang hinahabol ang aking hininga, "Gosh, stop it, Anastasia!" saway ko sa sarili. Pinilit kong alisin ang kung anumang nararamdaman at tinapos na ang pagluluto at paghahanda ng kanyang baon Ilang sandali pa ay lumapit na ito sa mesa. Naroon at nakahain na ang kanyang pagkain. Aalis na sana ako upang magpahangin nang hawakan nito ang aking kamay, "Sabay na tayong mag almusal," "Mamaya na lang ako kakain. Wala pa akong gana," "Sige na, kahit kaunti lang. Ipagtitimpla kita ng mainit na tsokolate," Agad itong tumalikod upang magtimpla ng tsokolate kaya wala na akong nagawa. Matapos nitong ihain sa mesa ang mainit kong inumin ay naghain na rin ito ng isa pang plato at pares ng kutsara at tinidor. Sya pa ang naglagay ng kanin at ulam sa aking plato bago nilagyan ang kanya. Mukhang mas excited pa itong tumikim ng aking niluto. Pagkasubo ay ilang sandali itong tahimik kaya naman nag alala ako "Kamusta? M-masarap ba?" Tumingin ito sa akin at ngumiti, "Masarap," Hindi ko malirip ang nakapaloob sa kanyang mga mata. Tila napakarami nitong nais ipaabot sa akin hanggang sa muli itong bumaling sa pagkain. "Naalala mo pa rin pala ang pagluluto nito," sambit nya habang kumakain "Huh?" Inangat nito ang tingin sa akin, "Wala. Kumain ka na," Tumango ako at kumain na rin. In fairness sa akin, masarap nga ang pagkakaluto ko. Pagkatapos namin mag agahan ay nagpaalam na ito, "Mag iingat ka. Kinausap ko na sina Mama at Isabela kahapon at ibinilin kong bantayan ka at kung may kailangan ka. Magtetext din ako pag nasa Manila na ako," Tumango ako, "Oh, yung baon mo," sabay abot ko ng lunch bag, "Sige na, tanghali na," Tumango ito at tumalikod na paalis. Sanay naman ako noong nakaraan na wala ito tuwing umaga ngunit sanay rin ako na palagi pa rin syang nandyan. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? "Adam!" Huminto ito at lumingon, "Anong oras ka uuwi?" "Uuwi rin ako agad pagkatapos ng mga kailangan kong asikasuhin. Uuwi ako mamaya," Tumango ako at pinagmasdan syang sumakay ng sasakyan hanggang sa makaalis na. Pumasok na ako sa bahay ay nagdesisyong maglinis na lamang. Habang nagwawalis ay dumating naman si Isabela, "Ate!" Ngumiti naman ako, "Isabela, pasok ka," "Kailangan mo ng tulong? Doon ka na muna sa bahay ni Mama, ipagluluto kita," "Sige, tapusin ko lang linisin itong bahay. At saka nagluto na rin ako ng pagkain. Gusto mong kumain?," "Wow, ang galing mo naman Ate! Mamaya na ako kakain. Anong oras ka pala gumising?" "Mamaya na natin pag usapan yan. Tulungan mo na ako dito sa paglilinis para makatambay na tayo sa inyo," Sumang ayon naman si Isabela at mabilis naming natapos ang gawaing bahay. Pagkatapos nito ay inihanda ko ang nilutong pagkain at dumiretso na kami sa kanilang bahay. "Anastasia, Isabela, halina kayo at mag almusal," Nagluto ang matandang babae ng sinangag at pritong itlog. "Nagluto po ako ng adobo. Tikman nyo po ni Isabela," Napangiti ito, "Salamat, Anak. Tara, sama sama tayong kumain nitong niluto mo," Inabot nito ang bigay kong tupperware na may lamang ulam at inihain sa mesa "Ma sa itsura pa lang ang sarap ng luto ni Ate," "Nag almusal na po kasi kami ni Adam kanina," Bahagyang natigilan ang mag ina ngunit ngumiti rin agad. Kinabhan naman ako sa nakakalokong ngiti ni Isabela "Sige na Anak, kahit kaunti lang," Nahiya naman ako kung tatanggi pa kaya sumunod na ako sa matandang babae. Sama sama kaming nagsalu salo sa almusal. Matapos kumain ay kami na ni Isabela ang naghugas ng mga pinggan at kubyertos. Sandali muna akong umuwi sa bahay upang maligo at mag ayos ng katawan. Pagkatapos ay bumalik rin ako sa bahay ng mag ina. Pagkabalik ay nanatili muna ako sa silid ni Isabela habang nag aayos pa rin ito. Nakahiga ako sa kanyang kama at nagbabasa ng mga babasahin habang nakaupo naman ito sa vanity. "Ate, saan mo gustong gumala?" "Ikaw, saan mo ba gusto? Wala naman akong maisip," Alas otso na ng umaga. Siguro naman nakarating na si Adam sa appointment nya. Bakit hindi pa yun nagtetext? Marami pang ikinwento si Isabela ngunit tila pumapasok lamang ang mga ito sa isa kong tainga at lumalabas sa kabila. "Ate?" "Huh?" "Ang dami ko nang kinwento hindi ka naman pala nakikinig. May problema ba?" "Wala. Nagtext na ba ang Kuya mo?" Muli itong napangiti nang pilya, "Uy, namimiss na si Kuya! Sabi na nga ba, the more you hate the more you love!" I automatically rolled my eyes at tinalikuran ito. Habang ito nama'y tawa pa rin nang tawa. Ilang sandali pa ay tumunog ang celphone nito, "Kuya!" napabalikwas ako nang marinig ang sinabi ni Isabela "Kasama ko si Ate. Teka, iabot ko itong phone sa kanya" Agad naman akong nataranta at umiling kay Isabela, "Bakit daw? Ayoko! Ayoko!" mahina kong sambit "Huh? Ate, sagutin mo na," mahina nitong sambit habang inilalapit sa akin ang phone Wala na akong nagawa kundi kunin ito, "Anastasia," "Ano yun?" "Kamusta?" "Okay naman. Ikaw, nasa meeting ka na?" "Oo, malapit nang magsimula ang meeting namin," "Good luck," Ilang sandali itong tahimik sa kabilang linya "What's wrong?" tanong ko "Wala, wala naman. Gusto ko lang talagang marinig ang boses mo. Lumalakas ang loob ko," "Ang arte mo, sige na," masungit kong tugon He chuckled on the other line. Inabot ko na ang celphone kay Isabela "Kuya, pasalubong ah," sabay halakhak ni Isabela, "Sige na, mwah mwah tsup tsup daw sabi ni Ate," Agad ko namang binato ng unan itong si Isabela, "Huy! Ano na naman yan?!" Napahawak na lang ako sa aking noo dahil sa kalokohan ng kasama ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpasya kami na pumasyal kina Eve upang bumili ng maiuulam dahil umalis muna upang magtinda sa bayan ang matandang babae. "Hello mga ganda!" bati sa amin ni Eve "Hi, Eve! Ikaw din, maganda!" tugon ko Tulad ng dati ay niyaya muna kami nitong magmeryenda sa kanyang beach bar, "Heto at magmeryenda muna tayo," Naghain ito ng fish sandwich at sinamahan pa ng iced honey calamansi "Salamat," tugon namin ni Isabela "Kamusta?" tanong nito sa amin "Eve, specialty pala ni Ate ang adobo. Ang sarap!" "Talaga? Naku, Anastasia, patikim ako nyan ah," "Oo naman. Sayang naubos lang pero dadalhan kita sa susunod para makatikim ka," "Salamat," tugon nito "Friend, may tinda ka bang bangus?" "Oo naman. Teka, pakuha ako," Balak namin ni Isabela na magluto ng sinigang na bangus mamaya para sa pananghalian. Habang nagkukwentuhan ay dumating ang isang kustomer na babae na may mga kasama "Anong order nila?" tanong ni Eve "Ano yung bestseller nyo dito?" "Amanda?" sambit ni Philos na kakarating lamang "Philos! Kamusta?" tugon ng babae "Mabuti naman. Buti at napasyal ka rito. Sya nga pala," niyaya nito na lumapit si Eve, "Si Eve, asawa ko," Tumango naman ang babae. Nang mapadpad ang paningin ni Philos sa aming banda ay binati nya kami, "Oh, nandito pala kayo Anastasia at Isabela," Muli itong bumaling kay Amanda, "Narito rin si Isabela, kapatid ni Adam at si Anastasia, asawa ni Adam," Agad na dumapo sa amin ang paningin ng babae, "A-asawa?" "Oo, nagpakasal na si Adam. Si Anastasia ang kanyang asawa," ani Philos Ngumiti naman ang babae sa amin ngunit agad na ibinalik ang paningin kay Philos, "Nice to see you. Si Adam pala, nasaan?" "Uh, hindi ko alam. Anastasia, alam mo kung nasaan daw si Adam?" "Lumuwas sya sa Manila. May inasikaso," "Sayang, galing pa naman ako ng Manila kahapon," "Bakit ka nga pala napasyal dito? Ang tagal mo ring nanatili sa abroad," tanong ni Philos "Nakabakasyon kasi ako kaya umuwi muna ako dito," tumingin ito sandali sa akin, "Actually, tumawag ako kay Adam noong isang araw para ipaalam na nasa Manila na ako. Siguro excited yon na ma-meet ako kaya lumuwas, nagkasalisi naman kami," nakangiti nitong sabi "Girl, mahiya ka nga," sabay turo ng kanyang kasama sa akin "Uh, Anastasia, siguro hindi ka naman offended diba. Matagal kasi ang pinagsamahan namin ni Adam kaya very close kami sa isa't isa hanggang ngayon," "Amanda," saway ni Philo "No worries, malaki naman ang tiwala ko sa aking asawa. In fact, kakatawag nya lang para ipaalam sa akin na magsisimula na ang kanyang meeting," Hindi na ito sumagot at itinuon na lang ang pansin sa pagbabasa ng menu "Eve, Kuya Philos, mauna na kami ni Ate," paalam ni Isabela Lumapit naman si Eve sa amin bitbit ang supot na may lamang bangus, "Anastasia, pasensya ka na ha. Hindi ko naman kilala yung babaeng yun," mahina nitong sabi. Inabot ni Isabela ang bayad para sa isda "Anastasia, h'wag mo nang masyadong isipin yung sinabi ni Amanda. Kababata namin sya ni Adam pero magkakaibigan lang kami," sambit ni Philos "H'wag kayong mag alala. Okay lang ako. Paano, mauna na kami," Tumango naman ang mag asawa habang umalis na kami pauwi sa bahay. Habang tinutulungan si Isabela ay hindi ko maiwasang maalala ang sinabi ni Amanda, "Actually, tumawag ako kay Adam noong isang araw para ipaalam na nasa Manila na ako. Siguro excited yon na ma-meet ako kaya lumuwas, nagkasalisi naman kami," Hindi kaya sya ang tumawag noon kay Adam doon sa bazaarre? Paano kung sya pala ang aasikasuhin sana ni Adam sa Manila? Naghalu halo ang inis at gigil na aking nararamdaman. Sinungaling sya! May nalalaman pang payakap yakap at patawag tawag, iba naman pala ang aasikasuhin sa Manila! Ako naman si tanga, utu uto! Pinagluto ko pa! Sumakit sana ang tyan nya! "Ay, Ate!" gulat na sigaw ni Isabela. Tinadtad ko kasi ang siling haba "H'wag mo sa sili ibunton, hindi naman tayo gagawa ng bicol express," dagdag nito Napabuntong hininga na lamang ako, "Hayaan mo na. Gusto kong maanghang ang sinigang," Habang nagluluto ay dumating na ang nanay nina Adam at Isabela "Ma," lumapit si Isabela at nagmano. Sumunod din ako upang magmano "Mga Anak, kumain muna kayo ng ice candy, bumili ako sa bayan. Masarap yan," "Naku Ma, salamat. Kailangan yan ni Ate para lumamig ang kanyang ulo" "Huy!" agad kong sinaway ito "Anong nangyari Anastasia?" nag aalalang tanong ng matanda "Wala po," tugon ko "Ma, may kilala ka bang Amanda? Kababata raw ni Kuya. Ang sabi ba naman kay Ate kanina is close daw sila at kaya pumunta ng Manila si Kuya Adam ay para tagpuin sya," "Kababata nga ng Kuya mo si Amanda. Pero, hindi naman sya gusto ng Kuya mo," Bumaling ito sa akin, "Anak, naiintindihan ko kung naapektuhan ka, pero h'wag mong palaging isipin yun. Kilala ko si Adam, mahal ka nya. At mahal din kita bilang anak. Ikaw lang ang manugang kong babae," "Pak na pak!" sabat ni Isabela kaya natawa na lang kami Pagkatapos mananghalian ay nagpahinga na kami ni Isabela sa kanyang silid habang ang matandang babae ay dumiretso na rin sa kanyang silid. Ilang sandali ay muling tumunog ang celphone ni Isabela, "Kuya," "Si Ate?" "Sabihin mo natutulog ako," mahina kong bulong "Uh, natutulog daw sya," Napairap ako sa kalokohan nitong si Isabela "Ate, ito na oh, kausapin mo na," "Ayoko!" nagtalukbong na ako ng kumot "Kuya kasi, kasalanan mo ito eh," "Anastasia, anong problema?" niloudspeaker pa ni Isabela ang phone. Kaasar! Hindi pa rin ako kumibo. "Uuwi na ako agad," dagdag nito Lumingon ako, "H'wag na h'wag kang makakauwi sa bahay! Doon ka sa labas matulog!" pinatay ko na ang celphone at nagtalukbong ng kumot Nang imulat ko ang mga mata ay umuulan na sa paligid. Nakatulog pala ako kanina. Nang lumingon ako ay wala rin si Isabela sa kwarto. Bumangon na ako at natagpuan ang mag ina na nagluluto ng champorado, "Gising ka na pala Anastasia. Tamang tama matatapos na ito. Kumain muna tayo," yaya ng matandang babae Habang kumakain ay rinig ang lakas ng buhos ng ulan. Hindi ko tuloy maiwasang mag alala, "Isabela, nasan na raw ba ang Kuya mo?" "Tinatawagan ko nga po pero hindi mareach," "Baha na kaya sa Manila, di kaya mastranded Kuya mo? Anak, pakibukas ang TV," Binuksan ni Isabela ang TV at nanood ng balita. Lalo akong nag alala dahil baha na sa Manila at grabe pa ang traffic. "Kuya, nasaan ka na?" tanong ni Isabela. Nakahinga kami nang maluwag nang malamang nakatawag na si Isabela "Anong sabi ni Adam?" tanong ko "Stranded si Kuya sa expressway. Wala na raw baha pero matindi ang traffic. Baka mas gabihin pa raw sya ng uwi," Ilang oras ang lumipas at umuulan pa rin. Kasalukuyan akong nakatingin sa bintana, "Anak, makakauwi rin si Adam. Magpahinga ka na muna," "Sige po, susunod na lang ako. Hindi pa naman po ako inaantok," Nagtimpla muna ako ng mainit na tsokolate at matyagang naghintay. Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin si Adam. Tumila na rin ang ulan. Nagpasya na akong bumalik sa aming bahay. Matapos siguraduhing nakalock ang pinto at nakasara ang bintana sa sala at kusina ay naglakad na ako pabalik sa aming bahay. Habang nag aantay ay nag init ako ng dalang sabaw ng sinigang na aming niluto kanina. Muli akong nagtimpla ng mainit na tsokolate at bitbit ang aking balabal ay naupo ako sa hagdan sa labas. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang ilaw mula sa parating na sasakyan. Napatayo ako at hinintay syang makarating sa bahay. Bahagya pa itong natigilan nang makita ako ngunit nakabawi at mabilis na lumapit sa akin. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat, "Bakit gising ka pa?" Halata sa mukha nito ang pagod at pag aalala. "Kumain ka na ba?" Umiling ito "Kumain ka na muna," tugon ko at pumasok na sa loob Ipinaghain ko ito ng natirang sinaing at ininit na sabaw ng sinigang. Ipinagtimpla ko na rin ito ng mainit na kape Tahimik lamang itong kumain at manaka nakang sumusulyap sa akin habang ako'y nakaupo rin kaharap nito "Sya nga pala, naikwento sa akin ni Isabela" "H'wag ka nang magpaliwanag. Wala rin naman akong pakialam kung may gusto kang iba. Ang sa akin lang, itago ninyong mabuti kung maglalandian kayo dahil ayokong makaladkad sa eskandalo," "Wala naman akong ibang gusto. At mas lalong wala akong ibang babae," "Kababata ko si Amanda. Noong high school, hindi ko na rin sya nakasalamuha ng madalas dahil sa Manila ako nag aral hanggang kolehiyo," "Hindi ko alam na pupunta sya rito. Hindi rin sya tumawag sa akin," "Nagmamay ari ako ng security company sa Manila. Tumawag sa akin noong isang araw ang Operations manager para sa mga bagong kliyente at business meetings kaya kailangan kong bumisita sa kompanya," "May mga kinausap rin ako ngunit hindi ko pa pwedeng sabihin ngayon kung sino. Pero maniwala ka, wala akong balak na tagpuin si Amanda at wala akong ibang babae," Diretso itong nakatingin sa aking mga mata kaya umiwas na ako ng tingin para hindi mauto sa mga sinasabi nya. Tumayo na ako at dumiretso sa aking silid. Hindi na ito pumasok pa sa silid. Naligo siguro ito sa kabilang banyo. Hindi pa rin ako makatulog kaya nagpasya muna akong pumunta sa kusina at uminom ulit ng mainit na tsokolate. Paglabas ko ay natagpuan ko rin itong nag iinit ng tubig, "Hindi ka pa natutulog?" tanong nito "Hindi ako makatulog," "Ipagtitimpla kita," Matapos uminom ay inabot nito ang aking tasa. Napansin kong mainit ang kamay nito, "Teka, mainit ka. Kamusta ang pakiramdam mo?" "Wala lang ito. Sige na, ako nang bahala dito," Nang matapos ito sa paghuhuhas ng pinggan ay dumiretso na ito at nahiga sa sofa. Muli akong lumapit at inilapat ang palad sa noo nito, "Mainit ka. Nasan yung biogesic?" "Ayos lang ako," "Kung ayaw mong makinig bahala ka!" Patayo na ako nang hawakan nito ang kamay, "Galit ka pa ba?" "Bakit naman ako magagalit. Wala naman akong pakialam sa inyo ng Amandang iyon. Ah!---" Sa isang iglap ay hinila ako nito palapit sa kanya at kinulong ako sa kanyang mga bisig. Halos magkadikit ang aming mga katawan dahil sa sikip ng sofa, "Bitawan mo ako," nagpupumilit akong makawala sa kanyang mga bisig. Ngunit mas hinigpitan nito ang kanyang yakap. "Tulog na tayo," sambit ng malalim nitong boses Nahihirapan man akong aminin ngunit panatag ang aking kalooban sa tuwing malapit sa kanya. Gulung gulo ang aking isip ngunit nagpasya akong kalimutan ito sandali at sumunod sa kapayapaan ng aking puso. Ang init ng kanyang yakap ay humaplos sa aking kalooban hanggang sa unti unti na akong nagpaubaya sa antok
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD