Sinalubong ako ng banayad na liwanag ng araw pagkamulat ng aking mga mata. Sa kabila ng mga nangyari kahapon ay naging mahimbing ang aking tulog. Tila nakatagpo ng ginhawa ang aking puso mula sa init na yumakap dito. Kasing banayad ng init ng sikat ng araw. Tulad ng init ng kanyang yakap.
Agad nag init ang magkabila kong pisngi nang maalala ang nangyari kagabi. Mabilis akong nagtalukbong ng kumot at umiling. Para akong timang na umaasang mabubura nito ang mga alaala kagabi.
Ngunit mas maliwanag pa ang mga ito sa sikat ng araw habang ako'y nakakulong at humihikbi sa kanyang mga bisig kagabi. With my head resting on his chest and with our bodies so close, I have never felt so safe than before.
"Ugghh, ang landi mo Anastasia. May fiance ka, si Chase!" angal ko nang maalalang yumakap din ako pabalik sa lalaking iyon! Pero....hindi ba wala namang masama dahil asawa ko ang aking kayakap?
Nanlaki ang aking mga mata realizing what I've just thought. Talaga bang ipinapalagay ko nang asawa ko si Adam?!
Pilit kong pinaalalahanan ang sarili na hindi ito ang buhay ko. Pagkatapos ng isang buwan, Adam and I will go separate ways. And I will return to Chase. But the worst thing is... bakit naguguluhan ako?
Agad akong bumalikwas at muling umiling, "Stop it Anastasia!" muling saway sa sarili. Nagdesisyon na akong bumangon at baka kailangan ko lang maligo upang mabura na ito sa aking isip.
Pagkatapos mag ayos ng sarili ay lumabas na ako sa aking kwarto at dumiretso na sa kusina para maghanda ng almusal. Tiyak ay wala na naman sya at marahil ay nasa bukid. Mabuti na rin iyon upang matahimik muna ako ngayong umaga.
Ngunit tila pinaglalaruan ako ng tadhana nang makita ang taong nasa kusina. Nakatalikod ito at kasalukuyang nagsasangag ng kanin. Lalong nag init ang aking mga pisngi nang mapadpad ang aking mga mata sa hubad nitong likod. Tanging jogger pants lamang ang suot nito. Aakalain mong gym buff ito dahil kahit sa likod ay kitang kita ang kanyang tila iniskulptong masel. Isama pa ang seksi nitong puwet
Napapikit ako nang mariin dahil umagang umaga ay nagkakasala na ako,
"Anastasia?"
Agad kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan ko ang nagtataka nitong mukha. Ilang sandali ay ngumiti ito,
"Maupo ka na at malapit na itong maluto. Ano nga palang gusto mong inumin? Kape o tsokolate?"
Sa sobrang bilis at lakas ng t***k ng aking puso ay hindi ko mawari kung nabibingi o natataranta ba ako. Sanay ako na alam ang aking isasagot sa tuwing may board meeting sa kompanya pero bakit tumigil ang utak ko ngayon?
"S-sige,"
"Huh?" mataman ako nitong tinignan
Napaatras naman ako nang lumapit ito,
"Okay ka lang ba?" napaigtad ako nang lumapat ang kamay nito sa aking ulo
Habang ako nama'y para pa ring timang at nakaawang pa ang mga labi
Napangiti ito nang pilyo, "Teka, bakit pulang pula ka?"
Agad nanlaki ang aking mga mata sa pagkahiya. Agad kong winaksi ang kamay nito,
"Bitawan mo nga ako! H'wag kang assuming!"
Ngunit tila ayaw ako nitong tantanan, "Bakit ka nga namumula?"
"Ganoon talaga kapag maganda! Natural lang ang rosy cheeks," sabay ang aking irap. Umiwas na ako ng tingin at baka lalo pa akong matanga. Bakit ba kasi sya nandito!
Nakangiti pa rin ito at tinapos na ang niluluto. Inihain na nito ang pagkain sa mesa habang ako nama'y nakaupo na at pinipilit pakalmahin ang sarili. Ilang sandali pa ay nagtimpla na rin ito ng dalawang kape. Nang inabot nya ang isa ay agad akong napainom. Kailangan ko yata ng marami nito upang gumana ang aking utak
Tahimik lamang kaming kumakain nang muli itong magsalita,
"Hindi na muna ako nagtrabaho sa bukid ngayon. May pupuntahan tayo,"
"Saan?"
"Malalaman mo rin mamaya,"
"Adam, h'wag mong sabihing kung saan mo na naman ako dadalhin. May usapan tayo!"
"H'wag kang mag alala. Uuwi rin tayo dito mamaya,"
Hindi na ako kumibo at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ay nagkusa na akong tumulong sa paghuhugas ng mga pinggan at kubyertos,
"Ako na ang maghugas. Ikaw na ang nagluto,"
"Ako na ang bahala dito. Magbihis ka na para maaga rin tayong makarating sa pupuntahan natin. Sya nga pala, may ibibigay ako"
Sinundan ko ito papunta sa aming kwarto. May kinuha itong paperbag mula sa kabinet,
"Para sa yo,"
"Ano ito?" kinuha ko ang laman ng hawak na paperbag at natagpuan ang isang bestida. Katulad ito ng nakita namin ni Isabela sa bazaarre ngunit mas maganda ito. Hindi pa rin ako makapaniwala nang bumaling ako sa kanya,
"Napadaan kasi ako sa bazaarre kahapon. Naghahanap ng ipapasalubong sa yo,"
"Noong nakita ko yan, naisip ko na babagay sa yo. Sana magustuhan mo," napadpad ang isa nitong kamay sa likod ng kanyang ulo. Sa itsura ay tila nahihiya pa ito
Tila napipi ako at hindi malaman ang isasagot sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang saya ng aking puso ngunit sinasaway ito ng aking isip. Pinaalalahanan ko ang sarili na h'wag mag assume. Wala lang naman ito sa kanya. Siguro pinagbigyan nya lang ang pang aasar ng kanyang kapatid.
"H-hindi mo ba nagustuhan?" nag aalala nitong tanong dahil ilang sandali akong nanahimik
"Uh, no. I'll try this on. Thank you,"
Tumango ito at lumabas na ng silid. Pagkatapos kong magbihis ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi dahil maganda at bagay sa akin ang binigay nyang damit. Napahanga nya ako dahil mahusay pala syang pumili.
Habang nag eenjoy akong pagmasdan ang sarili suot ang bagong damit ay pumasok ito.
"Uh, magbibibis ka na yata. Sige, lalabas muna ako,"
Bahagya naman itong natigilan habang tahimik at seryoso pa ring nakatingin sa akin.
"Hindi ba maganda?" nag aalala kong tanong
Agad naman itong nakabawi, "Bagay sa yo. Maganda," Tulad kanina ay hindi ko mawari kung nahihiya ba ito o kung ano. Malayo sa karaniwan nyang asta.
"Sige, labas na ako," paalis na ako nang hawakan nito ang aking kamay
"Sandali, may nakalimutan pala ako,"
Lumapit ito sa cabinet at may kinuhang kahon ng sapatos. Inilabas nito ang isang pares ng white sneakers
"Surprise gift ba ulit yan? Itinodo mo na yata," natatawa kong sambit
Ngumiti ito, "Para naman at least may maalala kang maganda sa pananatili mo rito,"
Kukunin ko na sana ang mga sapatos upang isuot ngunit laking gulat ko nang paupuin ako nito sa kama at lumuhod sa aking harap. Umurong na yata ang aking dila nang hawakan nito ang isa kong paa at isinuot ang sneakers.
Habang tahimik nyang itinatali ang sintas ng sapatos ay halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng aking puso. Magkakasakit na yata ako dahil panay ang lakas ng kabog nito gayong umaga pa lang! Ironic as it may seem, mas gusto ko pa na nagagalit sa kanya kesa sa hindi ko maintindihang nararamdaman. Bakit parang may sariling isip ang aking puso? Ngunit kung anuman itong aking nararamdaman, dapat ko na itong iwaksi. Naguguluhan lang ako. At alam kong hindi dapat.
Nang matapos nitong isuot ang mga sapatos sa aking mga paa ay inangat nito ang mukha upang bumaling sa akin. Agad na akong umiwas, "Salamat, hindi mo na dapat ito ginawa,"
Tumayo na ako upang lumabas, "Uh, hintayin na lang kita sa labas,"
Nanatili muna ako sa terrace at nagpahangin. Ilang sandali pa ay lumabas na ito suot ang light blue polo shirt, beige shorts, puting sneakers at... ang puting cap na binili ko kahapon.
"Su-suot mo ang cap?"
Ngumiti ito, "Oh, itodo na natin. Isuot mo ito," sabay ang paglagay nito ng katulad na puting cap sa aking ulo
"Ano ito, couple outfit?!" Sinadya yata ng lalaking ito na terno kami ng damit, sapatos at cap!
"Aren't we a couple?" sabay ang pilyong ngiti nito at nauna nang pumunta sa sasakyan. Wala na akong nagawa at sumunod na rito.
Maganda ang panahon habang kami ay bumabyahe. Nilibang ko ang sarili sa pagtanaw sa mga puno at halaman na aming dinaraanan. Ang gandang pagmasdan ng maaliwalas na asul na kalangitan. Malinaw na nakikita ang mga berdeng bundok na pinatitingkad ng liwanag ng araw. Isama pa ang tila nagsasayaw na sikat ng araw habang sumisilip ito sa mga dahon ng mga punong aming dinaraanan.
Matapos ang ilang minuto ng byahe ay nakarating kami sa isang bahay. Napalilibutan ng mga halaman at makukulay na bulaklak ang bakod nito. Bumaba kami ng sasakyan at lumapit sa gate. Mukhang inaasahan ang aming pagdating dahil agad kaming pinagbuksan matapos magdoorbell ni Adam,
"Sir Adam! Madame! Pasok po kayo, hinihintay na kayo ng mag asawa sa loob," bati ng kasambahay
Nagtataka pa rin ako sa tunay na katauhan ni Adam. Pansin ang paggalang sa kanya ng mga taong aming nakakasalamuha habang napakasimple lamang nito. Kahit nagtatrabaho sya sa bukid o nangingisda, pakiramdam ko'y may pagkatao sya na hindi ko alam
Dumiretso na kami papasok at nabighani ako sa ganda ng hardin. Sinalubong kami ng makukulay na bulaklak at magandang landscape ng mga halaman. Sa gitna ay ang puting bahay na maitutulad sa mga cottage sa Amerika. Naalala ko tuloy ang painting ng paborito kong artist at para bagang nasa loob kami ng painting na iyon.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay natagpuan ko ang mga pamilyar na paintings. Tila bumalik ako sa pagkabata habang pinagmamasdan ang mga obra ng paborito kong pintor. Bumalik ang mga lumang alaala ng aking pangarap
"Ang swerte naman ng may ari ng bahay na ito. Nagkaroon sya ng koleksyon ni Kiel Vanti!" excited kong sambit
"Hijo! Hija! Welcome!" isang boses ng matandang lalaki ang bumati sa amin.
Nang bumaling ako sa pinanggalingan ng boses ay halos natigilan ako
"S-Sir Kiel Vanti?"
Lalong ngumiti ang maamo nitong mukha, "Ako nga,"
Halos mangiyak ngiyak akong napatingin kay Adam. Muling nanariwa ang pangarap na akala ko'y hindi na matutupad. Nais ko talagang maging artist katulad ng aking kapatid. Si Kiel ang paborito kong pintor. Gustung gusto kong matuto sa kanya sa larangan ng pagpipinta.
Nakangiting bumaling sa akin si Adam, "Sir Kiel, si Anastasia, asawa ko po,"
"Ikinagagalak ko kayong makita," lumapit sa amin ang matanda at ang asawa nito at binigyan kami ng mahigpit na yakap. Pareho kami ni Adam na nagmano sa kanila.
Niyaya nila kami patungo sa kanilang dining area kung saan pinagsaluhan namin ang masarap na pananghalian. Nakakaaliw makinig sa mga kuwento ng dalawang matanda at sa mga istorya sa likod ng mga obra.
"Masaya kami para sa inyong dalawa. Kailan pala kayo ikinasal?" tanong ng matandang lalaki
Muntik na akong masamid nang maalala ang natura ng aming kasal.
"Uh, mahigit isang linggo na po ang nakalipas," tugon ni Adam
"Bagay na bagay kayong mag asawa," tugon ng matandang babae
"Alam mo Hija, napakatyaga nitong si Adam. Nakilala ko sya noon sa art gallery, nakikiusap na kung pwede syang magtrabaho sa akin kapalit ng entrance pass para sa aking art show ng mga bago kong paintings,"
Bumaling ako kay Adam at napansin kong bahagyang natigilan ito ngunit agad ding nakabawi. Tahimik lamang itong nakikinig sa matanda
"And I found out na working student pa pala ito. So when I asked this young man why he wanted to work for me, gusto nya raw dalhin yung nililigawan nya dahil pangarap nito na makapunta sa art show,"
"Napakaswerte ninyo sa isa't isa. Ikaw ang naging inspirasyon ni Adam at lahat ay gagawin nya para sa 'yo. I hope nag enjoy ka sa art show,"
Tiningnan ko si Adam ngunit tahimik lamang itong kumakain
"Uh, hindi po ako yung nililigawan nya noon," tanggi ko
"Hindi pa po kami magkakilala noon," nahihiya kong tugon lalo na't alam kong aksidente lang nang ikinasal kami. Lango ako sa alak noon at wala sa matinong pag iisip
Bakas dito ang gulat, "Uh, ganoon ba? Naku, pasensya ka na Hija."
"Pero maniwala ka, totoong bagay na bagay kayo sa isa't isa. Kaya napagkamalan ko tuloy na ikaw ang nililigawan nitong si Adam. Di ba Hijo?"
Nanatili pa ring tahimik ang huli at nakangiting tumugon
"Sya nga pala Hija, halika at isasama kita sa studio ng aking asawa," yaya ng matandang babae
"Sige po," tugon ko sabay tayo upang sumunod sa matanda
Nanguna ito habang papunta kami sa studio. Habang inililibot nya ako sa bahay ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa saya. Mas lalo na akong ngumiti nang makapasok kami sa loob ng studio.
"Wow, ito yung mga paintings na sa art books at magazine ko lang nakikita. Hindi ko po inakala na makikita ko ito ng personal!" nakangiti kong sambit habang ang matandang babae ay masaya rin akong pinagmamasdan
"Well, hindi lang yan Hija. Why don't we paint together?" sambit ni Sir Kiel na kararating lang kasama si Adam
"T-talaga po?" agad nag init ang aking mga pisngi sa labis na excitement
"Of course, dear," he amusingly said
"Salamat po," hindi ko na napigilang lumapit at niyakap ito nang mahigpit. Sandali akong bumitaw,
"Sa totoo lang po, matagal ko nang pangarap na maging isang artist na tulad ninyo. Pero hindi ako kasing lakas ng loob ng kapatid ko kaya hindi ko natupad... pero salamat po,"
Bumaling ako kay Adam na nakangiti habang pinagmamasdan ako,
"Salamat," sambit ko
"Walang anuman Hija. So, let's start?"
Nagsimula na kami sa pagpipinta. Pinapili ako ni Sir Kiel ng subject at nang makapili na ay naupo ako kaharap ang canvas. Nagdesisyon akong ipinta ang isang bulaklak,
"Nag- iisketch ka na ba?"
"Opo,"
"Good. Maganda ang pulso mo pati ang control sa pagguhit at sa watercolor,"
"Ang idadagdag ko na lang ay subukan mong kapalan ng kulay ang ibang bahagi at laruin ang liwanag para mas mapalutang ang depth,"
Pagkatapos na macoach ni Sir Kiel ay nagtungo kami sa kanilang hardin upang magmeryenda at magkwentuhan. Bago ito ay pinabaunan pa ako ng asawa nito ng sketchpad at ibang gamit sa pagpipinta.
Nagtungo muna sa kusina ang matandang babae habang nakatayo sa malayo at nag uusap sina Sir Kiel at Adam. Kasalukuyan akong nakaupo sa outdoor dining at habang sumisimsim ng tsaa ay iginuguhit ko ang pamilyar na mukha,
"Nice sketch. Ibibigay mo ba kay Adam?" nakangiting tanong ng matandang babae habang inihain nito ang mga sandwich
"Uh, nagpapraktis lang po ako," nahihiya kong tugon
Nakangiti pa rin ito, "Hija, wala namang masama kung iguhit mo sya. Gwapo naman ang subject mo," biro nito
"Alam mo, sa arts, bukod sa technique, importante ang laman ng puso. H'wag mong pigilan ang sinisigaw ng iyong puso,"
"Mahal, Hijo! Kumain na muna tayo," tawag nito sa dalawa
Tila natigilan ako sa sinabi ng matandang babae. Mula sa malayo ay pinagmasdan ko si Adam. Bakit ba ako nagkakaganito?
Itinabi ko na ang aking sketchbook at sinikap na balewalain ang mga sinabi nito
Pagkatapos magmeryenda ay nagpaalam na kami sa mag asawa. Habang nasa byahe ay muli kong pinagmasdan si Adam na nagmamaneho. The golden afternoon rays touched his face that brought a natural glow. Sa malapit ay napagmasdan ko ang maamo at maganda nitong mukha. Muli kong naalala ang sinabi ng matandang babae
Dapat mainis ako sa kanya dahil ginulo nya ang buhay ko, pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit panatag ako sa tuwing kasama sya? Bakit pakiramdam ko, kaya kong abutin ang mga tunay kong pangarap kapag kasama sya? Why does everything feel so right when I'm with him?
"Why are you looking at me?" kasabay ang pilyo nitong ngiti
"W-wala," sabay pag iwas ng aking tingin
"May dadaanan tayo,"
"Saan?"
Sa halip na dumiretso pauwi ay dumaan muna kami sa bayan. Dahil malapit na ang fiesta ay may mga nakatayong bazaarre at amusement booths sa may plaza.
"Gusto mo bang tumingin ng mabibili?" tanong nito habang kami'y naglalakad sa mga booth
Wala naman akong gustong bilhin hanggang sa natagpuan ko ang booth ng mga stuffed toy na may machine claw. Ang cute ng mga ito at unang beses kong mararanasan na kumuha ng isa sa mga ito gamit ang machine claw.
Noon kasi ay hindi kami pinapayagang magpunta ni Ate sa mga amusement park. Kapag lumalabas kami ay nakatodo ring bantay ang aming mga yaya
"Punta tayo doon sa stuffed toys," yaya ko
Dumiretso naman kami at pagkatapos magbayad ay sinubukan ko ito.
"Ughh, bakit ang hirap kunin nito," dalawang beses na akong sumubok pero hindi ko makuha
"Tulungan na kita," alok nito
"H'wag na, sayang lang sa pera. At tsaka okay lang, at least na experience ko ito," nakangiti kong tugon
"Sigurado ka?"
"Oo,"
Ilang sandali ay tumunog ang celphone nito
"Sagutin ko muna ito,"
Tumango naman ako. Habang inililibot ko ang paningin sa park ay hindi ko maiwasang mapakinggan ang kanilang pinag uusapan,
"Sige, pupunta ako sa kompanya bukas," seryoso nitong sambit at pinatay na ang tawag
"Aalis ka bukas?"
"Oo, may aasikasuhin lang ako. Doon ka muna kina Mama magstay para hindi ka mainip at mabantayan ka nila,"
Tumango ako, "Mamamasyal lang ako sa mga damitan,"
"Sige susunod ako. May titignan lang ako sa mga booth dito sa malapit,"
"Okay," at dumiretso na ako sa mga nagtitinda ng damit
Pagkatapos kong maningin ng mga paninda ay nakasunod na rin ito sa akin
"May nagustuhan ka?"
"Wala, saan tayo nyan?"
"Gusto mo dito na tayo maghapunan? May alam akong restaurant,"
Tiningnan ko ang paligid at gabi na nga kaya pumayag na ako. Nang makarating kami sa restaurant ay naupo kami sa al fresco na lugar. Isa itong Italian restaurant at nakakamangha dahil mga authentic Italian food ang inihahain nito. Italyano raw na nakapangasawa ng Pilipina ang may ari nito
Umorder kami ng bruschetta bilang appetizer at sinundan ng dalawang pasta at isang maliit na pizza. May red wine din bilang inumin.
"Salamat. Hindi ko akalain na magkaibigan pala kayo ni Sir Kiel,"
"Walang anuman,"
"Bakit mo pala naisip na mamasyal sa labas? May espesyal bang okasyon? That's... not so you,"
Bahagya naman itong tumawa, "Gusto ko lang bumawi. Marami akong idinulot na sama ng loob sa 'yo at gusto ko na kahit paano ay may mga magandang alaala ka sa akin,"
"Buti naman alam mo," mataray kong sagot kaya muli itong natawa
Pagkatapos naming maghapunan ay umuwi na rin kami sa bahay. Nagpasalubong kami ng pizza para kina Mama at Isabela kaya tuwang tuwa naman ang huli
Nang makatapos maligo at mag ayos ay naupo muna ako sa may hagdan ng kubo. Kalmado ang langit na binibigyang liwanag ng buwan at kumikislap na bituin,
Magkita tayo sa art museum sa Sabado ng hapon, 4PM. Art show ni Sir Kiel, sagot ko :)
Labis na excitement ang aking nadama nang mabasa ang sulat na nakadikit sa loob ng aking locker. Nabanggit ko kasi kay Paolo na paborito kong artist si Kiel Vanti at gustung gusto kong makita ang gallery nito
Bagamat nagtataka kung paano sya nakabili ng ticket dahil mahal ang mga ito, ay binalewala ko ito at nagtiwala sa kanya. Kaya noong Sabado ay nag ayos na ako ng sarili.
Natagpuan ko na si Chase na naghihintay sa living area
"Chase," masayang bati ko rito, "Thank you ha. Alam mo namang pangarap kong makapunta sa art show at mababagot lang ako dun sa business gala. Ikaw na ang bahala sa akin kina Mom at Dad,"
"Anything for you, Anastasia,"
Habang nasa byahe kami ay napansin kong iniba nito ang ruta, "Chase, hindi ito ang papunta sa art museum,"
Ngunit tila wala itong narinig at bagkus ay patuloy lang sa pagmamaneho. Base sa aming tinatahak ay papunta kami kung saan gaganapin ang business gala
"Chase!"
Inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng building
"Ano to? Akala ko ba tutulungan mo akong makapunta sa museum? Bakit mo ako dinala dito sa gala?!"
"Anastasia, look. Mas makakabuti sa mga pamilya natin at sa negosyo kung dito ka pupunta,"
"Magagalit si Tita sa ating dalawa kung hindi ka aattend dito,"
"Pero Chase, bakit ka nagsinungaling? Bakit mo ako niloko? Kaibigan kita!"
"Gusto mo bang madisappoint na naman sina Tito at Tita? Ano bang maitutulong sa 'yo ang art show na yan? At yang kaibigan mong si Paolo, hindi ba janitor yan? Sa tingin mo, paano nya maaafford makabili ng mahal na ticket for that show?"
"Masipag si Paolo kaya h'wag mo syang insultuhin!"
"Are you in love with that Paolo? Anastasia, whether you like it or not, we will soon be engaged. You would not want to bring shame into your family by falling in love with a janitor. Kailangan nating ma engage para mas maging successful ang mga negosyo ng ating pamilya. Set aside your dreams and emotions, think about our obligations,"
"Uminom ka muna. Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" sabay abot ni Adam ng isang tasa ng mainit na tsokolate
"Sinong mag aakala na noon pala ay magkikita na sana tayo sa art show ni Sir Kiel. Siguro ang saya ninyo ng date mo noon,"
Sumimsim ito ng inumin, "Hindi sya nakasipot. Hinintay ko sya hanggang sa magsara ang show pero hindi sya dumating,"
Napatingin ako sa hawak kong tasa, "Naalala ko sa yo ang isang tao. Siguro kaya nya ako iniwan dahil ang sama ko. Tulad mo, naghintay din sya sa art show. Pero hindi ako sumipot. Ang hina ko, ni sarili kong pangarap hindi ko naipaglaban. Kaya hindi ko sya masisi kung hindi nya ako binalikan,"
Muli akong tumingin sa langit, "Kamusta na kaya sya? Siguro mas masaya na sya kapiling yung babaeng mas deserve nya. Yung mas magmamahal sa kanya at mamahalin nya. At siguro, kung naging miserable man ako, deserve ko ito,"
"Paano kung hinanap ka nya? Paano kung bumalik sya?"
I slightly chuckled, "Hindi siguro,"
"Para sa 'yo," sabay abot nito ng stuffed toy
"K-kumuha ka?" gulat kong tanong. Muling lumakas ang t***k ng aking puso
Ngumiti ito, "Tulog na tayo? Maaga pa ako bukas," Kinuha nito ang aking tasa at tumayo upang pumasok sa loob ng bahay
Nang makapasok na ako sa silid ay palabas na ito bitbit ang unan at kumot
"Good night," lumabas na ito ng silid
"Sampung taon na ngayong araw na ito simula nang una ko syang makilala," sambit ko. Huminto ito sa ginagawa
"Salamat. Salamat dahil naging espesyal ang araw na ito. Salamat dahil pinaalala mo sa 'kin na pwede ko pa ring maabot ang mga pangarap na matagal ko nang isinantabi,"
Bumaling ito sa akin at tumango, "Masaya ako at kasama kita,"
Agad na akong pumasok sa silid at isinara ang pinto. Napapikit ako habang isinandal ang aking ulo sa pinto. Tahimik ang gabi ngunit halos magwala ang aking puso sa hindi ko maintindihang saya na nararamdaman nito.