CHAPTER 8

2032 Words
Umalis na kaming mga babae at nagpalit ng swimwear. Pinagamit muna kami ni Eve ng mga bagong swimwear mula sa boutique nito, "Eve, salamat. Palagi ka talagang ready!" ani Isabela "Oo, salamat Eve," dagdag ko "Walang anuman," nakangiting tugon nito Nagtungo na kami sa dagat at tila mga naging musmos na bata kami ni Isabela pagkadampi ng aming mga paa sa malinaw na tubig. Nagtatalon pa kami sa tuwa habang si Eve ay natatawa na lamang sa amin. Sa sobrang saya ay agad akong naglublob sa maligamgam na tubig dagat. "Ladies, kalmado lang ang alon ng dagat kaya basics lang ang gagawin natin sa surfing. Don't expect yung typical nating napapanood dahil wala masyadong alon," paalala ni Eve "Yes Ma'am!" tugon namin ni Isabela Bumalik muna kami sa dalampasigan upang idemo nya kung paano gumalaw sa surf board. Iginiya nya ako hanggang sa makuha ko ang mga angkop na galaw. "Ang bilis mong matuto, Anastasia," sambit nito Bumalik na kami sa tubig at doon ay pinagpraktis muna ako ni Eve sa pagpaddle ng surf board upang magamayan ko ang mga alon. Nang maging komportable ay sabay na kami ni Isabela na pumorma upang magsimulang magsurf. Si Eve naman ay nakaalalay sa akin. Habang nakadapa sa surf board ay sinimulan kong igalaw ang aking mga braso upang lumangoy.Nang makatyempo na ng alon ay sinimulan kong itinukod ang aking mga kamay sa surf board upang iangat ang aking dibdib habang itinukod ko na rin ang mga daliri sa paa upang makabwelo mamaya sa pagtayo. Ipinaling ko ang katawan sa gilid at saka bumwelo upang makatayo. Sinabayan ko ang alon habang binabalanse ang katawan "Ang galing mo talaga, Ate!" bati ni Isabela na kasabay kong nakikipaglaro sa alon "Go, Anastasia! Super!" bati ni Eve Hindi ko napigilang mapangiti sa saya. Ang sarap sa pakiramdam na malaya akong nakikipaglaro sa dagat. Habang ineenjoy ko ang pagsusurf ay natanaw ko si Adam na nakangiti at naghihintay sa akin sa may dalampasigan, "Excellent, I'm proud of you," Tila nagkabuhul buhol ang t***k ng aking puso. Hindi ko maintindihan bakit ako biglang nacoconscious! Bakit ba naaapektuhan ako sa tuwing nakikita ang baliw na ito! Gulung gulo ang aking isip hanggang sa nawalan na ako ng balanse at nahulog sa tubig "Ah!" hindi magkaintindihan ang aking mga braso at hita sa pagkawag sa tubig hanggang sa may yumakap sa akin at nakaahon ang aking mukha sa tubig Pagmulat ko ng aking mga mata ay natagpuan ko ang mga pamilyar na mata sa tuwing inililigtas ako, "Are you alright?" Sa sobrang lapit ng aming mga mukha ay mas napagmasdan ko ang maganda nyang mukha. Tila tumigil ang oras habang tila nalulusaw ako sa init na ibinibigay ng kanyang mga bisig na kumukulong sa aking katawan. "Anastasia! Kuya Adam!" tawag ni Eve Agad akong natauhan at sinubukang kumawala mula sa kanya ngunit niyapos pa rin nya ako, "Let's get out of the water," Nang makaahon na kami sa dagat ay lumapit na rin sina Isabela at Eve, "Okay ka lang ba, Ate Anastasia?" tanong ni Isabela "Oo," tugon ko "Buti na lang nandyan si Kuya! Yun talaga ang literal na, I'm falling for you. Awww, sana all!" sabay tili nito Muli ay pinandilatan ko ito ng mata habang natawa na lang sina Eve at Adam "For a first timer, ang bilis mong matuto, Anastasia!" sambit ni Eve "Thank you," tugon ko Bumalik muna kaming mga babae sa snack bar upang magtuyo gamit ang tuwalya at magpahinga. Si Adam naman ay sinamahan si Philo na kasalukuyang nagluluto ng aming pananghalian "Ladies, kuha muna ako ng maiinom natin," paalam ni Eve "Ate, CR muna ako," Tumango naman ako at nagpahinga muna sa kinauupuan. Ilang sandali pa ay may nag abot sa akin ng inumin. Nang bumaling ako ay natagpuan ko ang isang banyagang lalaki, "Drink?" "Sorry, I already have one. I'm just waiting for my friend," "Okay, but can I sit beside you?" Hindi na ako sumagot at tumingin sa dagat, "Hey, I'm Nick. I saw you surfing at the beach and I can't just help but admire. Can we have drinks later?" sabay lahad ng kamay nito Mula sa dagat ay napatingin ako sa kamay nito habang pinoproseso ang isasagot. Ngunit bago pa ako makasagot ay may seryosong tinig na nanggaling sa aking likod, "No, you cannot," "Dude, I'm not talking to you. Who are you?" "I'm her husband. So you better get out of here before I punch your face," Agad na nitong kinuha ang aking kamay at hinila ako palayo. Nang makalayo na kami ay padarag kong kinuha ang aking kamay, "Let go of me!" "Isang buwan lang ang hinihingi ko sa yo, Anastasia. Bakit hindi ka makapaghintay?" "What?!" "You are already married. Why are you still flirting with another guy?!" "Excuse me?! Bakit parang ako pa ang may kasalanan? I am not flirting with him! Sya ang lumapit sa akin!" "Pwede ba, don't act as if you are my true husband! Sa papel lang tayo mag asawa, but you don't have my heart!" umalis na ako at hinanap ang mga babae Sa may snack bar ay natagpuan ko na sila kasama si Philo "Nandito na pala kayo, tara kain na tayo," sambit ni Philo Tila may fiesta dahil sa iba't ibang putaheng nakahain. Mayroong halabos na hipon, adobong pusit, ginataang tulingan, inihaw na isda at mainit na kanin pati hiniwang hinog na mangga. Sama sama naming pinagsaluhan ang mga pagkain. Inuna ko munang kainin ang steamed rice kasama ang adobo at ginataan dahil hindi ako sanay na magbalat ng hipon at maghimay ng isda. Ngunit laking gulat ko nang ilagay ni Adam sa aking plato ang mga binalatang hipon at laman ng isda. Ako pala ang pinagbabalat at pinaghihimay nito kaya halos hindi pa ito nakakakain "Tama na, kumain ka na muna," sabay ang paglagay ko ng adobo sa kanyang plato. Kahit naiinis ako sa kanya ay may konsensya pa rin naman ako. Tinatanaw ko pa rin naman ang pagligtas nya sa akin sa pahamak. Napansin ko pa ang mag asawa pati si Isabela na napapangiti ngunit binalewala ko na lamang ito. Bagkus ay nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng mga putahe "Sana ay nagustuhan mo ang aming simpleng handa, Anastasia," sambit ni Philo "Oo, thank you for hosting us. Ang sarap ng lahat ng pagkain lalo na yung adobong pusit," Napangiti naman ito, "Si Adam ang nagluto ng adobo," Hindi na napigilan ni Isabela na bumungisngis kaya naman lalong nag init ang aking pisngi. Bakit ba palaging ang lalaking ito ang nagluluto ng nagugustuhan kong pagkain? Kaasar! "Palagi kang naikukwento nitong si Adam. Pati yung paborito mong ulam na adobo naikwento din nya," Nahuli ko pang pinandilatan ng mata ni Adam ang kaibigan, "Whoah, bakit pulang pula ka Bro?" natatawang sambit ni Philo "Bakit mo alam ang paborito kong ulam?" hindi ko napigilang itanong "Eto kumain ka ng mangga," pag iiba nito ng usapan Hindi na ako nangulit pa ngunit hindi ko pa rin mawari paano nya nalaman iyon. Tanging malalapit lang sa akin ang nakakaalam noon "Anastasia, adobo na naman? Hindi ka ba nagsasawa?" tukoy ni Madi sa kakabukas kong lunch box. Kasalukuyan kaming nasa school cafeteria para sa aming lunch break "Oo naman, favorite ko kaya itong adobong baboy," "Ikaw ha, palibhasa absent si Chase pumaparaan ang hitad. Hala, isusumbong kita, hindi ka nagsalad," sabay halakhak nito Natawa rin ako, "Minsan lang naman ito, Bes. At saka halos puro salad na nga ako. Isa pa, may nagbigay nito sa akin. Ibinilin kay Ate cashier," nangingiti kong sambit "Aba, at nagregalo muli ang secret admirer ng hitad!" "Hindi ah! Hindi naman nanliligaw at tsaka hindi ko naman sya kilala," "Iconfront mo kasi! Malay mo natotorpe lang kaya idinadaan ka sa notes o regalo sa locker mo. Feeling ko nga mas kinikilig ka doon sa secret admirer mo kesa kay Chase!" "Stop it, Madi. Besides, nanliligaw na si Chase and I have known him for a long time. Kaya mas matutuwa ang families namin kung magiging kami," "Bes, kailan mo naman gagawin yung gusto nyan?" turo nito sa dibdib ko "Mahal ko naman si Chase," "Bilang kaibigan oo, pero bilang romantic partner iba ang sinasabi ng mata mo," "Bes, tama na. Mahal ko si Chase," "Well, sabi mo eh. Pahingi na lang ng adobo ni Papsi admirer," Pagkatapos ng tanghalian ay nagpaalam na rin kami upang umuwi sa bahay. Pagkadating ay naroon na ang sasakyang ginamit ng matandang babae kaya marahil ay nagpapahinga na ito sa kanyang silid. Si Isabela naman ay dumiretso sa kusina upang ayusin ang mga ulam na ipinabaon ni Eve pati na ang mga sariwang isdang huli. Sinamahan ko na muna ito, "Anong maitutulong ko?" "Ate, okay lang. Maligo ka na muna at alam kong pagod ka rin," "Hindi, okay lang ako. Tutulungan kita," "Ang kulit naman ni Ate, sige na nga. Pakilagay na lang po ng mga ulam sa container," "Okay," Nang matapos ay pumasok na kami ni Isabela sa kanya kanyang silid upang maglinis ng katawan at magpahinga. Pagkapasok ko sa aking silid ay sarado pa ang banyo at naliligo pa ang lalaking iyon. Lalabas na muna ako ng kwarto nang biglang lumabas ito mula sa banyo. Tila naestatwa ako nang makita ko ang hubad at basa nitong katawan na tanging tapis lamang ang nakatakip sa ibaba. Hindi ko maiwasang sundan ng tingin ang pagtulo ng tubig mula sa buhok nito pababa sa kanyang dibdib, patungo sa kanyang firm six pack abs, at pababa sa kanyang V line. Nang iangat ko ang tingin sa kanyang mukha ay nakita ko pa itong bahagyang napangiti kaya lalong namula ang aking mga pisngi. Agad kong inalis ang pagkadistract at pinaalalahanan ang sarili tungkol sa aking pakay Umiwas ako ng tingin, "I need to talk to you. About last night. Sige, payag ako sa isang buwan," muli akong bumalik sa kanyang tingin, "But you have to ensure na tutuparin mo ang iyong pangako. Maliwanag ang usapan natin, isang buwan lang. Kailangang maging malinis at maayos ang mga papel natin," Hindi ito kumibo at bagkus ay dumiretso sa cabinet. Agad kong hinarang ang sarili sa pagitan nya at ng cabinet, "Hey, I'm talking to you! Bakit ayaw mong sumagot? Ano, binubudol mo lang ako?!" Agad akong napasinghap nang ikulong ako ng mga nakatukod nyang kamay sa kabinet. Nanlaki ang aking mga mata at napaawang ang aking labi nang ilapit nito ang katawan sa akin. Halos maduling ako sa lapit ng aming mga mukha, "A-anong gagawin mo?" tila tatalon na ang aking puso sa lakas ng t***k nito. Tila tumitigil ang aking utak sa pagkakataong ito. Mas lalo nitong inilapit ang kanyang mukha, "Don't you ever kiss me! Sisigaw ako!" He chuckled, "I have the every right to do what I want to you since we are married. But I respect you as my wife," "Narinig mo na ang sinabi ko. Don't worry, wala pa akong binigong pangako sa 'yo," Napakunot ang aking noo? Anong pangakong hindi nya binigo? Sino ka ba, Adam? Bakit parang kilalang kilala mo ako?! Lumayo na ito habang tumabi na ako upang mabuksan nya ang cabinet. Naupo ako sa seating area at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng t***k nito. Para akong mauubusan ng hangin kanina. Ilang sandali pa ay lumabas na ito ng kwarto kaya napabuntong hininga na lang ako. Kainis! Pagkatapos maligo ay nakatulog ako sa silid dahil sa pagod. Pagkagising ko ay madilim na kaya bumangon na ako upang lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay natagpuan kong naghahain na sina Isabela at Adam, "Gising ka na pala Ate, kain na tayo," Ngumiti ako at naupo na rin kami. Dumulog na rin ang matandang babae, "Kamusta ang inyong picnic?" "Masaya po, tinuruan ako nina Isabela at Eve na magsurf at masarap ang mga pagkain," "Masaya ako at nag eenjoy ka, Anastasia, Anak," "Salamat po," "Anastasia, pasensya na at alam kong hindi naging madali sa 'yo ang pag aadjust dito," "Adam, Anastasia, dapat ay naisip ko ito nang mas maaga. H'wag kayong mag alala, kanina inasikaso ko na sa bayan at bukas din ay ipapatayo natin ang bahay ninyong mag asawa dito sa kabilang lote. Mas maganda na magkaroon kayo ng privacy," "Ano po?!" halos mawindang ako sa narinig
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD