Okay, so maybe I do miss him a little.
Unang araw na wala siya, medyo okay pa. Maliban na lang sa pamimilit sa akin nila Erlina para magkuwento kung bakit hindi pumasok si Zyrus ng araw na 'yon. At ayun, na-judge nanaman ako, ilang beses nilang tinanong kung inaway ko raw ba siya kaya hindi nanaman nagpapapasok ang instant hearthrob ng quarters namin.
Pangalawang araw, naging malinaw sa lahat ng ipaalam ni bossing na naka-leave siya kaya magte-take over muna si Chloe, 'yong isa pa naming engineer na katrabaho, for the mean time. At ng araw naman na 'yon, kinulit ako ng sambayanang kababaihan para kunin ang number ni Zyrus para kamustahin. Ibinigay ko naman, sino ba naman kasi ako para ipagdamot 'yon.
Pangatlong araw na ngayon. Na-mi-miss ko na ang mga pasimple niyang banat at wala sa lugar niyang pantitikis.
Napabuntong-hininga ako at napalapag ng lapis ko sa mesa. Gusto ko man ikaila pero alam ko namang lolokohin ko lang ang sarili ko. I am starting to feel something for him, kahit na lagi niya akong bina-badtrip. Parang noon, noong Colleg pa kami. Tulad nga ng sabi ko rati, walang hindi magkagusto kay Zyrus at kahit ako hindi ligtas doon.
"Ate Thea, nag-email kasi sa akin si Mr. Geronimo. May papabago raw siya ulit, pero minimal lang naman." Tugon ni Chloe habang nakadungaw sa itaas ng cubicle ko.
"Sige akin na." Walang buhay kong sagot sabay alis agad ng titig sa kaniya.
"Uyy, Ate Thea. Okay ka lang? Ilang araw ka ng matamlay." Mapag-alalang tanong niya. Napataas ako muli ng titig at sinalubong ang magaganda niyang mata.
"Oo namam Chloe. Bakit naman hindi?" Sabay pilit na ngiti.
Kinunotan niya lang ako ng noo saka ngumiti ng nakakaloko. "Na-mi-miss mo ba siya?"
Now it's my turn to furrow my eyebrows as I look at her with disgust. "Ew, bakit ko naman ma-mi-miss ang demonyong 'yon?"
Saka siya biglang napatawa ng mahina. "Uyyy, iba ang pumasok sa isip. Si Kuya Warren ang tinutukoy ko, unless iba ang naalala mo."
Nako, naloko na!
Naramdaman ko na lang ang mabilis na pag-init ng mukha ko bago ako napayuko. "Akin na ang listahan ng revision para matapos ko na." Pag-iiba ko ng usapan.
I heard her laughing mockingly before handing me a printed file. "Don't worry Ate, kunwari walang nangyari." Tugon niya sabay kindat at alis.
Gusto kong sabunatan ang sarili ko. Ano ba 'yon? Oo nga naman, bakit ba kasi si Zyrus ang unang pumasok sa isip ko? Anak siya ng tipaklong! Joke, Lord hindi ko po ginusto na idamay magulang niya. Siya na lang ang tipaklong.
Medyo naging busy naman ako sa mga revisions na sinasarili kong gawin. Hindi naman sa nagpapa-bibo ako kaso ito lang kasi ang natatanging paraan para hindi ako magkaroon ng oras isipin si Zyrus.
Namumuro na talaga siya!
"Thea, lunch na." Agaw ni Nikka sa atensyon ko.
Napatingin ako sa wall clock namin at nag-inat sabay tango. Bumaba kami sa cafeteria at panay nanaman ang tanong nila sa akin tungkol kay Zyrus. Parang mas maganda pa ata kumain ako mag-isa.
"Bakit kaya siya nag-leave bigla ano? Saka buti pinayagan siya." Mapagtakang ani ni Jen a sabay kagat sa ice cream na kinakain niya.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain at sumagot na hindi nagtataas ng tingin. "Sa kanila ang kompanya. So basically, he can do whatever he damn pleases." Like putting me and him on the same project!
I heard gasped before Cheska finally spoke, "S-sa kanila?"
I just nodded and shrugged before I met their gazes. "Well, his dad owns it, and the same time he runs the company alongside with his cousin. Saka mas gusto niya raw mag-Engineer kaysa administrative work."
They blinked couple of times until creepy and mocking grins appeared on their faces. "Uyyy, dami mong alam tungkol kay Engineer ha." Tukso sa akin ni Jena.
Mabilis ako na nag-iwas ng tingin at ibinalik sa focus ko ang pagkain para maiwasan ang pamumula ng pisngi ko. Ugh! Me and my stupid mouth.
"Classmates nga kami ng College." Pagpapalusot ko.
"So ibig sabihin may lahi ring German si Zyrus? Diba si boss ZL half-Filipino, half-German?" Erlina asked. Finally, a topic diversion.
Napakurap ako at napaisip. Tama! He is part German! Naalala ko nanaman ang mga salitang binitawan niya noong isang araw na hindi ko naintinindihan. Ano na nga ba ulit 'yon? Du bi something.
"Kaya pala kagwapuhan eh." Kilig na kilig na dagdag ni Nikka na kinahagikhik naman ng mga kasama namin sa mesa.
Eww.
Fine! Guwapo naman talaga si Zyrus, pero bawing-bawi naman ang kinaganda ng mukha niya sa ugali niya.
Why am I even arguing with myself?
Dapat kasi hindi ko na tinanggap itong project na ito noong una palang!
Eh hindi mo naman alam noong una.
I just sighed. Sabi naman ni boss bibigyan niya ako ng two weeks na adjustment period, at sisiguraduhin ko na hindi pa rin ako nakakapag-adjust sa kaniya hanggang sa matapos ang dalawang linggo na iyon.
He's not really good for me.I should really distance myself from him. Loyal ako sa fiancé ko at kahit na wala namang nakakaalam sa magulong nararamdaman ko ngayon, hindi pa rin ito tama.
Pagbalik namin sa opisina, ginawa kong busy ang sarili ko ulit. Pero ganoon pa rin, tumigil lang ako sandali sa trabaho, bigla nanamamg papasok sa isip ko ang demonyo na 'yon.
I need someone to punch the senses in me.
"Bakit ba kasi nandiyan ka?" I irritatingly muttered while clenching my pencil tight. Get out of my mind, stupid!
"Sorry...aalukin lang sana kita na sumama sa amin mamaya. Kakain kasi kami sa labas."
Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Harvey na nakaupo sa upuan ni Zyrus. He has that apologetic look on his face. Na-guilty tuloy ako.
"H-Hindi ikaw ang kausap ko...sorry."
Then he looked at me and smile weakly. "Hindi, okay lang. Mukhang busy ka rin naman. Next time na lang siguro." Saka siya nagpaalam at umalis.
Inuntog ko ng tatlong beses ang ulo ko sa mesa. Now I look like an asshole. Gusto ko siyang habulin para mag-explain at pumayag sa alok niya pero ano naman ang sasabihin ko?
Na hindi siya ang sinasabihan ko kundi si Zyrus na nagkakampo na sa isip ko?
I rolled my eyes before I let hit my head on top of my desk again. "Stupid. Stupid. Stupid." I murmured.
"Okay ka lang Thea?" Narinig kong tanong ng kung sino sa likuran ko.
"Baka nababaliw lang sa revisions, 'wag natin istorbohin." Mabilis naman na sagot ng kung sino man ang kasama ng taong nasa likuran ko.
At dahil sa pang-iinarte ko na 'yon, hindi ko natapos ang mga pinapagawa sa akin at kailangan kong mag-overtime. Nahiya naman akong magpatulong sa mga kasama kong arkitekto dahil nga diba? Sinarili ko na ang trabaho noong umaga at saka nabigyan na sila ng kani-kanilang tasks kaya nakakahiya naman kung hahatian ko sila bigla dahil lang sa kagagahan ko.
"Thea, una na ako ha." Paalam sa akin ng secretary ni Sir Anton na kasama kong mag-overtime.
Buti pa siya natapos na niya ang trabaho niya.
Nginitian ko siya saka tumango. "Sige, thank you pala sa kape." Sambit ko sabay taas ng Large na libre niya. "Ingat ka." Dugtong ko pa.
She smile back at me before she locked boss' office. "Ingat ka rin mamaya sa pag-uwi mo. Mag-aalas dyes na, 'yong susi sa guard mo na lang iwan. Mauna na ako."
Saka siya kumaway at mabilis na lumabas ng quarters, iniwan akong mag-isa. Pati kasi si Kuya maintenance, umuwi na.
I sighed when silence filled my ears. Kasalanan lahat ito ni Zyam, kung hindi niya binagabag ang pag-iisp ko edi sana tapos ko na 'tong revisions na 'to kaninang tanghali pa.
I sipped my coffee before polishing the final blueprint. Actually, nang nalaman ko na ninong ni Zyrus si Mr. Geronimo, parang mas gusto kong pag-igihan pa ang pagtratrabaho. It felt weird and unsettling, pakiramdam ko gusto kong i-impress si Zyrus. Hindi ko lang alam kung bakit at kung para saan.
"Argh!! Ikaw nanaman ang iniisip ko! Umalis ka na sa utak ko Zyam, hindi ka welcome diyan." I said in frustration before pulling my hair out.
Then I heard a chuckle coming from the quarter's big, glass, double doors.
Napatayo ako at nakita si Zyrus na mukhang kakapasok lang. "Sabi ko naman sa'yo ma-mi-miss mo ako, 'diba?" He said with that to-die-for grin.
Hindi ako naka-react, I stared at him wide-eyes in shock. He heard what I said! He fücking heard what I said! Stupid, stupid, stupid mouth!
"So, 'nanaman' pala, ha? That means ever since I went on leave, you've been thinking about me." He said oh-so-confindently as he stride his way towards me.
My heart started pounding loud hard on my chest as I think on what to say, but nothing came on my mind. I just stood there, watching him make his way to me.
Nagulat na lang ako ng nasa harap ko na siya at kakaunting pulgada na lang ang layo niya sa akin.
"Say you miss me, beautiful. Say it." He whispered, closing in some few more inches.
"L-lumayo ka nga sa akin." Mahinang sagot ko sabay lagay ng magkabilang kamay ko sa dibdib niya at sinubukang itulal siya palayo.
Bad move! Bad move!
Dahil bigla niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko saka ako tinulak papalapit sa mesa ko. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng pwetan ko sa edge ng lamesa ko.
"Say you miss me." He whispered his breath fanning my face. I gulped as I try to steady my wild heart.
"Z-Zyam..."
He released my other hand so he could tipped my chin up, me meeting his hot and needy gaze. Ang mga kulay kape niyang mata niya nagniningning sa paraan na hindi ko maintindihan.
"Say you miss me or I'll kiss you." He said before his lips tugged into a lopsided smile.
I stopped breathing as I got lost in his beautiful light brown eyes. "I-I m-miss you." Then I felt the gush of heat travelling to my cheeks.
He snickered, saka niya kinagat ang ibababng labi niya. "I thought so." He murmured. Saka bumaba ang titig niya, sinundan ko iyon at nakita kong sa picture siya ni Warren nakatitig.
Inabot niya 'yon at tinaob. "Meine." He faintly said before he claimed my lips.