PROLOGUE
"Hi baby! How are you today?" Ani ko sabay haplos sa malambot na buhok ng fiancé ko. Nakapikit ang mga mata niya pero kitang-kita mo pa rin ang kagwapuhan niya. "I'm still going to the office, it's still early right? Pero nagtext kasi si boss, ako raw muna ang magbe-babysit sa bagong saltang engineer sa firm. I don't know why, he knows that I'm more comfortable working alone than working with a partner. But I will still try.
Susubukan ko pa naman kung makukuha ko siya sa magandang usapan na 'wag sa akin ipares ang bagong engineer."
Sandali akong natahimik at naupo sa tabing upuan ng kama niya. I held his hand and brought it to my lips. "Sana gumising ka na baby. Miss na miss na miss na kita." Bulong ko, pinipigilan ang mga luhang puwedeng makatakas mula sa mga mata ko. Napakagat ako sa labi at sinusubukang ngumiti. Ayaw naman ni Warren na nakikita akong nakasimangot.
Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang mama niya na papasok sa kuwarto kung nasaan kami. Mukhang pagod si Mama Whena pero araw-araw siyang nandito para kay Warren. Minsan kapag off ko kinabukasan, ako ang pumapalit sa kanyang magbantay dito sa ospital. May mga kapatid din kasi si Warren na inaasikaso pa ni Mama Whena sa kanila.
"Thea anak sana nagpasabi ka na dadaan ka para nakabili ako ng makakain mo. " Tugon niya sa'kin bago siya humalik sa pisngi ko. I smiled at her before I brought my attention back to Warren.
"Kumain naman na ako sa bahay bago ako dumaan dito, Ma. Saka papasok din ako ngayon sa trabaho."
Napatango siya saka siya umakbay sa akin, sandali kaming natahimik bago siya humugot ng hininga at nagsalita. "Anak sa tingin mo gigising pa si Warren?" Sa loob ng halos anim na buwan na pagkaka-coma ni Warren, ngayon lang naitanong ni Mama sa'kin ang ganitong bagay. Then she sighed again, "Sabi ng doctor choice na rin naming hugutin ang life support niya." Saka siya umiyak bago naupo sa gilid ng kama ng anak niya.
"Minsan naiisip ko kung si Warren na ang gumagawa ng paraan para matapos na ang paghihirap niya. Kung gusto niya bang 'yun ang mangyari o gusto niyang lumaban pa tayo."
Inabot ko ang isang kamay ni Mama para makaabot ako ng kaunting lakas. "Ma, kilala natin si Warren. He's a fighter. Kayang-kaya niyang gumising. Kailangan lang natin lumaban kasama siya." I muttered.
Mama cried harder after what I said. Alam kong mas mahirap para sa kanyang makita ang anak niyang parang wala ng pag-asang lumabas ng ospital. Dagdag mo pa ang gastusin niya, nag-aabot naman ako ng kaunti pero madalas tinatanggihan ni Mama iyon. Minsan sinasabi ko na lang na galing 'yun sa joint account namin ni Warren para lang tanggapin niya.
Kalahating oras lang ang tinagal ko sa ospital dahil nagsimula ng tumawag sa akin ang boss ko. Akala niya siguro hindi ko sila sisiputin ng kung sino mang Pontio Pilato ang ipapares niya sa akin para sa bagong project.
"Boss naman, alam mong mas nakakatrabaho ako ng ako lang." Muling ulit ko. Actually, halos apat na araw ko nang sinasabi sa kanya ito. Simula nang sinabi niyang may partner na akong Engineer ito lang ang nagiging linya ko.
"Altheyah, alam ko 'yun. Hindi ka naman magiging employee of the year for the past seven consecutive years kung hindi ka magaling sa ginagawa mo."
I saw passed that flattery. Alam kong ginagawa lang ito ni Sir Anton para mapapayag ako. "Sir, engineer 'yun! Architect ako, bakit sa akin mo naman ipapaalaga ang taong iyon?" I again tried.
Napabuntong hininga na lang si Sir Anton bago siya naupo sa harapan ko. "Saan ka nakakita na puro engineer ang magkakasama sa isang project? At saka may iba naman kayong kasama, iyon nga lang he will be working closely with you because you know the basics of the company better than anyone here."
"Pero Sir..." Wala na, naubusan na ako ng palusot.
"Besides you wanted the project he's in. Kung ayaw mo pupwede kitang ilipat ng project para —"
"Hindi na Sir!" Basag ko agad sa puwede niyang sabihin. Hindi! Hindi ako ang mag-a- adjust para sa taong iyon.
Nakita ko na lang ang ngiting tagumpay ng boss ko kaya napakamot na lang ako sa ulo. "Good. Alam ko namang responsableng empleyado ka kaya alam kong hindi mo ako bibiguin." Saka siya may inabot na folder sa ibabaw ng shelf sa likuran niya. "Here are the must-knows about your partner para hindi ka masiyadong mangapa kapag nagkita na kayo bukas."
Inabot ko ang hawak niya saka binuklat. Nagsisi ako agad sa mga naging desisyon ko, "You've got to be kidding me." I exclaimed breathless, sana pala nagpalit na lang ako ng project.