Hindi na ito tama. Itigil mo na 'yang kahibangan mo Altheyah.
Ilang beses kong inuulit-ulit iyon sa sarili ko habang naglalakad ako pakaliwa at pakanan sa loob ng kuwarto ni Warren. Pagkatapos niyang sinabi ang mga bagay na iyon sa akin, nagpumilit akong sumakay ng cab pabalik ng opisina.
Hindi ko na kayang manatili sa isang lugar kasama siya, lalo na't sa isang maliit na espasyo tulad ng loob ng sasakyan niya.
Napasalampak ako sa sofa at sinabunutan ang sarili ko. Ano bang nangyayari sa akin? Why do I feel attracted to Zyrus? Diba noong una halos puro galit lang ang nararamdaman ko sa kaniya? Ilang araw palang ganito na ang nangyayari sa akin. He's causing havoc and chaos in my system and it seems like I have no power to stop it.
Napatingin ako kay Warren na natutulog habang may nakasapak na tubo sa bibig niya. I feel so guilty. Pakiramdam ko nagtataksil na ako sa kaniya.
Lumapit ako sa fiancé ko at humawak sa kamay niya sabay upo sa upuan sa tabi ng kama nito. I kissed his hands countless of times while looking at him intently. Saka ako napatingin sa singsing na binigay niya sa akin noon.
I was really the happiest woman alive when he asked me to marry him. I could still remember everything like it was yesterday.
"Naiiyak na ako Erlina. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Warren. May nagawa kaya akong mali?" Pagsusumbong ko kay Erlina habang nasa daan kami papunta sa isang site.
I was free dahil dahil day-off ko naman kaya sumama na lang ako kila Erlina sa pupuntahan nila. Dapat may date kami ni Warren ngayon. Kaso, bigla na lang siyang nanlamig sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali, hindi naman kasi siya ganoong lalake.
Natawa ng mahina si Erlina na nakaupo sa passenger's seat saka ako nilingon. "Ano ka ba? Inlove na inlove sa iyo si Warren ano! Baka naman may sakit o masama lang ang pakiramdam."
Lumabi ako mas lalo, 'yong mga luha ko malapit nang magsipagbagsakan. "Hindi eh. Basta iba ito ngayon Erlina. Kahit sa opisina hindi niya ako kinikibo unless usapang trabaho. Tapos lagi siyang busy, hindi na niya ako naihahatid sa amin. Baka.." Saka ako napalunok. "Baka may iba na siya..." Iniisip ko pa lang parang hinihiwa na ang buong pagkatao ko.
Napabuntong hininga si Nikka saka ako inakap. "Nababaliw ka na Thea! Kung anu-ano na ang naiisip mo."
Pero hindi na ako nakasagot. Yumakap na lang ako ng mahigpit sa kaniya. Saka nagsalita si Jena na siyang nagmamaneho ng kotse. "We're here girls."
Napatingin ako sa labas ng bintana at napakunot ng noo. Akala ko ba sa site ang pupuntahan namin? Isang malawak lang na lupa ang tinititigan ko. Akala ko nag-start na ang construction project nila? If I'm not mistaken, isa iyong condominium.
"Ummm. Hindi ba mali ang napuntahan natin?" I asked, breaking the silence.
Walang sumagot sa akin. Naunang bumaba si Jena saka ako pinagbuksan ng pinto. Hinila niya ako palabas, saka naman sumunod sa akin si Nikka na siyang nagpiring sa mga mata ko.
"Hey. Ano—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng pinigilan ako ng isa sa kanila para tanggalin ang iniligay nilang tabing sa mga mata ko.
"Sorry, kailangan ka naming kidnappin. But we promise you'll like this." Narinig kong tugon ni Erlina.
Gusto kong magpumiglas pero alam kong wala namang mangyayari kaya nagpatinaod na lang ako sa kung saan man nila ako dadalhin.
Naglakad kami ng ilang mga minuto bago sila huminto kaya napahinto na rin ako. Sila naman kasi ang gumagabay sa mga yapak ko.
"Ready, architect?" Mapanuksong tanong sa akin ni Nikka. I nodded my head. Ready for what?
Tuluyan nilang inalis ang piring ko saka tumambad sa akin ang table for two na set-up sa gitna ng malawak na damuhan. Ilang beses ako napakurap, saka lumabas sa kung saan si Warren na may hawak na isang bouquet ng bulaklak. Wala na rin sila Erlina na kasama ko lang kani-kanina.
Gusto kong umiyak. Sa haba ba naman ng araw na malamig ang pakikitungo niya sa akin, ngayon ko lang ulit nasilayan ang matamis niyang ngiti.
"Hey, baby." Bati niya saka ako nilapitan.
Hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Napatakip ako sa bibig ko at nagsimulang humikbi.
Napakunot siya ng noo at mabilis na pinahid ang mga luha ko. "Baby, baby..don't cry. Shhh." Malambing niyang tugon na mas lalong nagpaiyak sa akin.
Niyakap niya ako ng mahigpit at ibinalik ko sa kaniya 'yon. "Nakakainis ka! Alam mo bang ilang araw na akong hindi makatulog kasi hindi ko alam kung bakit ka biglang nanlamig sa akin." Inis na mangiyak-ngiyak na sumbat ko sa kaniya.
Hindi naman siya kumibo, bago niya ako muling hinarap. Nakangiti pa rin siya, "Flowers for you baby." Sabay abot sa akin ang mga roses na hawak niya.
Napasimangot ako sa kaniya. "Ayoko niyan! Gusto ko mag-explain ka kung bakit bigla ka na lang lumayo sa akin." Then I wiped my tears using the back of my hand. "May iba ka na ba? Kaya ba sweet ka ngayon sa akin dahil makikipag-break ka na? Iiwan mo na ba ako—"
"What are you talking about baby?" Putol niya sa marami ko pang tanong.
Hindi ako nakasagot. Inilapag niya sa mesa sa likuran niya ang mga roses saka muling humarap sa akin.
"Lumayo ako sa'yo dahil dito. Inihahanda ko ang surpresa ko sa'yo. Baka kasi madulas lang ako at masabi ko sa'yo kapag magkasama tayo lagi. Pasensiya na kung iba ang pagkakaintindi mo sa paglayo ko." Saka siya mariing na tumitig sa mga mata ko.
Nagsimula na namang manubig ang mga mata ko habang nakatitig ako sa lalakeng dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko.
"Hindi ko naman kailangan ng surprise Warren eh..." Mapagmaktol na sagot ko.
Pero imbis na sagutin niya ako, ngumisi lamg siya saka kumapa sa bulsa niya. He suddenly knelt in one knee in front of me before opening a black velvet box. A diamond ring shined with the sunset.
I clamped my hand on my mouth, not able to find the right words to utter.
"Ako kasi kailangan ko eh. Kailangan kong gawin ito." Nakangiting tugon niya. "Thea, baby, I want to secure myself to you and your future with me. The happiest moments of my life are all because of you. You complete me, you are everything to me. At wala na akong hihilingin kundi ito, ang matamis mong oo. Altheyah Divina Aguilar, will you marry me?"
"Yes! Yes!" Sagot ko saka niya isinuot ang singsing sa kamay ko. Tumayo siya ng tuwid saka ko siya sinalubong ng isang mahigpit na yakap habang iyak-tawa akong bumubulong sa kaniya.
He spun me around while laughing. "Thank you! I love you!" He said, tears residing in the corners of his beautiful eyes.
"I love you too, baby." I answered before we shared a monumental kiss.
Mapakla akong natawa saka sumuklay sa buhok niya. Bakit kailangang sa amin pa mangyari ito? Masaya naman kami, hindi rin naman kami naging masama kahit kanino, pero bakit ganito? Bakit parang ang hirap naman ng pagsubok na ito?
I sighed before I left a soft kiss on his lips. Miss na miss ko na rin siyang halikan, yakapin, lahat.
Saka ako napahawak sa noo ko, kung saan dumapo ang mga labi ni Zyrus. I suddenly felt awful. Pakiramdam ko ang sama ko ng fiancée kay Warren. Ganito na nga ang lagay niya tapos nakakaramdam pa ako ng kakaiba sa ibang lalake. Is this cheating? Am I being unfaithful?
I was pulled out of my reverie when Mama Whena emerged from the door. May hawak siyang bag na ang laman siguro ay damit at plastic ng pagkain.
"Thea, anak, ako na rito." Nakangiting bati niya sa akin.
Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya bago nagpaalam na uuwi. Pero na imbis na dumiretso ako ng bahay, natagpuan ko na lang ang sarili ko na papasok sa isang kapihan sa 'di kalayuan ng ospital.
Siguro, aaralin ko na lang ang mga changes na gustong ipagawa sa akin ni Mr. Geronimo na kaka-email niya kanina. Tapos kapag dinalaw ako ng antok, saka ako uuwi para wala akong oras isipin ang demonyong iyon.
Ang daming tao sa loob ng Dreamer's Bean kaya nahirapan akong maghanap ng mauupuan, hanggang sa nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng kulay asul ang buhok na nakakunot ang noo habang naka-focus ng mabuti sa laptop sa harapan niya.
"Hi, is the seat taken?" I asked, stopping in front of her.
She quickly shook her head before she motioned me towards the chair. "Please."
"Thank you." I murmured pero hindi na niya ako nilingon at sinagot. Nagkibit-balikat na lang ako at sinimulang ilabas ang mga gamit ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-dra-drawing nang biglang magtawag si Ate na may maikling asul na buhok na nakaupo sa harapan ko.
"Yes, Ma'am?" The barista politely asked, bending a little closer to lend his ears.
She cleared her throat before she pointed at the ceiling. "Hi...ummm... I know this is an odd request, but, ah, can you please replace the song?" Napalingon ako dahil iba ang uri ng pananalita niya. May accent siya na ibang lahi.
The barista blinked in confusion before nodding his head. Ilang sandali, isang classical music na ang bumalot sa loob ng coffee shop.
"Bad memories, I guess?" Hindi ko napigilang magkomento. Akala ko nga susungitan niya ako pero ngumiti siya saka nilukot ang ilong nito.
"You can say that."
"You have an accent. Japanese? I'm Thea, by the way." I introduced myself offering my hand. Ngumiti siyang muli bago dumako ang mata niya sa mga plates sa harap ko bago ito bumalik sa mukha ko.
"Nope, I'm a full pledge Filipina with an Japanese citizenship. I'm Mika." Pagpapakilala niya saka niya tinanggap ang kamay ko. "Thea, I'm guessing you're an architect? Gusto ko lang malaman ang opinion mo about the land I am about to lease for my business."
Natawa ako, akala ko kasi mapapalaban ako sa inglisan sa kaniya. Mukha naman siyang naguguluhan kaya dinugtungan ko na ang pagtawa na ginawa ko.
"Nagtatagalog ka naman pala, nagoyo mo ako sa accent mo." Biro ko habang bago ko binaba ang lapis na hawak ko. "Let me see?"
Iniharap niya sa akin ang laptop niya saka pinakita ang litrato at stats ng lupa na sinasabi niya. I was nodding ny head hanggang natapos na ang file na pinapakita niya.
"3000 hectares. Wow! What are you trying to build? A castle?" Napapito ako. Alam ko naman sa itsura niya palang, mukhang anak mayaman na. But for her to lease that of a big area, mukhang hindi siya basta-bastang babae.
"Not a castle, hindi ko naman pinangarap 'yon. I'm planning to put up a hacienda."I stared at her in full awe. Hacienda? Pangarap kong makahawak ng ganoong project. "Family business. Mom's retirement from being a public shool Head Teacher is approaching. We want to put up a business para may pagkaabalahan siya." Pagpapapatuloy niya pero sa pagpapaliwanag niya para bang maliit lang na bagay ang pagpapatayo ng ganong business sa ganoong kalaki na lupa.
Napatikhim ako at muli napatingin sa laptop niya. "Anyway, maganda naman ang lupa. But I am no expert to say that dahil hindi pa man ako nakakahawak ng hacienda project simula nang nagtrabaho ako. Pero base sa mga sinasabi ng mga engineer friends ko, I think the area will suit your plans well."
Marami pa siyang naging tanong, pinakita pa nga niya sa akin ang sketches niya which were good. Akala ko nga noong una architect din siya.'Yon nga lang, mas nauna siyang nagpaalam sa'kin dahil maaga raw ang meeting niya kinabukasan.
Naging busy pa ako ulit sa mga revisions ko nang bigla akong nakatanggap ng text. Unknown number kaya agad kong binuksan.
From: +639**********
"I'll be on leave for a couple of days. May sakit ang daddy ng kaibigan ko."
Napatitig ako ng matagal sa text na iyon. Sino naman 'to?
"Who's this? Wrong sent ka ata." I replied. Bago ko pa malagay sa loob ng bag ko ang cellphone ko'y muling nag-vibrate iyon.
From: +639**********
"This is your Zyam, Vinang. Nagpapaalam lang ako sa'yo."
Your Zyam? At kailan pa siya naging akin? At hindi ko pa pala naisave ang number niya.
Napakunot ako ng noo, binabalewala ang biglang lakas na pintig ng puso ko. Basta pagdating sa kaniya nagiging irregular ang pintig ng puso ko.
"Pakialam ko naman sa'yo. Edi mag-leave ka." Inis na reply ko. Wala pang tatlong segundo may natanggap na akong sagot.
From: +639**********
"Awww, alam kong ma-mi-miss mo ako. Don't worry, beautiful. Ma-mi-miss din kita."
Napairap ako sa kawalan kahit na nag-iinit na ang mga pisngi ko at hindi na nag-reply! Maganda rin siguro na hindi kami magkita ng ilang araw para mawala na siya sa isip at sistema ko.