Chapter 7

1397 Words
Kinakabahan akong pumasok kinabukasan. Hindi ko kasi sigurado kung papasok pa si Zyrus o hindi na. Aba malay ko ba kung tuluyan ng nagkasaltik ang taong 'yon at nagpalipat nanaman ng quarters. Pinagpapawisan ako ng malamig hanggang sa nakaupo na ako sa upuan ko. Ginawian ko ang tabi ko at nakitang nandoon pa rin ang cellphone at bag niya kung saan niya ito iniwan kagabi, ibig sabibin hindi na talaga siya bumalik kahapon kahit ng nakauwi na ako. Ala una ng hapon ang unang meeting namin sa kliyente. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatingin ako sa orasan sa opisina namin..8:30 am. May mahigit limang oras pa ako para isipin kung paano ko siya kokontakin at paano ko siya pipilitin na sumulpot sa meeting mamaya, kung hindi, lagot talaga ako kay boss! Ma-me-memo-han na talaga ako panigurado. Napabuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang pagguhit sa proposal na ihaharap namin mamaya. Ingat na ingat ako sa pagkuha ng tamang sukat ng mga iyon ng bigla kong narinig ang maingay na bulong ni Erlina. "Nandiyan na si Engineer!" Excited niyang sambit kaya hindi ko napigilan ang pagtaas ng ulo para titigan ang lalakeng kalalabas ng elevator. Binati siya ng mga kababaihan at mga binabae na buong puso naman niyang sinagot. Mukhang good mood na siya, panay pa nga ang ngiti at kuway niya sa mga katrabaho namin. Titig na titig lang ako sa kaniya hanggang sa maupo na siya sa tabi ko. Agad niya rin naman akong ginawian ng tingin, hindi ko maipaliwanag ang ngiti sa bibig niya pati na rin ang naghuhumerentadong takbo ng puso ko nang nakita ko iyon. "Good morning beautiful." Bati niya sabay ngisi. Sandali akong natigilan sa paghinga. Hindi ko magawang alisin ang pagkakapako ng titig ko sa kaniya at ganoon rin siya. "I-I uhh...H-hi..." I stuttered. Why? Why the hell am I feeling weird? Nginitian niya lang ako. Hindi ba ako sanay na nginingitian ako? Umiling siya saka tumawa na mahina. "Hi, Vinang. Marumi ba ang mukha kaya ganiyan ka na lang makatingin?" Tudyo niya sabay nguso at pa-cute. I snapped back to my senses before I rolled my eyes at him. That made him chuckle. Susungitan ko pa sana ulit kaso naalala ko nanaman ang sinabi ni boss at pinangako ko kay Warren kagabi. Kaya humugot ako ng malalim na hininga at inabot ang container na bitbit ko kanina pagkapasok. "Ummm...Peanut butter and Jelly Sandwich." Maikli kong tugon sabay abot sa kanya noon. Kumunot ang noo niya saka ako pinakatitigan na parang sinapian ako o kung ano. "'Diba paborito mo ito? O baka nagbago ka na ng favourite?" Umiling siya saka inabot ang container na hawak ko. Sandaling nagkahawak ang kamay namin na ako naman ang agad bumitaw dahil parang napaso ako. A low chuckle rose from his throat before he opened the plastic container and took one of the two sandwiches out. "Paborito ko pa rin naman 'to. Wala namang nagbago." He muttered, taking a bite in the process. "Parang ikaw, hindi pa rin nagbabago." Sambit ko sabay irap sa kaniya na ikinatawa niya. "Mas sanay akong sinusungitan mo ako, Vinang. Kapag mabait ka sa akin, maniniwala akong kinuha ng alien and dating Divina at iba ang kaharap ko ngayon." Biro niya bago inubos ang hawak niyang pagkain at labas sa natitirang isa. Mahina ko siyang sinuntok sa braso. "Kailangan kong maging mabait sa'yo. Ako ang babysitter mo, utos ni boss." Hindi ko na rin mapigilan ang ngiti sa labi ko. This is good. Puwede naman palang ganito. Iyong hindi kami nag-aaway at hindi ako napapagalitan ni Sir Anton. Natawa siya bigla saka ako hinarap. "Ibig sabihin ba no'n baby mo ako?" He asked while wiggling his eyebrows. Hindi ko alam kung paano ako mag-re-react sa sinabi niya. Bigla na lang kasing napatakbo na parang atleta ang puso sa mga salitang binitawan niya. Bakit ganito? I only feel this way towards Warren. And then memories of me secretly crushing on Zyrus from College hit me. Imposible! Imposible naman na mabuhay pa ang mga damdamin na iyon. Simpleng paghanga lang naman 'yon, wala na. Siguro hindi lang ako sanay sa kaniya kaya ganito ako maka-react. Tumikhim ako saka ko hinarap ang mesa ko. Hindi na ako kumibo dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa itinatanong niya. Handa na akong magtrabaho ulit at hindi siya pansinin nang ibinalik niya sa akin ang container na pinaglagyan ng sandwiches na binigay ko sa kaniya. "Salamat sa agahan Vinang. The last one who made sandwiches for me was Jaliyah and that was like over a year ago I guess. Ngayon lang ako ulit nakatikim ng peanut butter at jelly." Masaya niyang inilahad ang mga salitang iyon. Ako naman napatango na lang at mabilis na bumalik sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit may biglang kumirot sa bandang dibdib ko sa mga sinabi niya. I wonder what his ex looks like. Sigurado akong maganda siya at siguradong-sigurado din akong matalino..Doktor eh. I suddenly felt insecure. Siguro manliliit ako kung sakaling makakaharap ko ang Jaliyah na minahal ni Zyrus noon. That stopped my irrational thoughts. Bakit naman ako na-i-insecure? At bakit ko namang iisiping magkakaharap kami? May fiancé ka na Thea, ano ba naman 'yang tumatakbo sa isipan mo? Hindi matino. I silently cussed and reprimanded myself until it straightened my thinking out. What the hell is happening to me? Napapikit na lang ako at ginawang busy ang sarili hanggang sa pukawin ni Zyrus ang atensyon ko. "Vinang, kailangan na nating ihanda iyong mga ipapakita natin sa kliyente mamaya." Napatango na lang ako at ibinigay sa kaniya ang folder ng mga plano para sa Subdivison na balak itayo ng kliyente namin. Actually, kinakabahan nga ako para roon, kasi hindi ko talaga forte ang residential units. But I might as well try. Tinawag pa muna kami ni boss sa opisina niya bago kami tuluyang nakaalis ng quarters ni Zyrus. Panay ang paalala niya na 'wag daw kaming magbangayan sa harapan ng kliyente. Syempre, kahit ano naman siguro ang inis ko kay Zyrus, hindi ko siya magagawang sigawan sa harap ng client. Napaka-unprofessional no'n. "Sakay na Vinang." Aya sa akin ni Zyrus nang nakarating kami sa parking lot. I was assigned as the Head Architect and he was assigned as the Head Engineer of the project kaya kaming dalawa lang ang kikita sa mga kliyente. Napatitig ako sa kaniya, pinagbuksan niya ako pinto ng kulay itim niyang Ford Ranger. "Hindi na, convoy na lang tayo." Pagtatanggi ko habang hinahanap ang susi ng sasakyan ko sa bag. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko sabay hila sa akin papasok sa passenger seat ng sasakyan niya. "Sayang gasolina." Tugon niya bago niya ako sinuotan ng seatbelt. Sinarado niya ang pinto at mabilis na tumakbo papunta sa driver's seat. I felt awkward all of the sudden. My heart hammered inside my chest as if asking permission to lurch out. I don't know why I feel this around him. Tahimik lang kaming dalawa sa loob. Nabibingi na nga ako sa katahimikan. Wala naman akong naisip na sabihin o tanungin sa kaniya kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Pero siya ang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Vinang, nasaan ang fiancé na sinasabi mo?" Bigla niyang tanong. I was caught off guard. I blinked a couple of times before I faced him. "Ha?" Ngumisi siya bago niya ako ginawian ng tingin at mabilis na bumalik sa daan iyon. "Nasaan ang fiancé na binanggit mo kahapon? Baka naman gawa-gawa mo lang 'yan." Paninikis niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako ganoon kadesperada para gawin 'yan, gago." Marahan siyang tumawa. "So? Nasaan nga? Iharap mo nga siya sa akin ngayon." Iritable ko siyang nilingon at pinagtaasan ng kilay. "Bakit ka naman biglang naging interesado sa fiancé ko? Saka kung gusto mo siyang makita, nasa mesa ko ang picture niya." "Ah siya ba? Akala ko kapatid mo iyon." He teased. Gagawin pa kaming biktima ng incest! Pinalo ko siya sa braso na siyang ikinatawa niya. "He! Only child ako." Inis na sambit ko sabay crossed arms at balik ng titig sa daan. "Only one ka rin." Mabilis niyang tugon. Nanlaki ang mga mata ko bago ko siya muling nilingon. "A-ano?" "Wala." Hindi ko na gusto pang marinig ang sinabi niya dahil iba ang epekto nito sa akin, sa puso ko. Kaya nanahimik na lang ako kahit nagagambala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD