Walang imik akong bumaba sa sasakyan niya, hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Nagwawala kasi ang puso ko sa tanan ng biyahe namin papunta sa restaurant kung saan namin kikitain ang kliyente.
Gusto kong iuntog ang sarili ko kanina sa dashboard ng sasakyan niya. I shouldn't be feeling this way towards Zyrus. What I feel for him was way overdue. Sobrang tagal na no'n, college pa kami. Anong petsa na ngayon? I'm a twenty eight year old architect now and I am happily engaged to an amazing man. Illegal na itong atraksyon na ito. Hindi ito tama.
Napahilamos ako sa mukha ko bago ako tuluyang pumasok sa restaurant. Sinuyod ko ang buong lugar bago tumama ang mata ko sa isang may katandaan ng lalake na kumakaway.
He must be Mr. Geronimo. Hindi naman niya ako kakawayan kung hindi siya iyon. Ngunit bago pa ako makalapit naunahan na ako ni Zyrus.
May malapad na ngiti ito sa mukha bago lumapit. "Ninong Jhun!" Bati nito sabay akap nito sa kaniya.
Naiwan ako sa kinatatayuan ko habang nakanganga. The old man patted his shoulders before he broke the hug. Then both of them settled their gaze at me.
"So she's the one?" Mr. Geronimo muttered, his smile reaching his eyes. My heart pounded at those words. The one? What does he mean 'the one'?
"Yes ninong, the one and only.." Saka tumikhim si Zyrus. "Architect Altheyah Aguilar." Tugon niya sabay kindat sa akin.
Napakurap ako ng ilang beses bago ako nilapitan ni Zyrus. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa bago niya ako hinatak paupo sa sofa sa harap ni Mr. Geronimo, na Ninong niya.
"You're very pretty Ms. Aguilar." Bati sa akin ni Mr. Geronimo bago dumako ang titig niya kay Zyrus na ngiting-ngiti sa tabi ko. "Kaya naman pala." Dagdag niya.
Kaya naman pala ano?
Gusto kong magtanong, ngunit natatakot din ako sa sagot.
Muling tumikhim si Zyrus bago binuklat ang folder na bitbit niya. "Anyway ninong, may mga proposals kami sa magiging itsura ng subdivison na gusto mong itayo. Vinang and her fellow architects did atleast eight designs for you to choose from."
Isa-isa niyang nilatag ang mga plates na ginawa namin. Tumatango-tango lang si Mr. Geronimo, paminsan-minsan kinakausap niya ang secretary niya at nagtatanong ng opinyon.
Habang busy sila, umayos ako ng upo at inilapit ang bibig ko sa tainga ni Zyrus.
"Bakit hindi ko sinabi na ninong mo pala si Mr. Geronimo?" I asked in an irked manner.
Mabilis niya akong nilingon, kaya napaatras ako agad. Kamuntikan ko na siyang mahalikan. Naramdaman ko ang mabilis kong pamumula na ikinatawa niya ng mahina.
"Hindi ka naman nagtanong Vinang." Nanunudyo niyang sagot.
I raised on brow at him, ready to throw another argument but Mr. Geronimo stole all the attention.
"Buti at pumayag pala ang daddy mo na hindi ka sa itaas magtrabaho, hijo?" Tugon nito na hindi ginagawian ng tingin si Zyrus. Busy kasi siyang ilipat ang pahina ng mga plates sa harap niya.
Sumandal sa sofa si Zyrus habang nakatingin sa ninong niya bago siya nagkibit-balikat. "Alam kasi nila na hindi ako magaling sa office work ninong. Saka nang pinatapon kasi nila ako sa London, na-enjoy ko ang pagiging engineer. Para saan pa't tinapos ko ang kurso ko kung hindi ko pala pakikinabangan. Kaya no hard feelings din ako kung sa pinsan ko pinasa ni Daddy ang dapat na para sa akin."
Naglaro ako ng tingin kay Zyrus at sa ninong niya. Hindi ko kasi masundan ang usapan nila. What does he mean 'itaas'? Is he speaking figuratively or literally? Tsaka sino ang pinsan niya? At ito ang pangalawang beses na nabanggit niya ang pagpapapunta sa kaniya ng magulang niya sa London. Ano ba kasing ginawa niya at kailangan siyang ipatapon doon?
"Maganda ang design na ito." Muling pukaw ni Mr. Geronimo sa atensyon. Napawi ang malalim kong pag-iisip at napatingin sa kaniya.
Agad namang ngumis si Zyrus nang nakita niya ang itinuturo na disenyo ng kliyente namin. "Maganda rin ang gumawa niyan." Tugon nito.
Heto nanaman ang puso kong nakikipag-karera sa hindi ko alam na dahilan. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko, hindi ko rin nagawang magsalita.
"Altheyah Aguilar." Basa ni Mr. Geronimo sa pangalan ko na nakasulat sa plate. Ngukiti ito bago sinalubong ang mga mata ko. "I like your designs, hija. No wonder—"
"Let's not go there ninong." Putol sa kaniya ni Zyrus na may nakakatuksong ngiti.
I felt my eyebrows furrowing together. Hindi ko na masundan ang mga usapan nila. Pakiramdam ko hindi ako parte ng meeting na ito. Actually, simula ng dumating kami wala pang tinanong sa akin si Mr. Geronimo, silang dalawa lang ni Zyrus ang nag-uusap ng mga usapang wala namang kinalaman sa pinunta namin.
Napalingon na lang akong muli kay Zyrus nang tumunog ang cellphone nito. Agad niyang tinignan ang pangalan bago hinarap si Mr. Geronimo.
"It's daddy ninong. Sagutin ko lang po."
"Yeah, you go. Baka magtatanong lang 'yan tungkol sa meeting natin ngayon. Nabanggit ko kasi sa kaniya nang nagkita kami noong isang araw." Tinanguan lang siya ni Zyrus bago niya ako nilingon.
"Be right back, beautiful." Paalam niya saka ako mabilis na hinalikan sa noo.
Napaigtad ako at napakurap ng ilang beses sa ginawa niya. Napasapo ako sa noo ko. He kissed me.
Okay, don't panic. Sa noo lang naman Thea. Hindi ka naman nagtataksil kay Warren. And it's not like you wanted it, right? Wala ka namang alam na gagawin niya iyon?
I was pulled out off my thinking when Mr. Geronimo laughed. Alam kong nakita niya ang reaction ko.
"Hindi na ako nagtataka kung bakit ka ni-request sa akin ni Zyrus na ikaw ang gawing Head Architect ng project na ito." Nagiting-ngiti na sambit nito.
I blinked in confusion. Did I hear it right?
"P-po?"
"When I signed this contract with his dad, I specifically requested Zyrus to handle this account. But that kid, being the naturally born trickster that he is, said that he'll only take this project unless you're assigned under to it too. Wala naman akong magagawa."
Hindi ko nagawang sumagot. I was just gaping at Mr. Geronimo, still not following what he said. Signed a contract with Zyrus's dad? Why would he sign a contract with Zyrus's father?
Unless...
"Hey, I'm back." Napalingon ako kay Zyrus na agad namang umupo sa tabi ko. "So, ninong. Final na 'yang napili mong design? Not that I'm against it, si Vinang ang gumawa niyan and Im proud of it."
Nakaramdam ako ng hiya sa mga sinabi niya. Why is he like this to me? Ano ba talaga ang pakay niya sa akin?
"Yes. I like this very much."
Ngiting tagumpay namang naki-pagkamayan si Zyrus sa kanya. "Great! We could present the miniature version of it on our next meeting." Masayang tugon nito.
Saka ako tinignan ni Mr. Geronimo at naglahad ng kamay. "You're really good at what you do Ms. Altheyah. I do hope ikaw rin ang hahawak sa iba ko pang mga business na balak itayo."
Bago ako makasagot, inakabayan na ako ni Zyrus. "Oo naman ninong. Whatever it is, sisiguraduhin kong si Vinang ang hahawak niyan." Parang sure na sure pa siya sa sinabi niya.
Nginitian lang kami ni Mr. Geronimo bago nagpaalam kasama ang sekretarya niya.
"Kain muna tayo." Biglang aya sa akin ni Zyrus ng naiwan na kaming dalawa.
Saka ako nagkaroon ng lakas na magsalita. Hinarap ko siya at pinakatitigan. "Hiniling mo na bumilang ako sa project na 'to?" Lakas loob kong tanong kahit 'yong puso ko halos hindi ko na mahabol.
Una, gulat ang ekspresyon na bumalatay sa mukha niya. Hanggang sa napalitan iyon ng ngisi. "Ninong rat me out of you. Sabi ko 'wag niyang sasabihin." Ngiting asong sagot niya.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko."
"Yes. I requested you in this project with me." He said without blinking. His gaze burrowing with mine.
I can't look away. Paeang na-glue na ang titig ko sa kaniya.
"B-bakit?"
Nagkibit-balikat lang siya bago niya inabot ang baso ng tubig sa harap niya at ininom 'yon. "Why? Does it matter?" He asked again when he looked at me.
"Paano mo nagawa 'yon? At nabanggit din sa akin ni Mr. Geronimo na pumirma siya ng kontrata kasama ang daddy mo. Why is your dad involved in this?"
Napabuntong-hininga siya. "Divina, how long are you working under this company?"
"Seven years." Kunot noo kong sagot sa kaniya.
"Seven years." He said before nodding his head. "Ano ang pangalan ng company?"
"ZLO Firm." Bakit niya ba niya ba tinatanong sa akin ang mga ito?
"Okay. Alam mo na ba ang pangalan ni daddy?"
Mabilis akong umiling. Bakit ko naman kailangang alamin ang pangalan ng daddy niya? Hindi nga ako naging interesado sa tsismis noon.
He smiled before he tucked my hair on my ear. Mabilis akong napalayo da kaniya na para bang napaso ako. He chuckled at my reaction.
"Zyann Lander Ortega." Sagot niya sa sarili niyang tanong. "Does his name sounds familiar?"
Noong una hindi ko nasundan. Hindi ko alam kung mali lang sa pandinig ko o hindi ko masyadong nasundan dahil distracted ako sa perpekto niyang ngiti.
Then realization hit me. Na kaya siya isa sa pinaka-maimpluwensiyang estudyante noong College kami kasi isa ang daddy niya na stakehokder ng university.
"Oh my god." Mahinang tugon ko. Bakit hindi ko ito napagtanto noon pa? I've been in this company for seven goddamn years at hindi ko man lang narealized the nagtratrabaho ako sa ilalim ng kompanya ng bully ko noong College ako.
And here I thought, natakasan ko na siya nang naglipat ako ng school noon.
"Nalaman ko na nagtratrabaho ka sa kompanya namin noong pinilit ako ni daddy na i-manage ng ilang buwan an firm. That time kasi hindi pa tuluyang nakakaalis ng aviation ang pinsan ko, so hindi pa siya available na mag-handle. I was going through the papers at the HR at nakita ko ang file mo roon by chance. Amazing huh?" He said his eyes glistening with something I cannot determine.
"Anong amazing?" Inis kong sabi. "Nothing about this is amazing! Plinano mo ba ito? Ano bang balak mo sa'kin?"
Instead of answering me, a wicked grin crossed his handsome face. "Yes, I planned this." Saka niya ako nilingon at unti-unting nilapit ang mukha sa akin.
Hindi ko ang alam nangyari kung bakit ako nkaatras. I stilled at my seat, our face breath-width apart. "And so why ai'm doing this?" He murmured, his minty breath fanning my face. Napalunok ako at napatitig sa mga labi niya. "That's only for me to know."