Mabilis niya akong tinalikuran pagkatapos na pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. I don't even fücking know what it means.
Du bist? Du...Du b.. Ano raw ulit ang sinabi niya?
Nakatingin ako sa papalayong bulto ni Zyrus habang malalim na iniisip ang isa pang lenggwahe na alam niya. May isa pa itong ginagamit maliban sa Filipino at Ingles dahil ang tatay niya ay half-Filipino, half-hindi ko na matandaan.
Sinabunutan ko ang sarili ko at inis na pinadyak ang paa ko. Bakit ko ba kasi nanaman inilalaan ang oras ko para isipin ang demonyong iyon? He's good for nothing, wala siyang ibang idinulot sa akin kundi pasakit noong College, ano naman ang pinagkaiba ngayon? Kita mo ngang dalawang beses na akong natawag sa office ni boss dahil sa kaniya, kamuntikan pa akong ma-memo-han.
I grunted before I slumped myself on my swivel chair and vented my not so understandable, frustrating feelings on a sheet of blank paper.
Mas maayos na may mapuntahan ang inis ko sa taong iyon kaysa mabulok ako kakaisip kung paano ko plaplanuhin ang kamatayan ng hayop na iyon.
Fortunately for me, hindi na bumalik si Zyrus pagkatapos niyang mag-walk out. Ilang beses nga nanaman akong kinukulit nila Erlina kung ano nanaman daw ang pinag-awayan naming dalawa at naglayas ang demonyo.
"Baka napuno na this time kaya umalis na lang." Bagsak na balikat na tugon ni Nikka, akala ko naman ang tagal na nilang kilala ang taong iyon para mamiss.
Napatirik ako ng mga mata saka mabigat na tinusok ang talong sa plato ko. "Hayaan niyo na siya. Matanda na siya, kaya na niya ang sarili niya." I said with finality before I popped the veggie inside my mouth.
Narinig ko ang pagpitik ng dila ni Erlina saka ako tinuro gamit ang kubyertos niya. "Bakit ba kasi hindi kayo magkasundo ni Engineer? I mean, bakit galit na galit ka sa kaniya? Ang ayos kaya nang pakikitungo niya sa iyo—"
"Ngayon." Mabilis kong putol sa sinasabi niya. They all gawked at me with confusion brimming out of their eyes. I sighed, "Maayos pa ang pakikitungo niya sa akin sa ngayon. That jerk is just getting warmed up. Hintayin niyong maging komportable siya sa lugar na ginagalawan niya, mag-uumpisa na siyang gawing impyerno ang buhay ko." I bitterly finished before I scoffed.
Three pairs of furrowed eyebrows answered me. Alam kong kahit ano naman ang sabihin ko, hindi pa rin nila maiintindihan hangga't hindi nila ang backstory namin ni Zyrus.
I just closed my eyes, not wanting those bitter memories to crowd inside my head. It's been years, dapat nga naka-move on na ako tulad nang laging sinasabi sa akin ni mommy noong naglipat school ako. Akala ko naman talaga naka-move on na ako simula nang hindi ko na nakita ang pagmumukha ni Zyam at ng mga barkada niya, pero pinaniwala ko lang pala ang sarili ko sa kasinungalingan. Because years later, here he is and the acrid and insipid part of my life came crashing to me like a 10-wheeler truck in full speed.
Natapos anf lunch time at wala pa rin si Zyrus sa cubicle niya. Mukhang mag-a-absent na ang loko. I suddenly felt a twinge of guilt. Baka nga naman nasobrahan ako sa pagsusungit ko sa kaniya. But the other side of my brain shouted that I shouldn't soften for that guy because he is ruthless and heartless like he was years ago.
Bakit may ginawa na ba siyang masama sa iyo simula nang pumasok siya sa opisina niyo?
The rational part of my mind asked.
Napailing na lang ako. Wala.
Sa galit ko sa kaniya ng walang dahilan at ang tanging batayan mo lang ay ang mfa ginawa niya sa'yo noong College kayo? Which is...years and years ago!
Napatigil ako sa pagguhit at napaisip.
Damn! Kahit na may masakit para sa ego kong aminin, may punto ang mga katagang iyon.
I groaned before I ruined what I was working on. I drew spikes and random circles just to make a flue for my frustrations.
Zyrus really has a way on distracting and making me feel like sh!t. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa kaniya pati sa sarili ko.
Wala akong natapos nang raw na 'to dahil nag-aalala talaga ako kay Zyrus. Hindi na talaga siya bumalik sa opisina, sinubukan naming tawagan pero nag-ri-ring lang ang cellphone niya na nakapatong sa mesa niya, kahit ang bag niya'y iniwan niya rin doon.
Hanggang nakarating nanaman kay bossing dahil sa mga kababaihan at binabae sa quarters na OA kung mag-alala para sa kaniya. Akala mo naman mawawasak ang mundo ng dahil sa simpleng pag-MIA ng demonyong iyon.
"Papasok iyon bukas boss. Nagpapalamig lang siguro ng ulo." I reassured him after I retold the story of our little argument which I didn't even know why it began on the first place.
Napahilot si Sir Anton sa sentido niya habang ang isang kamay niya ay makapamaywang. Alam kong ako ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo niya. Napalunok ako, sana walang memo. I silently prayed. Nagkada- leche leche na talaga akon dahil sa hayop na iyon.
Tinignan lang ako ng matalin ni boss. "Basta ayusin mo ito Thea. Hindi puwedeng walang Zyrus Ortega na haharap sa kliyente bukas."
Napalunok ako at napatango, ito ang unang pagkakataon na tinakot ako ni bossing ng ganito.
Lahat ng tao sa opisina tahimik lang habang patagong nakatuon ang atensyon sa akin at kay Sir Anton. Bihira kasi talaga siyang magalit sa harap ng maraming tao, madalas pinapatawag niya ang subordinates niya sa loob ng opisina niya at doon pinagsasabihan. Siguro ngayon napuno na siya sa kagagahan ko kaya ganito na lang ang nangyayari.
Napabuntong-hininga ako bago ko binagsak ang puwetan ko sa upuan ko. Tinukod ko ang siko ko sa mesa bago ko binaon ang mukha sa mga palad ko. Gusto kong maiyak sa halo-halong emsoyon na nararamdaman ko.
Binuro ko buong hapon ang sarili ko sa trabaho habang nag-iisip ng paraan para maamo si Zyrus kinabukasan. Bukas na ang first meeting namin kasama ang mga kliyente, kailangan nandoon siya dahil katulad ko requested Engineer din siya.
Dumiretso agad ako sa ospital pagka-out ko. Kailangan kong makita at mahawakan si Warren kundi maloloka na ako dahil sa mga nangyayari.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko baby." Pagsusumbong ko kay Warren habang hawak ko ang mainit na kamay nito. Kwinento ko sa kaniya ang mga nangyayari ngayon sa quarters.
Dinantay ko iyon sa pisngi ko at mariin siyang pinakatitigan. "Sana gumising ka na, kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Pagmamakaawa ko sa kaniya na para bang naririnig niya ako.
"Apat na buwan na, hindi ka pa rin nagigising. Marami ka nang na-mi-miss sa buhay mo." Tahimik kong tugon, pinipigilan ang mga luhang puwedeng pumatak sa mga mata ko. Ayaw kasi ni Warren na nakikita akong umiiyak. "Pero gigising ka naman baby 'diba? Itutuloy pa rin natin 'yong dream wedding natin, 'yong pangarap nating dalawang anak, tapos itatayo pa natin 'yong dream house na dinesenyo natin. Ako ang Architect at ikaw ang Engineer sa sarili nating pinangarap na bahay."
Inakap ko ng mas mahigpit ang kamay niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa panginginig noon gawa ng mga luhang pinipigil ko. Sana talaga magising na siya.
Hinintay ko pa munang bumalik si Mama Whena bago ko naisipang umuwi na. I took one glance of my beloved-soon-to-be-husband before determination washed all over me. Alan kong sasabihan ako ni Warren na gawin ang tama para matigil na ang gulo. Kaya bukas na bukas din, susubukan kong makipag-ayos kay Zyrus para makapagtrabaho kami ng matiwasay.