Chapter 12

1803 Words
"Baby, mauna ka na sa flower shop mamaya. Dadaan pa kasi ako sa quarters para ibigay kay bossing ang final draft ng pinapagawa niya sa akin." Napahinto ako sa paghati ng steak ko at napatingin sa kaniya. Nginitian niya ako sabay abot sa nakakunot kong noo. "Oh, 'wag kang sumimangot. Saka kailangan kong magpa-good shot para i-approve niya ang leave ko para sa honeymoon natin." Napabuntong hininga ako saka ako napakagat sa ibabang labi ko. Honeymoon. Ikakasal na talaga kami. Malapit na kaming maging legal sa parte ng isa't-isa. I get the jittery butterflies in my stomach whenever I think about. The jittery-good kind. "Okay, sige. Basta ingat ka, ha? Saka daan ka na rin ng Dreamer's Bean bago ka pumunta sa flowershop. Gusto ko ng White Mocha Frappe nila." Parang batang hiling ko. Alam kong malapit lang ang kapihan na iyon sa flowershop pero kailangan pa ng isang tawid. Nginitian niya ako ng may pagkatamis saka siya dumukwang para nakawan ako ng halik. Mabilis naman akong namula saka ko siya pinalo sa dibdib. "Warren, ano ba! Maraming tao oh." Bulong ko na may diin sabay lingon sa mga kasama namin sa restaurant na wala namang pake sa ginawa niya. He just chuckled before warpping his arm on my shoulder and kissing my forehead. "This is it, baby. Konting-konti na lang magiging misis na kita." Napataas ako ng tingin at sinalubong ang malamlam niyang mga mata. I grinned at him, all my love pouring out like this. "Hindi na nga ako magapaghintay." Saka ko itinaas ang kaliwang kamay ko para tignan ang engagement ring na binigay niya sa akin. "Hindi na ako makapaghintay na isuot mo sa'kin 'yong isang singsing." "And I can't wait to see you on that pretty, white dress baby." Saka niya sinapo ang dibdib niya. "Baka maiyak ako habang naglalakad ka sa aisle." I giggled at his remarked. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya, "Basta 'wag kang humagulhol, baka hindi matapos ang seremonya kasi agaw eksena ka." Biro ko sa kaniya na ikinatawa niya. "Promise, iiyak lang ako pero hindi hahagulhol." Inihatid niya ako sa site ng isa kong project bago siya nagpaalam. The day flew fast, hindi ko gaano na-miss si Warren dahil nalunod na rin lang ako sa mga katanungan nila Erlina tungkol sa kasal namin. Alas tres y medya, nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko na mauuna na para hindi ako ma-late sa usapan namin ni Warren. Kailangan na kasi naming mamili ng bulaklak na gagamitin sa kasal. "Miss Thea, are you ready to look at the flower selections?" Narinig kong tawag sa akin ng wedding planner namin na si Kaitie. Pangatlong tanong na niya ito sa akin simula ng dumating ako. Nilingon ko siya at napailing sabay balik sa atensyon ko sa cellphone na hawak ko. Ang usapan kasi namin ni Warren ay 4:00 pm, 4:30 na hindi pa rin siya dumarating. Kinakabahan na nga ako, parang may mali, parang may hindi tamang nangyayari. Ilang beses ko siyang tinawagan kanina pero unattended na ang number niya, nakailang text na rin ako ngunit wala akong nakuha ni isang sagot. Napabuntong-hininga ako at napatitig sa malakas na buhos ng ulan sa labas ng shop. Nasaan na kaya si Warren? Nag-aalala na ako, eh. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa cellphone ko para tumawag pero nag-ring iyon at dinisplay ang pangalan ni Mama Whena. Bigla akong binalot ng kaba at takot sa hindi ko malamang dahilan. Nanginginig kong sinagot ang tawag ng soon-to-be mother-in-law ko. "M-ma? H-hello po?" I stuttered. Narinig ko ang hikbi niya sa kanilang linya, "M-ma?" Tawag ko muli. Napaigtad ako at napahakbang ng ilang beses dahil sa biglaang lakas ng kulog at kidlat. "A-anak.. Naaksidente si Warren..." Saka niya binigay ang address ng ospital. Hindi ako nakagalaw. Her voice kept on ringing inside my head. Naaksidente si Warren. Naaksidente si Warren. Naaksidente si Warren. My heart started to pound and clenched simultaneously. Saka wala ako sa sariling lumabas ng shop ng sinalubong ang malakas na buhos ng ulan. Narinig ko pa ang pahabol na tawag sa akin ni Kaitie pero hindi ko pinansin. Mabilis akong nakapara ng cab saka ko sinabi ang tatahakin kong destinasyon. Hindi ako makaiyak. Binalot ako ng matinding pagkabigla at takot. Maybe, isa lang nanaman ito sa pakulo ni Warren. Maybe, he's again trying his tricks on me. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko hanggang sa makarating ako sa harap ng Emergency Room ng ospital. I kept on pushing the negative thoughts away as I walk slowly, drenched in the pouring rain. I was holding my bag thight. I was waiting. Waiting for someone to drop the news that it was all a prank. Na hindi naman talaga naaksidente si Warren, na may surprise lang talaga siya sa akin. Mabibigat ang mga hakbang ko hanggang sa nakapasok ako sa emergency room, kaagad kong nakita si Mama Whena na umiiyak, kasama ang mga kapatid ni Warren. Mabilis niyang tinawid ang distansya namin at agad akong niyakap ng mahigpit. "Anak, si Warren..." Hagulhol niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Ang mata ko diretso lang ang tingin sa lalakeng duguan at pinapalibutan ng nagkakandaugagang mga taong nakaputing roba at naka-scrub suit. "We're moving the patient to the operating room." Narinig kong tugon ng doktor. Saka lumapit ang isang nurse kay Mama at ibinigay ang isang clipboard na kailangang fill-up-an. Mabilis na itinulak ang stretcher ni Warren papasok sa isang double doors. Nang nawala siya sa paningin ko saka ako napalingon kay Mama na nanginginig at nagpipigil ng luhang magsulat sa tabi ko. "M-ma?" Tawag ko kay Mama Whena. Napahinto siya sa pagsusulat saka niya ako niyakap ng mahigpit. Despite the fact that I'm soaking wet from the hard rain, I felt my burning tears rolling down my cheeks. Nasa labas lang ako ng kuwarto ni Warren, hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kaniya. I cheated on him.I fücking cheated on him. Kinain ko lahat ng pangakong binitawan ko sa kaniya. Nagpadala ako sa tukso. Sinira ko ang tiwalang binigay niya. Napapikit ako ng mata at napasandal sa dingding. Paano ko siya kukwentuhan ng mga bagay-bagay na nangyari sa akin gayong wala na akong ibang maisip kundi ang mainit na halik na pinagsaluhan namin ni Zyrus kagabi? This is wrong. Warren doesn't deserve this. Wala siyang ibang ginawa sa tanan ng relasyon namin kundi pasiyahin ako tapos ito ang ibabayad ko sa kaniya habang nasa ganitong sitwasyon siya. Pinahid ko ang mga luhang nakatakas sa mata ko saka ako lakas loob na pumasok sa kuwarto niya. Naroon si Mama Whena na nakahawak sa kamay ni Warren ng mahigpit, mukhang malalim ang iniisip. "Ma..." Tawag ko sa kaniya. Calling her Mama now felt like acid in my mouth. Hindi lang si Warren ang niloloko ko rito, pati ang pamilya niya. "Anak, aga mong napadaan?" Nagtatakang tugon ni Mama. I stopped dead on my tracks, I am not worthy to be called 'anak'. Matipid akong ngumiti. She's right. Alas-sais palang pero narito na ako ng ospital. Hindi ko na kasi kaya ang konsensya ko na kumakain sa akin simula kagabi. Naupo ako sa kabilang gilid ng kama ni Warren, sa harap ng Mama niya saka ko siya tinitigan. Nagkakaroon nanaman siya ng bigote, dalawang linggo na pala simula ng huli ko siyang naahitan. Pinasada ko ang daliri ko sa medyo mahaba niya na rin na buhok. Natigil ako ng bigla kong narinig ang impit na iyak ni Mama. "Ma...ayaw ni Warren na umiiyak tayo 'diba?" Pinunasan niya ang mga luha niya saka ngumiti ng malungkot. "Nakapagdesisyon na kami Thea. Kapag hindi pa nagising si Warren sa susunod na buwan, huhugutin na namin ang life support niya." Para akong nagulantang sa sinabi niya. Hindi ako agad nakakibo. Nakanganga lang ako habang hinihintay na dugtungan niya ang mga sinabi niya. "Anak, limang buwan na...Oo, responsive pa ang utak niya pero hindi iyon sapat. Hindi na namin ito kinonsulta sa iyo dahil desisyon namin ito na pamilya niya." Saka niya sinalubong ang mga mata ko. "Ngayon palang, gusto ko ng magpasalamat sa tulong mo. Sobra-sobra iyon Thea, wala kaming masasabi sa'yo. Ngayon, sakali...sakali mang..." Napatikhim siya at halatang pinipigilan ang mga luha at mga hikbing sumasakal sa kaniya. "Sakali mang hindi bumalik sa atin si Warren, gusto kong malaman mo na sobrang saya niya sa piling mo...Nakita ko 'yon, ramdam ko rin. Kaya maraming-maraming salamat Thea, anak." "Ma...kung ang problema natin ay pera pantustos kay Warren, hayaan niyo akong tumulong. Hindi ko hahayaan—" "Thea, anak." Sansala niya sa iba ko pang sasabihin. "Ayaw ko nang nakikitang naghihirap ang anak ko." Ilang beses nag-replay sa utak ko ang mga sinabi ni Mama Whena. Ilang beses ko rin natanong sa sarili ko kung ito ba ang gugustuhin ni Warren. Napatingin ako sa singsing sa daliri ko habang naglalakad ako papasok sa opisina. I'm so lost. Para akong lumulutang sa ere at lumilipad ang utak ko kung saan. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Mukha namang maganda ang mood ng mga katrabaho ko ng nakapasok na ako. Ang iingay nila at panay ang palitan nila ng paninikis sa isa't-isa. Walang buhay akong naupo sa cubicle ko. Kahit 'yong alaala ng mga ginawa namin ni Zyrus kahapon ay sapat para mawala sa isipan ko ang desisyon ni Mama Whena. Napatitig ako muli sa singsing ko, nilalaro ko iyon saka napabaling ang atensyon ko sa picture ni Warren. Alin ba sa tingin mo ang tama, Warren? "Oy, Vinang. Tahimik mo ah!" Narinig kong tudyo ni Zyrus sa akin. Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong walang imik. I know he's trying to casual despite the fact of what happened last night. But I can't deal with him today. I have too much on my plate right now. "Ang sungit mo naman, ang aga-aga!" Pagrereklamo niya. Akala ko 'yon na 'yon, akala ko mag-gi-give up na siya sa paninikis niya pero binuntutan niya pa. "Kaya siguro hindi ka pinapakasalan niyang fiancé mo." Napatigil ako sa paglaro sa singsing ko at napalingo sa kaniya. Natahimik ang buong quarters, mukhang gulat sa sinabi niya. Alam kong hing hindi niya pa alam ang nangyari kay Warren, pero hindi ko naman lubos akalain na magkokomento siya patungkol doon. Biglang namuo ang mga luha ko habang nakatitig ako sa kaniya. Halatang naalarma siya dahil nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Hindi na ako kayang pakasalan ni Warren because he's not recovering anymore. Saka nag-echoe nanaman sa utak ko ang mga salitang binitiwan ni Mama Whena. "D-Divina I—" Tugon niya sabay abot sa akin, pero hindi na niya nagawa. "M-magbabanyo l-lang ako." Mahinang tugon ko saka tumayo. "Thea..." Narinig kong tawag ni Cheska, pero hindi na ako lumingon dire-diretso na akong pumasok sa banyo at nag-lock doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD