"Thea, isa ka sa pinakamagaling na empleyado ng kompanyang ito. Ayoko namang issue-han ka ng memo. It will tarnish your excellent record and credibility." Halos parang nagmamakaawa na si boss nang pinagsasabihan niya ako. Hinihiling ko kasing malipat na lang ng ibang project dahil hindi ko talaga kakayanin ang tagalan si Zyrus.
"Kaya nga po boss, pero hangga't nasa iisang project kaming dalawa, masisira at masisira po ako. Hinding-hindi po talaga kami puwedeng magsama sa iisang project. Hinding-hindi kami magkakasundo Sir." Now it's my turn to beg. Kung gusto ni boss na lumuhod ako, luluhod talaga ako sa harap niya.
"Subukan mo lang naman Thea."
Napapikit ako at walang buhay na napasandal sa kinauupuan ko. "Boss, hindi ko po talaga kaya. Mag-li-leave na lang po muna ako, sigurado po akong maraming sa proyekto na kinabibilangan ko. Hindi po ako mahihirapan na maghanap ng kapalit ko." Mahaba kong sagot saka ko binuksan ang mga mata ko at mariin na inaral ang magiging reaksyon ng boss ko.
Humugot siya ng malalim na hininga bago pinagsaklop ang magkabilang kamay at inilatag iyon sa mesa sa pagitan namin. Nakatitig lang ako ng diretso sa mga mata niya at iniisip kung ano nanaman ang tumatakbo sa isip ng boss namin.
"Give it two weeks. Maybe you only need some adjustment period." Tahimik na tugon nito. Sa tono ng boses niya halatang hindi siya tatanggap ng 'hindi' bilang sagot.
"Pero boss—"
"Two weeks. Iyon lang naman ang hinihingi ko. Thea, I want you on this project dahil isa ka sa requested Architects ng kliyente. Siguro naman hindi kakayanin ng konsensiya mo na mag-withdraw ang kliyente natin ng kontrata dahil hindi nasunod ang mga gusto nila."
Nangonsensya pa nga!
Matagal akong napatitig sa mukha ng boss ko. He's again appealing to guilt and flattery. Kahit ilang beses nang ginagamit sa akin ni Sir Anton ang tactic na ito, gumagana at gumagana pa rin sa akin.
Napapikit ako at napahalinghing ng mahina.
She's happy that she is one of the most sought architect in their firm and at the same time irritated because she has no way out of her dire situation.
Gusto ko talagang balatan ng buhay si Zyam.
Halatang naghihintay ng kasagutan si Sir Anton dahil mariin pa rin itong nakatitig sa akin. Wala na akong ibang nagawa kundi tumango at sumang-ayon sa gusto ni boss.
Two weeks? Dalawang linggo? Two fücking weeks!
I fücking need an anchor for my sanity. Gusto ko na lang maglupasay bago lumabas ng opisina at susubukan kong magbabago pa ang isip ni boss. Pero nang muli kong gawian ito ng titig, naghuhumiyaw ang 'my decision is final' sa mukha nito, kaya wala na akong ibang nagawa kundi talunan na lumabas sa opisina niya.
Kasalanan talaga ni Demonyo ito. Tangina! Parang wala akong karapatang magreklamo!
Dahan-dahan kong isinara ang pinto at sumandal doon. Napapikit ako bago ako humugot ng hininga. Idinilat ko na lang ang mga mata ko nang nakarinig ako ng hagikhik saka dumako ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Zyrus.
Nakaupo siya sa mesa ko at pinapalibutan siya ng mga kababaihan sa opisina. Mukhang masaya silang nag-uusap kung ano man pinaguusapan nila. Nakita ko rin na bukas na ang box ng oreos na bigay nito at pinagsasaluhan na nila iyon. At talagang kahit si Erlina nakisali pa sa kung ano mang kaguluhan ang pinapalakad nitong si Zyrus.
Mayamaya tumabi sa akin si Harvey na kakakuha ng tubig sa malapit na dispenser. Inihahanda ko na ang sarili ko sa kung ano nanaman ang pamimilit na sasabihin ngunit iba ang lumabas sa mga bibig niya.
"Classmate pala kayo noong College." Tugon nito. Parehas kaming nakatitig kila Zyrus na malakas nang nagsisitawanan.
"Oo. Kanino mo naman nalaman?" Sagot ko sabay halukipkip at sandal mas lalo sa pinto ng opisina ni boss.
"Narinig ko lang." Maikling niyang sagot sabay inom sa tumbler na hawak niya. "Sumbong natin kay bossing, ang iingay eh."
Bigla akong natawa sa sinabi niya saka ko siya siniko sa tagiliran. "Sasabihin nilang ginagamit nila ang 15-minutes break nila . Talo ka lang diyan sa binabalak mo. Kaya kung ako sa iyo huwag mo nang subukan."
Hindi siya sumagot kaya ako napatingin sa kaniya. He adjusted his glasses before he smiled warmly at me. "Alam mo sa tatlong taon kong pagsuyo sa'yo, ito ang unang pagkakataon na napatawa kita." Makatotohanan niyang tugon.
Nagkibit-balikat na lang ako. Well, what can I say? My life is in dipshït hell and maybe because I don't consider him as a problem anymore. Dahil may mas malaki na akong problema kaysa sa kaniya.
"Alam mo we can be friends. Kung titigilan mo na lang ang ginagawa mong panliligaw sa akin. Kasi tulad ng sabi ko dati, hinding-hindi ko iiwan si Warren, kahit ngayon na naka-coma siya." Paglilinaw ko.
Nakita ko ang ilang beses niyang paglunok bago niya inayos muli ang salamin niya.
"Well, it's better than nothing." Mahina niyang sagot sabay abot ng kamay niya sa akin. "Hi, I'm Harvey by the way. Nice to meet you."
"Thea." Sagot ko agad sabay tanggap sa kamay niyang nakalahad sa ere. I smiled at him and he returned that warm smile to me. Natigil na lang kami nang may biglang pumito sa background.
"Uyyyyy..." Narinig naming tukso. Agad namang pumula ang mga pisngi ni Harvey saka napabawi sa kamayan namin at napakamot sa batok niya.
I just rolled my eyes before I made my way back to my table. Nakaupo pa rin si Zyrus doon at titig na titig ito sa akin.
"Tsupppiii." Masungit na sambit ko. I levelled my gaze with his and I instantly regretted it. His deep brown eyes are reviving buried feelings inside my chest. Emotions that I long forgotten ever since I switched Universities back then.
Tumikhim ako at mabilis na winasiwas ang mga ideyang hindi kaaya-aya na pumapasok sa kokote ko.
"Alis sabi." Muling ulit ko. Nagsibalikan na sa mga puwesto ang mga ka-opisina naming mga babae na akala mo bubuyog kanina na nakapalibot sa kaniya. They were like honeybees swarming around as if he was King of the fücking bling-bling.
Hindi ito nagpatinag sa talim ng titig ko sa kanya. Mas lalo siyang umupo ng komportable sa mesa ko at mas lalong pinalalim ang palitan namin ng masamang titig.
"Zyam, magtatrabaho na ako. Ayokong natatambakan." I growled under my breath, restraining myself to shout at him.
"Ano? So gusto mo na ang lalakeng iyon?" He muttered with strong conviction. His face was grim that I could almost see smoke coming out from his ears. Why the hell is he angry?
"Ano bang pinagsasabi mo? At anong pakiaalam mo? Kaibigan ko lang si Harvey." Inis na balik ko sa kanya. Why the hell am I even explaining myself? Jusmiyo marimar! Si Warren na boyfriend ko for three years, hindi naging ganito makapanisi sa akin. Tapos siya na...ano... siya na... Ano na nga ba ang mayroon kami?
WALA!
Isa lang siyang mapait na alaala na nagbabalik buhay.
"Tss, kaibigan." Ulit nito na para bang sinasabi na niloloko ko siya.
Napakunot ako mas lalo ng noo at sinubukang ipagtulakan siya pababa sa mesa ko.
"Ano bang problema mo? Hindi ako ganoong babae Zyam. At tsaka excuse me, may fiancé ako at mahal ko ang finacé ko." Binigyang diin ko ang talaga ang mga salitang kumabas sa bibig ko.
Hindi ko gusto ang mapanghusgang takbo ng isipan niya. Alam ko ang likaw ng bituka, takbo ng isip, at ibig sabihin ng bawat galaw ng lalakeng ito.
Inaasahan ko na may ibabato nanaman siyang panlalait o di kaya isa nanamang walang basehan na argumento pero sa halip tinitigan niya lang ako na may gulat sa mata.
"F-fiancé?" Kapos hininga na tanong niya.
I raised one eyebrow up and stared at him with confusion burrowing my eyesbrows. "Oo, fiancé." Sagot ko sabay taas ng kaliwang kamay ko para ipakita ang singsing na bigay sa akin ni Warren seven months ago.
Matagal siyang nakatitig sa singsing ko, kahit nang ibinaba ko na ang kamay ko sinundan niya pa rin iyon ng tingin. Saka siya napababa sa pagkakasampa niya sa mesa ko, pinasadahan niya ako ng titig, matalas ang mga iyon, parang gustong pumatay at sa pangalawang pagkakataon hindi ko nanaman mawari ang mali kong nagawa.
Saka siya humakbang palapit sa akin, sobrang lapit, gahibla na lang ang layo ng karawan naming dalawa. Diretso ang tingin ng mga mapupungay niyang mata sa mata ko, hindi ko alam kung bakit hindi ako nakagalaw para lumayo sa kaniya.
He looked at me with ferocity and intensity making me lose my breath and not able to catch it back. I wanted to make a proper distance in between our bodies, because the closeness is not helping the situation. My heart is franctically hammering inside my chest and I don't know the reason why. I am tough enough for him, right? 'Diba ako pa nga ang humamon sa kaniya na gawing impyerno ang buhay niya sa tanan na magkasama kami sa project? Pero bakit ganoon? Isang matalas na titig lang naduduwag na ako?
Umuwang ang bibig ko, ramdam na ramdam ko ang bigat ng paghinga niya. Saka siya biglang nagsalita.
"Du bist meine."