"Vinang.." Napahalinghing ako nang narinig ko ang boses ni Zyrus sa 'di kalayuan. Parang gusto ko na namang magkulong sa mga cubicle sa ladies' restroom at umiyak.
Kaninang umaga, sa Philippine History Class namin, napag-trip-an na naman ako nila Zyrus at ng mga katropa niya. Itinali nila ang strap ng bag sa upuan ng hindi ko nalalaman, kaya noong dismissal ng klase, puwersa akong napaupo gawa nang pagkakagapos ng bag ko sa silya.
Tapos sa General Algebra na klase na naman namin, hindi na nila pinatawad ang bag ko at tuluyan na nilang ginunting ang strap noon. Kaya wala akong nagawa kundi mag-lock sa banyo at humagulgol. Ano ba namang laban ko sa pinakamaimpluwensiyang estudyante sa university namin?
"Divina... Sorry na... We got carried away with our prank." Malambing na tugon ni Zyrus sa likuran ng pinto ng locker ko. Napabuntong-hininga ako at padabog na binagsak ang pintuan ng locker ko.
Nakita ko naman ang bakas ng pagsisisi sa mga kulay kape na mga mata niya na nakita niyang mugto at maga ang akin.
"Bakit ba kasi lagi niyo akong pinag-tri-trip-an? Ano bang ginawa ko sa'yo, ha? Sa inyo?" Lakas-loob kong tanong kahit mapiyok-piyok na ako sa pagsagot ko sa kaniya.
Matagal niya akong tinitigan bago gumuhit ang maganda niyang ngiti sa mukha. Tumalon ang puso ko nang makita ko iyon pero sinikap kong hindi magpaapekto.
Saka siya umiling sabay abot sa kamay ko. May pinatong siyang oreos na naka-ziplock. Oreos.
"'Diba paborito mo ito? Lagi kang kumakain nito sa klase." Tugon niya habang parehas kaming nakatitig sa ziplock na inilagay niya sa palad ko.
Gusto kong magtatatalon sa tuwa, para akong kinikilig na ewan.
"Sige na, kainin mo na." Udyok niya sa akin.
Napatango na lang ako sabay bukas sa binigay niyang supot ng pagkain. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi pa siya umaalis sa harapan ko. Nagiging sentro na kami ng atensyon ng mga estudyante sa hallway.
Sino ba naman kasi ako para lapitan ng isang Zyrus Liam Llanza Ortega? Isa sa miyembro ng official band ng unibersidad kung saan kami kabilang.
"Salamat...ummm.. s-salamat sa oreos." I thanked him with my blushing cheeks. Tumango lang siya at sumandal sa locker ko habang pinapanood ako ng mariin.
I took one oreo and immediately bite onto it. Ilang beses pa akong napalunok dahil sa pagtitig niya sa akin. I started chewing it and then I started to realized the taste something different.
Napakunot ako ng noo habang patuloy sa pag-nguya. Parang may mali... It taste weird... It taste minty... I chewed some more, then, it dawned on me. Bigla akong napadura sa oreos na kinakain ko saka ko inamoy ang palaman no'n.
Nagsimulang humalakhak si Zyrus.
Toothpaste! He freaking replaced the vanilla filling with toothpaste!
Saka isa-isang lumapit sa kaniya ang mga barkada niya na patago palang nagmamasid sa magiging reaksyon ko. Pare-parehas silang halos hindi magkandaugaga sa kakatawa.
Bakit ba kasi ako umasang mag-so-sorry at magbabago na sila?
Tinapon ko sa mukha ni Zyrus ang ziplock na inabot niya sa akin saka ako tumakbong umiiyak palayo sa kaniya at sa mga barkada niya.
Matagal akong nakatitig sa box ng oreos na inilagay ni Zyrus sa ibabaw ng mesa ko. May pa-note pang nalalaman ang demonyo.
"Good morning beautiful. - Zyrus." Kilig na kilig pang binasa ni Erlina ang kulay dilaw na post it na nakadikit sa box ng paborito kong pagkain.
Napairap ako sa kawalan at sinantabi ang pagkain na kanina ay nasa gitna ng mesa ko. Huling beses na kumain ako ng bigay niya, hindi maganda ang kinalabasan.
"Kainin mo na Thea, sayang naman ang effort ni Engineer." Tugon ni Jena sabay yugyog sa balikat ko.
I tsked before I shrugged away from her hold. "Hindi niyo alam ang likaw ng bituka ng lalaking iyon. Masamang tao 'yon, mukha lang anghel." Buong diin kong sabi.
Sabay-sabay nilang itinirik ang mata nila, halata mo ang hindi nila pagsang-ayon sa mga sinabi ko.
"Grabe ka talaga sa kaniya Thea. Heto na nga't nag-e-eefort na siya oh." Bawi naman ni Nikka sabay turo ulit sa box ng oreos sa mesa ko.
I groaned in frustrations. Hindi ko rin naman gustong ilathala ang mga kagaguhan at pam-bu-bully na ginawa niya sa akin noong College kami. Masiyadong mapapait ang mga alalang iyon. At saka ako na ngayon si Architect Altheyah Divina Aguilar, kung ano man ako noong College dahil sa kagagawan nila Zyrus ay kinalimutan ko na. Pinaghirapan kong makamit ang kung ano man ang mayroon ako ngayon.
Nawala na lang ako sa malalim kong pag-iisip ng biglang lumapit si Harvey sa cubicle ko. Isa pa itong dagdag sa sakit ng ulo ko.
"Thea, anong mayroon sa inyo noong bagong Engineer?" Walang patumpik-tumpik na tanong niya.
Natahimik sila Erlina bago sila bumalik sa kani-kanilang cubicle. I want to pull my hair out dahil sa gulo ng buhay ko ngayon. At itong si Harvey, wala sa timing palagi. Hindi nakakatulong, mas dumadagdag siya.
"Sa Engineer ka lang ba talaga nagkakagusto? Ayaw mo ba sa kapwa mo Architect?" Saka siya humugot ng malalim na hininga. "Ayaw mo ba talaga sa akin?"
I composed myself and tried hard not to shout at him. Saka ko inikot ang swivel chair ko at humarap sa kaniya. "Harvey I—"
Hindi ko naituloy dahil may biglaang may dalawang kamay na pumatong sa magkabilang balikat ko. "Sino ka ba para magtanong ng mga ganiyang bagay?"Kilala ko ang baritong boses na iyon.
Napalingon ako at nakita ko ang talas ng titig ni Zyrus kay Harvey na nasa harapan namin. Harvey on the otherhand clenched his jaw and re-adjusted his eyeglasses. He didn't backdown from Zyrus's menacing look. Matagal silang nagtitigan bago naunang bumawi si Harvey.
"Sige Thea, sa susunod na lang tayo mag-usap. Kapag wala ng asungot." Tugon ni Harvey bago mabilis na tumalikod at bumalik sa cubicle niya.
Si Zyrus naman tahimik na naupo rin sa tabing cubicle ko.
Nakakunot akong humarap sa kaniya, "What was that about?" Inis na tanong ko sa 'di ko malamang rason.
Hinarap ko ang mapupungay na kulay kape niyang mga mata. For a moment I was lost in it, exactly like the first time I saw them when we were in College.
I quickly shook my head away from those thoughts. This is not the right time to remember my teenie weenie crush on him back in college. Iyong paghanga ko sa kaniya na mabilis na nawala nang nagsimula siyang bully-hin ako.
"What?" He answered innocently.
I slapped his shoulder before I shoved the box of oreos in his face. "This! What the hell is this? And why the hell did you just say that to Harvey?" I hissed at him all the while glaring.
He looked at me incredulously, as if not comprehending my reaction. "Anong what the hell is this? Edi oreos! 'Diba paborito mo 'to? Ayan binilhan kita." He answered, his voice packed with sarcasm before he placed the box infront of me forcefully than it should. "At ano? Gustong-gusto mo naman na humahabol-habol sa'yo ang lalakeng iyon? Sa pagkakaalam ko dapat mo akong pasalamatan, I saved you from that annoying person."
I shot one brow up at his claim. Ang kapal pa rin ng mukha. Hindi pa rin siya nagbabago. Pwes, ako nagbago na, hindi na ako ang Thea na inaapi-api niya noon.
"Bakit hiningi ko ba ang tulong mo? At saka sa'yo na lang 'tong oreos mo. Kaya kong bumili ng para sa sarili ko. Isaksak mo pa iyan sa ngala-ngala mo." I gritted under my breath before I pushed the carton on his table.
Pero hindi siya nagpatalo, mabilis niyang ibinalik sa harap ko ang karton ng pagkain. Pakiramdam ko tuloy, durog-durog na ang mga cookies sa loob.
May sasabihin pa sana ako nang may biglang tumikhim sa likuran namin. Sabay kaming napalingon at nakita si boss na nakahalukipkip ang mga braso at mukhang hindi natutuwa.
"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" Diretso nitong tanong.
Nagkatinginan muna kami ni Zyrus bago ko naisipang magsalita.
"Boss, siya nauna—"
Parang batang sumbong ko pero hindi ko natapos. Napabuntong-hininga si Sir Anton bago niya sinapawan ang mga salitang lalabas dapat sa bibig ko.
"Thea, my office now." Sambit ni boss na may diin bago siya tuluyang umalis sa harap namin.
Napapikit ako bago ko hinarap si Zyrus. "Kasalanan mo lahat ito!" Dinuro ko siya at pinanlakihan ng mata bago sumunod kay boss.
Pangalawang beses ko na itong natawag sa opisina ngayong linggo. Una, dahil sa ginawa kong pagsigaw kay Zyrus, tapos ngayon ito. Dinaig ko pa ang isang sakit sa ulo na estudyante.
"Nakakainis! Malas talaga ang demonyong iyon!" Iritableng kong tugon bago ako pumasok sa opisina ni Sir Anton at inihanda ang tainga ko sa mga pangaral na maririnig ko.
Ilang araw pa lang kaming magkasama ng hayop na iyon nadudungisan na ang maganda kong record! Demonyo talaga!