Chapter 3

1377 Words
Hindi ko alam kung paano ako mag-co-concentrate sa trabaho gayong magkatabi kami ng cubicle ni Zyrus. That space used to belong to Warren. Gusto ko siyang ipagtabuyan at ipagduldulan sa pagmumukha niya na walang ibang taong puwedeng mamalagi sa espasyong iyon kundi si Warren lang. Ang kaso, si boss na mismo ang nagsabi na iyon na ang bago niyang puwesto sa opisina. Gusto ko na lang umiyak. "Vinang." I heard him say. Naramdaman ko na lang ang awtomatikong pag-iisa ng kilay ko ng narinig ko ang tawag niya sa akin. I clicked my tongue and decided to ignore him, but knowing Zyrus. He's one persistent asshole, lalo na kapag mang-iinis. I heard his chair rolling before I saw him moving closer to me. "Vinang..." He again called, may kasabay pa iyong pangangalabit. I shrugged his finger away and chose not to answer. "Vinang—" "Ano bang problema mo?!" Bigla kong sigaw kasabay n'on ang pagtayo ko. Lahat ng tao sa quarters napatingin sa akin. Bakas ang pagkabigla sa mukha ng katrabaho ko, kilala nila ako, I barely lose my cool. But with Zyrus around, minuto pa lang sumasabog na ang butsi ko sa kaniya. Tangina niya talaga! Zyrus whistled and raise his hands as if he's retreating. "Whoaaah! Calm down tiger, itatanong ko lang naman kung nasaan ang banyo." He said oh-so-innocently. It fücking irked the hell out of me. Iyong tingin ng mga katrabaho ko sa akin parang nagsasabi na ang sama kong tao. Napahilot na lang ako sa sentido ko saka napaupo, may narinig na lang akong boses na nagturo kay Zyrus kung nasaan ang banyo. Napapikit ako ng mga mata ko, minuto pa lang ganito na ang mga nangyayari sa akin. Ano na lang kapag naglaon na, kapag tumagal na ng araw? Linggo? Buwan? Ikakamatay ko ata ang presensiya niya. Bigla na lang sumilip sina Erlina, Jena at Nikka sa ibabaw ng cubicle ko. Napahalingling na lang ako. At nandito na naman po tayo sa ganitong senaryo. "Bakit ba inis na inis ka sa kaniya Thea? Alam namin ayaw mo ng ka-partner pero sobra-sobra naman ata at sinigawan mo siya." That's Nikka, reprimanding me. I rolled my eyes. Akala nila iyon ang rason kung bakit ganito na lang ang init ng ulo ko sa lalaking iyon. Hindi nila alam ang impyernong sinapit ko noong College ako dahil sa kagagawan ng demonyong iyon. "That's not it Nikka. Hindi iyon ang puno't dulo ng galit ko sa lalakeng 'yon. Hindi niyo ako kayang intindihin kaya 'wag niyo akong pangaralan." Sumbat ko. Narinig kong tumikhim ang isa sa kanila, pero bago pa madagdagan ang sinasabi nila narinig ko na naman ang yabag ng papalapit na si Zyrus. "Hi." Sambit nito sabay ngiti sa tatlong kababaihan na nasa harapan ko. Bakas ang kilig sa mukha nilang tatlo kaya napairap na lang ako sa kawalan. "Hi, Jena pala. Tapos si Erlina at Nikka." Pagpapakilala nila sabay abot ng kamay kay Demonyo. Hindi naman nagdalawang-isip si Zyrus na tanggapin ang mga iyon na may ngiti sa labi. Muli akong napairap sa kawalan ng nag-impit ng tili sila Jena. Akala ko ba ako ang kaibigan nila? Nagpakita lang ng ngipin ang demonyong ito halos ikamatay na nila ang kilig. I snorted before my eyes landed at Warren's picture. Isipin ko na lang na ang lahat ng dusang ito ay para sa fiancé ko. Alam ko naman ang mga sasabihin niya kung gising lang siya. Alam kong papalakasin niya ang loob ko at sasabihin niyang magiging okay rin ang lahat . Buong umaga kong hindi pinansin ang demonyong nagtatrabaho sa tabi ko. Nag-uusap lang kami kapag may katanungan siya tungkol sa project na kinabibilangan naming dalawa. Isa iyong housing project ng isang sikat na subdivision. Hindi ko man forte ang mga ganoong bagay kasi more on commercial spaces ang gamay ko pero ika nga nila, mas magandang lumabas sa comfort zone at matutong gumawa ng isang bagay. "Thea lunch na tayo." Narinig kong tawag sa akin ni Jena kaya sandali akong napatigil sa pagguhit. I looked at the quarter's big clock that shouts 12 noon. Napatango ako at agad na tumayo sabay bitbit sa bag ko. "Puwede ba akong sumabay?" Napalingon ako sa tabi ko at nakita si Zyrus na nakangiti. Inirapan ko siya sabay tingin ng masama. "Hindi." Maikling sagot ko. "Awww, c'mon Vinang. Ikaw pa lang ang kakilala ko rito, kaya sa'yo lang akong kampanteng sumabay." He looked at me with puppy dog eyes. Wala akong ibang gustong gawin kundi dukutin ang mga mata niya at ipalamon mismo sa kaniya. "Oo nga naman Thea." Narinig kong segunda ni Erlina. "Puwede ka namang sumabay sa amin Engineer." Sabay yaya nila. I groaned in frustration. Lalo nang tumago si Zyrus at bakas sa mukha niya ang ngiting tagumpay. Inirapan ko siyang muli bago nagmadaling naglakad papalapit sa elevator. Panay ang interview nila Erlina kay Zyrus habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Kunwaring interesado sa mga ginagawa ni Zyrus sa London pero alam kong naghihintay lang sila ng pagkakataon para maitanong kung may girlfriend siya o wala. "Matagal ka pala sa London." Sambit ni Nikka nang nakahanap na kami ng puwesto sa cafeteria. At ang demonyo, gustong-gusto ata talaga ang iniinis ako dahil sa tabi ko talaga siya naupo. Napasimangot na lang ako sabay irap sa kawalan at nagsimulang kumain. "Oo, pinatapon kasi ako roon ng mga magulang ko." Sagot niya, may iba akong narinig sa boses niya nang sinabi niya ang mga iyon. "Pinatapon? Bakit naman?" Erlina asked immediately. Nakita ko sa peripheral vision ko ang ginawang pagkamot ni Zyrus sa likuran ng ulo niya. "Mahabang kuwento." Mabilis niyang sagot sabay ngiti. Binalot kami ng katahimikan saka naisipan na namang magsalita si Zyrus. Natigilan ako sa pagkain ng bigla niya akong akbayan. "Sabi ni bossing employee of the year for seven consecutive years itong si Vinang. Totoo ba ha?" Mapanuksong tugon niya. I glowered at him before I peeled his hands off of my shoulders. "Huwag mo akong akbayan. Hindi tayo close." I answered before rolling my eyes at him. "Ang cute ng tawag mo sa kaniya. Vinang. Saan pala kayo nagkakilala? Si Thea kasi ayaw magkuwento eh." Jena said. Mukha namang nakuha no'n ang interes nilang tatlo kaya natigil sila sa pagkain. Ngumiti muli si Zyrus. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang maganda niyang ngisi. "We met during College. Classmates kami sa ilang mga GenEd subjects. Ang cute cute pa nga ni Vinang noon, she has this big-reamed eyeglasses at lagi siyang naka-pigtails." Saka niya ako muling inakbayan. At sa pangalawang pagkakataon, tinanggal kong muli ang pagkakahawak niya sa balikat ko. "Tigilan mo ako Zyam, ipampaligo ko sa'yo itong sabaw ng pagkain ko." Inis kong sabi pero nginitian lang ako ng demonyo. Buti na lang hindi na nag-comment ang tatlo naming kasama. Patuloy lang ang pag-i-interview nila kay Zyrus hanggang sa napunto nila ang kanina pa nilang gustong itanong. "So may girlfriend ka?" Wika ni Jena. Mabilis na umiling si Zyrus, "Wala." Tugon nito na may ngiti, pero sa pagkakataon na iyon ay hindi umabot sa mga mata niya. "Weh. 'Diba may girlfriend ka? Iyong doctor?" Hindi ko napigilang sabihin. Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya ng hinarap niya ako saka siya ngumisi ng nakakaloko. "You're stalking me on Facëböök aren't you Vinang?" Inirapan ko siya saka ko binalik sa pagkain ko ang atensyon ko para mapagtakpan ang biglang pamumula ng pisngi ko. "Asa ka, nakita ko lang noon. Feelingero." He chuckled, "Her name is Jaliyah Salom, and yes she is a Doctor. Pero wala na kami, mag-iisang taon na." Makatotohanang sagot niya, ang ngiti sa mukha niya ay nabura. Gusto ko sanang sabihin na huwag niyang babanggitin ang buong pangalan ng ex-girlfriend niya kundi malalagot iyon dahil siguradong hahanapin nila Erlina, Jena at Nikka ito sa Facëböök. Natapos ang lunch time na puno ng katanungan. Napagod nga akong nakinig sa pag-uusap nila. Sana nga lumipat na lang ako ng kinauupuan para naging mapayapa ang lunch break ko. Pag-akyat namin sa quarters mabilis kong binalikan ang trabaho ko. Si Zyrus naman, chill na chill sa tabi ko habang nagpapatugtog ng mahina. Naalala ko rati noong College kami, kasama siya sa isang banda at siya ang drummer. Napairap na lang ako sa kawalan, bakit ko ba kasi siya iniisip?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD