Namayani ang mahabang katahimikan sa buong sala pagkatapos kong magsinungaling sa kanila na may lihim na relasyon kami ng boss ko at ipaalam na rin na balak namin na magpakasal ni Sir Ismael pagkatapos ng dalawang linggo. *ba dump!* *ba dump!* *ba dump!* *ba dump!* Pigil pigil ko ang aking hininga at sobra ang pagkabog ng aking puso habang dahan dahan na tinitignan ko ang mga naging reaksyon ng magulang ko pati na rin nina Kuya Caloy at Riya. Ngunit nakita ko na kulang na lang ay sumayad ang panga nila sa sobrang pagkanganga. Kitang kita sa mga mukha nila kung gaano kalaki ang pagkagulat nila sa ibinalita kong iyon. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa magiging reaksyon nilang lahat? Malamang kahit sino ay magugulat kung bigla na lang mag-aanunsiyo ang katulad ko na walang pinapakilala