LOVE 1
Nakilala sa buong bansa si Ismael Alcazar bilang isang sa mga binatang businessman na naging billionaire sa edad na 23. Naipatayo niya ang Alcazar Corporation na siyang pinakamalaking kompanya ngayon sa buong bansa.
Hindi naman lihim sa lahat na hindi siya ipinanganak na mayaman katulad ng iba. Ang anuman na mayroon siya ngayon ay resulta ng kanyang sikap at tiyaga. Kaya ganoon na lang paghanga sa kanya ng mga kabataan na gusto ring na maging matagumpay na makapagtayo ng sariling kompanya na katulad niya.
"Humanda na kayo! Padating na ang ating CEO!" pagkataranta ng mga empleyado dahil kailangan nila luminya sa harapan ng building para salubungin ang kanilang binatang boss.
Dali dali sila naglagay ng mga lipstick, blush on at kung anu ano na kalorete sa mukha. Itinuwid din nila ang medyo nagusot nilang damit. Umaasa sila sa araw na ito ay magawa nila makuha ang atensyon ng kanilang boss.
Sino naman kasi ang hindi mangangarap na mapangasawa ang ang ganoong kayaman na boss nila di ba?
Lalo na wala binata pa rin ito at walang sabit.
Nang makuntento sila sa kanilang mga itsura ay agarang humanay sila base sa kanilang mga departamento na kinabibilangan. Iyon kasi ang isa sa mga tungkulin nila tuwing darating ang CEO.
Ayon sa kanilang nalaman, pinapagawa ito ni Ismael para malaman niya kung nasa maayos na kondisyon ba ang bawat empleyado at masaya ba sila nagtra-trabaho sa kompanya niya. Kasama na rin kuntento ba ang mga ito sa pasahod na binibigay niya.
Sa kanya, isa itong importanteng factor para mas lumago ang kanyang kompanya.
Hindi naman tumagal ay tumigil sa tapat ng entrance ng kompanya ang isang itim na Bugatti La Voiture Noire. Sa mamahaling kotse pa lang ay alam na nila na lulan nito ang kanilang CEO.
Hanggang sa may mga lumapit na mga security guard at may ilang bodyguard na nagbukas ng pinto ng sasakyan. Doon ay lumabas ang isang binata. Moreno, matangkad at gwapo.
Ang mga bagong empleyado ay hindi maiwasang matulala habang pinagmamasdan ang gwapong boss nila. Ang mga matatagal ng empleyado naman ay ginagawang isang lucky charm na makita ang boss nila bago magsimula sa kani-kanilang mga trabaho.
"Good morning, Sir Alcazar," sabay sabay at magalang na pagbati pa ng mga empleyado kay Ismael.
Saglit na tumigil naman si Ismael sa harapan ng kanyang mga empleyado. Dahan dahan na pinasadahan pa niya ng tingin ang lahat para alamin kung okay lang ba ang mga ito.
Nang matapos, tipid na tumango lang si Ismael sa kanilang lahat bago walang salita na naglakad paloob ng kompanya. Diretsong patungo siya sa kanyang opisina na nasa pinatuktok ng building na iyon.
Pagpasok naman ni Ismael ng entrance ay tahimik na sumunod sa kanyang likuran ang isang babae na may dala na tablet. Diretso lang ang tingin ng dalaga at tila hindi man nakikitaan ng pagka-intimida sa presensiya ng kanilang boss.
Walang iba ito kundi si Catherine 'Cathy' Guevarra, ang siyang nag-iisang sekretarya ng kanilang CEO. Maraming mga dalagang empleyado ang naiinggit sa posisyon na mayroon si Cathy pero gayun pa man ay hinahangaan nilang lahat ang dalaga.
Dahil wala sila kayang ibigay na pintas kay Cathy pagdating sa kanyang trabaho. She is a very reliable secretary for CEO Ismael Alcazar.
Habol pa ng tingin ng bawat empleyado ang dalawa hanggang sa makasakay sila sa loob ng private elevator.
"What is my schedule for today?" maawtoridad na tanong ni Ismael at hindi man lang nag-abala na lingunin sa likuran niya ang kanyang secretary.
Agad naman na binuksan ni Cathy ang hawak hawak na tablet para basahin ang buong schedule ni Ismael sa araw na iyon.
"At 9 am, you have a meeting with Mr. Lim about their business proposal. At lunch, you have a business meeting with Mr. Tan about his new business plan. At 2pm, you have a planning meeting with the company's branch manager for the new product advertisement. At 4 pm, you have an update meeting with the department heads. And at 8 pm, you must attend a business party sponsored by Mr. Sy," dire-diretso sagot ni Cathy.
"Mukhang kaunti lang pala ang gagawin ko ngayong araw," hindi kuntento na komento ni Ismael nang marinig ang buong schedule niya, "Magagawa mo ba na isingit si Mr. Valdez ngayong araw?"
Tinignan ni Cathy ang buong schedule. "Yes sir, he already informed me earlier that he is free at 6pm so we can set him in an appointment for today schedule," pagplano naman ni Cathy.
"That's good," tumatangong komento ni Ismael sa pagiging efficient ni Cathy sa kanyang trabaho, "Call him to inform about our today's project meeting."
May pinindot sa kanyang tablet si Cathy. "Noted sir," sagot pa niya pagkatapos na mai-note iyon sa kanyang tablet.
Hindi nagtagal ay tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito. Lumabas sila roon at walang lingon na dumiretso si Ismael sa kanyang opisina habang tumungo naman sa pantry si Cathy para ipagtimpla ng kape ang kanyang boss.
Nang matapos sa pagtitimpla ng kape ay kumatok siya sa pinto ng opisina ni Ismael. Agaran naman pinapasok siya ng binata dahil nasa routine na nila ang ganitong eksena tuwing umaga.
Tahimik na ibinababa ni Cathy ang kape sa gilid ng mesa ni Ismael habang abala ito sa pagtingin ng mga bagong dinalang report ng mga department head kanina. Ngunit natigil si Ismael sa kanyang ginagawa at inabot ang mainit init pang kape na itinimpla ni Cathy. Nakasanayan na niya kasi na inumin muna ang masarap na kape bago magsimula sa pagtra-trabaho.
Nang maubos ni Ismael ang kape ay agarang lumabas si Cathy dala ang walang laman na baso. Ibinalik niya ito sa pantry at hinugasan.
Nang matapos ay naupo na siya sa kanyang sariling cubicle na saktong nakatapat lang sa pintuan ng elevator. Pagkatapos katulad ni Ismael ay inilunod niya ang sarili sa pagtapos ng kanyang trabaho.
***
Naging mabilis ang paglipas ng mga oras. At sa lahat ng appointment ni Ismael ay kasa-kasama niya si Cathy. Hindi na bago iyon para sa mga business partner ni Ismael. Dahil kung nasaan si Ismael ay hindi mawawala roon si Cathy.
"I hope I can find a secretary like Miss Cathy," naiinggit na komento ni Mr. Tan kay Ismael, "She is very good, and you have nothing to ask for more," dagdag na papuri pa niya kay Cathy.
"Yes, I am very lucky to have her as my secretary," umaayong turan naman ni Ismael.
Nasa likuran lang naman ni Ismael si Cathy na kanina pa matuwid na nakatayo ngunit hindi makitaan ng kahit anong emosyon sa naririnig niyang usapan ng dalawa tungkol sa kanya.
"Is she really just your secretary? Or is she your secret lover?" pag-uusisa naman ni Mr. Tan sa dalawa.
Hindi naman nabago ang reaksyon ni Ismael sa itinanong na iyon ni Mr. Tan. "Sir, you always ask me that every time we meet. But as always, my answer to you is still the same," seryosong sagot ni Ismael.
Napahalakhak na lang si Mr. Tan. Hindi talaga siya makapaniwala na walang relasyon ang dalawa sa loob ng apat na taon na pagtra-trabaho na magkasama. Dahil pareho nila nakoko-compliment ang isa.
In his eyes, they are perfect fit to be with other.
Ngunit hindi na niya kinulit pa ang mga kaharap. Alam naman niya sooner or later ay magbabago rin ang samahan ng dalawa. Hindi lang siguro napapanahon ngayon.
May inilabas na isang calling card si Mr. Tan. Tsaka harapan niya na inabot iyon kay Cathy.
"If you ever consider yourself resigning from Mr. Alcazar, I will welcome you to my company as my new secretary," pagpayo pa ni Mr. Tan kay Cathy at binigyan siya ng malawak na ngiti.
Napasimangot na lang si Ismael. Alam niya na ginawa lang iyon ni Mr. Tan para asarin siya. Ngunit confident naman siya na hindi aalis sa kanyang kompanya si Cathy dahil sa siniguro niya ang kabutihan ng bawat empleyado niya.