LOVE 4

2797 Words
Dahil sa mala-himalang pagbibigay ng day off sa akin ng aking boss ay agarang hinila ako ng dalawa kong kaibigan sa pinakamalapit na mall. Hindi raw nila kayang palampasin ang araw ng aking paglaya mula sa aking trabaho. Kaya wala ako nagawa kundi magpatianod sa kanilang balak dahil kahit sina mama at papa ay pinagtulakan ako palabas ng aming bahay para lang pilitin na sumama sa aking mga kaibigan. Kung maaari pa nga raw ay mag-uwi ako ng lalaki sa bahay bilang pasalubong sa kanila mamaya. Kaya ganoon na lang ang malakas na pagtawa ng mga kaibigan ko sa bilin na iyon nina mama at papa. Kahit nga si Kuya Caloy ay humirit pa at pamangkin naman ang hiniling mula sa akin. Pakiramdam ko tuloy napagkaisahan ako nilang lahat. Para naman kasi mabibili lang sa mall ang asawa at anak. Sana ganoong kadali lang iyon di ba? "Cathy, that guy! Pwede ipasalubong mo kina Tita Tere!" nakangising sambit ni Zuri habang nakaturo sa hindi kalayuan, "Higitin mo na rin sa isang tabi at magpabuntis ka na agad sa kanya!" "Tumigil ka nga riyan, Zuri. Turo ka ng turo baka mamaya manuno ka pa," pag-angil ko naman dahil sa kanina pa niyang pang-aasar sa akin. Lahat na lang kasi yata ng binata na makakasalubong namin o matatanaw nila sa malayo ay pinapareha ni Zuri sa akin. Sa ganoon daw ay ma-fulfill niya ang hiling nina mama sa aking pag-uwi. Lalo na ang hiniling na pamangkin ni Kuya Caloy. Pakiramdam ko nga rin ay unti unti na binubugaw na ako ng mga kaibigan ko sa kung kani-kanino. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na may ilan tuloy na mga kalalakihan ang napapatingin sa aming gawi dahil sa lakas ng bunganga ni Zuri. Kulang na lang kasi ay lagyan niya ako ng placard sa aking leeg na may nakasulat na 'kailangan ko ng lalaking iuuwi at aanakan ako'. Napahilot ako ng sintido ko bago sinamaan ng tingin si Zuri. "Shut up Zuri!" pikon na pigil ko sa kanya. "Okay, tama na nga iyang pang-aasar kay Cathy," pagsaklolo ni Riya sa akin, "Hayaan naman natin na ma-enjoy niya ang kanyang day off. Baka tuluyan na maasar siya at siya na sa susunod ang hihingi ng trabaho sa boss niya para lang hindi makapag-day off." Malakas na napahaklakhak naman si Zuri na tila na-imagine na gagawin ko nga iyon para matigil lang ang ganitong pang-aasar niya sa akin. "Sabi ko nga... Titigil na ako," tumatawang sambit ni Zuri, "Namiss ko lang naman itong si Cathy kaya inasar ko ng todo." Naparolyo na lang ako ng mata. Ibang klase ang pagka-miss niya sa akin. Malapit ko na siya iwanan dito at tuluyang sirain ang pagkakaibigan naming dalawa. Sa pagkakataon na iyon ay sumuko na nga si Zuri. Napahawak pa siya sa kanyang baba at tila nag-iisip ng gagawin na itinerary namin sa mall na iyon. "Hmmm~~ Let's go first to Ricky's salon!" pagyaya ni Zuri sa amin ni Riya, "Matagal tagal na rin ng huli tayo makapag-bonding ng ganito. Dahil itong si Riya abala sa kanyang asawa't anak habang si Cathy naman ay abala sa pag-aasikaso ng binatang boss niya." Tumatango naman na sumang-ayon si Riya sa mungkahi na iyon ni Zuri. Kung tatantiyahin kasi ay mga anim na taon na rin ang nakalipas nang magawa nila na mamasyal ng ganito at magkakasama. Doon, nagsimula na kami maglakad patungo sa direksyon ng salon. "Pero ano ba ang kwento ng buhay mo ngayon, Zuri?" pag-usisa ni Riya sa maingay nilang kaibigan, "Bigla ka na lang kasi sumusulpot at nawawala. Hindi ka rin nagkwe-kwento ng mga nangyayari sa iyo ngayon. Umamin ka nga... May tinatago ka ba sa amin ni Cathy?" Napangisi naman ako dahil ito ang pagkakataon na makabawi sa pang-aasar ni Zuri kanina. "Tama... Ikaw ba ay walang pinagkakaabalahan ngayon, Zuri?" taas kilay na tanong ko sa kanya at mapagmatyag na tinitigan siya sa mga mata. Malakas na napatikhim naman si Zuri at napaiwas ng tingin sa amin. Pero hindi naitago nito ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi. Sa akto pa lang niyang iyon ay alam na namin ang kung ano na tinatago niya. Dahil sa aming magkakaibigan ay si Zuri ang pinakamaraming karanasan sa larangan ng pag-ibig. Hindi na nga mabilang ng pinagsamang daliri nila ni Riya (kasama sa paa) kung ilan ang naging jowa ni Zuri mula college. Ang masaklap ay laging nauuwing wasak ang puso ng kanilang kaibigan sa mga naging kasintahan niya. Sa dami kasi ng kanyang naging karelasyon ay ganoon karami rin siya niloko ng kanyang naging mga nobyo. Kaya hindi ko maitindihan kung bakit patuloy na pumapasok pa rin si Zuri sa isang relasyon kahit alam niya na lolokohin din naman siya sa huli. Wala na talaga yata siya kadala dala. Ang laging lintanya niya na binibitawan niya sa amin... Sa lahat ng relasyon ay may darating na pagsubok para pagtibayin ka nito. Tsk! Buti pa ako walang problema sa ganoong mga bagay. Tanging ang trabaho ko lang ang kailangan kong isipin sa araw araw. At least kumikita ako ng pera kaysa ubusin ko ang aking oras sa mga walang kwentang lalaki. "Oy, bakit ganyan ang mga reaksyon niyo riyan?" nakasimangot na pagpansin ni Zuri sa ekspresyon nila ni Riya, "Don't worry girls. Sigurado ako na iba si Reed sa iba kong nakarelasyon. Siya na ang 'the one'!" Kaya napailing na lang kami ng ulo ni Riya na makumpirma na may panibago ngang jowa na naman ito. May hinala na kami kanina dahil sa biglaang pagyayaya nito na mag-mall. Mukhang hindi magtatagal ay makikita na naman nila si Zuri na umiiyak dahil sa isang lalaki. This time ay Reed ang pangalan. "Narinig din namin iyan ng jowa mo si Dalton, Lionel at Ryker," pabulong na komento ni Riya saka malakas na napabuntong hininga. "Anong binubulong mo riyan?" taas kilay na tanong ni Zuri dahil hindi nito narinig ang binulong ni Riya. "Wala," magkasabay na lang namin na sagot ni Riya at patulak na inakbayan ang kaibigan na si Zuri patungo sa Ricky's salon na sinasabi niya. *** Habang inaasikaso sila sa loob ng salon na iyon ay nagbuklat ako ng mga magazine para malibang libang. Hanggang sa matigil ang tingin ko sa isang pahina nang makita na naroroon ang larawan ng aking boss. Hindi niya napansin na isang business magazine pala ang nadampot niya at feature ang kanyang boss bilang isang bachelor billionaire. Aware naman siya na maraming kadalagahan ang nagnanais na maging asawa ang boss niya. Ilang beses na rin na may anak ng mga business partner ng kanyang boss ang sumubok na akitin ang binatang billionaire. Ngunit lahat ng mga iyon ay umuwi lang ng bigo. Dahil kahit lahat ng bagay na hahanapin mo sa isang lalaki ay mayroon si Ismael Alcazar, wala naman siyang interes sa pag-ibig. Katulad niya ay mas mahalaga sa kanyang boss ang kumita ng pera kaysa ubusin ang oras sa walang katuturan na bagay. "Oh? Titig na titig ka riyan sa larawan ng boss mo..." taas kilay na pagpansin ni Riya sa kanya at makahulugan na binigyan siya ng tingin. Doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa larawan ni Sir Ismael kaya agarang isinara ko ang magazine na hawak ko at ibinalik iyon sa pinaglalagyan kanina. Hindi naman tinapos ni Riya ang kakaibang tingin na binibigay niya sa akin. Para bang pilit na binabasa ng aking kaibigan ang nilalaman ng isipan ko. "Don't tell me namimiss mo ang boss mo, Cathy," hindi makapaniwalang komento naman ni Zuri, "Aba't Cathy! Kami ang kasama mo rito pero ang isip at diwa mo ay nasa kanya pa rin! Mas mahalaga na ba siya kaysa sa amin ngayon?" Sinamaan ko ng tingin si Zuri dahil sa double meaning ang dating ng sinabi nito sa kanya. "Ayusin mo ang sinasabi mo riyan," suway ko sa kanya, "Baka may makarinig sa iyo at iba ang isipin." "Bakit anong mali sa sinabi ko?" paghamon naman ni Zuri sa kanya at pinagtaasan ako ng kilay, "Sige nga." "Tss. Pinagmumukha mo ako na isa sa mga dalaga na patay na patay mapansin lang ng aking boss," nakasimangot na sambit ko. "Hindi nga ba?" pabulong na sambit ni Riya pero alam niya na sadyang ipinarinig ito ng kaibigan sa kanya. Iniling ko ang aking ulo sa kung ano na iniisip nila sa namamagitan sa amin ni Sir Ismael. "Pati ba naman kayo ay iniisip na may something sa amin ng boss ko?" hindi ko makapaniwalang sambit, "We are just doing our work. Nothing else." "Well... Hindi ba masyado kang dedicated sa boss mo kaya ano na lang sa tingin mo ang iisipin namin," kibit balikat na pagrarason naman ni Riya. "Ginagawa ko iyon dahil sa malaki magpa-sweldo ang boss ko," pagpapaliwanag ko naman sa kanila, "Ayoko na ma-dissatisfied siya sa trabaho ko at maghanap ng ibang sekretarya na ipapalit sa akin." "Really?" hindi naniniwalang tanong ni Zuri sa akin. Tinitigan nila akong dalawa na akala mo na tinubuan ako ng isa pang ulo. Halatang ayaw nila paniwalaan ang aking paliwanag sa kanila. Pagkatapos ay sabay sila napabuga ng malalim na hininga. "Hayaan na nga lang natin siya..." iiling iling na komento ni Zuri, "Buhay niya iyan eh... Diyan siya masaya." *** Nang matapos kami sa aming pagpapa-salon ay agaran na nagtungo kami sa isang italian restaurant para punan ang kumakalam namin na sikmura. Medyo nag-crave rin kasi sina Riya na kumain ng pasta dishes. Hanggang sa kalagitnaan ng aming pagkain ay hindi sinasadya na napatingin ako sa entrance ng restaurant. May panibagong pumasok kasi roon na customer at medyo pamilyar sa akin ang bulto ng katawan ng isa sa mga ito. Hanggang sa muntikan ko na maibuga ang aking kinakain nang matanaw mismo si Sir Ismael kasama ang isang magandang babae na nakakapit sa kanyang braso. Nanlaki ang aking mata nang mapagtanto kung bakit biglaan na binigyan ako nito ng day off ngayong araw. Iyon pala ay dahil sa may date ito. Bakit hindi ko agad naisip ang bagay na iyon kanina? Lalo na masyadong kataka taka ang pagbibigay ng day off sa akin ni Sir Ismael. Hindi ito normal sa katulad niya na workaholic. "Uy, nangyari sa iyo?" pagsiko ni Riya sa kanya, "Para ka riyan nakakita ng multo," dagdag pa niya at nagtatakang kumaway kaway sa harapan ng aking mukha. Ngunit hindi naputol nito ang tingin ko sa aking nasaksihan. Wala akong kaalam alam na may lihim na nobya pala ang boss ko. Ito ang unang beses na malaman ko ang bagay na ito. Nagtataka na napaangat naman ng tingin si Zuri at nilingon ang direksyon ng tinitigan ko. "W-Wait... What?! Is that your boss?! The one and only Ismael Alcazar?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Zuri at agarang ibinalik ang tingin sa akin, "So ang totoo pala ay may girlfriend na pala siya... Hindi totoo ang mga balita na single siya." "We never know baka mamaya one night fling lang ang kasama niya," pagbibigay opinyon naman ni Riya sa kanilang nakikita, "Hindi na bago iyon sa mga mayayaman na katulad niya. Kayang kaya naman niya magbayad ng babae para sa isang gabi na kaligayahan." "Sabagay," tumatangong sang-ayon naman ni Zuri, "Man is still a man. Kung sa ating mga babae ay kilay is life. For them, s*x is life," bitter na dagdag niya dahil tila nakabase ito sa kanyang naranasan sa mga ex-boyfriend niya. Pinakalma ko naman ang sarili ko mula sa rebelasyon na nalaman at agarang iniwas ang tingin para hindi ako mapansin ng aking boss. Hindi makakabuti sa aking posisyon na malaman ng sikreto na mayroon ang aking boss. Tsaka its his personal life kaya labas na ako sa bagay na ito bilang kanyang sekretarya. Hindi na ito saklaw ng aking job description. "Kung tapos na kayo kumain ay lumabas na tayo," pabulong na pagyaya ko sa aking mga kaibigan, "Magiging awkward para sa kanya malaman ko ang bagay na ito di ba? Hindi na parte ito ng trabaho ko. Tsaka he has a respectable image na kailangan alagaan sa kanyang mga employees." Tumango naman ang mga kaibigan ko na tila umaayon sa balak niyang gawin. Ngunit akmang tatayo na ako sa aking inuupuan nang saktong magkasalubong ko ng tingin ni Sir Ismael. Mentally na napatapal ako ng kamay sa aking noo nang tila nakilala niya agad ako. Wala na. Balak ko pa naman na iwasan siya pero hindi sinasadya na nakita naman niya ako rito. Bahagyang dumilim ang mukha ni Sir Ismael nang makita na nandito rin ako bago ibinaling ang tingin sa aking mga kaibigan. Nang makita ni Sir Ismael na mga babae ang kasama ko ay nagsimula na siya humakbang palapit sa amin. "D-Damn... Mas gwapo nga siya sa personal..." kinikilig na bulong ni Zuri sa akin at mahigpit na napakapit sa aking braso, "Swerte mo, Cathy. Araw araw mo nakikita ang gwapong nilalang na iyan! Hindi na nakakapagtaka kaya tumaas ang standard mo sa lalaki. Ganito ba naman kagwapo ang laging nakikita mo eh!" Siniko ko naman si Zuri para manahimik. Nakakahiya dahil baka marinig siya ng boss ko. Napaka-awkward na nga na nagkita kami rito. Nang makalapit si Sir Ismael, tumigil siya sa harapan ko. Pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuuan ko. Marahil ito ang unang beses na nakita niya ako na hindi naka-business attire. Medyo nahiya tuloy ako dahil naka-tshirt, short at sandals lang ako ngayon. Halatang sampilitan lang ako na dinala ng mga kaibigan ko rito sa mall. Gayun pa man ay kinalma ko ang aking sarili at pinakita sa aking boss na balewala lang ang pagkikita naming ito sa labas. Kailangan ko ipakita na magiging propesyunal ako sa pagtatago ng sikreto ng aking boss. "Good day to you, Sir," buong galang na pagbati ko sa kanya at bahagyang yumuko pa sa kanyang harapan. "Stop it, Miss Cathy. Day off mo ngayon at wala tayo sa opisina," pagpigil ni Sir Ismael sa ginawang pagbati ko sa kanya. Hindi nagtagal ay kumapit muli sa braso ni Sir Ismael ang kasama niyang magandang babae. "Mael naman, bakit iniwan mo ko roon?" nakanguso at nagtatampong sambit ng babae na iyon saka biglang napatingin sa aking gawi, "Who are they? Don't tell me inaakit ka ng mga babaeng ito," taas kilay na sambit pa niya bago pinasadahan ang kabuuan ko. "Excuse me?" hindi natutuwang komento ni Zuri sa pagbibintang ng babae na kasama ni Sir Ismael at nakipagtagisan pa ng tingin dito. Tinulak palayo ni Sir Ismael ang mukha ng babae na iyon na hindi namin inaasahan. "Tss. Stop it, Jessa. She is Miss Cathy, my secretary," pagsuway at pagpapakilala ni Sir Ismael sa akin sa kanyang kasama. Dahil doon ay biglang nabago ang timpla ng mukha ng babae na tila ba kilala niya ako. "Eh? She is the famous secretary of yours?" manghang sambit pa niya at ang kaninang mapanuring tingin na binibigay niya sa akin ay napalitan ng kakaibang paghanga. Malakas na napahalakhak pa siya bago nandidiring bumitaw kay Sir Ismael. "Oops! Sorry about my attitude earlier. By the way, I'm Jessamy Alcazar. I am his cousin," pagpapakilala ng babaeng iyon at malawak ang ngiti na binibigay sa akin, "Ito ang unang beses na nagkita tayo but I knew about you from Tita Vicky. And I can see why she is very fond of you," nakangising dagdag pa niya. Eh? Pinsan? Nagpalipat lipat tuloy ako ng tingin sa dalawang kaharap para alamin kung pagkakahawig nga ba sila. Nang makumpirma ay propesyunal na yumuko muli ako kay Miss Jessamy. "Nice meeting you po, Miss Alcazar," magalang na pagbati ko sa kanya, "I'm Catherine Guevarra, the secretary of Mr. Ismael Alcazar." "Eh? Jessa na lang ang itawag mo sa akin, Miss Cathy," pagbabago niya sa itinawag ko sa kanya. "Tapos na ba kayo kumain?" pagpansin naman ni Sir Ismael sa aalisan naming table kung saan naroroon pa ang aming mga pinagkainan ng aking mga kaibigan. "Yes sir," magalang na sagot ko naman, "Pauwi na rin po kami." Nagulat na lang kami ng biglaang itulak ni Miss Jessa si boss palapit sa akin. "Ihatid mo na sila, Mael," pag-utos pa ni Miss Jessa sa aking boss, "Padating na rin siguro ang mga kasama ko kaya hindi mo na ako kailangan pang bantayan dito." Mabilis na iwinagawayway ko ang kamay ko para tanggihan ang nais na ipagawa ni Miss Jessa kay Sir Ismael. "Naku! Huwag na po, Miss Jessa. Malapit lang naman po kami rito," pagtanggi ko, "Tsaka makakaabala lang po kay kay sir." Ngunit hindi nagpapigil si Miss Jessa at sinamaan ng tingin ang kanyang pinsan. Tinignan niya si boss na tila nanakot na isusumbong siya nito sa kanyang ina. Sumusuko na napakamot na lang ng batok si Sir Ismael saka seryosong bumaling ng tingin sa aking gawi. "No, I insist. Ihahatid ko na kayo," napipilitang pagyaya sa akin ni Boss pati na rin sa mga kaibigan ko, "Let's go?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD