LOVE 3

1173 Words
Linggo ngayon at ibig sabihin nito ay rest day ko. Inaantok na napahikab muna ako bago tinignan ang phone ko. Madalas kasi kahit day off ko ay may pinapagawa sa kanya ang boss niyang si Ismael. Siyempre hindi libre iyon dahil sinisigurado ng boss niya na may bayad ang pang-aabala nito sa rest day niya. Nakailang kusot yata siya sa kanyang mata dahil wala siyang makita na kahit anong mensahe mula sa kanyang boss. "Himala yata," takang bulalas pa niya. Sinubukan niya muna na i-off at i-on ang phone kung sakali na hindi lang agaran niya natanggap ang mga mensahe. Ngunit walang naging pagbabago at nanatiling blangko ang kanyang inbox. Sumunod naman niyang chineck ang kanyang email kung sakali na roon nagpadala ng utos ang kanyang boss. Pero wala rin siya natanggap doon kahit ilang refresh ang gawin niya. "Baka tulog pa siya," hinuha niya kaya wala siyang natanggap na mensahe sa oras na ito. Lalo na marami rami silang pinuntuhan na mga business meeting kaya hindi na siya magtataka kung pagod ngayon ang boss niya. Nag-unat na muna siya ng mga kamay bago naisipang bumangon sa kanyang kama. Nang maiayos ang kanyang higaan ay naisipan niyang bumaba para kumain muna ng agahan. Napansin niya na natigilan pa ang mga nakaupo sa hapag-kainan nang makita siya na bumababa na walang dala kahit anong tablet o laptop. Kinusot kusot pa nila ang kanilang mga mata para kumpirmahin na hindi lang sila mga namamalik-mata. Hindi ko na lang pinansin iyon at sa halip ay naupo sa nakareserba sa aking upuan. "Anak, wala ka bang trabaho ngayon?" hindi nakapagpigil na tanong ng ina niyang si Teresa. "Tulog pa po siguro ang boss ko kaya wala pa siyang binibigay na utos sa akin," pagbibigay dahilan naman niya sa kanyang ina bago sumandok ng kanin at ulam. "Ay akala ko pa naman malalayo ka na ngayon sa laptop mo," nang-aasar na komento naman ng nakakatandang kapatid niyang si Caloy, "Maling akala ko lang pala iyon. Nakalimutan ko na parte na nga pala iyon ng katawan mo." Napairap na lang ako sa sinabi ng aking kapatid. Habang napatawa naman sa tabi ni Kuya Caloy ang asawa na si Riya. Kaibigan ko kasi ng college si Riya at nagkakilala sila ng kapatid ko nang dahil sa akin. Kaya kung sa nobela ay ako ang naging tulay para magtagpo ang kanilang landas na dalawa. It's a cheesy encounter for them but not for me. Ngayon ay nasa anim na taon na kasal silang dalawa at may dalawang anak na ring anak. Ang panganay nila ay si Chaya (5 years old) at ang bunso ay si Dixie (2 years old). "Tamang tama na wala kang gagawin ngayon, Cathy. Nagsabi sa akin si Zuri na dadalaw siya ngayon," nakangiting balita ni Riya sa kanya, "Namimiss ka na rin ng babae na iyon 'no!" Napatango naman ako ng ulo dahil matagal tagal na rin ng huli kami na makumpleto na tatlo. "Tignan ko kung may time ako mamaya," tanging naisagot ko kay Riya, "Baka kasi mamaya ay biglang mag-message ang boss ko." "Sabagay," sang-ayon ni Riya, "Pero rito lang naman kami sa bahay ni Zuri kaya labas ka na lang ng kwarto kapag free ka na ha." "Ano ba iyan, Catherine?! Rest day mo di ba ngayon?" naiinis naman na komento ng aking ama na si Edie, "Hindi ba pwede sabihan mo na lang ang boss mo na may iba kang gagawin ngayong araw?" "Edie, itindihin mo na lang iyang si Cathy. Hindi biro ang boss niyang iyon dahil sekretarya siya ng isa sa pinakamayaman sa Pilipinas," pagtatanggol naman ng ina niya sa kanya. "Kahit na," patuloy na nagagalit na sambit ni papa, "Inaalisan ng boss niya ng buhay ang anak natin. Kaya paano makakapangasawa iyan?! Hindi na bata iyang si Catherine. Sa edad niya ay dapat may dalawang anak na siya!" Napatapal na lang ako ng kamay sa noo dahil nauwi na naman kami sa usapan ng aking edad at tungkol sa aking pag-aasawa. "May apo naman kayo kina Kuya Caloy at Riya kaya bakit naghahanap pa kayo sa akin?" nakasimangot na tanong ko kay papa. "Iba ang anak ni Caloy sa magiging anak mo, Catherine," lalong nagagalit na turan ni papa. Natahimik na lang ako saka pinagpatuloy ang aking pagkain ng agahan. Pinakalma na rin ni mama si papa dahil ang aga-aga ay ang init ng ulo niya sa akin. *** Natapos ang aming agahan na wala pa rin akong natatanggap na mensahe sa aking boss. Tumabi na lang muna ako sa aking mga pamangkin na abalang abala na nanunuod ng 'Cocomelon'. Nang mapansin naman siya ni Chaya at agarang humiga ito sa lap niya na tila nagpapalambing. Ilang oras sila na nasa ganoong tagpo at wala talaga siyang natatanggap na mensahe mula sa kanyang boss. Naisipan ko na lang tuloy tawagan ito para alamin kung may ipag-uutos ba siya sa akin. Sa ikatlong ring ay sumagot agad ang boss niya. "Do you need anything from me, Miss Cathy?" bungad na tanong ng boss niya na hindi niya inaasahan. "U-Uhmmm Sir... Sorry for sudden calling you but I would just like to ask you if you have anything work for me today..." nag-aalangan niyang tanong sa binatang boss. Sandali natahimik ang kabilang linya. Halatang nag-iisip ang boss ko ng iuutos sa akin. "I cannot think of anything. Just enjoy your rest day today," sagot ng kanyang boss saka agad na ibinababa ang kanyang tawag. Gulat na napatitig ako sa screen ng aking phone. Tama ba talaga ang narinig ko? Walang ipapagawa sa akin na trabaho ang boss ko ngayon? "Ha? Anong nangyari dun?" hindi ko pa makapaniwalang bulalas, "Pinag-rest day ako bigla?" Hindi naman nagtagal ay maingay na pumasok sa aming bahay si Zuri. "Hello everyone! Namiss niyo ba ang kagandahan ko?" malakas na sigaw niya kaya hindi na ako magtataka kung pati ang kapitbahay namin ay alam na nandito siya. Ngunit biglang natigilan si Zuri nang makita ako na nakaupo sa sofa kasama ang mga pamangkin ko na abala pa rin sa panunuod. "Teka si Cathy ba talaga ang nakikita ko o nag-ha-hallucinate na lang ako dahil sa hindi ko man lang makita ang anino ng babaeng iyon ng halos isang taon?!" paniniguro pa ni Zuri habang nakaturo sa aking direksyon. "Legit na legit na si Cathy nga ang nakikita mo," natatawang pagkumpirma ni Riya kay Zuri. Nanlaki ang mga mata ni Zuri. "Hala! Anong nangyari sa kanya? Tinanggal na ba siya sa trabaho? O baka naman nag-resign?!" paghula pa ni Zuri kaya hindi ako abala ngayong araw. Napairap na lang ako. "Kakatawag ko lang sa boss ko. Ang sabi niya ay enjoy ko na lang daw ang rest day ko," pagpapaliwanag ko sa kanya. Napanganga naman ang lahat sa ipinaalam ko na iyon. Kahit nga sina Chaya at Dixie ay napatigil sa kanilang panunuod. Pagkatapos ay magkayakap na nagtutumalon ang dalawa kong kaibigan sa tuwa na akala mo mga nanalo sa lotto. "Yes! Rest day ni Cathy ngayon!" magkasabay nilang sigaw, "May himala! Totoong may himala! Hindi ito gawa-gawa lang!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD