Hindi ako mapakali nang magtungo kami sa parking lot ng mall na iyon kasama ang aking boss na si Sir Ismael. Hindi nagtagal ay bumungad sa aming harapan ang Rolls-Royce Boat Tail na siyang natatangi na sasakyan sa buong parking lot na iyon.
Kita naman ang pagkamangha ng ibang mga naroroon na magmo-mall at iba pang napadaan sa parking lot. Isa lang naman kasi ito sa mga pinakamamahaling koleksyon na sasakyan ng boss niyang si Ismael. Pagkaalam ko pa nga ay siya lang ang tanging mayroon ganitong sasakyan sa Pilipinas.
Samantala, tila natuod sina Zuri at Riya sa kanilang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang magarang sasakyan na iyon sa kanilang harapan. Ang alam nila ay isang billionaire ang boss ko pero hindi nila na-imagine kung gaano nga ba ito kayaman.
Kaya sa nasaksihan nila ay napagtanto na nila na langit ito at lupa lamang kami. Isang malaking pribilehiyo na maging sekretarya ng taong katulad niya.
"E-Err wow... T-Tila hindi ko afford na u-umapak o m-madumihan man lang ang loob ng sasakyan ng boss mo," natatakot na bulong ni Zuri at hiyang hiya na napatingin sa medyo madumi niyang sapatos, "B-Baka kaunting gasgas lang ang gawin ko riyan at isang taon na sweldo ko ang ipambayad ko..."
"U-Uhmmm... I-Ikaw na lang kaya ang sumakay diyan, Cathy...? M-Mag-tri-tricycle na lang kami ni Zuri pasunod sa inyo..." namumutlang pag-urong naman ni Riya at nanginginig na napakapit kay Zuri para humingi ng suporta, "M-Malapit lang naman ang bahay natin dito eh..."
Napangiwi na rin ako dahil sa inaasahang reaksyon ng aking mga kaibigan. Aaminin ko na medyo ma-swerte ako na makasakay sa mga magagarang sasakyan ng aking boss tuwing kakailanganin namin na umattend ng business meeting sa labas ng kompanya. Iyon ay dahil parte ito ng aking trabaho bilang kanyang sekretarya. Mas makaka-save kasi sila ng oras kung sasabay siya sa kanyang boss patungo sa kung saan paggaganapan ng meeting.
Ngunit sa araw na ito ay wala sila sa trabaho kaya walang dahilan para sumakay siya sa magarang sasakyan na iyon.
"Ladies, get inside," pautos na sambit ni Sir Ismael sa kanila at pinagbuksan pa sila nito ng pinto sa kanyang sasakyan.
Kinakabahan na nagkatinginan muna kaming tatlo hanggang sa pinandilatan ako ng mata ng dalawa kong kaibigan para iparating na kailangan ko gumawa ng paraan para matanggihan ito.
"S-Sir... H-Huwag na po talaga..." muling pagtanggi ko at bahagya na napaatras ng ilang hakbang palayo mula sa kanyang sasakyan, "M-Malapit lang po talaga kami rito. M-Makakaabala lang po kami sa inyo. M-Mas mabuti na makauwi na po kayo at makapagpahinga. Lalo na doble po ang meeting na naka-schedule sa inyo sa linggo na ito."
Agad na sinimangutan naman ako ni Sir Ismael dahil sa patuloy na pagtanggi ko. "Miss Cathy, you know me very well. Hindi ako ang tipo ng taong babawiin ang naisipan ko ng gawin," seryosong sambit ni Sir Ismael sa akin, "Kaya ihahatid ko na kayo."
Pilit na napangiti na lang ako. Alam ko na wala na nga makakapagbago ng isipan ngayon ng aking boss. Sa kanyang pananaw, ang paghatid sa amin na isang task mula sa kanyang pinsan na si Miss Jessa. Wala siyang choice kundi gawin ito bago pa siya isumbong ng pinsan sa kanyang ina.
Malakas na napabuga ako ng malalim na hininga at nag-isip ng maganda pang rason para makatakas sa aking boss.
*ring~~~*
*ring~~~*
*ring~~~*
Napabaling ang tingin naming lahat nang malakas na tumunog ang phone ni Zuri. Dali dali naman niya kinuha iyon sa kanyang bag. Kita pa ang labis na galak niya nang makita kung sinuman ang tumatawag sa kanya.
"Hello babe?" malakas na pagsagot niya sa tawag na iyon at bahagyang binigyan ako ng kakaibang ngisi, "Yeah. Nasa mall ako ngayon. Huh? Susunduin mo ko? Sige! Intayin kita rito ha!"
Nang maibaba niya ang tawag ay nilingon niya muli ako at umaktong nalungkot. "Sorry Cathy, kikitain ko ang boyfriend ko ngayon," paghingi niya ng paumanhin sa akin pero alam ko na sinadya niya iyon, "At papunta na siya rito kaya hindi na ako makakasabay pa sa inyo."
Biglang napapitik naman ng daliri si Riya na tila may naalala na isang bagay. "Ah! Ibibili ko pa nga pala ng gatas ang bunso ko na si Dixie. Mauubos na ang stock namin ng Kuya Caloy mo kaya hindi pwede hindi ako makabili ngayon," pagbibigay rason naman ni Riya sa akin, "Sorry Cathy, kailangan ko rin pala bumalik sa loob ng mall. Importante maibili ko ng gatas ng aking anak! Ayoko magutom siya dahil lang sa nakalimutan ko."
Pinandilatan ko ng mata ang dalawang kaibigan ko dahil sa nirarating nito ay balak nila ako iwanan na mag-isa. Alam ko nagdadahilan lang ang mga ito para iwanan ako kasama ang aking boss.
Sana man lang ay nag-isip sila ng ibibigay na dahilan na maaari ako madamay di ba?
"Nice meeting you po, Sir Ismael. Pasensiya na po talaga dahil may gagawin pa po kasi kami. Pero iyang si Cathy, single pa po siya... Este wala na po siya gagawin..." pagpapaalam naman ni Zuri sa aking boss.
Pagkatapos na magpaalam nila kay Sir Ismael ay nagmamadali na iniwan siya ng kanyang kaibigan. Napasimangot ako dahil parang kanina lang ay ayaw siyang pakawalan ng mga ito para madala lang sa mall na ito. Pero biglang nabago ang ihip ng hangin at parang isang tuta siya na inabandona ng mga ito.
Asar na napatapal na lang siya ng palad sa kanyang noo. Pagkatapos ay nahihiyang nilingon niya ang kanyang boss na siyang kanina pa pala nakatingin sa kanya. Nagkasalubong tuloy sila ng tingin sa bawat isa.
Pagkatapos ng ilang sandali ay malakas na napatikhim si Sir Ismael at unang pumutol ng tinginan nila.
"Let's go," naiinip na pagyaya niya sa akin pero this time pintuan ng passenger seat ang kanyang binuksan.
Pilit na ngumiti naman ako at napipilitan na sumakay sa sasakyan ng aking boss. Habang sa loob ng aking isipan ay sinusumpa ko ang dalawang kaibigan ko na iniwan na lang ako sa ere.
Arggh! Lagot sila sa akin kapag nakita ko silang muli!
***
Katulad ng aking sinabi ay malapit lang ang bahay namin sa mall. Kaya wala pa yata limang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng aming bahay. Pinagmasdan naman ito ni Sir Ismael na tila tinatandaan ang bawat detalye.
"Salamat po sa paghatid, Sir... Sisiguraduhin ko po na mas gagalingan ko ang aking pagtra-trabaho sa mga susunod pang araw bilang ganti sa kabaitan na ito," propesyunal na pagpapasalamat ko sa aking boss at agaran na binuksan ang pinto.
Iyon nga lang ay biglang bumalik ako sa aking kinauupuan dahil nakalimutan ko pala na tanggalin muna ang suot na seatbelt. Rinig ko ang bahagyang pagtawa ni Sir Ismael nang makita ang nakakahiya na nangyari sa akin.
Sinubukan ko naman kalasin ang seatbelt pero sa sobrang panginginig ang aking kamay at pagkataranta kaya sa huli hindi ako nagtagumpay na matanggal ito. Halos gusto ko na ilubog tuloy ang aking sarili sa upuan na iyon.
Okay na sana ang exit ko kanina kung hindi lang dahil sa seatbelt na ito. Tsaka ang daming kahihiyan ang pinakita ko ngayon sa aking boss. Baka mamaya mabago nito ang pagtingin niya sa akin bilang isang reliable na secretary. Hindi iyon makakabuti sa aking posisyon sa kanyang kompanya.
Napapitlag na lang ako nang hinawakan ako ni Sir Ismael sa magkabilang balikat para ipirmi sa pagkakaupo. Pigil ko ang aking hininga nang yumuko siya at siya na mismo ang mag-alis ng pagkakabit ng seatbelt sa akin.
"Done," pigil tawang sambit niya saka nag-angat ng tingin.
Lihim tuloy na napalunok ako ng ilang beses. Dahil ito ang unang beses na makita ko ng ganito kalapit ang mukha ng aking boss. Nagulat naman ako ng salubungin ni Sir Ismael ang tingin na binibigay ko sa kanya. May tingin siya na tila naghihipnotismo sa akin.
"Caloy! Caloy! Aba't tignan mo! Bakit may ganyang sasakyan sa harapan ng ating bahay?" malakas at eskadalosong sigaw ni papa na siyang nagpabalik sa aking ulirat.
Agaran tuloy naputol ang tinginan namin ni Sir Ismael. Nabaling ang aming tingin sa labas ng kanyang sasakyan. Naroroon kasi sina papa at Kuya Caloy na pilit na sinisilip ang loob ng sasakyan. Iyon nga ay hindi sila nagtagumpay na makita ang loob nito dahil tinted ang bintana ng sasakyan ni Sir Ismael.
Kinuha ko ang pagkakataon na iyon saka kinalma ang aking sarili at ibinalik sa dating kalmadong postura bilang normal na sekretarya niya. Kailangan ko ayusin muli ang aking imahe sa harapan ng aking boss. Hindi siya kung sino lang dahil siya ang mismo ang nagpapa-sweldo sa akin.
"Maraming salamat po muli sa paghatid sa akin, Sir," propesyunal na pagpapasalamat ko muli sa kanya at magalang na yumuko sa kanyang harapan.
Isang bagot na tango lang ang ibinigay ni Sir Ismael saka humawak muli sa manibela ng kanyang sasakyan. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para pihitin ang pintuan at buksan ito nang makalabas.
Kita ko ang labis na gulat sa mukha nina papa at Kuya Caloy na malaman na lulan ako ng magarang sasakyan na iyon.
"Eh? Catherine?" hindi makapaniwalang sambit ni papa at nagpalipat lipat ng tingin sa akin at sa sasakyan na pinagmulan ko, "Aba't bakit nakasakay ka na sa sasakyan na iyan?"
Nilibot naman ni Kuya Caloy ang tingin. "Teka nasaan si Riya? Bakit hindi mo kasama ang asawa ko? Magkasama kayo na umalis kanina ah," paghahanap naman ni Kuya Caloy sa asawa niya na nang-iwan sa akin.
Ngunit nagulat ako nang marinig ang pagpatay ng makina ng sasakyan kasunod ang pagbukas muli ng pinto nito. Biglang kinakabahan tuloy ako na napalingon sa aking likuran. Doon nakumpirma ko ang paglabas mula sa sasakyan ng aking boss.
Halos sumayad ang panga ni Kuya Caloy nang makilala kung sino ang taong bumababa sa sasakyan. Samantala si papa naman ay mariin na tinitigan si Sir Ismael na tila kinilala ito. Halatang wala itong ideya kung sino ang taong bumababa sa sasakyan na iyon.
Biglang nagpameywang si papa sa aking harapan. "Siya na ba, Catherine?" seryosong tanong ni papa sa akin at nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Sir Ismael.
"Ha?" nalilito kong tanong, "Anong sinasabi niyo riyan, pa? Anong siya na ba?"
Medyo mahigpit na hinawakan ako magkabilang balikat ni papa. "Siya na ba ang lalaking inuwi mo bilang pasalubong sa amin ng mama mo?" seryosong tanong muli ni papa, "Siya na ba ang lalaking inuwi mo para iyong pakasalan?"
Nanlaki ang mata ko nang naalala ang kalokohan na sinabi nina papa at mama bago ako magtungo sa mall kanina. Nawala sa isipan ko ang pasalubong na hinihingi nila. Pero hindi ko akalain na seryoso pala sila sa bilin na iyon. Talagang tatanggapin nila kung sinuman ang iuwi ko sa bahay ngayon.
"Waaah! Pa naman! Anong kalokohan ang sinasabi niyo sa harapan ng boss ko?!" hiyang hiya na hiyaw ko at hinarangan ang boss ko sa kakaibang tingin na binibigay ni papa.
"B-Boss?" gulat na sambit ni papa nang malaman kung sino ang taong nasa harapan niya, "S—Siya ang boss mo? T-Teka bakit ang boss mo ang inuwi mo sa amin?! Papakasalan mo na ngayon ang boss mo?!"
Narinig ko na lang ang malakas na paghalakhak ni Kuya Caloy dahil sa sinabi na iyon ni papa sa harapan ng boss ko.
Napatakip naman ako ng kamay sa aking mukha. Urrgh! Nadagdagan na naman ang nakakahiyang pangyayari sa akin sa araw na ito.