Labis ang pagkamangha ko nang makapasok kami sa pinareserbang kwarto ni Sir Ismael sa Shangri-La Hotel dito sa Paris. Pakiramdam ko tuloy ay bigla na lang ako napabilang sa isang maharlika pamilya dahil napaka-majestic ng interior nito. Pagkakaalam ko pa nga ay gawa ang mga haligi at dingding nito sa limestone. Kaya doon pa lang ay masasabi ko na hindi biro ang ginastos ni Sir Ismael para ipa-reserve ang kwartong ito sa loob ng limang araw. Nabalik sa realidad ang isipan ko nang naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Sir Ismael at bahagyang paghalik pa niya sa aking kanang pisngi. Dati rati ay nabibigla ako kapag ginagawa niya ito pero ngayon ay nasanay na ako sa paminsan minsan pagnakaw niya halik at yakap sa akin. "Nagustuhan mo ba, wife?" umaasang tanong niya habang abalang abala na