Nang sumapit na ang hapon sa Paris ay inaya naman ako ni Ismael na magtungo sa Le Jules Verne para sa isang romantic candlelight dinner. Ngunit mas namangha ako dahil naupo kami sa table na nasa tabi lang ng window. Kaya pagdungaw ko sa labas ay kitang kita ko ang nakikislapang ilaw sa magandang tanawin ng Paris. "Wow..." hindi ko makapaniwalang sambit habang ibinabaon sa isipan ang magandang tanawin na ito. Sa tanang buhay ko ay hindi ko kailanman naisip na makakarating ako sa ganitong klaseng mga lugar. Hinanda ko na nga ang kapalaran ko na tumandang dalaga habang buong buhay na nagpakasubsob sa aking trabaho. Ngunit nabago ang lahat ng planong iyon nang biglang mag-propose sa akin ng kasal si Ismael. Natatakot tuloy ako na baka panandalian lang ang saya kong nararamdam na ito. Na ba