LOVE 6

2091 Words
Katulad ng kanilang nakagawian ay agarang humanay sa harapan ng kompanya ang lahat ng empleyado ng Alcazar Corporation para salubungin ang kanilang gwapong CEO. At hindi naman nagtagal ay tumigil na nga sa kanilang harapan ang isang Mercedes-Maybach Exelero. Nagmamadaling lumapit naman doon ang mga security guard at agarang pinagbuksan ng pintuan ang boss nilang si Ismael. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila slow motion na bumababa mula sa sasakyan na iyon si Ismael bago pinasadahan ng tingin ang kanyang bawat empleyado. Doon ay nagsimula na magsiyukuan ang lahat para batiin ang kanilang boss. "Good morning, Sir Alcazar," sabay sabay na pagbati nila sa kanya. Nang mag-angat muli sila ng tingin ay inaasahan nila na isang tipid na tango lang muli ang isasagot ni Ismael bilang pagbati. Iyon kasi ang madalas na gawin ng binatang billionaire pagkatapos ng kanilang pagbati sa kanya. Ngunit sa pagkakataon na ito ay iba ang nangyari... "Good morning everyone," pabalik na pagbati ni Ismael sa kanilang lahat habang may nakapaskil na malawak na ngiti sa kanyang labi. "Kyaaaaah!" Agarang tilian ng mga babaeng empleyado at may ilan pang napatakip ng kanilang mga mata. Umakto sila na para bang nasilaw sa ngiting ibinigay ng kanilang gwapong boss. May ilan ilan pa nga sa kanila ang napigil ng ilang segundo sa paghinga at halos himatayin pa sa kanilang kinatatayuan. "Oh my God! Oh my God!" "Ngayon ko lang naramdaman na maswerte ako mabuhay sa mundong ito." "Mukhang mas gaganahan ako ngayong araw na magtrabaho!" "Sayang! Sana napicturan ko man lang at nai-frame! Ilalagay ko ito sa harapan ng cubicle ko para araw araw ako swertihin!" "Tataya ako mamaya sa lotto... Baka sakali maka-jackpot ako!" Hindi na lang pinansin ni Ismael ang mga sinasabi na iyon ng kanyang mga empleyado at sa halip ay nagpatuloy na siya sa pagpasok sa loob ng kanyang kompanya. At katulad ng kanyang inaasahan ay sinalubong siya sa entrance pa lang ni Cathy. Bahagya napatigil pa sa paglalakad niya si Ismael at pasimple na pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kanyang sekretarya. Nakasuot ito ngayon ng isang polo blouse na kulay blue, pencil skirt na dark gray at maayos na maayos na nakapusod ang kanyang buhok sa likuran. Propesyunal na propesyunal ang dating niya na siyang malimit niya nakikita sa dalaga. Ibang iba ito sa Miss Cathy na nakasama niya sa mall kahapon. Para ngang magkaiba itong tao kung hindi lang iisa ang kanilang mukha. Hindi naman binigyan ng masamang kahulugan ni Cathy ang pangingilatis na ginawa ng boss niya sa kabuuan niya. Sa totoo lang ay gusto niyang makalimutan ang anumang naganap na kakahiyan sa kanya kahapon. Nangako rin siya sa kanyang sarili na hinding hindi na mauulit iyon. Muling ibabalik niya ang nasirang imahe niya sa mata ng kanyang boss. "Good morning, Sir Ismael," kalmado at magalang na pagbati ni Cathy kay Ismael at bahagyang yumuko pa sa harapan ng binata. Ilang sandali na tinitigan muna sa mukha ni Ismael ang kanyang sekretarya. Nang mag-sawa ang binata ay muling nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad habang tahimik na sumunod sa kanyang likuran si Cathy. Parehong walang imik ang dalawa nang sumakay sila sa loob ng private elevator. Tila ba nakikipag-pakiramdaman sila sa kilos ng bawat isa. Samantala, habol habol naman sila ng tingin ng mga nakikiusyosong empleyado. Natigil lang iyon nang tuluyan na sumara ang sinakyan nilang elevator at mawala na sila sa kanilang paningin. "Waaah! Something fishy..." "Nakita niyo ba ang tingin ni Sir Ismael kay Miss Cathy kanina? Malagkit eh!" "Oo nga eh. May iba ngayon sa pagitan ng dalawa." "Amoy namumuong pag-ibig!" "Kainggit! Ang haba ng hair ni Miss Cathy! Akalain mo na si Ismael Alcazar ang nabingwit niya." "Bagay na bagay talaga sila 'no?" "Mukhang ito na nga ang simula ng pag-iibigan nila. Four years ko rin inintay na mangyari ito!" "Waaah! Sa wakas magiging Mrs. Alcazar na si Miss Cathy!" "Total support ko kay Miss Cathy! Bagay na bagay talaga sila!" "Wala na ako napipisil na ibang makatuluyan ng ating boss kundi siya lang!" "Ako rin!" "Hindi na ako makapag-intay na maikasal silang dalawa!" *** Habang sikretong shini-ship sina Ismael at Cathy ng mga empleyado ng kompanya ay saktong nakarating silang dalawa sa floor kung nasaan ang kanilang mga opisina. Katulad ng dati nilang routine ay dumiretso sa loob ng office niya si Ismael habang nagtungo naman si Cathy sa pantry para ipagtimpla ito ng kanyang paboritong kape. Ngunit habang nag-aabang si Ismael sa pagpasok ni Cathy sa kanyang opisina ay siya naman na pagtunog ng kanyang phone. Agarang napangiwi pa siya nang malaman na ang ina na naman niya ang tumatawag. Nitong nakaraan, isa lang naman ang pakay ng kanyang ina sa pagtawag. Iyon ay para ipaalala sa kanya ng paulit ulit ang naka-set na blind date niya sa anak ng kaibigan nito. Hindi naman niya maaaring ignorahin ang tawag ng kanyang ina. Dahil ayaw niya na pasamain ang loob nito sa kanya. Kaya napalunok muna si Ismael ng ilang beses saka hinanda ang sarili bago sagutin ang tawag na iyon. "Hello nay," kungwari pa na busy na boses niya, "Bakit po kayo napatawag?" dagdag pagmamaang maangan pa niya. (Ismael!) masayang bungad naman ng kanyang ina nang marinig ang boses niya na sumagot sa tawag, (Tumawag ako para ipaalala sa iyo ang blind date mo sa susunod na araw! Huwag na huwag mong kakalimutan iyon ha! Tsaka nangako ka na sa akin na pupuntahan mo iyon!) "Nay naman, kailangan talaga tawagan niyo ko araw araw para lang ipaalala iyan," reklamo niya, "Nagbitaw na nga po ako ng pangako sa inyo na sisipot ako sa blind date na iyan." (Naniniguro lang ako! Dito kaya nakasalalay ang lovelife mo, anak,) desididong komento naman ng kanyang ina, (Malay mo ang babaeng makakatagpo mo roon ang nakatadhana sa iyo di ba? Ayoko sayangin mo ang pagkakataon na ito dahil lang sa excuse mong busy ka.) Napatapal na lang ng kamay si Ismael sa kanyang noo. Wala talaga siyang laban pagdating sa kanyang ina. Ang bawat salita kasi nito ay tila batas sa kanila ng kanyang ama. Iyon din siguro ang dahilan kaya hindi man lang niya naririnig ang opinyon ng kanyang ama tungkol sa pag-set ng blind date na ito ng kanyang ina. Mabuti na nga lang ay hindi pa naiisipan ng kanyang ina na humila ng babae kung saan. Pagkatapos ay iuutos na lang nito sa kanya na pakasalan ang babaeng iyon. Ngunit alam niya malapit na siguro mangyari ang kinatatakutan niyang iyon. Masyado na kasi pursigido ang kanyang ina na magpakasal siya. (Anak? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?) rinig niyang nagagalit na sigaw ng ina niya mula sa kabilang linya. "Sorry nay... May ginawa lang ako," pagsisinungaling pa niya, "Ano nga po ang sinasabi niyo?" (Ang sabi ko ay huwag na huwag kang male-late ha! Kung maaari pa nga ay magdala ka ng bulaklak para ibigay sa kanya! Napakahalaga ng first impression, anak,) pagbibilin pa sa kanya ng ina sa dapat niyang gawin, (Pagbutihan mo para makuha ang loob ng dalagang iyon!) "Nay naman, simpleng meet up pa lang ito. Huwag kayo masyadong umasa na magtatagumpay ang plano niyong ito," pagrereklamo niya. (Basta malakas ang pakiramdam ko ngayon. Mukhang gumagana ang mother instinct ko. Sinasabi nito na ito na talaga! Na nahahanap mo na ngayon ang babae na para sa iyo,) hindi pa rin nagpapatalong sambit ng kanyang ina. Biglang napaangat ng tingin si Ismael nang bumukas ang pinto at pumasok si Cathy sa kanyang opisina. Dala dala ng kanyang sekretarya ang paborito niyang kape. Doon ay nakaramdam siya ng uhaw at hindi makapaghintay pa na mainom ito. Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya mahilig noon sa kape pero nang matikman niya nang unang beses ang timpla ng kanyang sekretarya at napag-alaman niya na masarap din pala inumin ito. At sa loob ng apat na taon na pagtratrabaho sa kanya ni Cathy ay ito ang naging paborito niyang inumin tuwing umaga. "Sige na, nay. May trabaho pa akong gagawin," pagtatapos niya ng usapan nila ng kanyang ina at bago pa ito makahirit muli ay pinatay na niya ang tawag. Nang tuluyang matapos ang tawag ay nanlulumo na napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. Hindi na talaga alam niya ang gagawin para tigilan siya ng ina na magpakasal. Tsaka mukhang sa pagkakataon na ito ay wala siyang magagawa kundi puntahan ang blind date na sinet ng kanyang ina. Hindi rin kasi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto nito. "Tch!" asar na bulalas pa niya. Natigil lang siya sa malalim na pag-iisip nang ilapag na ni Cathy ang kapeng dala sa harapan niya. Doon ay dahan dahan na napatingala siya at napatitig sa mukha ng kanyang sekretarya. Sa hindi malaman na dahilan ay biglang naisip niya na kung may babae man siya gustong pakasalan ay dapat katulad ito ni Cathy. Dahil na rin sa pareho sila ng paniniwala sa buhay. Na hindi mahalaga sa buhay ang pag-ibig kundi ang pagkita lamang ng pera. Tsaka magiging malaya pa rin siya gawin ang gusto niya dahil si Cathy ang tipo ng tao na clingy sa kanyang kasintahan. Malakas na napatikhim naman si Cathy dahil sa ginagawang pagtitig na iyon ni Ismael sa kanya. Kulang na lang kasi ay tumagos sa kanyang kaluluwa ang tingin na binibigay ng kanyang boss. "Excuse me, Sir. Did I do something that offend you?" pagtatanong pa niya sa rason ng pagtitig na iyon. Natatakot siya na baka tungkol iyon sa pagkikita nila sa mall kahapon. Na na-disappoint ito na malaman na hindi siya perpektong sekretarya katulad ng inaakala niya. Agaran naman iniwas ni Ismael ang kanyang tingin kay Cathy. "Miss Cathy, single ka pa rin di ba?" lakas loob na tanong pa niya sa kanyang sekretarya saka kinuha ang kape na nasa harapan niya at sinimulan na sipsipin ito. Napakunot naman ng noo si Cathy nang ungkatin iyon ng kanyang boss. Masyado kasi personal ang tanong na iyon para itanong sa kanya sa oras ng kanyang trabaho. Inayos muna ni Cathy ang tindig niya at seryosong tinignan ang kanyang boss. Gusto man niyang hindi sagutin ang katanungan na iyon pero mismo ang boss niya ang kaharap niya. Sa tingin niya rin ay ito ang kanina pa na pinoproblema ng boss niya. Bilang kanyang sekretarya, aware naman din siya na patuloy ang pangungulit ng ina nito para magpakasal ang binatang billionaire. Marahil tinanong rin sa kanya ng kanyang boss para hingin ang opinyon niya dahil kung titignan ay nasa pareho sila ng kinalalagyan na sitwasyon. "Yes sir," propesyunal na sagot na lang ni Cathy kahit sa loob loob niya ay ayaw niya na mapag-usapan pa ang tungkol doon. Dahan dahan na napatango ng ulo si Ismael pagkatapos marinig ang sagot ni Cathy. "Pero may balak ka ba na magpakasal?" pagtatanong muli ni Ismael sa kanya. Mariing napakagat ng kanyang labi si Cathy. Ayaw niya talaga pag-usapan ang paksa ng pagpapakasal. Isang sensitive topic ito para sa kanya. Kasi kapag ang babae ang umabot sa ganitong edad na single, ang tingin ng karamihan ay iyon ay dahil hindi siya mabenta sa lalaki o kaakit akit man lang. Hindi katulad ng lalaki na kapag tumanda na single, ang iisipin lang ay masyado sila nagpapakasarap na magbuhay binata. "U-Uh... Well sir... Paano po ako magpapakasal kung wala naman po ako nobyo?" tanging naidahilan na lang niya para tigilan ang pagtatanong na iyon tungkol sa kasal. "Oh... Right..." tila natauhang sambit ni Ismael, "Pero kung iisipin ko ang isinagot mo... May posibilidad pa rin na magpakasal ka." Napipilitan na tumango na lang si Cathy sa hinuha na iyon ng kanyang boss. Hindi naman talaga niya inaalis ang option na iyon. Sa katunayan nga ay iyon lang ang tanging paraan para tigilan siya sa pangungulit ng kanyang mga magulang. Pero magpapakasal lamang siya sa taong handa na tanggapin ang buhay na nakasanayan niya. Na kayang tanggapin na iba ang priority niya sa buhay. "I see..." napapaisip na komento muli ni Ismael pagkatapos ay ibinababa niya ang wala ng laman na tasa. "Do you need anything else, sir?" magalang na tanong muli ni Cathy saka kinuha ang tasang iyon. "Wala na," umiiling na sambit ni Ismael, "You can go back to your table. I'll just call you when I need something." Medyo nakahinga ng maluwag si Cathy nang marinig iyon. Doon ay bahagyang yumuko siya sa harapan ni Ismael bago tumalikod at lumabas sa opisina na iyon. Nagtungo muna siya sa pantry para hugasan ang pinag-inuman ng kape ng kanyang boss. Nang matapos ay bumalik siya sa kanyang table at sinubsob muli ang sarili sa mga nakabinbin na trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD