Nagkagulo ang mga empleyado ng Alcazar Corporation nang mabasa ang pangunahing balita ngayong araw tungkol sa kompanya nila. Nakasaad kasi roon ang tungkol sa hindi natuloy na pirmahan ng boss nila kay Mr. Valdez. Hindi biro ito dahil 300 million worth business project ang mawawala sa kompanya kung nagkataon. Kaya hindi na nakakapagtaka na sinasamantala ito ng ilang kalaban nilang kompanya at naging puspusan ng mga ito na masulot ang business deal na iyon mula sa boss nilang si Ismael. Pagkatapos ay dumagdag pa sa problema nila ang napakaraming mga media na nasa harapan ngayon ng kompanya para lang hingan ng statement or interview si Ismael tungkol sa nangyari na iyon. "W-Wala pa rin ba si Miss Cathy?" kinakabahan na tanong ni Mr. Cuangco na siyang isa sa branch manager ng kanilang komp