Kinabukasan... Labis ang pagmamadali ko na makaligo at makapagbihis dahil sa hindi sinasadya na na-late ako ng gising. Halos hindi kasi ako nakatulog kagabi at nang matagumpay na makatulog naman ako ay anong oras naman ako nagising. Iyon ay dahil sa labis na pag-iisip ko sa naging resulta ng paghaharap ni Sir Ismael at ng magulang ko. Sino naman kasi ang matiwasay na makakatulog kung nais nilang lahat na magluwal ako ng limang anak? Sana ganoon lang kadali magdala at manganak di ba? Hindi man lang din ay hiningi nila ang opinyon ko tungkol sa bagay na ito. Pakiramdam ko tuloy isa lang ako alagang hayop na siyang gagawing papaanakan lang para i-breeding. "Limang anak talaga? Hindi kaya malosyang naman ako 'nun?" pabulong na pag-angal ko pa. Pero ngayon ay tuluyan na nga nakumbinsi ni