LOVE 7

2306 Words
Ilang oras na rin lumipas nang dumating si Ismael sa kanyang opisina. Pero magmula kanina ay puro malakas at mabilis na pagtipa lamang sa keyboard ang kanyang naririnig mula sa table ni Cathy. Halatang naka-pokus ang buong atensyon ng kanyang sekretarya sa mga tambak nilang trabaho dahil na rin sa masyadong naging malimit ang paglabas nila sa opisina para umattend ng mga business meeting. Kaya hindi na nakakapagtaka na marami rami ngayon ang naipong papeles na dapat pirmahan at bigyan ng approval ni Ismael. Dahil naman sa pinapakitang kasipagan ni Cathy sa oras na ito ay tila naging pursigido na rin si Ismael na matapos ang karamihan sa mga nakabinbin na papeles sa kanyang table. Mas inuna niya sa mga ito na basahin ang mga month end report na ipinasa sa kanya ng mga department head. Mabuti na lamang wala siya nakitang problema sa mga isinumite na mga report ng mga ito. Aaminin niya na hindi maiiwasan na magkaroon ng discrepancy sa mga report nila lalo na ang mga report na nagmula sa logistics, audit at accounting. Gayun pa man ay sinigurado niya na hindi masyado malaki ang agwat ng discrepancy ng report nila mula sa mga isunumiteng nakaraang report sa mga nakalipas na buwan. "Hmmm... Mukhang hindi ko na siguro kailangan usisain pa sila tungkol dito," tanging naikomento na lang ni Ismael saka sinimulan na pinirmahan isa isa ang mga report na iyon para mai-compile at magamit na basehan sa susunod na buwan. Sumunod na tinignan naman niya ang mga report na ipinasa ng mga manager sa kanyang sampung main branches. Agarang napakunot siya ng noo nang makita na nagkaroon ng kaunting problema sa sales nila. Mas mababa kasi ito ng 1/3 sa overall total sales nila mula sa nakaraang mga buwan. Hindi niya alam kung epekto ba ito sa paglabas ng mga bagong katulad na business nila. Pero imposible naman na ganoon kalaki ng ilulugi niya nang dahil lang sa may bagong mga business na sumusubok na kalabanin siya. Lalo na kilalang kilala ang pangalan niya sa larangan na ito. "Hmmm... Mukhang napapanahon na naman para magsagawa muli ako ng surprise visit sa mga branch," pagpla-plano pa niya sa gagawin at tinapik tapik ang daliri sa ibabaw ng mesa. Madalas niyang ginagawa iyon para tignan kung may problema ba sa lokasyon ng itinayong branch o baka may problema sa mga empleyado niya na naroroon kaya humihina ang sales ng kanyang business. Minsan kasi ay hindi naiiwasan na nagiging tamad ang mga empleyado sa pag-aakala na hindi sila mino-monitor ng mother company na malayong malayo sa lugar ng kanilang branch. Kaya para masolusyunan ito ay naisip ni Ismael na magsagawa siya ng suprise visit sa mga branch o kaya naman nagpapanggap siya na isa sa mga customer nila para alamin din kung problema ba ang customer service nila. "Sasabihin ko kay Miss Cathy na mag-set ng aking schedule para sa pagpunta sa bawat branch..." pagplano pa niya ng gagawin, "Kailangan din manatiling lihim sa lahat ang pagdalaw ko sa mga branch hanggang maaari. Mas hindi nila inaasahan ay mas maganda ang kalalabasan ng aking pagpunta." Kumuha siya muna ng sticky note ay isinulat doon ang binabalak na gawin bago nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Pagkatapos na matignan ang mga report ng iba pang mga branch manager ay napunta naman siya sa pagsisiyasat ng mga business proposal ng mga kompanya na nagnanais na magkaroon ng business partnership sa kanya. Ngunit pagkalipas ng ilang minuto na pagbabasa ng mga ito ay biglang napatapal siya ng kamay sa kanya noo. Hindi niya akalain na puro walang katuturan ang mga business proposal na inaalok ng mga ito sa kanya. Halatang nagnanais lang ang mga ito na makagawa ng koneksyon sa kanilang kompanya para maipakilala ang mga anak nilang dalaga sa kanya. "Tch! Talaga bang marurunong ang gumawa ng business proposal ang mga ito?" asar niyang sambit sa mga nabasang iyon, "Inuubos lang nila ang oras ko sa pagbabasa ng mga basurang ito." Sa labis na inis pa niya ay diniretso niya ang mga business proposal na iyon sa loob ng basurahan na nasa tabi ng kanyang table. Tanging iniwan niya lang ay ang dalawang matinong business proposal na nabasa niya. Ipapatawag niya na lang siguro kay Cathy ang mga ito. Sa ganoon ay maiisingit sa kanyang schedule ang appointment para kausapin ang may-ari ng napiling proposal na iyon. Pagkatapos muling nagpatuloy si Ismael sa kanyang ginagawang trabaho. Nang matapos niya ang halos kalahating nakatambak na papeles sa kanyang mesa ay napaunat siya ng kamay. Bahagyang nakaramdam kasi siya ng pangangawit sa bandang likuran at batok niya. Alam niya na hindi na ito maiiwasan dahil aaminin niya na hindi na rin naman siya bumabata pa. Saktong hinihilot niya ang nangangalay na balikat nang kumatok si Cathy sa pintuan ng opisina niya. "Come in," agarang pagpapasok naman niya sa kanyang sekretarya. Sa kanyang pahintulot ay pumasok si Cathy dala ang panibagong tambak ng papeles na kailangan din ng kanyang approval. Tinuro naman ni Ismael ang nabakanteng parte ng kanyang table. Kaya ang natapos niyang kalahati sa mga papeles kanina ay tila napalitan din agad. "Urgent na ba ang mga ito?" nakangiwing tanong niya kay Cathy habang patuloy na hinihilot ang kanyang nangangawit na balikat. "Hindi pa naman po, Sir," sagot naman agad ni Cathy pero nakapokus ang tingin niya sa ginagawang paghilot ni Ismael ng balikat, "Mga two weeks pa naman po ang deadline nito. Ang mga urgent naman po ay nasa pinakaharapan po ng table niyo. Inayos ko na po ang lahat ng mga iyan base sa pagkakasunod sunod." Muling inikot ni Ismael ang kanyang balikat para maibsan bahagya ang kanyang pangangalay. "Oh... thank you... Miss Cathy..." pasasalamat niya sa pag-sort na ng kanyang sekretarya ng mga papeles na iyon. Ngayon less hassle na ang pagpirma niya dahil mauuna niyang tignan ang talagang mga urgent doon. Lalo na medyo nanakit ang balikat niya sa dami ng mga papeles na nasa harapan niya. Akmang aalis na si Cathy nang may maalala si Ismael. "Wait lang pala, Miss Cathy. Kailangan ko nga pala na magsagawa muli ng suprise visit sa mga branch," pag-alala niya sa problema ng mga branch ng kanyang kompanya, "Magagawa mo ba na maisingit ang mga iyon sa schedule ko next month?" Ngumiti naman si Cathy sa kanya. "Sir, sa totoo lang po ay nai-reserve ko na po ang mga ilang araw sa schedule niyo para rito. Inaantay ko na lang po ang confirmation niyo," agarang sagot ni Cathy sa kanya. Proud na napangiti si Ismael sa pagiging efficient ni Cathy sa ganitong trabaho. Alam na alam niya ang kanyang gagawin bago pa man makagawa siya ng kanyang desisyon. "I see... Paki-print out na lang ng date kung kailan mo nai-schedule ang bawat branch... Titignan ko kung may ipapalipat ako rito sa ibang araw," pag-utos muli ni Ismael kay Cathy. "Noted po, sir," magalang na pagsunod naman ni Cathy sa utos na iyon ni Ismael. Pagkatapos ay inabot ni Ismael ang dalawang business proposal na in-accept niya kani-kanina lang. "Ito naman ay ang mga bagong business proposal ang nakitaan ko ng magandang opportunity for investment. Please contact them and make an appointment immediately," muling pagbibigay utos ni Ismael kay Cathy. Agarang kinuha naman ni Cathy ang mga approved business proposal na iyon para dalhin pabalik sa kanyang table. "Okay po, sir," magalang na sagot niya muli rito, "I'll contact them as soon as possible." Habang nagte-take note si Cathy ng mga utos niya ay napaisip naman si Ismael kung may iba pa nga ba siyang iuutos sa kanyang sekretarya. Ngunit biglang naalala niya na bukas na nga pala ang blind date na sinet ng ina niya sa anak ng kanyang kaibigan. Ang problema ay nakalimutan niya na sabihan kahapon si Cathy para i-vacant ang oras niya bukas ng gabi. Malamang nalagyan na ito ngayon ng iba pa niyang appointment. Mukhang sa unang pagkakataon ay masisira niya ang perpektong schedule na hinanda ngayon ng kanyang sekretarya. "Uhmmm Miss Cathy, what is my schedule for tomorrow?" biglang seryosong pagtatanong ni Ismael kay Cathy at hindi malaman kung paano niya sasabihin sa sekretarya na i-cancel ang ibang appointment niya. Medyo nagtaka naman si Cathy sa pagtatanong na iyon ng kanyang boss. Kakatanghali pa lang kasi pero ang schedule na niya bukas ang iniisip ng kanyang boss. Agarang kinuha naman ni Cathy ang tablet na dala dala niya kahit saanman siya magpunta. Tsaka sinimulan niyang basahin ang bawat nakalagay na schedule ng boss niya bukas. "At 8 am, you have a follow up meeting with Mr. Tan about the revisions of our business contract. At 10 am, you have to attend Mr. Lim's daughter wedding. At 12 nn, you have a lunch meeting with Mr. Sy about their new business proposal. At 3 pm, you have a special interview with Yes World Magazine. At 5pm, you have a TV show to attend at GBC GBN station. And at 7 pm, you have a pictorial for Pinoy Monthly Magazine," pag-iisa isa ni Cathy sa mga nakalistang schedule ni Ismael para bukas. Medyo inaasahan ni Cathy na aangal muli si Ismael dahil masyadong maluwag ang schedule na iyon at maaaring may idagdag pa siya na mga tatlong appointment doon. Kaya bago pa iyon mangyari ay inunahan na niya si Ismael na magsalita. "Sir, the truth is this is not yet finalize since I am waiting for Mr. Valdez response about his confirmation in the appointment with you," agarang pagrarason naman ni Cathy sa takot na mapagalitan siya ng kanyang boss, "Sir, I will give you again an update after I confirm his appointment," nakayukong dagdag pa ni Cathy. Agarang iniling ni Ismael ang kanyang ulo para pigilan ang sekretarya niya na dagdagan pa ang schedule niya bukas. "Wait, wait, wait Miss Cathy. I am asking you about my schedule because I need you to cancel all my appointments after 4 pm," pagpigil ni Ismael na dagdagan pa ni Cathy ang schedule niya bukas. Nang marinig iyon ni Cathy ay agarang napaangat siya ng tingin mula sa kanyang hawak na tablet para tignan ang ekspresyon si Ismael. Sa apat na taon na pagtra-trabaho niya sa kompanya ay ito ang unang beses na magka-cancel si Ismael ng kanyang appointment. "S-Sir? Please c-come again?" nalilitong pagpapaulit ni Cathy sa pag-aakala na nagkamali siya ng pagkarinig. "I know this is hard to believe but please cancel all my appointment tomorrow after 4 pm," napipilitang pag-ulit ni Ismael, "I have a personal business to attend by that time." Pinagmasdan muna ni Cathy ang mukha ni Ismael. Inaalam niya kung ano kaya ang posibleng dahilan para i-cancel ngayon ng boss niya ang mga appointment na iyon. Hanggang sa maalala niya na nakita niya na hinihilot ni Ismael kanina ang sariling balikat. Ito ang unang beses na makita niya na ganito ito. "A-Are you sick, sir? Is that the reason why your shoulder hurt earlier?" medyo concern na tanong ni Cathy, "Do you want me to set you up an appointment at the hospital?" Parte ng trabaho niya na tignan ang kalagayan ng boss niya sa lahat ng oras. Pakiramdam niya tuloy ay kasalanan niya kaya nagkasakit ito ngayon. Naging sunud sunod kasi ang pagtanggap niya ng mga appointment para hindi na ito makapagpahinga man lang sa loob ng kanyang opisina. "No, I am not sick!" agarang pagkontra ni Ismael dahil sa hinala na iyon ni Cathy, "May importanteng pupuntahan lang talaga ako bukas na hindi ko pwede ipagpaliban anuman ang mangyari." Hindi pa rin maiwasan ni Cathy na mag-suspetya sa rason ng boss niyang iyon. Dati naman kasi kahit lunch sa mga magulang niya at inuman kasama ang mga kaibigan niya ay pinapaalam ito ng kanyang boss sa kanya. Sa ganoon ay patuloy na ma-momonitor niya kung nasaan ito nagpupunta. Ngunit ngayon ay walang ma-inform ang boss niya kung saan siya magtutungo para ipa-cancel biglaan ang mga appointment niya. Aaminin niya medyo sumama ang loob niya dahil nagsisimula na maglihim ngayon ang boss niya sa kanya. Akala pa ni Cathy ay dahil ito sa nasirang imahe niya nang magkita silang dalawa sa mall. "S-Sir, may I know where are you going tomorrow? Just in case someone come into your office and looking for you," pasikretong pagsisiyasat ni Cathy sa pag-asa na sasabihin na ng boss niya ang dahilan. Nahihiyang napaiwas naman ng tingin si Ismael. "Just tell them I got a cold and I was in my house resting," pag-utos ni Ismael kay Cathy ng isang kasinungalingan kung sakali man may maghanap sa kanya bukas ng hapon. Ngunit hindi iyon inaasahan ni Cathy. Akala niya ay mapipilit niya ito na sabihin ang dahilan. "O-Okay po, sir," pagsuko na lang ni Cathy sa ginagawang pag-uusisa sa kanyang boss. Naisip niya na mali ang ginagawa niya na panghihimasok sa personal na buhay ng kanyang boss. Hindi naman siya girlfriend ng boss niya para patuloy na kulitin ito at alamin kung saan ito pupunta bukas ng gabi. Marahil totoong isang personal business ito na hindi niya maaaring malaman. "By the way, Miss Cathy. Can you order me a bouquet of flowers tomorrow? I don’t know much about flowers but I badly need it tomorrow. So can you please just take care of it?" paghingi ng tulong ni Ismael sa kanyang sekretarya. Napipilitan naman na tumango si Cathy upang gawin ang utos na iyon ni Ismael sa kanya. "All right, sir. I'll take care of the flowers," masunuring sagot niya. "Thank you very much, Miss Cathy," pagpapasalamat pa ni Ismael sa kanyang tulong, "You will save me from this hassle." Pilit na ngumiti na lang si Cathy. "Do you need anything else, Sir?" magalang na tanong niyang muli sa kanyang boss. "None. You can now return to your table," sambit ng boss niya saka nagpatuloy muli sa kanyang trabaho. Dahil doon ay tumalikod na si Cathy at masama ang loob na lumabas sa opisina ni Ismael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD